"Katrina, kung alam ko lang na ganiyan ka, sana hindi na kita pinatulan! Sa ginawa kong pagpatol sa kalandian mo nawala sa akin ang asawa at anak ko! Napakasama mong kaibigan kay Sofia. Umalis ka na rito!"
"Tulad nang sinabi ko aalis lang ako kapag kasama kita Zeus, tayong dalawa ang gumawa ng kasalanan hindi lang ako, kaya huwag mong isisi sa akin lahat."
Nagulat sina Zeus at Katrina nang biglang bumukas ang pinto ng bathroom. At pumasok ang napakalamig na hangin sa kuwarto. Lumaki ang mga mata ni Katrina at bumaling siya kay Zeus, nakaramdam siya ng takot kaya tumakbo siya at yumakap sa lalaki. "Zeus aalis na tayo rito. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Takot na takot ako."
"Katrina, kung gusto mong umalis wala akong pakialam, ayokong nandito ka dahil naalala ko sa 'yo kung paano ko pinagtaksilan ang aking asawa." nagmadaling lumabas sa kuwarto si Zeus at naiwang nakatitig si Katrina sa pinto ng bathroom. Nagulat siya nang biglang sumulpot si Sofia sa harapan niya. "Sofia! Ikaw ba iyan?" tanong niya habang nanginginig ang kaniyang laman sa sobrang takot.
"Katrina, mabuti namang nakilala mo
pa rin ako! Kumusta na ang taksil at traydor kong kaibigan?! Masaya ka ba sa piling ng asawa kong taksil tulad mo?"
"Pinatay na kita, bakit ka pa bumalik? Lumayas ka na rito! Hindi na ikaw ang asawa ni Zeus ako na, kahit mumultuhin mo pa ako oras-oras walang epekto sa akin iyan, dahil kahit anong gawin mo, ako na ang asawa ni Zeus!"
"Bumalik ako Katrina upang bigyan ng hustisya ang pagpatay mo sa akin!" nagulat si Katrina nang biglang lumutang sa hangin si Sofia at punong-puno ng dugo ang mga damit nito. Tumulo ang mga luha nito pero kulay dugo. Umatras siya para tumakbo sa labas subalit hindi niya maihakbang ang kaniyang mga paa na pakiramdam niya ay dinikit sa sahig. Kahit anong pilit niyang humakbang pero kahit anong gawin niya ay hindi niya maihakbang ang kaniyang paa. "Zeus! Zeus! Tulungan mo ako! Sigaw niya pero hindi siya narinig ni Zeus kahit anong sigaw pa ang ginagawa niya.Nanginginig na ang kaniyang buong katawan sa takot at namumutla na siya.
"Katrina, takot ka na ba? Bakit nang pinatay mo kami ng anak ko ay hindi ka nakaramdam ng takot? Ang kapal ng mukha mong tumira rito sa pamamahay ko! Kung nakaligtas ka sa batas huwag kang munang mag-celebrate dahil gawin kong impyerno ang buhay mo, mag-bestfriend tayo 'di ba? Kaya dapat lang na magkasama tayong humarap kay satanas. Bininta ko na ang kaluluwa ko sa kaniya upang sa ganoon ay magkasama tayo habangbuhay! Pero bago ang lahat. Paglaruan muna kita, agawin ko ang lahat na meron ka. Una si Zeus, pangalawa ang anak mong nandiyan sa sinapupunan mo! Akin lang iyan Katrina! Iparanas ko sa 'yo kung paanong mabuhay na wala nang kaluluwa!" galit na turan ni Sofia. Habang lumalaki sa sobrang takot ang mga mata niya. "Hayop ka, Sofia, hindi mo magagawa sa akin ang lahat nang sinasabi mo! Patay ka na wala ka nang magagawa pa! Ako lang ang nagmamay-ari ni Zeus, bumalik ka na sa impyernong pinanggalingan mo!" sa galit ni Sofia ay tinaas niya ang kaniyang dalawang kamay at nagliparan ang mga gamit sa loob ng kuwarto. Tinuro ni Sofia ang remote ng telebisyon at lumipad ito at tumama sa mukha ni Katrina. Mas lumaki pa ang mga mata niya nang lumipad ang gunting at dahang-dahang tumusok sa tiyan niya. Sumigaw siya sa sobrang takot. Nang bumukas ang pinto ay biglang nawala ang kaluluwa ni Sofia. Pero si Karina ay nanginginig pa rin dahil sa sobrang takot.
"Katrina, anong nangyayari sa 'yo bakit parang nababaliw ka diyan? " tanong ni Zeus nagtaka kasi siyang nanginginig sa sobrang takot si Katrina. "Zeus, natatakot ako."
"Saan ka natatakot? Nasa loob ka ng kuwarto."
"Zeus, kailangang umalis na tayo rito. Sumama ka na sa akin. Hindi ko alam kung bakit nagpapakita sa akin si Sofia."
"Ayoko Katrina." nagtataka si Katrina dahil walang bakas ng dugo ang sahig at walang mga gamit na nagkalat sa sahig nang kinapa niya ang kaniyang ilong ay meron dugo. At sobrang sakit ang nararamdaman niya. Pumasok sa isip niya na sa kaniya lang nagpapakita si Sofia.
"Zeus, wala ka bang naramdaman? I mean wala ka bang napansing kakaiba?"
"Katrina, ano ba ang nangyayari sa 'yo? Bakit ba nagkaganiyan ka? Matulog ka na Katrina. Hindi na kita naiintindihan para ka nang ewan lutang ka na lang lagi."
Kinabukasan ay maagang gumising si Katrina, nagulat siya nang nasa sala ang mga magulang ni Sofia.
"Tita, tito. bakit bumalik pa kayo rito? Puwede bang bigyan naman ninyo kami ng katahimikan ni Zeus? Wala si Sofia rito. Bakit ba kayo pabalik-balik?"
"Katrina, nandito kami dahil gusto naming kunin si yaya Martha. Hindi mo siya puwedeng gawing katulong dahil mahal na mahal siya ni Sofia!"
"Hindi ninyo siya puwedeng kunin wala kaming katulong rito. Kumuha kayo ng ibang katulong." singhal ni Katrina sa mag-asawa.
"Ang kapal ng mukha mo Katrina! May katapusan din ang kasamaan mo tandaan mong hindi kami titigil hangga't hindi lumabas ang katotohanang ikaw ang pumatay sa anak at apo ko! Sa oras na malaman ko ang totoo kulang pa ang buhay mong kabayaran sa pagpatay mo sa anak naming si Sofia."
"Hindi ako natatakot, dahil wala akong ginagawang masama! Hindi ako ang pumatay sa kaniya. Tigilan ninyo akong dalawa sa pangbabanta ninyo sa akin, dahil nagsasabi ako ng totoo hindi ko pinatay si Sofia!"
"Vicky, Jaime, hali na kayo ito na ang lahat nang gamit ko." turan ni yaya Martha at nagmamadali na silang umalis. Paggising ni Zeus ay nagtataka siyang walang nakahandang pagkain sa hapag kainan. Galit na galit si Katrina dahil walang nagluluto ng breakfast para sa kaniya. At si Zeus naman ay nagtataka kung bakit wala si yaya Martha. "Yaya, meron ka bang sakit? Bakit walang naghanda ng breakfast?"
"Zeus, huwag mo nang tawagin ang wala."
"Bakit nasaan ba si yaya Martha?"
"Wala na siya, kinuha na siya ng mga magaling mong biyenan."
"Anong kinuha? Pumunta ba sila rito? Bakit wala kang sinabi sa akin? Bakit hindi mo ako ginising?"
"Tulog ka Zeus, hindi na kita ginising. Saka, hayaan mo na lang kumuha na lang tayo ng tayo katulong ako na ang bahala."
"Huwag ka munang pumasok sa opisina Katrina, ayokong walang maiwan sa bahay baka umuwi si Sofia. Ako na lang muna ang bahalang mag-asikaso sa company. Saka buntis ka ayokong ma-stress ka sa opisina." seryosong turan ni Zeus. Umiiling-iling si Katrina dahil natatakot siyang magpaiwan sa bahay, nag-aalala siyang mumultuhin na naman siya ni Sofia.