Episode 26

2107 Words

Chapter 26 Adelia Isang linggo na akong nagtatrabaho bilang yaya ng mga anak ni Nathan. Kahit paano saglit kong nakakalimutan ang kambal na ipinanganak ko. Naka-focus na kasi ang atensyon ko sa kambal na inaalagaan ko. Kasalukuyan ko silang pinapaarawan. Kasama ko si Manang Menda. Binubuhat ko si Amera, habang si Amero, naman ay binubuhat ni Manang. Yinatapat namin ang likod nila sa araw. "Ilan kayong magkakapatid, Adelia?" tanong sa akin ni Manang Menda. "Solong anak lang po ako, Manang. Maliit pa lang ako noong namatay ang mga magulang ko. Ang tiyuhin ko ang nagkupkop sa akin at nagpalaki, pero sa Cordoba siya ngayon," pahayag ko kay Manang Menda. Parang pinagmamasdan ako ni Manang Menda. Kanina ko pa napapansin na tinitingnan niya ako, tapos titingin din siya kay baby Amera.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD