Chapter 4
Adelia
Hindi nahalata ni Thelma na nawasak na ang V-lat na aking iningatan. Kapag nakaharap siya sa akin hindi ako lumalakad. Paika-ika kasi ang paglakad ko dahil mahapdi nga ang aking V-lat.
Kinabukasan dumalaw ako kay Tito Cardo sa kulungan. Binilhan ko siya ng mga prutas at bumili na rin ako ng mga groceries para sa kaniya
"Pasensya ka na, Tito. Ngayon lang ulit ako nakadalaw sa'yo. Busy po kasi ako sa trabaho. Pagbalik ko, Tito kakausapin ko ang abugado mo. Heto, po at binilhan kita ng groceries," sabi ko sabay abot sa kaniya ng isang box ng mga groceries.
"Nag-abala ka pa, Iha. Dapat inipon mo na lang ang pera mo. Ayos lang naman ako rito," sabi pa niya sa akin.
"Okay, lang iyon, Tito. Gusto ko na po makalaya kayo. Medyo swenerte ako, kaya may pangpyansa na ako sa inyo," sabi ko kay Tito.
"Salamat talaga, iha. Kumusta naman ang trabaho mo? Mukhang sini-swerte ka sa trabaho mo," nakangiti niyang sabi sa akin.
"Yes, po Tito. Huwag niyo pi pabayaan ang sarili niyo, ha? Sa susunod ko pong pag-iipunan ang bahay naman po natin. Gusto ko po ayusin iyon," wika ko pa sa kaniya.
"Hayaan mo, iha. Kapag nakalaya ako babawi ako sa'yo. Kukuha ako ng palayan, para kahit paano may maisasaka ako," sabi pa nito sa akin.
Ang dami kong pangarap para sa amin ni Tito. At unti-unti ko na itong matutupad.
Ilang minuto lang ako namalagi sa presinto. Nagpaalam na ako kay Tito, na umalis dahil uuwi pa ako sa Cordova
Habang nasa bangka ako nakatulala ako na nakatingin sa tubig. Minsan ang buhay ko naikukumpara ko sa tubig. Dahil minsan malubog ito at minsan naman nagiging malinaw, pero alam ko na darating pa rin ang araw na lulubog na naman ang buhay kapag hindi ko ito iningatan.
Para sa akin, walang ibang mahalaga kundi ang pera.
Mula pagkabata sawa na ako sa pagiging mahirap. Kahit kakainin mo kailangan mo pang iasa sa kapit bahay mo.
Iyon ang mahirap kapag wala kang mga magulang. Ewan, ko ba kung bakit ipinanganak akong malas? Pero ayos lang iyon, at least ipinanganak pa rin ako.
Ilang oras pa ang inilayag ng sinasakyan kong bangka bago ako nakarating sa pantalan.
Pagkababa ko nanlaki ang mga mata ko ng makita ang ugok na asawa ng kaibigan ko na si Olivia Eunice. Agad akong tumalikod. Baka kasi makilala niya ako. Mabuti na lang nakasuot ako ng salamin at may balabal sa aking ulo. Naalala ko na nasa bahay si Olivia. Naglayas kasi ito sa kanila at doon muna siya sa kubo ko tumira.
Binilisan ko ang paglakad ko at nagpara ng taxi. Agad ako nagpahatid sa lugar namin.
Pagkababa ko ng taxi kumaripas na ako ng takbo.
Kaya pagdating ko sa bahay hinihingal ako.
Nagtataka si Olivia ng makita ako na hapong-hapo.
"Anong nangyari sa'yo? Para kang hinahabol ng impakto?" tanong niya sa akin, habang nakatayo ito at nakaliyad, ang laki na ng kaniyang tiyan.
Nagtungo muna ako sa banga at kumuha ng tubig. Pagkatapos uminom ako bago sinagot ang tanong ni Olivia.
Si Olivia, talaga ang matalikong kaibigan simula noon. Para na nga kaming magkapatid, subalit minsan na lang kami magkita dahil nagtrabaho siya sa Las Palmas, hanggang sa nakapangasawa siya ng taga roon.
Nakangiwi ako na nakaharap kay Olivia. Masakit pa rin kasi ang jingle bell ko.
"Yong ugok mo! Kasabay kong sumakay ng bangka!" wika ko sa kaniya na ang ibig kong sabihin ay ang asawa niya.
Nagkakalabuan kasi sila, kaya nandito siya sa kubo ko nakatira.
"Baka naman mamaya nasundan ka niya?" Kinakabahan na tanong sa akin ni Olivia.
"Hindi naman siguro dahil nakasalamin ako. Kilala niya nga yung kasama ni Edmundo," sabi ko pa sa kaniya. Kanina ko lang nga napansin pagbaba ko ang mga nakasabay ko na tagarito sa amin.
"Adely, anong gagawin ko? Ayaw kong makita ako ni Alexander. Baka mamaya pupunta iyon dito?" nag-aalala na tanong sa akin ni Olivia.
"Gusto mo roon muna tayo sa bayan, sa dati kong tinitirhan?" tanong ko sa kaniya.
"Ayaw ko. Baka mamaya masundan tayo roon ni Tita?"
Napapakamot na lang ako ng ulo sa kaibigan kong ito. Ewan ko ba at bakit siya nagtatago? Ayaw na lang niya harapin ang asawa niya at tadyakan sa bayag. Pati kay Tita Mary Ann, nagtatago rin siya.
"Doon na lang tayo sa bukid na tambayan ko noon. At least, hindi iisipin ni Tita na naroon ako," sabi niya sa akin. Idamay niya pa talaga ako sa kalokohan niya.
Noong isang araw pa tumatawag ka akin si Tita Mary Ann, subalit hindi ko lang ito pinapansin. Tinatanong niya ako kung alam ko kung saan si Olivia, subalit ewan lang ang sagot ko. Malilintikan talaga ako kay Tita Mary Ann, kapag nalaman niya na kasabwat ko ang pamangkin niya.
"Sigurado ka? Tatawid pa tayo ng sapa," paninigurado ko sa kaniya. Buntis pa naman kasi siya. Buti sana kung hindi!
"Oo, hali ka na!"
Hindi na ako nakatanggi pa sa kaibigan ko, kaya pumayag na lang ako na magtungo kami sa bukid. Bitbit ko ang bag pack ko pati na rin ang kaldero. Sayang rin kasi dahil may laman pang kanin. Hindi man lang ako nakaupo sa bahay, heto at lalarga na naman ako sa kabundukan.
"Bakit ba ganiyan ang lakad mo paika-ika ka?" Tanong pa ni Olivia sa akin.
Nauna kasi ako sa kaniya sa paglakad.
"Huwag mo na kasing pansinin ang lakad ko. Mag-ingat ka rin sa hinahakbangan mo, baka madulas ka? Kung ano-ano ang napapansin mo," nakasimangot kong saway sa kaniya.
"Ayusin mo kasi ang paglalakad mo para kang napilayan!" sabi niya pa sa akin.
Lumingon ako sa kaniya at sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit noong nawasak ba ang Vilat mo hindi ka ba paika-ika maglakad?" tanong ko sa kaniya sabay irap.
Si Olivia, lang talaga ang kasangga ko sa mga kalokohan.
"Hindi, hindi ko naman kasi maalala dahil nagising na lang ako na pareho pa kami nag-kagulatan ng ugok na iyon. Isang beses lang ako tinusok ng ugok na iyon, tapos nabuntis na kaagad ako," sagot niya sa sinabi ko.
Palibhasa kasi lasing siya noong may nangyari sa kanila ng asawa niya.
