CHAPTER 7

1292 Words
Chapter 7 “Bakit Zeus hanggang ngayon ba ay umaasa ka pa ring umuwi si Sofia rito sa bahay? Iniwan ka na niya baka nga sumama na iyon sa ibang lalaki eh saka kung gusto pa niyang umuwi rito dapat nandito na siya kaya tigilan mo na Zeus! Dahil walang Sofia at kahit kailan ay hindi na siya magpapakita pa sa ‘yo!” “Katrina ikaw ang tumigil! Asawa ko si Sofia at alam kong mahal na mahal niya ako alam kong babalik siya sa akin alam kong ipakilala niya sa akin ang aming anak!” Galit na singhal ni Zeus kay Katrina habang umiling iling ito sa galit tinalikuran niya ang babae at nagmamadaling lumabas hinabol siya ni Katrina hanggang gate pero hindi na ito naabutan pinaharurot niya nang takbo ang kotseng sinasakayan nito. “Hayop ka Zeus! Bumalik ka rito!” sigaw ni Katrina habang hinahabol ang kotse ng lalaki. Malayo na si Zeus kahit anong takbo pa niya ay hindi na niya ito naabutan at tuluyang nawala sa paningin niya ang kotse ni Zeus.qqqDahang-dahang umakyat si Katrina papuntang taas nagulat siya nang biglang nanigas ang kaniyang mga paa at hindi na niya ito maihakbang. “Anong nangyari sa mga sa paa ko?” bulong niya sa sarili. Lamaki ang mga mata niya nang makitang may humawak sa kaniyang mga paa nakita niyang duguan ang mga kamay at halos lumabas na ang mga mata nito sa sobrang laki. Sumigaw siya sa sobrang takot. Pero mas hinigpitan pa nito ang paghawak sa kaniyang mga paa. “Sofia tigilan mo na ako! Tigilan mo na kami ni Zeus! Wala ka nang magagawa pa ako ang mahal niya hindi ikaw!” nagulat siya nang biglang ‘lumapit si Sofia sa kaniya at hinawakan ang leeg ni Katrina. “Traydor ka Katrina! Hindi kita mapapatawad pinatay mo kami ng anak ko para lang matupad ang iyong pangarap na makuha si Zeus! Hindi kita patahikin Katrina buntis ka ‘di ba? Sa ayaw o sa gusto mo kunin ko sa ‘yo ang anak mo!” “Patay ka na Sofia wala ka nang puwang sa puso ni Zeus!” “Mahal ako ng asawa ko Katrina maaring nabulagan lang siya dahil sa pang-aakit mo sa kaniya! Napakawalang hiya mo Katrina bestfriend kita pero paano mo nagawang patayin kami ng anak ko!” “Lumayo ka na Sofia! Huwag mo na akong multuhin pa! Patay ka na, huwag ka na kaming guluhin ni Zeus, dahil akin na siya ako na ang nagmamay-ari sa kaniya!” galit na sigaw ni Katrina pero nagulat siya nang biglang nakatayo na si Sofia sa kaniyang harapan at sinakal siya. Nagpupumiglas siya pero mas lalong humihigpit ang mga kamay ni Sofia sa kaniyang leeg. Nanlilisik ang mga mata nito dahil sa sobrang galit habang hawak-hawak ni Katrina ang mga kamay ni Sofia upang tanggalin niya ito sa pagkakasakal sa kaniya. “Hinding-hindi mo maaagaw sa akin ang asawa ko Katrina! Papatayin muna kita bago mangyari ang mga plano mo! Pagbabayaran mo ng mahal ang pagpaslang mo sa amin ng anak ko! Wala kang konsensiya mamatay tao ka Katrina!” “Nangyayari na nga Sofia ‘di ba? Nasa akin na ang pinakamamahal mong asawa, kung pinatay man kita dahil na rin sa sobrang pagmamahal ko sa asawa mo! Dapat sa akin siya eh. Dapat ako ang pinakasalan niya kaso inagaw mo siya sa akin kaya wala akong kasalanan sa ‘yo Sofia binabawe ko lang ang alam kong pag-aari ko!” galit na singhal ni Katrina kay Sofia dahang-dahang binitawan ni Sofia ang leeg ni Katrina at umatras siya tinuro niya si Katrina at nanlilisik ang mga mata niya. “Ako ang mahal ni Zeus Katrina hindi ikaw! At wala akong inaagaw sa ‘yo asawa ko siya at ako lang ang pinakasalan niya ako ang may karapatan sa kaniya. At ikaw kahit alam