“Zeus, ano ba ang nangyayari? Kanina tumakbo ako palabas ng aking kuwarto dahil naririnig kong umiiyak si Sofia, naririnig kong may batang umiiyak akala ko nanganak na si Sofia, tiningnan ko ang oras sakto walang labis walang kulang Alas-dose-na nang gabi, Kinilabutan ako at hinanap ko si Sofia pero wala siya Zeus saan ba nagpunta si Sofia? Anong nangyayari sa kaniya.” Nag-aalalang tanong ni Martha.
“Hindi ko po alam, hinanap ko siya pero hindi ko siya natagpuan, nag-aalala na ako dahil ang lakas ng ulan, hindi ko rin ma-contact ang kaniyang cell phone, umakyat na siya sa kaniyang kuwarto niligpit niya ang laptop ni Sofia, pumasok siya sa CR para mag-shower dahil nabasa siya sa ulan, habang naliligo si Zeus ay nagtataka siya dahil biglang namatay ang ilaw at nawawala ang tubig, lumabas siya ng CR pero pagkalabas niya biglang sumindi ulit ang ilaw.Tumayo ang mga balahibo niya dahil nakaramdam siya ng sobrang lamig, mainit ang tubig at ngayon lang niya ito naramdaman na sobrang lamig lumabas siya sa CR at nagmamadaling nagbihis, pinilit niya na makatulog iniisip niya si sofia hindi siya nag-lock ng pinto nagbabakasakali siya na dumating si Sofia.
Habang natutulog si Zeus ay biglang bumukas ang pinto ng kanilang kwarto, nagising siya dahil nakaramdam siya ng sobrang lamig at may malakas na hangin na dumadampi sa kaniyang buong katawan, Nakita niya si Sofia na nakatayo sa kaniyang harapan.
“Sofia. . . Sofia. . . Bakit ngayon ka lang? Hihintay kita, hindi nagsalita si Sofia at nakita ni Zeus na maliit na ang tiyan nito.
"Honey, nasaan ang baby natin? Honey nasaan ang baby natin?” hinawakan niya si Sofia pero hindi niya ito mahawakan at nagulat siya nang bigla itong nawala.
“Sofia. . . Sofia. . .” bumaba siya ng hagdan, tiningnan niya kung nasa baba si Sofia, nadulas siya, at gumulong siya hanggang sa baba. Hindi siya makatayo dahil sa sobrang sakit, sumigaw siya ng tulong kaya lumabas si Martha dahil naririnig niyang sumigaw si Zeus habang namilipit ito sa sobrang sakit, inalalayan siya ni Martha na makatayo.
“Zeus,anong nakikita mo? Pareho ba tayo ng nakita? Sa tingin ko patay na si Sofia.”
“Yaya, hindi patay ang asawa ko! Huwag mong sasabihin ‘yan! Nakita ko siya nakasuot siya ng puting damit pero hindi na malaki ang kaniyang tiyan, hanapin ko siya, kailangan ko siyang makausap alam ko galit siya sa akin kaya hindi siya umuuwi pero alam ko babalikan niya ako, babalik siya kasama ng anak ko.”
Kinabukasan ay nagulat si Zeus nang biglang dumating si Katrina. Meron itong dalang malaking bag.
"Katrina, anong ginagawa mo rito?"
"Zeus, natatakot akong matulog mag-isa."
"Nababaliw ka naba Katrina? Ano na lang ang sasabihin ng magulang ni Sofia?!
"Zeus, buntis ako eh. Natatakot ako, nagpapakita si Sofia sa akin. Nasaan ba siya?"
"Katrina, umalis ka na rito! Nawawala ang asawa ko dahil sa 'yo!"
"Dahil lang ba sa akin Zeus? Teka lang naman tayong dalawa ang may kasalanan baka nakalimutan mo?!" galit na singhal nito kay Zeus. Umakyat pa rin siya sa kuwarto ni Zeus at doon niya mismo nialagay ang kaniyang mga damit.
Galit na galit ang magulang ni Sofia nang nalaman nilang tumira si Katrina sa bahay nina Zeus at Sofia, samantalang hindi pa natagpuan ang kanilang anak at apo.
"Anong ginagawa mo rito sa bahay ng anak ko? Ipaliwanag mo sa akin Zeus! Hindi pa nga natagpuan ang anak anak namin ay nagpatira ka na ng babae dito sa bahay ng anak ko?!"
"Mommy bakit hindi ninyo sinabing pupunta kayo rito?" tanong ni Zeus.
"Pumunta kami agad dahil sinabi ni Martha sa amin ang nangyayari! At ikaw babae ano'ng kinalaman mo sa pagkamatay ng anak ko? Traydor ka tinuring kang best friend ng anak ko! Kapatid ang trato niya sa iyo! Tapos ganito ang igaganti mo?!"
"Tita bakit po ninyo ako pinagbibintangan sa pagkawala ng anak ninyo? Tito Jaime tita Vicky best friend ko po ang anak ninyo, hindi ko po magagawa sa kaniya ang binebentang ninyo sa akin!"
"Huwag mo akong tawaging tito Katrina akala mo ba hindi namin malalaman ang totoo? May lumantad na witness pero hindi pa namin siya ilalabas, gusto namin ni Vicky na ikaw mismo ang umamin sa amin na ikaw ang pumatay sa anak namin!"
"Tito hindi po totoo 'yan! Anong dahilan para patayin ko ang anak ninyo?"
"Anong dahilan Katrina? Dahil kabit ka ni Zeus! May nagsasabi sa amin sa opisina mo, ilang beses nila kayong nakikita na naghahalikan nag imbistiga kami kaya huwag kang kampante! At ngayon nandito ka na mismo sa pamamahay ng anak ko, ilang araw pa lang mula sa pagkamatay niya nandito ka na? Hindi pa nga natagpuan ang patay niyang katawan? Ang kapal ng pagmumukha ninyong dalawa! Ahas! At ikaw Zeus, may karma hintayin mo lang! Buntis ka Katrina 'di ba? Malay natin mamatay din 'yan kasama mo Katrina! Matutuwa ako para naman makaganti ako sa pagpatay mo sa anak at apo ko!"
"Tita mahal ko si Zeus! Hindi ninyo kami mapipigilan! At nagmamahalan kami! Hindi niya mahal si Sofia."
"Ahas ka! Huwag mo akong matawag-tawag na tita! Traydor ka Katrina isa kang ahas! At ikaw Zeus ang kapal ng mukha mong gawin ito sa anak ko! Pagbabayaran ninyong dalawa ang ginagawa ninyo sa anak ko. Sa oras na mapapatunayan namin na ikaw ang pumatay sa anak ko mabubulok kayong dalawa sa kulungan! Wala kayong konsensiya! buntis ang anak ko sa anak mo Zeus! Pinatay mo ang asawa at anak mo! Kayong dalawa mga Kriminal kayo! mabubulok kayo sa kulungan! Mayaman ka Katrina, pero walang magagawa ang pera mo, sa pera namin mananaig ang hustisya sa anak ko!" sigaw ni Vicky.
“Halika na Jaime, hayaan na natin silang magpakasaya sa impyerno!”
pag-alis sa mga magulang ni Sofia ay hinablot ni Zeus, si Katrina at sinakal niya sa leeg.
“Katrina ano’ng ginawa mo sa asawa ko? At anak ko? Totoo bang ikaw ang pumatay sa mag-ina ko?
Totoo ba? Sagutin mo ako!” singhal ni Zeus, habang sinasakal nito si Katrina.
“Ze—--Zeus, masakit Aray! Aray! Bitawan mo ang leeg ko! Ano ka ba?” halos hindi na makahinga si Katrina sa higpit na pagkakasakal sa kaniya ni Zeus. Nang Bitawan niya ang leeg ni Katrina ay napaubo ito sa sakit.
"Ngayon Katrina sagutin mo ang tanong ko! Pinatay mo ba ang mag-ina ko!”
“Zeus, paano ko patayin ang mag-ina mo? Hindi ko magagawa sa best friend ko ‘yon! Nandito ako sa mga oras na ‘yon paano ko magagawa ‘yon nag-se-s*x pa tayo sa bathroom sa mga oras na iyon!
pinagbentangan nila ako at naniwala ka naman? Galit sila sa akin kasi nalaman nila na kabit mo ako, tapos best friend ako ng anak nila.” paliwanag ni Katrina.
“Pero nagpaimbistiga sila Katrina bakit may nakita silang witness? Kailangan kong makausap ang sinasabi nilang witness! Hindi patay ang asawa ko! Buhay siya!"
“Zeus, tama na! Hayaan mo silang mag-isip ng masama sa akin! Walang katotohanan ang lahat ng iyon! Maligo muna ako, para malamigan ang ulo ko!” umakyat si Katrina sa kuwarto para maligo kumuha siya ng towel, naghubad siya ng damit at pinaandar ang shower, nagulat si Katrina dahil malapot ang lumabas na tubig ng shower pagdilat niya ay dugo ang kaniyang nakikita, tumingin siya sa salamin sumigaw siya dahil puno ng dugo ang kaniyang katawan.
“Bakit dugo? Ahhh. . . Zeus! Zeus!" sigaw niya, nagulat siya nang biglang na-lock ang pinto at hindi na siya makalabas, takot na takot na siya at pinilit niyang buksan pero hindi ito mabuksan.” Zeus. . . tulungan mo ako!" May mga duguang kamay ang humila sa kaniyang paa. Nanginginig ang mga paa niya sa sobrang takot, nang lumapit sa kaniya ang babaeng duguan at puno ng dugo ang katawan. Halos mamatay siya sa sobrang takot. Puno ng dugo ang sahig ng banyo at nang humarap siya sa salamin ay nakita niya ang mukha ni Sofia, punong-puno ng dugo ang mukha nito. Hindi makapagsalita si Katrina halos lumuwa na ang mga mata niya dahil sa sobrang takot.