Chapter 25 Adelia Pinatulog ko ang mga bata pagkatapos ko silang linisan. Pinagpag ko rin ang kama at nag-vacuum pa ako ng . Sobra kasing selan ng ama nila. Nang matulog na ang mga bata tinawagan ko naman si Eunice. Mag-alas-otso na ng gabi, subalit hindi naman ako nakakaramdam ng gutom. "Hello, bakla? Kumusta ka na riyan?" tanong sa akin ni Eunice. "Gaga, ka talaga bakla bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na si Nathan, pala ang magiging amo ko? Ayan tuloy kinikilig ang kipay ko," natatawa kong sabi kay Eunice. "Sira ulo ka talagang babae ka. Hoy, bakla mag-seryoso ka, ha? Ayusin mo ang pagbabantay sa mga anak ni Nathan. Pasensya ka na kung hindi ko sinabi sa'yo dahil gusto kong surpresahin ka," sabi naman sa akin ng baliw kong kaibigan. "Love na love na talaga kita, bakla.