"Buti sa'yo isang beses lang, eh samantalang sa akin nakapitong putok 'yon sa vilat ko, para sure talaga na mabuntis ako. Ayaw niya pala na iturok lang sa matres ko ang sperm niya. Gusto niya 'yong natural na buuin ang anak niya. Sayang at hindi ko nakita ang mukha niya," kwento ko pa kay Olivia.
Sa kanya ko lang naikwento noon ang tungkol sa plano ko na magpapabuntis ako, subalit may bayad at kukunin din ang bata kapag naisilang ko na.
Against pa nga si Olivia, sa balak kong iyon. Subalit desidido na talaga ako dahil sayang din ang pera.
Ang dami niya pang mga katanungan sa akin. Bakit daw hindi ko nakita ang mukha ng lalaking nakasiping ko? Ikwinento ko na rin sa kaniya ang buong pangyari, habang naglalakad kami patungo sa bukid. Kahit paano hindi kami nakaramdam ng pagod.
Habang naglalakad kami ni Olivia, tumunog naman ang cellphone ko.
"Sandali lang. Huminto muna tayo titingnan ko lang kung sino itong tumatawag, baka si Ma'am Badet? Baka mahalaga ito?" sabi ko kay Olivia at huminto kami sa paglakad nakaipo kami sa nakatumbang kahoy.
Kinuha ko sa aking bag ang cellphone. "Patay si Tita Mean, ang tumatawag. Ikaw na ang sumagot nito," sabay abot ko kay Olivia ng aking cellphone. Medyo na taranta ako ng makita ko ang pangalan ni Tita Mean sa screen ng aking cellphone.
"Baliw ka talaga, eh 'di mabuking tayo na magkasama tayong dalawa?" sabi pa nito sa akin.
"Pahamak ka talaga!" maktol ko sa kanya at sinagot ko na lang ang tawag ni Tita Mean; ang kanyang tiyahin na matandang dalaga.
"Hello, po Tita?" tanong ko sa kabilang linya.
"Adelia, tumawag ba sa'yo si Eunice?" Napangiwi ako sa tanong ni Tita Mean, tungkol kay Olivia.
"Ho? H-hindi po. Bakit po, Tita?" maang kong tanong.
"Hindi ka ba nagsisinungaling, Adelia? Alam mo na kung ano ang ma6bgyari kapag magsinungaling ka?" banta pa sa akin ng matandang dalaga na tiyahin ni Olivia.
Heto na nga ba ang sinasabi ko at mapapasubo talaga ako rito kay Oliv.
Nagsulat pa talaga sa papel ang baliw kung kaibigan. Kung ano ang isinulat niya iyon dapat ang sasabihin ko sa Tita niya.
Tumingin ako kay Oliv at pinanlakihan pa ako nito ng mata. Sinisinyasan niya ako na ang isinulat niya iyon ang sabihin ko.
Kung hindi lang talaga ito buntis, hayss... Ewan ko na lang.
"Noong nakaraan po magkasama kami sa hospital, kaso inaway siya ng asawa niya at 'yong kabit ng asawa niya," kagat labi ko na sabi kay Tita. Iyon kasi ang nakasulat sa papel.
Bukod sa may isinulat siya, bumubulong-bulong pa siya sa akin
Totoo naman ang sinabi ko kay Tita dahil noong nakaraan sinamahan ko si Olivia sa hospital. At totoong inaway siya ng babae ng asawa niya. Nangyari iyon bago ako in-offer-an ni Ma'am Badet na dalhin ang anak bg kapre.
Ang sakit sa tainga ang boses ni Tita. Tinatanong nito kong totoong may kabit ang asawa ni Olivia. Naka-loud speak ang cellphone, kaya naririnig din ni Oliv ang sinasabi ng Tita niya sa kabilang linya.
'Ano? May kabit ang asawa ni Eunice?"
"Opo, Tita. Inambahan pa nga siya ng asawa niya na saktan. Kawawa nga ang kaibigan ko Tita. Inaapi siya ng asawa niya. Sabi nga ni Eunice, hindi pa siya pinapakain at pinagdadamutan pa siya ng pagkain. Ang sama ng ugali ng asawa niya, Tita. Sa sobrang sama ng loob ni Eunice, umalis na lang siya. Hindi ko na nga siya nasundan dahil tumawag ang inaplayan ko ng trabaho," patuloy kong sabi kay Tita, habang binubulong iyon sa akin ni Olivia.
Sira ulo talaga itong kaibigan ko. Kung ano-ano ang kasinungalingan na tinuturo sa akin.
Pumutak na naman si Tita sa kabilang linya. Ako pa ang sinisi nito kung bakit hindi ko raw sinundan si Olivia.
"Hello, Tita. Choppy po kayo. Mamaya na po kayo tumawag. Nandito po ako sa trabaho ko," sabi ko pa sa kabilang linya at agad ko ng pinatay ang cellphone.
"Sabihin mo pa kay Tita na binubugbog ako ni Alexander," bulong pa sa akin ng baliw kong kaibigan. Gusto pa talaga yata nito mapahamak ako.
"Over ka sa binugbog, ha? Hindi ka naman binubugbog ng asawa mo. Turuan mo pa talaga ako magsinungaling, bruha ka!" sabi ko pa sa kaniya.
"Gaga ka talaga, Oliv! Lagot talaga ako kay Tita nito. Dinamay mo pa talaga ako sa kagagahan mo!" protesta ko pa sa kaibigan ko at nagpatuloy kami sa paglakad.
"Pasensya na, bakla. Sa ganoon lang na paraan ako makaganti kay Alexander," sabi pa nito sa akin.
"Ewan, ko sa'yo. Kapag ako nadamay, ha?" sabi ko pa sa kaniya.
"Bahala siya magsama sila ng impostor niyang si Bianca. Hindi ko sa kaniya ipapahawak o ipapakita ang anak namin," nagtatampo pa na sabi ng bruha.
Subalit naiintindihan ko ang nararamdaman ni Oliv. Naroon kasi ako noong nagkagulo sa hospital. Sinampal niya ang kabit ng asawa niya. Parang ex kasi ng asawa niya ang kasama ni Alexander sa hospital
"Sos, pag nakita mo naman ang prince charming mo kakabog-kabog na naman 'yang dibdib mo. Paano ba iyan at wala ng sisisid sa V-lat mo?" sabi ko pa sa kanya at natatawa ako sa reaksyon ng mukha niya. Lumingon kasi ako sa kaniya.
Hinampas niya pa ako sa aking balikat at baka marinig daw ng anak niya ang sinasabi ko.
"Ang laswa talaga ng bunganga mong iyan," protesta niya pa sa akin.
Sa amin kasing dalawa ni Oliv, ako talaga ang garapal. Siya itong mahinhin.
Natatawa na lang ako sa protesta niya sa akin.
"Kumusta na kaya ang sperm cells ng kapre dito sa loob ng vilat ko? Palagay mo kaya may pumasok ng kapre sa loob ng matres ko?" Tanong ko pa sa kanya.
"Ewan, ko sa'yo? Maitim ba ang nakawasak sa monay mo at kapre ang tawag mo?" nagtataka nitong tanong sa akin habang nakataas ang isa niyang kilay.
"Madilim nga, besh! Basta, naaninag ko matangkad siya. At ang turutot niya dalawang dangkal ko ang haba at kasing laki ng corned beef na jumbo. Ang laki ng turutot niya!"
Bigla na lang napabuga ng tubig si Oliv, na iniinom niya dahil sa sinabi ko.
"Grabe ka naman makalata ng corned beef? Tapos jumbo pa? Eh, kung ang regular size nga, wasak na wasak na ang biyat mo 'yong ganoon pa kaya kalaki?" Hindi niya makapaniwalang sabi sa akin.
"Ano iyon oversized? Saka dalawang dangkal? Eh 'di, umabot na iyon sa ngalangala mo," dugtong pa na sabi sa akin ni Oliv.
Nag-tawanan na naman kami sa kwentuhan naming iyon.
"Over ka naman makaabot sa nga ngala-ngala? Hanggang balunbalunan lang. Totoo nga dinangkal ko iyon, eh! Kaya nga paika-ika ako maglakad dahil wasak na wasak ang V-lat ko. Ang dami niya pang deniposito sa talaba ko, kaya tiyak nalunod na ang matres ko."
Natawa si Olivia sa sinabi ko. Puro kami kalokohang dalawa. Hindi lang basta tawa kundi napahagalpak pa siya ng tawa.
Ang dami pa naming mga kalokohan na pinag-usapan ni Olivia.
Hindi na nga ako nakaramdam ng pagod dahil sa pinag-uusapan namin ni Olivia. Hanggang sa napunta kami sa usapan, kung ano ang size ng mga dwarf people. Hanggang naikumpara na namin ang size ng kasiping ko at ng size ng asawa niya.
"Maliit ba ang sukat ng asawa mo Oliv at maiksi?" curios kong tanong kay Olivia dahil pinagtatawanan niya ako sa over size ng turutot ng nakasiping ko.
Nauna siya sa akin kaya huminto ito at lumingon dahil sa tanong kong iyon sa kaniya.
"Hindi! Abot nga sa balunbalunan ko 'yong kaniya. Tapos kasing laki ng hawak kong baunan ng tubig," sabi pa nito sa akin sabay angat niya ng baunan ng tubig na dala niya.
Tumawa ako sa sinabi niya. "Ang bobo mo talaga friend pareho lang naman ang size ng mga lalaki. Kung ano kalaki ang turutot ng kapre na iyon, ganoon din kalaki at kahaba ang turutot ng ugok mo," sabi ko pa sa kaniya na pareho na kaming natatawa.
Nagpatuloy kami sa paglakad.
"Tanga, ikaw itong bobo, gaga! Paano 'yong mga dwarf man? Maiksi din siguro ang turutot nila," sagot pa nito sa akin. Grabe siya, ang dami niyang tawag sa akin?
"Tanga ka rin! Ang gaga mo rin talaga, no? Syempre, dwarf nga, kaya dwarf din sa kanila. Eh, kapre naman ang asawa mo, ah? Pareho silang kapre noong nag-deposito sa akin ng sperm, kaya malamang pareho sila ng size!" pakikipagtalo ko pa kay Olivia.
"Bahala ka sa paniniwala mong iyan. Basta, hindi lahat ng lalaki pareho ang size!" pagtatalo niya rin sa akin.
"Oh, sige. Gusto mo sukatin ko ang turutot ng kapre na iyon? Tapos sukatin mo rin ang turutot ng first charming mo?' paghahamon ko pa sa kaniya.
"Sige, ilan ang pusta mo?" paghahamon niya rin sa akin.
Hindi na ako nakasagot nang bigla na lang lumitaw si Aling Joy. Nagulat pa nga ako sa biglaan nitong pagsulpot sa daan.
"Hoy kayong dalawa anong pinagtatalunan niyo?"
"Itlog ng turutot ni Aling Joy!" Bigla kong nabigkas dahil sa pagkagulat.
"Aling Joy, talaga! Para kayong kabuti na bigla na lng sumusulpot! Nakakagulat kayo!" sabi ko kay Aling Joy.
"Saan ba kayo galing at ano 'yong naririnig kong turutot na pinagtatalunan ninyong dalawa?" tanong pa nito sa amin ni Olivia.
"Yong turutot po ng kapre, Aling Joy. Hindi ba magkapareho lang ng size?" Tanong ko sa kaniya.
"Aba, malay ko ba sa turutot ng kapre? Sa tanda kong ito hindi pa ako nakakita ng kapre," sabi ni Aling Joy, natatawa na lang kami ni Olivia sa sagot na iyon ni Aling Joy sa tanong ko.