Chapter 5
ADELIA
Sa kubo kami natulog kinagabihan ni Eunice, malapit lang din sa bahay nila Tiyoy Pedro at Tiyay Joy ang kubo. Pagkatapos namin kumain ng hapunan pumwesto na kaagad kami rito sa kubo nila Tiyoy at Tiyay.
''Adelia, hindi ka ba nagsisi na ibinigay mo ang sarili mo sa hindi mo naman kilala?" seryosong tanong sa akin ni Eunice, habang nakahiga kami.
Nakapikit ang mga mata ko. Sariwa pa rin sa isipan ko ang kaganapan namin nang magiging ama ng aking anak.
Hanggang ngayon pakiramdam ko nakabaon pa rin ang malaki niyang turutot sa aking jingle bell. Medyo mahapdi pa rin kasi.
"Saka ko na iyon isipin, Eunice. Mahalaga sa akin ngayon makalabas si Tito sa kulungan. Saka marami naman ang nagiging surrogate mother, hindi ba?" wika ko kay Eunice.
"Pero kahit na. Anak mo pa rin ang dadalhin mo. Parang nakakalungkot sa bata na binenta mo siya sa kaniyang ama.'
Napabuntong hininga na lang ako ng malalim sa sinabi na iyon ni Eunice. "Hindi naman siguro, kasi hindi ko pa siya isisilang babayaran na ako ng ama niya."
Siya naman itong napabuntong hininga ng malalim sa sagot kong iyon sa kaniya.
"Ewan, ko sa'yo palagi ka na lang talagang may katwiran. Kapag lumabas ang baby ko hindi ko talaga kaya na mawalay siya sa akin," pahabol pa nitong sabi sa akin.
"Itulog na lang natin ang mga problema natin, Eunice. Malay natin paggising natin magkaroon ng milagro at maging maayos na ang mga buhay natin. Good night sa'yo," nakangiti kong wika sa kaniya.
"Good night din," tugon naman niya sa akin.
Mahimbing ang tulog ko ng gabing iyon, subalit para pa rin akong pagod na pagod.
Kinabukasan nagising ako na wala na sa tabi ko si Eunice.
Tinatamad akong bumangon parang gusto ko pa sana matulog ulit. Subalit pinilit ko na lang ang sarili ko na bumangon at tingnan kung saan pumunta ang buntis.
Umupo ako ng bangon at humikab. Gulong-gulo ang aking buhok. Tinupi ko muna ang kumot na ginamit namin ni Eunice, saka pinatong ko iyon sa itaas ng aking unan.
Parang pagod na pagod ang katawan ko na tumayo. Itinali ko na lang paitaas ang aking buhok. Wala na akong suklay suklay pa.
Lumabas ako ng kubo at iginala ko ang aking paningin sa paligid. Hindi ko nakita si Eunice, kaya pumunta ako sa bahay nila Tiyay. Baka kasi naroon siya?
Pagkalabas ko sa kubo ininat ko pa ang aking mga braso. Inaantok pa ako at nakakatamad bumalik sa Las Palmas.
Pagkatapos kong inatin ang aking katawan at mga braso tumuloy na ako sa bahay nila Tita Joy.
Nakita ko sina Eunice at Tita Joy, nakaupo sa harap ng lamesa. Nagkakape na yata ang dalawa.
Oh, Adely, magkape ka muna. Mukhang inaantok ka pa, para magising na ang diwa mo. Ito ang kape,'' alok sa akin ni Tiyay ng kape.
Umupo ako sa harap ng lamesa. Pinatung ko pa ang isa kong paa sa upuan, kaya nakapantay ang tuhod ko sa lamesa.
Kinuha ko ang lalagyan ng kape at naglagay ako sa aking tasa na binigay ni Tiyay sa akin.
"Haysss... Parang nakakatamad bumalik sa Las Palmas. Bukas na lang ako babalik. Tatawagan ko na lang ang nag-recruit sa akin ng trabaho na bukas na lang ako papasok," sabi ko sa dalawa habang hinahalo ko na ang kape at mainit na tubig sa tasa.
"Eh 'di, bukas ka na lang bumalik," sabi naman sa akin ni Eunice.
"Bukas na nga lang. Tinatamad talaga ako. Tatawagan ko na lang ang management," tugon ko kay Eunice at humigop na ako ng kape.
Parang napakatamlay ng katawan ko parang gusto ko na lang matulog ng buong araw.
"Masakit pa rin ba ang bilath mo?" bulong sa akin ni Eunice.
Napatingin ako sa kaniya, habang nakakunot ang aking noo. Sira ulo rin talaga ang kaibigan kong ito.
"Ikaw ba naman araruhin magdamag hindi sa sakit ang bilath mo?" pairap kong sabi sa kaniya ng mahina.
Baka kasi marinig kami ni Tiyay Joy.
Hinampas pa talaga ako ng baliw kung kaibigan sa braso, kaya napaaray na lang ako.
Napakibot ang labi ko at tumingin kay Eunice. Umurong pa ako malapit sa kanya, halos magkadikit na kaming dalawa.
"Friend, hindi kaya buntis na ako?" bulong na tanong ko kay Eunice.
"Tanga ka talaga kahit kailan. Isang araw pa lang nanawasak ang bilath mo, buntis ka na kaagad?" natatawang sabi sa akin ni Eunice.
"Malay mo, instant baby pala ang sperm ng gurang na iyon. Saka correction, dalawang gabi at dalawang araw pa lang na nawasak ang aking bi-"
"Ano 'yong narinig kong nawasak, Adelia?" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kay Eunice, nang magsalita si Tiyay Joy.
Nakikinig pala ito sa tsismisan namin Eunice.
Natawa na lang si Eunice, sa sinabi ko.
'Yong pantie ko po nawasak. Marupok na po kasi, Tiyay," nakangiwi kong sagot kay Tiyay Joy.
Tumaas ang dalawang kilay ni Tita Joy dahil sa sagot kong iyon sa kaniya.
"Eh, 'yong sa loob ng pantie mo?" tanong pa nito sa akin.
"Ay nako, wasak na wasak po," nataranta kong sagot sa kaniya.
Nanlaki ang mga mata ni Tiyay Joy, sa sagot ko.
"Ano, pinawasak mo na ang monay mo?" Sabay turo ni Tiyay sa harapan ko.
"Hindi po, Tiyay. Ang panty ko po, iyon po ang nawasak," nataranta kong sagot sa kaniya.
Natawa tuloy si Eunice sa pagkataranta ko.
"Kayo talaga mga kabataan, dapat magpapakasal muna kayo bago niyo ipawasak ang Monay ninyo. Tingnan niyo ako nagpakasal muna kami ng Tiyoy Pedro ninyo, bago niya ako winasak. Iyon nga lang hindi kami biniyayaan ng anak," pangaral sa amin ni Tiyay Joy.
Nauwi naman ang usapan namin kay Eunice at kung ano-ano na ang pinagsasabi ko kay Tiyay, tungkol sa asawa ni Eunice.
Sinumbong ko kay Tiyay, kung anong ginawa ng asawa ni Eunice, noong sinamahan ko si Eunice, sa hospital. Syempre para makaganti si Eunice, sa asawa niyang iyon, gumawa-gawa pa ako ng kung anong kwento para magalit sina Tiyay sa asawa ni Eunice.
'Yong iba totoo naman ang mga sinasabi ko, subalit ang iba may dagdag at bawas na iyon.
Kaya gigil na gigil naman ang matanda sa asawa ni Eunice.
Parang tumaas yata ang ni Tiyay sa mga pinagsasabi ko. Sinabi ko na binubugbog ni Alexander si Eunice at pinagdadamutan ng pagkain. Tapos sinabi ko rin kay Tita na sinampal ng kabit ni Alexander si Eunice. Subalit kabaliktaran iyon dahil si Eunice, ang sumampal sa kabit na iyon ng asawa niya.
Sinabi ko rin kay Tita, na pinagdadamutan si Eunice ng pagkain ng asawa niya. Itong Eunice, naman sinang-ayunan naman ang mga sinabi ko hindi man lang ako inawat. Minus 100 na ako sa langit dahil sa pagsisinungaling ko. Eh, kasi naman naiinis ako sa asawa ni Eunice. Buntis ang kaibigan ko tapos may babae pa siya!
"Kaya Tiyay, huwag mong sabihin kay Tita Mean, na nandito si Eunice. Lalong huwag mong sabihin sa kaniya na magkasama kami," wika ko kay Tiyay.
Madaldal din kasi si Tiyay, kaya baka mamaya isumbong niya kay Tita Mean na magkasama kami ni Eunice.
"Opo, Tiyay. Huwag mong sabihin kay Tita Mean, na nandito ako," pakiusap din ni Eunice kay Tiyay.
"Nako, nanggigigil ako riyan sa asawa mo, Eunice. Makita ko lang talaga ang Tatay ng anak mo lagot talaga siya sa akin," gigil na gigil pa na sabi ni Tiyay matapos niyang marinig ang mga sinabi ko.
"Kaya dito muna ako Tita pansamantala. Pasensya na po kayo ni Tiyoy," wika naman Eunice kay Tiyay.
"Walang problema na dumito ka, iha. Pero, maintindihan naman siguro ng Tita mo ang kalagayan mo," sabi pa ni Tiyay kay Eunice.
Inubos ko na ang aking kape. Isang oras ang lumipas kumain na rin kami ng almusal at pagkatapos namin kumain tinulungan namin ni Eunice, sina Tiyoy at Tiyay na magtanim ng palay.
Kahit buntis si Eunice, game pa rin ito sa pagtatanim ng palay.
"Huwag kang masyadong magkikilos diyan, ha? Baka mamaya mapa-anak ka ng wala sa oras," sabi ko kay Eunice.
"Okay, lang kami ng baby ko. Nag-e-enjoy na ako sa pagtatanim ng palay," nakangiti naman na sabi sa akin ni Eunice.
Unti-unti na sumasakit ang balakang ko sa kakayuko dahil sa pagtanim ng palay subalit enjoy naman kami sa pagtatanim.
"Nakaka-miss magtanim ng palay, no?" turan ko kay Eunice.
"Kaya nga, eh! High school pa lang tayo noong huli kong pagtatanim ng palay," sabi pa ni Eunice sa akin.
Natutuwa at natatawa kami napag-usapan ang mga nakaraan namin dito sa Cordova. Ang ganda ng kwentuhan namin ni Eunice, ng bigla na lang dumating si Tita Mean.
"Aha, nandito pala kayong dalawa!"
Bigla kaming tumuwid ng tayo ni Eunice, nang marinig ang matinis na boses ni Tita Mean.
Hindi namin inaasahan ang kanyang pagdating, kaya medyo nataranta na naman ako.
"Eunice, nandiyan ang Tita mo itago mo ako," nataranta kong sabi kay Eunice at nagtago ako sa likuran niya.
Paano kasi ang tindi ng matandang dalagang ito na tiyahin ni Eunice.
"Adelia, anong tinatago-tago mo riyan sa likod ni Eunice, ha? Umahon kayong dalawa riyan! Anong ginagawa niyo, ha?" sabay turo sa akin ni Tita, parang machine gun ang bunganga nito.
Napapakamot na lamang si Eunice ng kaniyang batok sa pagtatalak ni Tita.
"Lagot tayo nito sa Tita mo," nakanguso kung sabi kay Eunice.
Napatingin naman ang mag-asawa sa amin si Tiyoy at Tiyay. Dahan-dahan kaming umahon ni Eunice sa palayan. Puro putik pa ang mga paa namin at kamay.
"Nakapamaywang pa ang bruhildang Tita ni Eunice, sa pilapil habang hinihintay ang paglapit namin sa kaniya.
Tudo hawak naman ako sa braso ni Eunice, inalalayan ko lang din naman siya at baka madapa siya.
"Lagot talaga nito ang singit ko," nakangiwi kong bulong kay Eunice.
"Ano ka ba umayos ka," sabay siko pa nito sa akin.
Nang makalapit kami kay Tita Mean, hindi talaga ako nagkamali ng hinala. Kinurot niya ako sa singit.
"Aray, Tita masakit!" Nakangiwi kong protesta sa kaniya.
"Ang sabi mo hindi mo alam kung saan itong kaibigan mo? Iyon pala nandito lang kayong dalawa? Ano ba ‘yong sabihin niyo sa akin na gusto niyo magtago doon sa mangingiyot na ‘yon?’’ sabi ni Tita at binitiwan niya ang singit ko.
Pakamot-kamot na lang ako sa aking singit, subalit nakunot ang noo ko sa tawag niya sa asawa ni Eunice.
Napaubo tuloy si Eunice, na wala sa oras. Sermon ang inabot naming dalawa ni Eunice kay Tita Mean.
Tahimik lang ako habang sinisermonan ni Tita Mean si Eunice.
Nagtungo kami sa tabi ng kubo. Naupo ako sa upuan. Matagal matanggal ang sakit na kinurot ni Tita sa singit ko.
Lumapit naman si Tiyoy at Tiyay sa amin. Ang haba-haba ng sermon ni Tita Mean kay Eunice.
“Nako, Meann! Saan na ang lalaking iyon at mahampas ko man lang siya ng dos pordos sa likod! Aba tarantado ‘yon pinapaiyak itong si Eunice!’’
Nagkatinginan kami ni eunice sa sinabing iyon ni Tiyay Joy kay Tita Mean.
“Alam mo ba na binugbog pala ng lalaking iyon ang pamangkin mo? At ito pa, may kabit!’’ dugtong nitong sabi sa akin.
Tumingin si Tita kay Eunice at kinumpirma nito kung totoo ang sinasabi ni Tiyay na binubugbog siya ni Alexander.
“Totoo bang binugbog ka ng asawa mo?’’ tanong ni Tita kay Eunice.
Napakagat labi na lang ako sa tanong na iyon ni Tita sa pamangkin niya.
“Nako, Meann. Ang sabi ni Adely, sinampal-sampal at sinabunutan pa raw ng kabit ng asawa nito si Eunice!” dugtong pang sabi ni Tiyay.
Bumaling naman ng tingin sa akin si Tita Mean.
“Adely, totoo ba?’’ Pakiramdam ko may mga dagang naghahabulan sa aking dibdib sa tanong na iyon ni Tita. Paano hindi ako kabahan, eh pinandilatan ba naman niya ako ng kaniyang malaking mata?
“Opo, Tita! Nakita ko po!’’ pagsisinungaling ko at napapangiwi na lang ako na tumingin kay Eunice.
“At pumayag ka naman Eunice, na sampalin ka ng kabit ng asawa mo? Nanggigil ako!” panggigil na tanong ni Tita sa pamangkin niya.
“Hindi naman po sa ganoon, Tita. Ako po ‘yong sumampal doon at naitulak ko pa siya. Muntik na nga po siyang nakunan,’’ nakayukung sagot ni Eunice kay Tita Mean.
Naghanap ako ng paraan para makatakas kay Tita Mean. Baka kasi malaman niya na nagsisinungaling ako at makurot na naman niya ako sa aking singit.
“Ehem! Tatae lang muna ako,’’ pagdadahilan ko sa kanila.
“Maupo ka riyan, Adelia, kung ayaw mo matanggal ang tinggil mo!’’
Bigla na lang ako napahawak sa moning ko. Noong nakaraan nga lang ito nakatikim ng langit tapos tatanggalin niya pa 'yong tinggil ko?
“Sabi mo Adelia, sinampal-sampal ng kabit si Eunice?" tanong naman ni Tiyay sa akin.
"Baka baliktad lang ang pandinig niyo Tiyay. Pero, totoo na inambahan si Eunice ng asawa niya na sampalin dahil sinabunutan at itinulak niya nga ang babae. Nakakatakot nga magalit iyong asawa ni Eunice, kasi parang gusto niya durugin si Eunice. Mabuti nga hindi umuwi roon si Eunice dahil baka mamaya sakalin pa siya ng asawa niya," sabi ko pa sa kanila.
"Ikaw, puro ka kalokohan! Ang sabi mo kahapon hindi mo kasama si Eunice! Puro kayo kalokohan! Konsentidora ka rin klaseng kaibigan!" sermon ni Tita sa akin. Napapangiwi na lang ako sa panenermon ni Tita sa akin.
"Sorry, Tita. Sinusunod ko lang naman kung alin ang bilin ni Eunice," nakasimangot kong sabi kay Tita Mean.
Pinandilatan pa ako ni Eunice ng kaniyang mga mata.