CHAPTER 5

1151 Words
“Ano ba? Umalis ka na! Pabayaan mo ako!" sumigaw na siya sa sobrang takot pero hindi siya naririnig ni Zeus, mas natatakot pa siya dahil may isang babae na nakatayo sa kaniyang harapan nakasuot ng puti na damit at nanlilisik ang mga mata nito. Humagulgol ng iyak ang babae at lumuluha ito ng dugo. “Sofia ikaw ba iyan? Tigilan mo na ako! Layuan mo ako! Wala akong kasalanan sa iyo! Nagmamahalan kami ni Zeus!" sumigaw ang kaluluwa ni Sofia at halos mabingi si Katrina sa sobrang lakas tinakpan niya ang kaniyang tenga pero naririnig pa rin niya ang sigaw ni Sofia. “Hindi kita titigilan Katrina! Hindi kita patatahimikin! Hangga’t hindi mo aaminin sa lahat, na ikaw ang pumatay sa akin!" biglang bumukas ang pinto at nawawala agad ang kaluluwa ni Sofia. “Zeus, mabuti nandito ka na, natatakot ako, ayoko na rito!” sigaw ni Katrina at lumabas siya ng banyo. “Katrina anong nangyayari sa 'yo?” naguguluhang tanong ni Zeus. “Zeus, hindi mo ba nakikita? Punong-puno ng dugo ang katawan ko! Dugo ang lumabas mula sa shower!” singhal ni Katrina. “Katrina, umalis ka na rito, ikaw lang naman ang nagpupumilit na tumira rito! Saka, anong dugo? Walang dugo! Nababaliw ka na ba? Tumayo ka diyan bakit ka nakahiga diyan sa sahig?” sigaw ni Zeus. Habang si Katrina naman ay nanginginig sa sobrang takot. "Zeus, hindi ako nababaliw! Totoo ang sinasabi ko sa iyo dugo ang lumabas na tubig mula sa shower!" binuksan ni Zeus, ang shower pero tubig ang lumalabas wala siyang nakikitang dugo. "Katrina see? Nasaan ang dugo? Magpa-check up ka na delikado na ang utak mo!" "Zeus, umalis na tayo rito, natatakot ako eh. Doon tayo sa bahay ko! Natatakot ako, iwanan na natin ang bahay ninyo." saad ni Katrina habang umiiyak. "Katrina kung gusto mong umalis sige umalis ka na, huwag mo akong idamay! Lumabas ka na diyan at magbihis ka na!" "Bakit walang dugo? Pero kanina puro dugo ang bathroom nagkalat ang mga dugo nanaginip lang ba ako? No! Totoo ang nakikita ko, minumulto ako ni Sofia. Kailangang makaalis na tayo rito Darren please, mababaliw ako kung magtatagal pa ako rito." Wika niya habang nakayakap kay Zeus. Habang mahimbing ang tulog ni Zeus, ay bigla siyang nagising dahil may tumawag sa kaniya, bumangon siya at hinanap niya ang pinagmulan ng boses, meron siyang naririnig na hagugoll ng isang babae. Hinahanap niya kung saan, pero wala siyang nakikita, pumasok siya sa isang bakanteng kuwarto pero wala siyang nakikita, nagulat siya nang nakaapak na siya sa lupa maraming mga damo at punong kahoy sa kaniyang paligid, mas lumakas pa ang hagulgol ng babae hinahanap niya ang boses na iyon hanggang sa nakarating siya sa bungad ng bangin, kung saan doon natagpuan ang kotse ni Sofia. "Sofia nasaan ka? Dinala mo ba ako rito? Saan kayo ng anak ko? Hinahanap ko kayo Sofia magapakita kayo sa akin kayo ng anak ko. Miss na miss ko na kayo. Alam kong galit ka sa akin dahil sa natuklasan mo sa amin ng best friend mo, patawarin mo ako Sofia, magpakita na kayo sa akin, mahal na mahal kita, ngayon ko lang nalamang mas kailangan kita na mas mahalaga ka sa akin, parang awa mo na bumalik na kayo sa akin Sofia." sigaw ni Zeus. Nagulat si Katrina nang narinig niyang sumisigaw si Zeus sa pangalan ni Sofia. "Zeus, Zeus, bakit mo tinatawag ang pangalan ni Sofia? Nanaginip ka ba?" tanong ni Katrina habang nakataas ang kilay. "Katrina naririnig ko ang boses ni Sofia. Napakasama kong asawa at ama sa kanila hinahayaan ko silang mawala sa akin dahil sa pagkahibang ko sa iyo! mahal na mahal ko sila kailangan ko sila." umiiyak na turan ni Zeus, na puno ng pagsisi, galit na galit si Katrina sa kaniyang narinig hindi niya matanggap na pinagsisihan nito ang makilala siya, nagulat si Zeus nang sampalin siya ni Katrina sa mukha. "Hayop ka Zeus, ako ang asawa mo ngayon! Patay na ang asawa at anak mo! mag-focus ka sa bagong pamilya mo hinayaan na nga kita na hindi magtatrabaho, ganito pa ang igaganti mo sa akin? Pagod ako sa opisina, ako ang namamahala sa lahat ako na ang gumagawa sa mga iniwan mong trabaho! Naiintindihan kita dahil namatayan ka! Pero sumusobra ka na! Para sabihin mo sa akin ang lahat nang iyan sa harapan ko!" singhal ni Katrins na kay Zeus. "Tumigil ka na Katrina! Buhay ang mag-ina ko! At kahit anong gagawin mo ay hindi mo mapapantayan ang pagmamahal ko kay Sofia! Ang layo mo sa asawa ko, pinagsisihan ko kung bakit pinatulan kita! Ikaw ang dahilan kung bakit siya namatay, kung hindi mo ako inaakit diyan sa katawan mo! Buhay pa sana ang asawa at anak ko!" galit na sigaw ni Zeus. "Hayop ka! Ako pa ang sisihin mo? Tayong dalawa ang gumawa nito binuntis mo ako kaya huwag mong isisi sa akin ang lahat! Mahal na mahal kita Zeus, ikaw ang gusto kong makasama! Huwag mo naman ipamukha sa akin na ako ang may kasalanan, kung bakit nawala sa iyo ang mag-ina mo. Best friend ko si Sofia nasasaktan din ako sa nangyayari sa kaniya!" "Niloloko mo ako Katrina ang sabi mo may iniinom kang gamot para hindi ka mabuntis! Pero bakit buntis ka?! Dahil sinasadya mo ang lahat 'di ba? Dahil gusto mo kaming sirain ng asawa ko? Sagutin mo ako Katrina!" "Zeus, hindi mo ako masisi kung sinasadya ko ang lahat! Dahil gusto ko sa akin ka lang, gusto ko iwanan mo si Sofia at ako ang pipiliin mo! Selfish man ako pero mahal na mahal kita eh. Nagseselos ako kay Sofia gusto ko sa akin ka na umuwi, at sa akin ka na habang buhay." umiiyak na turan ni Katrina. "Pero bakit Katrina? Ngayon na kasama mo ako masaya ba tayo? Masaya ba ako sa iyo? Paano ako maging masaya Katrina? Nakalimutan ko na nga kung paano ngumiti, nakalimutan ko na kung kailan ako huling tumawa!" "Zeus, mahal na mahal kita, kaya kita inaakit kasi gusto ko, kahit minsan lang mararanasan ko naman ang mahalin eh, kasi buong buhay ko nag-iisa lang ako. Wala na si mommy, namatay dahil kay daddy, kasi nag-asawa si daddy ng iba. Kulang ako sa atensiyon. Samantalang si Sofia lang ang meron ako, siya ang nag-aalaga sa akin, kami lang dalawa eh. Nangangako kami sa isa't isa na kami lang ang magkasama habang buhay. Kahit anong mangyayari ay hindi kami puwedeng magmahal ng iba, dahil katulad ng daddy ko ang lahat na mga lalaki! Pero sinungaling siya naglihim siya sa akin iniwan niya ako, katulad nang ginagawa nina mommy at daddy sa akin! kaya inaakit kita para gantihan siya! Pero hindi ko alam kung bakit nababaliw ako sa 'yo Zeus, nagising na lang ako isang umaga na gustong-gusto kitang agawin kay Sofia. Nagwawagi ako Zeus, kasama na kita ako na ang asawa mo, patay na si Sofia."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD