“Hindi ko inakala na kasama pala sa pagiging newly elected Student Council President ang magtapon ng mga basura,” umiikot ang mga matang komento ni Shai habang hila-hila sa dalawang mga kamay ang isang malaking black trash bag. Ang buhok nitong laging naka-tight bun ay umaalog-alog sa bawat pag-galaw at ang maumbok nitong pisngi ay namumula dahil sa pagod. Maiiksi ang mga biyas nito dahilan upang lalo itong mahirapan sa ginagawa.
“Masakit na ang mga braso ko…” mangiyak-ngiyak namang reklamo ni Tere habang humi-hila rin ng malaking trash bag. Ang mahaba nitong buhok ay basang-basa na ng pawis, at ang salamin sa mata’y nalalaglag na.
“Ewan ko ba riyan kay Yarri!” naka-busangot na reklamo ni Shai. “Nanalo na nga’t lahat-lahat, nagpapakitang gilas pa rin! Hindi mo ba pwedeng i-utos na lang ito sa ibang mga miyembro ng student council?”
Nagpakawala si Yarri ng malalim na buntong hininga habang pinakikinggan ang reklamo ng dalawa. Pagod na rin ito, masakit na rin ang mga braso dahil sa buong maghapon ay tumulong ito sa paglilinis ng stadium, at ayaw na sana nitong patulan pa ang mga naririnig pero hindi nito napigilan ang sarili.
Kaya huminto ang dalaga, binitiwan ang dalawang trash bags na bitbit sa magkabilang mga kamay, saka hinarap ang mga ito.
“Gusto kong ipaalala sa inyo na hindi ko hiniling na tulungan ninyo ako. Ang sabi ko ay ihahatid ko lang ang mga basurang ito sa likod bago umuwi— kayo ang nagpresenta. At sinabihan ko rin kayong mauna nang umuwi dahil hindi rin ako makasasabay sa inyo—kailangan ko pang dumaan sa grocery store. Kaya tigil-tigilan ninyo ako sa mga reklamo n’yo.”
Napabusangot lang ang dalawa at hindi na sumagot pa. Kaya naman muling tinalikuran ni Yarri sina Tere at Shai saka itinuloy ang paghila sa dalawang trash bags.
Sa katunayan ay mga dekosrasyon lang sa nakaraang student council elections ang laman ng mga bags na dala nila at kung tutuusin ay magagaan lang naman. Likas lang na maaarte ang mga kaibigan dahil pawang mga laki sa yaman at hindi sanay sa pagbabanat ng buto.
Whereas as for Yarri, she was used to doing household chores.
“Hay, malapit na tayo,” hinihingal na sabi ni Shai nang matanaw ang daan patungo sa likod ng mga school buildings kung saan naroon ang tambakan ng mga basura.
Yarri turned to her friends and said, “O, bilisan na natin nang matapos na ‘to. Mas napagod akong makinig sa mga reklamo ninyo kaysa rito sa hinihila ko.”
Sabay na umikot ang mga mata ng dalawa na ikina-ngiti lang ng dalaga. Ibinalik nito ang pansin sa daan at itinuloy ang paghila sa dalawang trash bags nang sandaling nahinto sa paghakbang si Yarri. Dahil sa palikong daan patungo sa likuran ng school building ay may lumusot na estudyante.
At kilala iyon ni Yarri.
It was Jeanne; the Sta. Barbara Academy’s beauty queen. Katulad nila ay nasa senior year na rin ito at dalawang taon nang nag-uuwi ng korona at karangalan sa eskwelahan nila mula sa pagkakapanalo sa mga Regional beauty contests. Kilalang-kilala ng lahat si Jeanne, at kaya natigilan si Yarri ay dahil hindi nito inasahang makita sa area na iyon ng campus ang beauty queen.
Ano ang gagawin ng isang Jeanne Vergel sa tambakan ng mga basura?
Ang nakapagtataka pa’y nag-aayos ng nagusot na blusa, at ang ID nitong naka-clip sa bulsa ng blusa ay nakatagilid. Kahit ang tuwid na tuwid nitong buhok ay magulo ng mga sandaling iyon na tila ba pinalid ng malakas na hangin.
Nang mag-angat ng tingin si Jeanne at nakita ang tatlo ay nahinto rin ito; sandaling natigilan. Pero nang makabawi ay nagpakawala ito ng pilit na ngiti at itinuloy ang paghakbang habang inaayos ang nagulong buhok.
Jeanne and Yarri weren’t friends nor nodding acquaintances; but they knew each other because they were in the same year and both were relevant students in the academy. Jeanne for being the beauty queen and Yarri for being the newly elected Student Council President.
“Good afternoon,” Jeanne greeted. Isa-isa nitong tinanguan ang tatlo bago nagtuluy-tuloy sa paglalakad.
Sina Shai, Tere, at Yarri ay nakasunod lang ang tingin kay Jeanne hanggang sa tuluyan itong nakalayo.
“Weird,” Tere uttered. “Ba’t pulang-pula ang pisngi niya?”
“Blush on?” Shai answered.
“Hindi mukhang blush on, mukhang kahihiyan.”
“Bakit siya mahihiya?” balik-tanong ni Shai. “At bakit para siyang nakipag-rambulan? Hindi ako sanay na makita siyang hindi poised.”
Si Yarri ay napailing na lang at itinuloy na ang paghakbang. “Let’s just mind our own businesses. Hali na kayo at ano’ng oras na.”
Naramdaman ni Yarri ang pagsunod ng dalawa, at nang marating ng dalaga ang likuan patungo sa likuran ng school buildings ay muli itong natigilan sa nakita.
Sa unahan, doon sa area kung saan naroon at nakahilera ang malalaking mga trash containers, ay may lalaking nakatayo at nakatalikod sa direksyon nilang tatlo. Base sa tayo ng lalaki ay tila ito umiihi, at ang masama pa roon ay doon ito mismo umiihi sa mga containers!
Bumangon ang inis sa dibdib ni Yarri. Ang pagkakahawak nito sa dalawang trash bags ay humigpit.
“Bakit, ano’ng problema?” nagtatakang tanong ni Tere. Napahinto rin ang mga ito at napatingin sa direksyon ng mga trash containers, at nang makita ng mga ito ang nakikita ni Yarri ay magkasabay na napasinghap ang dalawa.
“Oh my God, hindi ba’t bagong pintura lang iyang mga trash containers?” ani Shai na lalong nagpakulo sa dugo ni Yarri.
Yes, Shai was right. Kapipintura pa lang ng mga trash containers na iyon noong araw ding iyon— at isa iyon sa mga project na ginawa ni Yarri bilang bagong student council president. Nahirapan itong mangalap ng pondo para sa proyekto na iyon.
Tapos ay gagawin lang palikuran ng walang’yang lalaki?!
At nnag pumasok sa isip ni Yarri ang itsura ni Jeanne kanina ay pinanlakihan ito ng mga mata. Humigit kumulang ay alam na nito ang nangyari.
Kaya bago pa man napigilan nina Tere at Shai ang kaibigan ay itinuloy na ni Yarri ang paghakbang palapit sa lalaki bitbit ang dalawang trashbags. Ilang dipa mula rito ay huminto ang dalaga, saka walang ibang salitang ibinato ang hawak na trash bags sa magaling na lalaki.
Three points! Tumama sa ulo at sa likuran nito ang mga iyon! Muntikan pa itong matumba kung hindi lang kaagad naka-balanse.
“What the—” Marahas na lumingon ang lalaki at nagtama ang kanilang mga tingin. “Hey!”
“H’wag mo akong ma-Hey, Hey!” balik-sigaw ni Yarri; ang mga mata’y nagbabaga. Subalit kaagad na natigilan ang dalaga nang walang pakundangan na humarap sa direksyon nito ang lalaki habang itinataas ang zipper. Bumaba ang tingin ni Yarri sa pants nito, at doo’y nasulyapan pa ng dalaga ang kulay bughaw nitong panloob.
Mabilis na tumalikod si Yarri, na ginaya nina Shai at Tere.
“Walang’ya! Bastos! Itago mo ‘yang kabute mo!” nanggagalaiting sigaw ni Yarri.
“Don’t order me around,” anang bastos na lalaki. “Bakit mo ako binato ng mga bags ng basura?”
Akma na sanang sasagot si Yarri nang biglang kumaripas ng takbo sina Tere at Shai; ang dalang mga trashbags ay iniwan lang ng mga ito sa footwalk.
“Hoy!” tawag ni Yarri sa mga ito, subalit walang lingon-likod ang dalawa at tuluyan nang iniwan ang isa.
“Haharapin mo ba ako o tatakbo ka rin tulad ng mga kasama mo?” malakas na sabi ng lalaki na ang tinig ay papalapit na nang papalapit.
Doon nataranta si Yarri. “m******s! H’wag kang lalapit sa akin nang hindi mo naitatago iyang—"
“Ikaw ang m******s!” balik-singhal nito na pumutol sa litanya ni Yarri. “Maliban sa manyak ay bastos ka rin. Nakita mong nasa kalagitnaan ako ng pagpapakawala ng tawag ng kalikasan, tapos ay binato mo ako ng bag ng basura? Ano ang silbi ng pag-aaral mo sa eskwelahang ito?”
