Chapter 24 Adelia Bahagya akong napasimangot at napaismid dahil nag-asawa na pala sila ng girlfriend niya. Pero grabe ang kabog ng dibdib ko. Sino ba naman ang mag-aakala na ang ultimate crush mo ay siya pa la ang ama ng batang babantayan mo? "So, ikaw pala ang inirekomendang yaya ng mga anak ko ni Alexander? Are you sure na marunong ka talagang magbantay ng mga bata?" seryoso nitong tanong sa akin. Sari-saring emosyon na ang naramdaman ko. Parang nagkarambol-rambol na ang nararamdaman ng aking dibdib. Baliw talaga itong si Eunice. Hindi man lang niya sinabi sa akin na anak pala ni Nathan, ang aalagaan ko? Kung alam ko lang sana eh 'di, umatras sana ako. Baka lalo lang ako mahulog sa lalaking ito? "Marunong po akong mag-alaga ng mga bata, Sir. Sa katunayan nga katatapos lang nila d