Episode 6

2289 Words
Chapter 6 Adelia Pagkatapos mag-usap si Eunice at si Tita Mean, napasimangot naman ako na nakaupo sa pintuan ng kubo. Maaga pa naman at hindi na kami pinayagan ni Tita Mean, na magtanim ng palay dahil may dalawa raw siyang ampon sa kanila at iyon na lang daw ang utusan niya na magtanim mamaya o bukas ng palay. Umuwi si Tita Mean, at isinama niya pa si Tiyay Joy. "Friend, ano kaya ang nangyari kay Tita Mean bakit parang ang bait niya sa'yo ngayon?" Nagtataka kong tanong kay Eunice. Dati kasi kung makaratrat siya kay Eunice, kulang na lang na saktan niya ito. "Ano ka ba? Mabait naman si Tita, minsan. Intindihin na lang natin. Matandang dalaga na kasi,'' tugon na lang ni Eunice sa akin. Nagkibit-balikat ako sa sagot na iyon ni Eunice sa akin. "Kung sabagay. Eh, ano ang gagawin natin ngayon dahil ayaw tayong patanimin ng palay ni Tita Mean? Saka sino kaya ang mga ampon niya friend?" Napabuntong hininga naman ng malalim si Eunice, sa tanong ko ngayon sa kaniya. "Ewan, ko nga kung sino? Baka malayo naming mga ka mag-anak. Mabuti pa matulog na lang ulit tayo. Maaga pa naman, eh!" Ngumiti ako at kumindat-kindat kay Eunice. "Mabuti pa nga dahil inaantok pa ako," tugon ko sa kaniya. Tumayo ako at pumasok sa kubo. Pumasok na rin si Eunice. Humiga kami sa nakalatag na banig sa sahig. Ang sarap ng ganitong buhay. 'Yong matutulog ka kapag inaantok ka at magigising ka kapag kumakalam na ang iyong sikmura. Tapos kakain ka na lang kapag nagising ka. Sa araw-araw kong trabaho ngayon lang talaga ako nakaluwag-luwag ng schedule. Hindi rin naman kasi ako pwedeng tatamad-tamad at gutom din ang aabutin ko. Kailangan kong kumayod araw-araw para matupad ang mga pangarap ko. Sana nga pagkatapos kong mabigyan ng anak ang gurang na mag-uupa ng sinapupunan ko ay magbago ang buhay ko. Ang dami kong gustong gawin. Gusto ko magnegosyo at pang puhunan na lang ang kulang. Kapag nabuntis na ako at makuha ko na ang pera magre-resign na ako sa trabaho at magnegosyo na lang ako. Nakatulog kami ni Eunice, sa kubo ng tatlong oras. Pagkagising ko wala na siya sa tabi ko. Uminat muna ako ng aking katawan bago ako bumangon. Dumungaw muna ako sa bintana para makalanghap ako ng sariwang hangin. Subalit napakunot ang noo ko ng matanaw ang dalawang babae na nagtatanim ng palay. Ibig sabihin tinawag lang pala ni Tita Mean, ang mga ampon niya, ngunit nakunot ang noo ko habang tinitingnan ang dalawang nagtatanim ng palay. Nakasuot sila ng sumbrero at may balabal pa. Nakabulaklakin sila ng bestida na suot. Humaba pa ang nguso ko nang makita na parang ang laki ng muscles nila. Sleevless kasi ang duster na suot nila. Ilang sandali pa parang naglalaro lang sila. Kinukuha nila 'yong pangtanim na palay at hinahagis nila iyon isa-isa. At nakatayo naman ang palay kapag pahagis ang pagtanim nila. Para lang silang naglalaro. Tumalikod ako at nagtungo sa pintuan ng kubo. Nakita ko naman si Tita Mean at si Eunice, sa ilalim ng puno ng acacia. Nagluluto si Tita Mean, habang si Eunice naman naghihimay ng pangsahog sa niluluto ni Tita Mean. "Eunice, hali ka," tawag ko sa kaibigan ko. Bumaling silang dalawa sa akin ni Tita Mean. Tignan mo 'yong nagtatanim ng palay para silang naglalaro. Hinahagis lang nila 'yong palay," sabi ko pa kay eunice. Tumayo si Eunice, sa upuan at humakbang na siya patungo dito sa kubo. Binitiwa naman ni Tita Mean, ang sandok na hinalo niya sa niluluto niya. Pagkaakyat nila dito sa kubo ay muli kaming dumungaw sa bintana. "Ay, deputa talaga mga batang ito. Ang sabi ko magtanim sila ng palay hindi maglalaro. Teka, nga lang at babain ko at para mapingot ang mga tainga nila!" wika ni Tita nang makita niya ang dalawa na pinaglalaroan ang mga pananim na palay. Kunot noo naman na tumingin si Eunice sa mga ito. Bumaba na si Tita sa kubo at pinuntahan ang dalawa. "Friend, ang tangkad nila, no? Tapos ang kikinis pa ng balat," sabi ko kay Eunice. Paano kasi para silang mga kapre. Hindi lang makita ang mukha nila dahil naka-sumbrero ang mga ito at may suot pang balabal na nakatakip sa kanilang mukha. "Siguro, friend may lahi silang kapre, no?" sabi ko pa kay Eunice. Natawa siya sa akin. "Maputi naman sila, kaya hindi sila mukhang kapre. Baka tikbalang kamo." Natawa na rin ako sa sinabi niyang iyon. Lumusong sa palayan si Tita Mary Ann at walang kamalay-malay ang dalawa na nasa likuran na pala nila si Tita. Ilang sandali pa piningot niya na ang mga ito. Napapangiwi na lang ako dahil parang ako ang nasasaktan sa pagpingot ni Tita tita sa dalawa. "Napakasadista talaga ni Tita Mean. Kawawa naman ang mga ampon niya. Ang hirap talaga kapag matandang dalaga, no? Kawawa naman ang ampon niyo. Ganoon talaga siguro dahil hindi nawarak ang bilat ni Tita," seryoso kong sabi kay Eunice. Siniko ako ni Eunice dahil sa sinabi kong iyon. "Ikaw talaga 'yan bunganga mo. Mamaya marinig ka ni Tita, matanggal talaga 'yang tinggil mo, sige ka?" Kumibot-kibot na lang ang labi ko at inirapan si Eunice. Matandang dalaga kasi ito si Tita Mean, kaya ang sungit niya minsan. Ganoon siguro kapag hindi nadiligan? Mabuti na lang talaga nagpadilig na ako. Umalis si Eunice sa bintana at lumabas ng kubo. Napabuntong hininga rin ako ng malalim habang nakatanaw sa tatlo sa palayan. Mamaya ko na lang tatawagan si Ma'am Badet na bukas na lang ako babalik sa Las Palmas at sabihin na lang niya sa amo niya na bukas na lang kami ulit gumawa ng bata. Tinuruan pa ni Tita Mean ang dalawa kung paano magtanim ng palay. Kaya napapailing na lang ako at lumabas na ng kubo. Sumunod ako kay Eunice, sa ilalim ng puno ng acacia. "Ano ang niluluto ni Tita?" tanong ko sa kaniya "Naglalaga siya ng karne para makahigop ng sabaw ang mga pinatanim niya ng palay," Sagot sa akin ni Eunice. Umupo ako sa tabi niya at tinulungan na rin siya na humiwa ng mga sahog. "Kailan ka babalik sa Las Palmas?" tanong ni Eunice sa akin. "Baka bukas na kapag hindi ako tinamad mamaya," sagot ko sa tanong niya. Ilang sandali pa umahon na si Tita. Pinanghalo-halo niya na ang mga sahog sa karne. Halos isang oras ang lumipas naluto na rin ang niluluto niya. Inutusan niya si Eunice na magtimpla ng juice. At tawagin si tiyoy sa bahay nito. Pagkatapos ay bumaling naman si Tita Mean sa akin. "Ikaw Adelia, pakibuhat nitong kaldero at ilagay sa gitna ng lamesa at magsalin ka na rin ng sabaw sa bowl, tatawagin ko lang ang dalawa, para makakain na!" utos nito sa akin at tumalikod na. Napapakamot na lang ako ng aking ulo. Alam naman niya na puno ng uling ang kaldero tapos gusto niya ilagay ko sa gitna? Kinuha ko na lang ang malaking bowl at si nalinan iyon ng sabaw at karne nito. Nagsalin na rin ako ng kanin sa platera. Hindi ko inalis ang kaldero sa kalan na sinasalangan ng kahoy. Inayos ko na ang hapagkainan. Ilang sandali pa dumating na si Tita. Lumabas na rin ng bahay nila si Tiyoy Pedro at nagtungo dito sa kinaroroonan ko. Pagtingin ko sa mga bisita ni Tita, nagulat ako dahil asawa pala iyon ni Eunice ang nakasuot ng daster. At lalaki din pala ang kasama niya. In fairness gwapo ang kasama niya makinis ang balat at mamumula-mula pa. Pinipigilan ko na hindi matawa sa mga mukha nila, subalit na pahagalpak na talaga ako ng tawa. Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi matawa sa mga mukha nila. "Hahaaha... Bakit ganiyan ang mga mukha ninyo?" humahalakhak kong tanong sa kanila. Hindi ko kasi akalain na isang katulad ni Alexander Moran, ay magsusuot ng bestida. Para na akong maihi sa kakatawa. Lalo na noong tinanggal nila ang suot nilang sombrero at balabal. Natatawa na rin si Tita Mean at si Tiyoy Pedro dahil sa tawa ko. Habang ang dalawa naman na nakasuot ng bestida ay hindi maipinta ang mga mukha. Maya-maya pa dumating si Eunice at may dala na itong pitsel na may juice. Inilapag niya ito sa lamesa. Kunot ang noo niya na tumingin sa dalawa. "Eunice," sabay banggit ng dalawa sa pangalan niya. Akmang lalapitan siya ng asawa niya at yayakapin sana nang hinarang ito ni Tita. "Hips, huwag mong hawakan ang pamangkin ko. Ang sabi mo gusto mo lang siyang makita kaya bawal mo siyang hawakan," ang pagharang ni Tita Mean sa asawa ni Eunice. Gusto kong pigilan ang pagtawa ko dahil sa pagmumukha ng dalawa, subalit natatawa talaga ako, ngunit agad naman siyang nilapitan ng kasama ni Alexander at niyakap nito si Eunice. "Eunice, I miss you, na. Bakit ka umalis, friend? Na-miss tuloy kita," malambot na sabi ng lalaki kay Eunice. Nahinto ang pagtawa ko at napalitan ng pag-ismid. "Ay bading?" nadismaya kong sambit. Bakla pala ang kasama ni Alexander. Sayang gwapo pa naman sana. Pagkatapos niyang yakapin si Eunice, sumulyap pa ang bading sa akin. Hilaw akong ngumiti sa kaniya subalit parang ini-snob niya lang ako. Ay, ang taray ng baklang ito. Sayang gwapo pa naman siya. Napakibot na lang ako ng aking labi. "Isa ka rin, sabi mo gusto mo lang makita si Eunice, pero nakayakap ka na sa kaniya. Inunahan mo pa ang asawa niya," sabay pingot ni Tita sa tainga ng baklang kasama ni Alexander. "Ouch, Tiyang naman! Matanggal na 'yong tainga ko sa kakapingot mo?" reklamo ng bakla kay Tita nang pingutin siya nito sa tainga. Lalo pa akong natawan ng malakas. Hindi ko kasi ma-imagine ang mga mukha nila. Itong isa na kasama ni Alexander, okay lang magsuot ng bestida dahil bakla naman. Pero itong si Alexander, sobrang nakakatawa. Umupo na si Tita sa harap ng lamesa. "Olivia, dito ka sa tabi ko kayong dalawa naman maupo na kayo roon kakain na tayo. At ikaw naman adelia tumigil ka na kakatawa parang dinudukot ang tinggil mo!" Ang tawa ko automatic na napatigil dahil sa sinabi ni Tita. Wala talagang preno ang bunganga ni Tita Mean, kahit may tao o wala. Naupo na lang din ako sa tabi ni Eunice, habang ang dalawang lalaki naman umupo sa harapan namin at si Tito Pedro, naman umupo sa center table. Nagsimula na kaming kumain. Tinanong ni Eunice, ang asawa niya kung