Lalong nataranta si Yarri nang mahimigan ang papalapit na tinig ng lalaki. Hindi alam ng dalaga kung ano ang balak gawin ng lalaki, kaya napilitan itong humarap—upang mapatda sa kinatatayuan nang sa pagharap nito’y nakita na halos nasa harapan na lang nito ang bastos na lalaki.
And boy, she couldn’t help but look up at him.
The guy was tall, probably almost six feet. Dalawang dipa na lang ang layo ni Yarri sa lalaki, at kung tatakbo rin ito katulad ng ginawa ng dalawang kasama ay siguradong mahuhuli rin ito ng lalaki.
Kaya naman ipinako ng dalaga ang sarili sa kinatatayuan, saka itinaas ang mukha upang salubungin ang tingin ng lalaki.
Yarri opened her mouth to say something, but she paused when the man reached for her ID. Sa pagkagulat ng dalaga ay tinanggal ng lalaki ang pagkaka-clip niyon sa kaliwang bulsa ng suot na uniform ni Yarri.
“Yarri Mae Panlillo— student council president?”
Nawala ang pagsalubong ng mga kilay ng lalaki at eksaheradong sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa ang dalaga.
Yarri was about to reprimand him but stopped again when the nasty guy released a chuckle.
“Akalain mo ‘yon? Bastos ang student council president! Ano’ng matututunan sa’yo ng mga estudyante rito?”
Inis na binawi ni Yarri ang ID mula sa lalaki saka taas noong sumagot ng,
“Kung may bastos sa ating dalawa ay ikaw iyon. Ano ang silbi ng pag-aaral mo sa eskwelahang ito kung hindi mo kayang i-identify ang pagkakaiba ng basurahan sa kubeta? Tanga ka ba? Maliban sa ginawa mong kubeta ang area na ito’y ginawa mo ring motel. Hindi na ba talaga mapigilan ang kamunduhan mo?”
Tumigil ito sa pagtawa, bahagya pang yumuko upang ilapit ang mukha sa dalaga.
And oh, she so wanted to back out, but Yarri didn’t want this a-hole to think that she was intimidated by him. Kaya matapang na sinalubong ng dalaga ang mga mata ng lalaki, saka ipinako ang sarili sa kinatatayuan.
Ang lalaki ay halos idikit na ang mukha kay Yarri, subalit hindi umatras ang dalaga.
“I’m Deo Evangelio— nice to meet you.”
“Nice to meet you mo’ng mukha mo!” anang dalaga sabay tulak sa lalaki na bahagya lang napa-atras. Katulad ng ginawa nito ay hinablot din ni Yarri ang ID na naka-pin sa bulsa ng uniporme ng kaharap.
Taddeo Valentin Evangelio— Senior Student, Class C.
Pahampas na ibinalik ni Yarri ang ID sa dibdib ng lalaki na maagap naman nitong sinalo.
“Ngayong alam ko na ang kompleto mong pangalan at kung saang klase ka kabilang ay madali na sa aking i-report ka. I will be watching you closely, Taddeo Valentin VerEvangelio. Hindi kita sasantuhin— tandaan mo ‘yan.”
Subalit natigilan si Yarri nang itinaas ni Deo ang isang kamay saka banayad na dinama ang pisngi ng dalaga.
“Ang cute mo para pagbantaan ako ng ganiyan,” nakangising wari nito. “Well, sorry, dahil sanay akong ipatawag ng School Counselor. Sta. Barbara Academy would be the first school to kick me out after a year of hiatus— isn’t it amazing?” He then pinched Yarri’s chin not-to-gently, making her blood boil all the more. “I look forward to receiving a call from the School Counselor’s office. See you around, Yarri.”
And then, he walked past her just like that.
Hindi alam ni Yarri kung gaano ito katagal na nanatiling nakapako lang sa kinatatayuan. Matapos itong hawakan ni Deo sa pisngi ay parang hindi na maigalaw pa ng dalaga ang katawan— hindi na nagawang magsalita pa.
Makalipas ang ilang sandali ay manghang itinaas ni Yarri ang isang kamay saka dinama ang pisnging hinawakan ni Deo. Hindi ito makapaniwalang hinayaan hawakan ng lalaki ang pisngi gamit ang madumi nitong kamay—
Natigilan ang dalaga; muling natulos sa kinatatayuan.
Oh!
Marahas na napalingon si Yarri sa direksyong pinuntahan ni Deo nang rumehistro sa isipan kung saan huling nakahawak ang kamay ng lalaking iyon. But the guy had already disappeared from the crowd of students exiting the school gate.
Oh, hayop na lalaking iyon! nanggigigil na sigaw ni Yarri sa isip. Hinawakan niya ang mukha ko matapos niyang ihawak ang kamay sa kabute niya!
Ibinato ni Yarri ang ID sa labis na panggigigil.
Humanda siya sa akin!
Humanda sa akin ang Deo Evangelio na iyon!
*
*
*