Chapter 29 Nathan Mukha yata akong napasubo ngayon. Hindi ko naman kasi akalain na uuwi sila Mommy at Daddy. Ang sabi kasi nila sa akin hindi sila matutuloy. Sinabi ko sa kanila na may anak ako, subalit hindi ko naman sinabi sa kanila kung sino ang ina. Alam ko na hahanapan nila ako ng ina ng mga bata. Alam naman kasi nila na hindi si Rosemarie, ang ina ng aking mga anak. At hindi nga alam ni Rosemarie, na may anak na ako na walang ina. At kailangan kong may magpanggap na ina ng mga kambal sa aking mga magulang dahil alam ko na hindi nila ako tatantanan sa katatanong kung sino ang ina ng aking mga anak. Sabihin na lang natin na isa akong binatang ama. Mabuti na lang narito ang yaya ng kambal si Adelia. Kaya, hindi ko na kailangan pang maghanap ng magpapanggap ng ina ng aking mga anak