Chapter 27 Adelia Nagising na lang ang mga bata dahil sa ingay ng Mommy ni Nathan. Umiyak tuloy si Amero dahil nabitin ito sa tulog niya. "Oh, no. Hon, nagulat yata sa atin ang mga apo natin?" sabi ng Mommy ni Nathan. "Ang ingay mo kasi!" wika namam ng Daddy ni Nathan. "Apo, tahan na. Nandito na ang Lolo at Lola," pagpapatahan naman ni Mr. Castillo, sa bata. Subalit sa halip na tumahan ito ay lalo pa itong umiyak. Nilapitan ko na lang ang bata. "Excuse me po, bubuhatin ko lang si Amero. Hindi po kasi tatahan iyan dahil nabitin sa tulog niya," wika ko sa kanila at binuhat ko na si Amero. Hinili-hili ko ito at tumahan naman. "Nako, ang Mommy niya lang pala ang magpapatahan sa kaniya," wika naman ni Mr. Castillo. Kinilig tuloy ang tinggil ko nang pagkamalan nila ako na Mommy ng mga b