mong nagmamahalan kami inaahas mo pa rin siya sa akin! Dinamay mo pa ang anak namin ni Zeus! Wala kang awa Katrina isa kang demonyo!” “Sabihin mo na lahat Sofia! Kahit anong gawin mo patay ka na! At hindi mo na ako kayang pigilan pa sa mga gusto kong gawin, lumayas ka na Sofia! Patay ka na ‘di ba? Dapat doon ka na sa impyerno kasama si satanas! Huwag mo nang pangaraping pigilan ako sa mga plano ko dahil patay ka na! Wala ka nang magagawa pa!” “Meron akong magawa Katrina, kahit patay na ako hindi kita hahayaang magwagi sa mga plano mo! Malaman ni Zeus na ikaw ang pumatay sa amin ng anak ko!” “Hindi mangyayari iyan Sofia. Dahil ang alam ni Zeus iniwan mo siya at nagpakalayo-layo kasama ang anak mo. Hindi niya alam na patay ka na at ang anak mo!” nagulat si Katrina nang biglang lumakas ang hangin at lumipad ang vase na nakapatong sa center table at tumama ito sa kaniyang ulo nagulat siya at sumigaw nang nakitang meron tumulong dugo sa kaniyang ulo. Kasunod ang pagdating ni Zeus nagtataka ang lalaki sa reaksiyon ni Katrina dahil maraming dugo ang mukha nito mula sa kaniyang ulo. “Katrina, anong nangyari bakit maraming dugo ang mukha mo?” “Zeus, nauntog ako eh.” tugon nito habang inilibot niya ang paningin sa paligid tinitingnan niya kung hindi pa ba umalis si Sofia, ayaw niyang malaman ni Zeus na minumulto siya ni Sofia dahil gusto niyang palabasing iniwanan siya ni Sofia at nang anak nito. “Katrina, bakit paranoid ka? Anong problema mo?” “Zeus aalis na tayo rito ayoko na sa bahay na ‘to!” “Katrina nababaliw ka na ba? Bahay namin ito ni Sofia, ayokong umalis paano kung umuwi sila ng anak ko tapos wala ako rito? Mas lalong magalit siya sa akin tulad ng sinasabi ko sa ‘yo kung gusto mong umalis, umalis ka na huwag kang mag-alala hindi ko kalimutang meron akong anak sa ‘yo magbigay ako ng sustento at mga pangangailangan niya kung maipanganak mo na siya.” galit na galit si Katrina sa sinasabi ng lalaki lumapit siya nito at mabilis niyang tinulak. “No! Hindi puwede Zeus, ikaw ang kailangan namin ng anak natin! Hindi sustento mo! Ayokong mawala sa tabi mo. Gusto kong kasama kita lage dahil mula ngayon ako na ang asawa mo, magkakaanak na nga tayo eh, kaya kahit ayaw mo kailangang sundin mo pa rin ang gusto ko!” “Katrina, hindi kita asawa! Si Sofia lang ang asawa ko. Tigilan mo na nga ako! Hanapin ko ang mag-ina ko kung ayaw mong umalis bahala ka sa buhay mo! Basta huwag na huwag mo akong pakialaman sa mga desisyon ko!” galit na sigaw nito kay KatrinaAt nagmamadaling umakyat sa kaniyang kuwarto. Galit na galit si Katrina dahil sa mga sinasabi ni Zeus sinundan niya ang lalaki sa kuwarto. Pumasok siya sa bathroom upang gamutin ang sugat niya sa ulo. “Hindi mo man lang ako tulungang gamutin ang sugat ko?” “Katrina, maliit na sugat lang iyan kaya mo nang gamutin iyan.” malamig na tugon ng lalaki habang nagbibihis ng t-shirt. Nagulat si Zeus nang marinig niyang sumigaw si Katrina sa loob ng restroom. Nakita ni Katrina si Sofia nakatayo ito sa harapan niya. Nagmamadaling tumakbo palabas si Katrina pero nadulas siya at “ natapilok ang kaniyang mga paa. “Katrina anong nangyayari sa ‘yo? Bakit ba ang clumsy mo?! Sigaw ni Zeus sa kaniya. “Ako na nga ang nasasaktan ako pa ang sasabihan mo ng ganiyan? Hindi mo man lang ako tinatanong kung okay lang ba ang baby natin sa tiyan ko? Zeus, nagbago ka na eh. Hindi mo na ba ako mahal?” tanong ni Katrina habang tumulo ang mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD