Chapter 28 Adelia Ilang minuto akong nanatili sa silid namin ng mga bata. Parang wala yata akong mukhang iharap sa mga magulang ni Nathan. Kinakabahan ako na baka maalala ako ni Mrs. Castillo. Paano kunh maalala niya ako at maikwento niya kay Nathan, na nakita niya ako noon sa mall? Baka mamaya interview-hin ako ni Nathan, at ma-turn off lalo siya sa akin? Pero bakit ba ako nag-alala? Wala namang masama kung malaman niya ang totoo na nagdalang tao ako. Totoo naman talaga na nabuntis ako at nagluwal ng kambal din, subalit dalawang babae nga lang ang iniluwal ko. Kaso ano ang sasabihin ko kapag nagtanong siya kung nasaan ang mga bata? Hayz... Bahala na nga! Ilang minuto pa ang lumipas narinig ko na ang boses ni Nathan sa labas. "Mom, Dad, bakit hindi kayo nagsabi na ngayon ang dating n