-=Rebecca's Point of View=- Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko, at ganoon na lang ang pagtataka ko nang tumambad sa akin ang hindi pamilyar na kisame, kaya naman dali-dali kong nilibot ang mga mata ko sa paligid at mas lalo akong naguluhan nang makita ko ang isang magandang kuwarto. "Nasaan a..." Sa isip ko, ngunit sandali lang iyon dahil muli kong naalala ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Dali-dali akong tumayo sa kama, at hinanap ang taong iyon, ngunit napansin kong mag-isa lang pala ako sa kuwartong iyon, binalak ko na sanang lumabas para hanapin ito, ngunit napigilan ang paglabas kong iyon nang bumukas ang pinto ng kuwarto at ilabas doon ang taong hinahanap ko. Muling nanumbalik ang galit sa dibdib ko habang nakatingin sa mukha ng lalaking minahal ko. Kung nakakamatay