ano ang nangyari sa kanila at bakit ganoon ang mga mukha nila ng kasama niya? Iyon pala si Tita Mean may pakana. Pinasuot niya na ang dalawa ng daster na binili niya pa iyon para kay Eunice. Panay naman ang sulyap ko sa kasama ni Alexander. Parang hindi kasi ako makapaniwala na bakla pala ito, kasi ang gwapo niya at mukhang daks tingnan. Habang nasa harap kami ng pagkain panay naman ang sermon ni Tita sa dalawang lalaki. Panay naman ang kalabit ko kay Eunice, napapangiwi ako kapag tumingin sa asawa niya. Kung ano-ano kasi ang pinagsasabi ko kina Tiyay Joy at Tita Mean, tungkol sa asawa niya, kaya para tuloy akong na gi-guilty. Hindi niya tuloy mayakap-yakap ang kaibigan ko. Hmmph! Deserve naman siguro niya iyon dahil sinaktan niya ang damdamin ng kaibigan ko. At mas kinakampihan niya pa 'yong impostor na babaeng iyon na kasintahan niya noon bago sila ikinasal ni Eunice. Kaya bakit ako magi-guilty? Eh, pinaiyak niya ang kaibigan ko. Pagkatapos namin kumain pinaigib ni Tita ng tubig ang dalawang barako. Kami naman ni Eunice, naghugas ng plato sa kusina nila Tita Mean. Ako ang nagsasabon at si Eunice, naman ang nagbabanlaw. "Friend, sino 'yong kasama ni Alexander na bakla? Ang gwapo sana niya, noh?" nakangiti kong tanong kay Eunice. "Kaibigan namin, si Nathan," tipid nitong sagot sa akin. Tumango-tango naman ako. "Friend, ang daks sana ng kasama ng asawa mo. Parang ang sarap magpalahi roon," natatawa kong pagbibiro kay Eunice. "Gaga, umayos ka nga, Adelia. Halatang may gusto ka kay Nathan. Huwag ka nang umasa dahil masasaktan ka lang." Humaba na lang ang nguso ko sa sagot na iyon ni Eunice sa akin. "Binibiro lang kita. Alam ko naman iyon. Isa pa nawasak na rin ang little b ko. At baka nakapasok na rin ang sperm ng kapre sa matres ko. Kung pwede lang sana kayurin ang mga iyon palabas sa matres ko no? Tapos magpapalahi ako roon sa kaibigan mo, hehhehe...Joke!" sabay hagikhik ko kay Eunice. Napapailing na lang ito sa pagbibiro ko sa kaniya. Nakita ko si Alexander na pumasok sa sala ng bahay ni Tiyay at Tiyoy. "Ako na rito maghugas, friend. Baka mamaya mangalay ang paa mo. Ako na ang bahala rito," nakangiti kong sabi sa kaniya. Para maibsan ang guilt na naramdaman ko sa asawa ni Eunice, gusto ko rin na mag-usap sila. "Sigurado ka ba? tanong nito sa akin. Ngumiti ako na tumango-tango sa kaniya. Alam ko na may mga bagay na hindi sila mapagkasunduan na mag-asawa, subalit kailangan din nilang mag-usap alang-alang sa magiging anak nila. Pinunasan niya ang kaniyang kamay at nagtungo na sa sala. Pagkaalis ni Eunice, ilang sandali pa may tumikim sa likuran ko. Paglingon ko ang kasama ni Alexander pala. "Ahmm, excuse me. Pwede pakihugas na lang din nitong baso?" tanong nito sa akin. Putik ang ganda ng boses, ang gwapo pa at mukhang hindi naman bakla? "Sure, akin na," sabi ko at lumapit ito sa akin. Shit hindi ko maintindihan ang naramdaman ko. Bigla na lang bumilis ang tipok ng puso ko nang magdikit ang aming mga braso. Akma kasi niyang ilalagay sa lababo ang baso at akmang kukunin ko naman sana iyon sa kaniya, kaya nakadikit ang aming mga braso. Ang gwapo talaga niya. Siya na lang siguro ang iisipin ko kapag magtalik ulit kami ng gurang na iyon na magiging tatay ng anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD