Chapter 7
Adelia
Umuwi na lang ako sa Las Palmas, nang iuwi ni Tita si Eunice, sa bahay nila. Wala na rin naman kasi akong gagawin, kaya doon na lang ako muna sa apartment.
Hapon na ako nang makarating sa apartment na tinutuluyan namin ni Thelma.
Tumawag ako kay Ma'am badet. "Ma'm Badet, nakuha ko na pala ang pera," salamat kamo doon sa amo mo na naka-virgin sa akin. Malaking tulong po ito para makalaya na si Tito," wika ko kay Ma'am badet.
"Walang ano man, Adelia. Hindi mo naman kasi sinabi na wala ka pa lang karanasan. Nasisi tuloy ako ng amo ko. Kaya ang sabi ko nga sa kaniya na ang swerte niya dahil virgin ka pa. Alangan naman kumuha ako ng pokpok, para magdala ng anak niya?" wika pa sa akin ni Ma'am Badet.
"Kaya sabihin mo muna sa kanya Ma'am, na susunod na linggo niya na lang ako tuhugin ulit. Hindi mo naman kasi sinabi na ang laki rin pala ng turutot niya. Nabigla ako roon, ha?" Natawa si Ma'am Badet, sa sinabi kong iyon sa kaniya sa kabilang linya.
"Hahaha... Nakakatawa ka talaga, Adelia. Sige, sabihin ko si Boss na sa susunod na araw na lang kayo ulit magkita. Wala rin kasi siya ngayon at bukas pa iyon babalik. Saka hindi ko naman nakita kay boss na turutot, kaya paano ko naman sabihin sa'yo?" sabi pa sa akin ni Ma'am Badet.
"Ma'am Badet, baka pwede naman sabihin mo sa akin kung sino ang naka-virgin sa akin. Promise po hindi po ako maghahabol kapag nabuntis na ako. Saka hindi ko rin po sasabihin kung sino siya," pangungumbinsi ko kay Ma'am Badet, baka sakali sabihin niya sa akin kung sino ang lalaking nakasipin ko?
"Hay, nako Adelia! Huwag mong sirain ang nakalagay sa kontrata. Baka mamaya sa halip na maging pera pa, eh magiging bato pa! Ikaw din?"
Napasimangot na lang ako sa sinabing iyon ni Ma'am Badet. "Ma'am Badet, matandang binata po ba ang boss mo? Eh, bakit kasi ayaw niyang malaman na ako ang magiging nanay ng anak niya at siya ang magiging tatay ng anak ko? O, hindi kaya baka isa siyang kriminal, kaya ayaw niyang malaman ko kung sino siya?" pangungulit kong wika kay Ma'am Badet. Nagtataka lang talaga ako sa set up na iyon ng lalaki na bibigyan ko ng aking anak.
Natatawa na lang si Ma'am Badet sa akin. "Nako, Adelia. Kapag nakita mo siya mas gugustuhin mo na lang na hindi siya makita. Oo,matanda na siya saka hindi naman sa panlalait, pero ang pangit niya, Day. Matangkad nga lang siya, pero tiyak na hindi mo magugustuhan ang mukha niya. Kaya nga ayaw niyang magpakita sa'yo at ayaw ka rin niyang makita para walang problema sa huli at hindi maging komplikado ang sitwasyon ninyong dalawa. Kaya ka nga niya binayaran para bigyan siya ng anak dahil walang pumapatol sa kanya na babae. Kaya nga 'di ba madilim ang silid noong gumawa kayo ng baby? Kasi nga sobrang pangit niya at ayaw niyang makita mo ang pagmumukha niya," sabi pa sa akin ni Ma'am Badet.
Agad naman akong nadismaya sa sinabi niyang iyon. "Ay, sana hindi mo na lang sinabi. Pero bakit ang ganda ng boses niy? Tapos ang bango-bango niya pa, Ma'am Badet?" tanong ko pa sa kaniya sa kabilang linya.
"Alangan naman na hindi siya magpabango? Iyon na nga lang ang panlaban niya. Saka maganda talaga ang boses niya. Dahil dj iyon sa radyo," sabi pa ni Ma'am Badet sa akin.
"Ah, kaya pala. Sige, Ma'am Badet, pakisabi na lang sa kaniya sa susunod na linggo na lang kami magkita sa hotel pahihilumin ko pa yung sugat ng kipay ko," paalam ko na kay Ma'am Badet at pinatay ko na ang cellphone.
Kumuha ako ng prutas sa ref. Parang napapagod din ako kapag wala akong ginagawa. Nakakapagod din kaya maghapong nakahilata.
Nagpahinga lang ako sandali at nagtungo sa palengke upang bumili ng isang linggo namin ni Thelma na pagkain. Alam ko na magtataka siya kung bakit marami akong pera kahit na naka-leave ako sa trabaho.
Bumili rin ako ng bigas, grocery at kung ano-ano pa.
Umuwi na ako sa bahay pagkatapos kong namalingke. Nagluto naman ako ng sinigang na baboy para pagdating ni Thelma, kakain na lang kami. Ang ganda ng pakiramdam ko dahil ang dami kong pera ngayon.
At kapag nabuntis na ako para na akong Prinsesa at titira na ako sa condominium na inihanda ni Ma'am Badet, para sa akin hanggang sa manganak ako.
Tamang-tama naman na pagkatapos maluto ng sinaing ko dumating naman si Thelma.
"Nandito ka na pala Adelay?" wika nito sa akin na may kasamang pang-uukray.
"Ah, wala pa. Kaluluwa ko lang ang nandito," natatawa kung sagot sa kaniya. Sanay na siya sa pagbibiro kong iyon.
"Aba,y mukhang mabango ang niluluto mo? Saan ka ba galing at mukhang ang daming grocery dito sa lamesa?" Kunot noo niyang tanong sa akin.
"Galing ako sa, Cordoba. Kumusta naman ang trabaho?" tanong ko habang hinahalo ko na ang kangkong.
Bumuntong hininga sya ng malalim. "Okay, lang naman," anya at inihagis sa sofa ang kaniyang shoulder bag, saka umupo siya sa harap ng lamesa.
"Tamang-tama ang dating mo at luto na itong ulam natin at kanin. Tulungan mo na lang ako mag-ayos ng lamesa," nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Nagsahod ka na ba? Bakit ang dami mong grocery na binili?" nagtataka nitong tanong sa akin.
"Nag-advance lang ako. Inaasikaso ko kasi ang kaso Tito Cardo. Bilisan mo na para makakain na tayo," sabi ko sa kaniya.
Tinanggal niya naman ang mga grocery na ipinatong ko sa lamesa. Inilagay ko na ang kanin sa lamesa at gano'n din ang ulam. Kumuha naman ng dalawang mangkok si Thelm, saka inilagay rin iyon sa lamesa. Ako na ang kumuha ng kutsara at tinidor pati ang dalawang plato.
"Wow mukhang galanti ka ngayon at ang sarap ng ulam natin, ah? Gaano lahat ng nagastos mo, para maghati na lang tayo?" tanong pa nito sa akin.
"Huwag na, kapag wala na akong pera ikaw naman ang manlibre sa akin ng isang linggo," sabi ko at naupo na kaming dalawa sa harap ng lamesa.
"Will, walang problema. Tamang-tama dahil wala na akong pera," nakangiting sabi ni Thelma sa akin.
Nagsimula na kaming kumaing dalawa. Tahimik lang ako habang kumakain.
"Adelay, saan ka ba talaga kumuha ng pera?'' pangungulit na usisa sa akin ni Thelma.
"Kumain ka na kasi huwag ka na magtanong!" sabi ko sa kaniya.
"Hindi ako mapakali, eh. Huwag mong sabihin sa akin na may nasungkit kang afam?"
taas ang dalawang kilay nito na tanong sa akin.
Humaba naman ang nguso ko sa tanong niyang iyon at tumaas ang isa kong kilay sa kaniya. "Anong afam ka riyan? Hindi, ah!" agad kong tanggi sa kaniya.
"Eh, saan galing? Hindi ako naniniwala sa'yo na nag-advance ka kay Ma'am Badet. Huwag mong sabihin ibininta mo ang puri mo?" Napaubo ako sa tanong na iyon ni Thelma sa akin.
"Kakain ka ba o iimbestigahan mo na lang ako?" nakairap kong tanong sa kaniya.
"Kakain na. Nag-aalala lang ako sa'yo. Baka kasi kung ano na ang pinasok mo? Lalo na at kailangan mo ng pera para sa pampiyansa ng Tito mo. Adelay, alam mo ang mali at hindi, baka mamaya pumasok ka sa sindikato?" sabi pa nito sa akin habang nanlalaki ang kaniyang mga mata.
Natatawa na lang ako sa kaniyang naging reaksyon. "Baliw ka talaga. Basta kumain ka na riyan,'' sabi ko.
Mabuti tumigil na siya sa pangungusisa sa akin dahil kaunti niya pa talagang pangungulit sa akin, tiyak na magtatapat na ako sa kaniya.
Ilang minuto naming pagkain ni Thelma, nakatapos na rin kami. Napadighay ako dahil sa sobrang kabusugan. Nasira tuloy ang diet ko, pero hindi bali dahil bukas maggugulay na lang ako.
Si Thelma, na ang naghugas ng plato dahil ako naman ang nagluto. Pumasok na ako sa aking silid at naupo muna ako sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang aking social media account.
May nag-apear sa screen ko na ads na isang pabango. Pinindot ko iyon at napunta ako sa store ng pabango na ang signature ay NC Eude de perfume.
Ang gwapo ng model nilang lalaki at babae. Yung lalaki kilala ko; ang action star at tv host na si Alphonzo Navarro. Idol ko talaga ang model na ito, dahil ang gwapo-gwapo niya.
Makalaglag panty talaga ang kagwapuhan niya. Ang sarap din magpalahi sa lalaking ito dahil napaka-hot niya at tiyak na maraming babae ang naghuhumaling sa kaniya.
Ni-research ko ang NC eude perfume. At napaawang na lang ang labi ko ng mabasa ko ang pangalan ng may-ari nito. Pati ang mukha niya ay gulat na gulat ako. Nathan Castillio pala ang ibig sabihin ng NC. At 'yong bakla na kasama ni Alexander. Siya talaga ito. Hindi ako magkakamali, subalit parang lalaking-lalaki naman siya tingnan dito sa larawan? Nakasuot siya ng tuxido. Naguguluhan talaga ako sa taong iyon. Ang gwapo pa naman sana niya at type ko rin siya, kaso bading naman.
Hindi talaga ako mapakali kaya tinawagan ko si Eunice. Nag-aalangan pa akong tawagan siya at baka mamaya maistorbo ko pa sila ni Alexander. Baka mamaya sinusundot-sundot ni Alexander 'yong kiffay niya?
Hayz, bahala na. Kung hindi niya sasagutin ang tawag ko ibig sabihin nasa kasagsagan sila ni Alexander.
Tinawagan ko ang number ni Eunice. Natuwa ako dahil ilang ring lang sinagot niya ang tawag ko.
"Ay, hindi ba nasundot ni Alexander, yung kipay mo?" agad kong tanong kay Eunice.
"Anong pinagsasabi mo? Ano siya, hello? Eh, doon nga siya pinapatulog ni Tita sa labas," napakagat labi na lang ako sa sinabi ni Eunice.
"Akala ko pa naman sinusundot niya na ang kipay mo," hagikhik kong wika sa kaniya.
"Puro ka kalokohan. Sira ulo ka talaga!" sabi pa nito sa akin. "Bakit ba napatawag ka at hindi ka pa natutulog?" dugtong pa nitong tanong sa akin.
"Eh, kasi nakita ko rito yung NC eude perfume. Tapos nakita ko 'yong may-ari na ang pangalan is Nathan Castillio. At kamukha siya ng baklang kasama ni Alexander," walang patumpik-tumpik kong sabi kay Eunice.
"Anong kamukha? Eh, si Nathan, nga iyong sinasabi mong bakla! At siya ang may-ari ng NC eude perfume. Saka hindi bakla iyon!"
Napanganga ako at nanlaki ang aking mga mata sa sinabing iyon ni Eunice.
"Talaga? Ibig sabihin hindi bakla ang poging iyon?" nakangiti ko pang paninigurado kay Eunice sa kabilang linya.
"Oo, nagkukuwari lang na bakla iyon."
Para akong kinilig sa sinabing iyon ni Eunice. "Kainis ka naman! Sana pinakilala mo siya sa akin. Eh 'di sana pinikot ko na lang siya o hindi kaya magpakabit sa kaniya kung sakaling may asawa na sita. Hindi sana ako napunta sa matandang gurang," wika ko pa kay Eunice. Tumawa pa ito sa sinabi ko.
"Tumigil ka nga, Adelia! Wala pang balak mag-asawa iyon si Nathan. Saka wala rin siyang balak magkaroon ng girlfriend. Anak lang ang gusto no'n. At hindi iyon nagseseryoso sa mga babae," sabi pa sa akin ni Eunice.
Ay, sayang ayaw niya ng commitment.
"Eh 'di, maganda kung gano'n. Sabihin mo sa akin kung gusto niya akong anakan? Walang problema sa akin. Promise hindi ako maniningil. Bibigyan ko siya ng anak ng libre, basta galingan niya lang sa pagkain sa kipay ko," pagbibiro ka pang sabi kay Eunice.
"Hay nako! Ewan, ko sa'yo. Puro ka na lang kalokohan. Minamarket mo na 'yong magiging anak mo. Matulog ka na nga, Adelia. Baka sakaling mawala ang pagnanasa mo kay Nathan."
Natawa na lang ako sa sinabing iyon ni Eunice. "Ang damot mo talaga sa Nathan mo! Basta sabihin mo sa kaniya na kapag gusto niya magkaroon ng anak sa akin ilibre ko na siya. Good night, bakla," natatawa ko pang pagbibiro kay Eunice at pinatay ko na ang cellphone.
Nahiga ako sa kama. Type ko talaga ang Nathan, na iyon. Sa unang tingin ko pa lang sa kaniya naglalaway na ako. Bruha talaga ito si Eunice. May kaibigan pa lang pogi ang asawa niyabhindi man lang pinapakilala sa akin. Eh 'di, sana binigay ko na lang sa Nathan, na iyon ang virginity ko, bago ko pinakain ang kifay ko doon sa gurang na iyon na kung makaararo akala mo patay gutom sa jingle bell ko.
Nakatulog na lang ako habang pinapantasya si Nathan.
"Hi, Adely?" Isang baretonong boses ang tumawag sa akin. Lumingon ako sa akin likuran.
"Oh, Nathan! Sige, na halikan mo na ako. Bastusin mo na ako, Nathan. Hindi ako tatanggi. Anakan mo ako, kung gusto mo ng bata. Hindi kita sisingilin at ililibre ko lang iyon na dalhin sa sinapupunan ko," sabi ko kay Nathan, habang nakalingkis ako sa kaniyang leeg.
Akmang hahalikan na ako ni Nathan nang bigla na lang akong nagising. "Adelay, aalis na ako. Nagprito ako ng itlog at talong tinirhanan kita. Bumangon ka na riyan!"
Ay nakakainis talaga itong si Thelma. Istorbo talaga sa maganda kong panaginip. Nandoon na, eh! Hahalikan na ako ni Nathan. Babastusin niya na sana ako, pero panira talaga ng panaginip itong si Thelma na ito.
Papadyak-padyak tuloy ako ng paa sa kama habang nakahiga pa. "Nakakainis ka, Thelma!" naiinis kong sigaw sa kaniya.
"Bakit ano naman ang kasalanan ko? Bumangon ka na riyan at kumain! Aalis na ako!" sabi pa nito sa akin.
"Ewan, ko sa'yo! Umalis ka na nga!" Humaba na lang ang nguso ko dahil sa inis sa kanya.
Ang ganda-ganda pa naman sana ng panaginip ko, pero naudlot pa. Kahit na lang sana sa panaginip matikman ko 'yong halik ni Nathan.
Padabog na lang akong bumangon at lumabas sa aking silid. Lumabas na rin si Thelma sa apartment. Sa sobra ko sigurong pag-iisip kay Nathan, kaya ko siya napanaginipan? Hindi tuloy ako nabastos ni Nathan, kahit sa panaginip na lang sana! Nakakainis talaga si Thelma.