Chapter 23 Adelia Pagdating namin sa Cordoba, dumaan lang muna ako sa bahay nila, Eunice at Alexander. Tatlong oras din yata akong tumambay sa kanila dahil hinintay ko pa si Alexander. Siya kasi ang maghahatid sa akin papunta sa papasukan ko. May mga inaasikaso pa kasi ito. "Aalis na kami, bakla. Aabalahin ko muna ang asawa mo," nakangiti kong paalam sa kaibigan ko at humalik ako sa kaniyang pisngi. "Sige, mag-ingat kayo at good luck sa bagong career," nakangiti rin nitong sabi sa akin. Humalik muna ako sa dalawang bata. Nagpaalam na rin si Alexander sa kaniyang mag-iina pagkatapos ay sumakay na kami sa kaniyang sasakyan. "Ingat kayong dalawa sa biyahe!" Pahabol pa ni Eunice sa aming dalawa ni Alexander. Kumaway ako sa kanya at pinatakbo na ni Alexander ang sasakyan. "Mabait