CHAPTER TWO - The Good Daughter: Yarri Mae Panlillo

1666 Words
Yarri, naihanda ko na ang mga pagkain mo sa susunod na tatlong araw. Nasa fridge lahat ang mga containers at naka-label na. Nakapag-transfer na rin ako ng allowance mo sa iyong bank account. Sapat iyon para sa buong linggo, pero kung may mga bayarin ay sabihin mo lang at magdadagdag ako. I love you, anak. Pasensya ka na kung wala na naman ako para asikasuhin ka, kailangang magtrabaho ni Mama para mabili natin ang lahat ng mga kakailanganin mo. Keep yourself safe. I’ll see you on Friday! Love, Ma * * Isang mahabang buntong hininga ang kumawala mula sa kaniyang lalamunan nang mabasa ang kabuoang sulat ng kaniyang ina. Naka-lapag ang sulat na iyon sa mesa katabi ang hapunan niyang tinatakpan ng malaking plastic tray. Kagagaling lang niya sa eskwela, at excited pa man din siyang ibalita sa ina na nanalo siya bilang bagong student council president ng Sta. Barbara Academy. Pero katulad ng madalas na mangyari ay hindi na naman niya ito nadatnan sa pag-uwi niya sa bahay. Naiintindihan niya kung bakit kumakayod nang husto ang kaniyang ina—alam niyang para rin naman iyon sa kinabukasan niya, para rin sa kaniya. Pero minsan ay hindi niya maiwasang malungkot… o masaktan. Pakiramdam niya ay lagi siyang nag-iisa. Pakiramdam niya’y kay lungkot ng buhay niya. Her mother was working hard for her since her a**hole father left them for another woman. She was only six when that happened, at may kaunti siyang alaala noong araw na umalis ito bitbit ang isang malaking maleta kung saan nakasilid ang lahat ng mga gamit nito. She remembered how her mother begged for him to stay, subalit walang puso ang kaniyang ama. He left without a single word, without even glancing at her. Simula noon ay mag-isa na siyang itinaguyod ng Mama niya. Ilang beses silang pinalayas sa mga inuupahan nilang apartments dahil hindi sila nakababayad ng renta. Ilang beses silang nag-lugaw ng kanin dahil kailangan nilang magtipid ng bigas, at maka-ilang beses siyang hindi nakapasok sa eskwela dahil wala silang pamasahe. Ilang taon silang nagtiis sa ganoong kalagayan. Hanggang sa makahanap ang mama niya ng matinong trabaho noong sampung taong gulang na siya. Her mother was able to earn enough to buy all their needs and to put food on the table. Nakalipat na rin sila sa mas maayos at mas malaking apartment, at nagagawa na niyang pumasok sa private school. Her mother had worked hard so that they would never go through the same dilemma they went through after her goddamn father left them. At upang makabawi sa mga sakripisyo ng kaniyang mama ay pinagbutihan niya ang pag-a-aral at pilit na nagpakabait kahit minsan ay gusto na rin niyang mambugbog ng mga mayayabang na lalaking estudyante sa eskwela. Oh, how she hated men. All of them. In any form, shape, and color. Walang mabuting lalaki sa kaniyang mga mata. At kasalanan iyon ng kaniyang ama. She grew up hating men. She grew up thinking they were all the same. As for her male teachers, magalang naman siya. But she was always civil. Hindi siya ngumingiti. Pinag-aral siya ng kaniyang mama sa isang all-girls-exclusive school kaya hindi siya nagkaroon ng problema na pakisamahan ang kaniyang mga kaklase. Pero noong tumapak siya sa middle school ay hindi naging madali ang lahat sa kaniya. Lagi siyang naka-angil, lalo kapag nilalapitan siya ng mga lalaki nilang kaklase. Lagi siyang nakabusangot, lalo kapag may nakakasalubong siyang lalaking kaeskwela. Kahit pa likas na mababait ang mga ito ay hindi niya mapigilan ang sariling mag-alburoto. She just hated men to the core. At handa na siyang tumandang single dahil alam niyang kahit kailan ay hindi siya makikipag-relasyon sa mga lalaki. Hindi siya magkakaroon ng sarili niyang pamilya, at mamamatay siyang mag-isa sa kaniyang tirahan kasama ang mga alaga niyang pusa. Yep, that seemed like a plan for her. At okay na siya roon. She would rather die lonely than engage herself with men and spend the rest of her life with one of their kind. Nahinto siya sa pag-iisip at napa-igtad nang biglang naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone sa bulsa ng suot niyang palda. Mabilis niyang dinukot iyon at nang makitang ang mama niya ang tumatawag ay kaagad niyang sinagot ang tawag. “Ma.” “Hi, anak! Nakauwi ka na ba?” “Opo. Katatapos ko lang basahin ang sulat ninyo. Bakit hindi na lang kayo tumawag? May pa-love letter pa kayong nalalaman.” Her mom chuckled on the other line. “Nagcha-charge ang cellphone ko kanina at baka makalimutan ko pang mag-iwan ng instruction sa pagmamadali, kaya nag-iwan na lang ako ng note. Pasensya ka na kung biglaan na naman ang pag-alis ko, ha? Nag-cancel na ang client na ito noong nakaraang linggo pero nagbago ang isip at sinabing gustong makita ang property bukas ng umaga. Tuloy, bigla akong napa-book ng ticket. Nasa airport na ako ngayon, at nakapila na sa check-in area. Tumawag lang ako para siguraduhing nabasa mo ang note ko.” Lihim siyang napabuntong hininga. Her mother was a real-estate agent, at madalas itong umalis at magtungo sa mga probinsya upang samahan ang mga kliyente na i-check ang property na hawak nito upang ibenta. Traveling was part of her mother’s job, and she had somehow got used to it. “I’ll be fine here, Ma. Enjoy your trip.” “Pasasalubungan kita ng mga delicacies nila from Cebu, ha?” “Kahit h’wag na, Ma. Mag-ingat na lang po kayo sa byahe at tawagan ninyo ako gabi-gabi.” “Kuuu. Ang clingy naman ng unica hija ko.” Napangiti lang siya at hindi na sumagot pa. Makalipas ang ilang sandali ay nagpaalam na rin ito, at natapos ang tawag nang hindi niya nasasabi sa ina ang tungkol sa pagkapanalo niya bilang bagong student council president. She wanted to tell her mother about the good news personally. At gagawin niya iyon sa pag-uwi nito. Ibinaba niya ang cellphone sa ibabaw ng mesa saka inilapag ang bag sa isang upuan. Humakbang siya patungo sa lababo at naghugas ng kamay. Matapos iyon ay bumalik siya sa mesa at naupo sa kaniyang pwesto. Itinaas niya ang plastic tray upang silipin kung ano ang hapunang inihanda ng mama niya. And there she found her favorite; creamy spaghetti with meatballs. Napangiti siya. Ang lungkot sa biglaang pag-alis ng ina ay dagling naglaho. Her mother knew she would be sad, kaya marahil naghanda ito ng paborito niya. Nakangiti siyang muling tumayo upang kumuha ng tinidor, saka mabilis na bumalik sa mesa upang umpisahang kainin ang inihanda ng ina. * * * “Ano ang pinagkakaguluhan ninyo?” tanong ni Yarri nang sa pagdating niya sa classroom nila nang sumunod na umaga ay abutan niya ang mga kaibigang sina Tere (short for Teresita) at Shai (short for Shaniah) na nakikipag-kumpulan sa iba pa nilang mga ka-klase sa harap ng glass window. Ang dalawa ay bahagya lang siyang nilingon. “May bagong transfer student,” balita ni Shai, ang mga mata’y nanlalaki. “At ang yaman, day!” “Hali ka, tingnan mo!” yaya naman ni Tere na binigyan siya ng espasyo upang sumingit sa pagitan nito at ni Shai. Ipinatong niya ang bagpack sa ibabaw ng kaniyang upuan at lumapit sa mga kaibigan. Ang iba sa mga ka-klase nilang nakasilip din sa bintana ay naghahagikhikan at nagbubulungan, habang ang iba’y tahimik na nakamasid lang. Nasa ikalawang floor ang classroom nila—the Senior Class A (the highest section). Sa ibaba ay tanaw nila ang principal’s office, at doon naka-tutok ang tingin ng lahat. Kunot-noo siyang sumingit sa pagitan ng mga kaibigan at tinanaw ang dahilan ng kaguluhan. Sa ibaba, sa tapat ng principal’s office, ay ang parking space na para sa mga teachers o bisita. At doon ay nakita nila ang isang mamahaling sasakyan na nakaparada kung saan may dalawang lalaking nakasuot ng itim na suit and pants na nakatayo at tila nagbabantay. Both men looked like they came from another country, and their suit reminded her of the movie Men In Black. “Dumating ba ang American President?” sarkastiko niyang tanong. “Hindi mo inabutan ang pagpasok ng mayamang lalaki kasunod ang anak niyang mag-aaral dito sa school natin,” ani Tere. “Paano mo nalamang mag-aaral dito? Pwede namang mag-i-inquire pa lang?” “Naka-uniporme na siya, day! Uniform natin ang suot. At bitbit na rin niya ang bag na may logo ng school natin.” “Eh, ano naman kung may bagong transfer student? Halos buwan-buwan namang may bagong lipat na estudyante rito.” Umalis na siya sa bintana at umatras. Humalukipkip siya. “Kung makasilip kayo riyan ay para bang si Queen Elizabeth ang dumating. Umayos nga kayo. Nakagawa ba kayo ng report para sa History class natin?” Lumakas ang bulungan ng mga ka-klase niya na patuloy pa rin sa pagtanaw sa ibaba, habang sina Shai at Tere naman ay hindi pinansin ang kaniyang sinabi. Muli siyang lumapit at nag-akmang maki-singit sa dalawa upang tingnan kung ano ang nakita ng mga ito upang muling mag-ingay, subalit hindi niya nagawang makisiksik kina Shai at Tere dahil lalong nagsiksikan ang mga ka-klase nila. She groaned and walked back. “Oh my God, nakita mo ba ang itsura niya, Tere?” bulalas ni Shai. “Hindi, loka! Nakaharang sina Mr. Alba at Principal Desmondo!” inis na sagot ni Tere na halos tumalon na palabas ng bintana. “Ang pogi niya!” tili naman ng isa pa nilang ka-klaseng babae. “Nasulyapan ko ang mukha niya bago siya pumasok sa school building! Boy-next-door ang peg, mga ‘te!” “Kuu, mukha lang mayaman, pogi agad?” sagot naman ng isa sa mga kaklase nilang lalaki. Sina Shai at Tere ay naghagikhikan at nagbulungan na rin na tila noon lang naka-kita ng gwapong lalaki. At dahil sa nakikita ay napa-ismid siya. Tumalikod na siya at bumalik sa kaniyang upuan. Binuksan niya ang bag upang ilabas ang mga aralin. Lalaki ang bagong transfer student. May dumagdag na namang toxic sa eskwelahan nila. * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD