CHAPTER ONE - The Playboy: Taddeo Valentin Evangelio

2236 Words
“Evangelio, go to the School Counselor’s office now.” “Ahh, s**t,” tahimik na mura ni Deo matapos marinig ang sabi ng guro nila pagkapasok pa lang nito sa classroom. Ang lahat ng mga ka-klase niya’y napalingon sa kaniyang direksyon, habang ang katabi naman niyang si Vanessa, ang syota niya sa klase, na kanina pa nagsusumiksik sa kaniya ay napa-tayo at humakbang pabalik sa seat nito na nasa tabi lang din ng kaniya. “What’s going on, babe?” pabulong nitong tanong. “May kinalaman ba dito ang pasa mo sa mukha?” Tahimik siyang napa-ungol. Ayaw niyang sabihin kay Vanessa kung ano ang dahilan ng pagkakaroon niya ng pasa sa mukha. “No. Probably just about my grades.” “What’s wrong with your grades? Your test results are higher than mine.” He turned to Vanessa and released his signature lopsided grin. “It’s nothing to worry about. I’m sure it’s nothing serious.” “They are waiting for you, so please hurry, Deo,” anang guro nila sa seryosong anyo. Kaagad nitong hinarap ang blackboard at binura ang mga nakasulat na lessons doon. Tumayo siya at inisuksok ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot na pants saka tahimik na humakbang palabas ng classroom. Ramdan niya ang mga mata ng kaniyang mga kaklase, nakasunod sa kaniya. Ilang sandali pa’y nakalabas na siya ng classroom at prenteng naglalakad patungo sa School Counselor’s office. May ilang mga estudyante siyang nakakasalubong, at ang ilang doon ay ningingitian niya; lalo ang mga babae na alam niyang may gusto sa kaniya. Ahhh, he enjoyed women’s attention. He loved how they would show their affection to him. Itinuloy niya ang paglalakad hanggang sa marating niya ang papalikong daan patungo sa opisinang tinutumbok niya. Sa parteng iyon ay wala nang mga estudyante at tahimik na ang hallway. Sa kaniyang pagliko ay dire-diretso na sana siya, subalit para siyang kotseng biglang nagpreno nang makita si Mr. Wright na nakatayo sa harap ng School Counselor’s office; tulad ng dati ay suot nito ang itim na coat na uniporme nito sa trabaho, itim na slacks at itim ding leather shoes. Ang mga kamay nito’y naka-krus sa tapat ng dibdib, ang buhok ay naka-brush up. Nasa anyo nito ang ka-seryosohan habang ang tingin ay diretso. Mr. Wright was his father’s right hand; a trusted staff who had been working for their family for more than a decade now. He was originally from the US of A, but he moved to the Philippines two years ago at his father’s request. Ang kaniyang ama, si Theodore Evangelio, ay isang import business tycoon na ang branch office ay sa Michigan. He was a Filipino born in the US and mYarried to a Filipina. Siya ang bunga ng pagmamahalan ng kaniyang mga magulang, at ipinanganak siya sa Estados Unidos. He lived there until he was twelve. Umuwi lang siya sa Pinas nang mag-diborsyo ang kaniyang mga magulang. Sumama siya sa ina nang magpasiya itong lisanin ang Michigan, at bagaman tumutol ang kaniyang ama ay wala rin itong nagawa. He didn’t want to be apart from his mom; he was closer to her. But then, his life changed when his mother died two years ago. She had cancer and it was too late for treatments and medications to prolong her life. Hiniling nito sa kaniyang ama na umuwi sa bansa upang may makasama siya kapag nawala ito, and his father did. Simula noon ay doon na nanatili sa Pilipinas ang kaniyang ama, at manaka-nakang bumibisita sa main branch sa Michigan upang kumustahin ang lagay niyon. Nagtayo ito ng branch office sa Pilipinas at bumili ng mas malaking bahay para sa kanilang dalawa. He and his father had a normal relationship. They weren’t close, pero hindi rin sila magkaaway. His father had been good to him, at hindi siya pinabayaan kahit na hindi sila magkasama sa iisang bubong simula nang maghiwalay ito at ang kaniyang ina. He was always in contact, he was giving him the best life any child could ask for. Naging magkaibigan din ito at ang kaniyang ina matapos ang hiwalayan ng mga ito, kaya naman hindi niya nakita ang ina na nalungkot at nahirapan matapos ang separasyon. His mother had explained to him that the separation was a mutual decision; and that they separated because they thought they were better off friends than lovers. Sa edad niyang disi-siete ay hirap siyang intindihin kung ano ang ibig sabihin niyon. Marahil ay hindi niya kailanman maiintindihan ang rason kung bakit mas malalim ang relasyon ng pagkakaibigan kaysa pag-aasawa; he never had friends. He better off that way. Nang umuwi ang kaniyang ama sa Pinas ay kasama na nito si Mr. Wright. At sa tuwing nasa paligid si Mr. Wright ay siguradong naroon din ang kaniyang ama. At kung nakatayo si Mr. Wright sa harap ng School Counselor's office… ibig sabihin ay nasa loob ang kaniyang ama. And he knew why... Natigil siya sa pag-iisip nang makita ang dahan-dahang pagharap ni Mr. Wright patungo sa kaniyang direksyon. At nang magtama ang kanilang mga tingin ay napa-lunok siya. “Mr. Deo,” ang sambit nito pagkakita sa kaniya. Ang seryosong ekspresyon ay hindi napalis. Mr. Wright was a black american man who was just a few years older than his father. Ang gupit ng buhok nito’y yaong katulad sa mga sundalo, at ang taas nito’y mahigit anim na talampakan. Sanay na siyang makitang seryoso ang anyo nito kaya hindi na bago sa kaniya ang ekspresyong nakikita niya sa mga sandaling iyon. Mr. Wright was an ex-Navy-SEAL, and was only recruited to become his father’s right hand s***h bodyugard after his retirement. Huminga siya nang malalim bago itinuloy ang paglalakad. Inasahan na niyang ipatatawag siya sa School Counselor's office sa araw na iyon. Alam niyang may pagkakamali siya kaya siya naroon. Ang hindi niya inasahan ay ang makita si Mr. Wright sa kinatatayuan nito—at ang pagpapatawag ng eskwelahan sa kaniyang ama. Oh well, he had been expelled multiple times from multiple schools and this wasn’t the first time his father was summoned to fix his mess. Subalit nunca na pumunta ang kaniyang ama—na ipinagpapasalamat niya. Madalas ipadala ng kaniyang ama ang sekretarya nitong si Astor. At si Astor ang inasahan niyang makikita sa araw na iyon. Not his father. At hindi niya naiwasang kabahan. Nahinto siya sa paghakbang ilang dipa mula sa kinatatayuan ni Mr. Wright. Sa edad niyang dise-seite ay may taas na siyang limang talampakan at sampung pulgada, subalit hindi sapat ang tangkad niya upang pantayan si Mr. Wright. The man was over six feet—almost seven! “How are you today, Sir Deo?” Mr. Wright greeted without changing his expression. He shrugged his shoulders, trying to be as nonchalant as he could. “I’m all good, thanks for asking.” Inilipat niya ang tingin sa nakasarang pinto ng School Counselor's office. “I would assume Dad is inside?” “Yes, that's correct.” Ibinalik niya ang tingin kay Mr. Wright. “Am I in deep trouble now?” Mr. Wright stared at him quietly for a while. Wala siyang makitang kahit na anong emosyong dumaan sa mga mata nito habang nakatitig sa kaniya. Kung malalaman niyang gawa sa bato ang puso nito’y hindi na siya magtataka pa. This man always had a stern, apathetic face. Hindi na nagawang sagutin ni Mr. Wright ang kaniyang tanong nang biglang bumukas ang pinto sa kaniyang likuran na ikina-lingon niya. Doon ay nakita niya ang ama na lumabas. Sandali itong natigilan nang makita siya, subalit nang makabawi ay inituloy nito ang paghakbang. Nang sumara ang pinto sa likuran nito ay saka siya tuluyang humarap sa ama. And just by looking at his face, he could tell that his father wasn’t happy. Kaya umantabay niya. Alam niyang anumang sandali ay magtataas ito ng tinig katulad ng madalas nitong gawin sa mga empleyado nitong nagkakamali. His father never really raised his voice at him, not even back when he was just a little boy. Baka ngayon pa lang… Sandali lang siyang tinitigan ng ama bago nito hinarap si Mr. Wright. “Please head to the parking area and start the car. We will be right behind you.” “Understood, Mr. Evangelio.” Kaagad na tumalikod si Mr. Wright, at sa malalaking mga hakbang ay lumayo sa kanila. Nang lumiko ito sa hallway at nawala sa kanilang paningin ay saka niya ibinalik ang pansin sa ama. At doon ay nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Doon lang pinakawalan ng kaniyang ama ang damdaming marahil ay pilit nitong initatago sa harap ni Mr. Wright. “We need to talk back to the house, son,” his father started. “You are coming with me now.” “I have two more classes this afternoon.” “It doesn’t matter. You’re not coming back to this school, ever again.” Unti-unti siyang nagpakawala ng malalim na paghinga. Oh well, he had somehow expected this. Wala nang bago. Sayang lang dahil dalawang buwan na lang sana at matatapos na niya ang unang taon sa middle school. Damn it. Bakit ba kasi niya pinatulan ang lalaking iyon mula sa senior year? Dapat ay umiwas na lang siya. Ano ba kasi ang malay niya na syota pala nito si Darlene? Kasalanan din ni Darlene dahil hindi nito sinabi sa kaniyang may iba itong kasintahan. Kung alam lang niya'y hindi na siya nagdagdag pa ng so-syotain. He had Vanessa and Misty, anyway. Damn Darlene. Ito na ang ikatlong unibersidad na nilipatan niya sa taong ito. Madalas siyang nai-expell sa mga pinapasukan niyang eskwelahan simula noong nakaraang taon dahil sa babae. Kung hindi dahil sa selos ng ibang lalaking nagkakagusto sa mga naging syota niya ay mga ex-boyfriends naman na hindi maka-move on ang mga nakasasagupa niya. This time, it was the 'real' boyfriend. At ito na ang ikatlong warning niya sa eskwelahang ito. Which basically meant good bye. His father was probably told that he was expelled--again. Ahhh, damn it. “Do you want to go back to the States and study there instead, Deo?” Nagising siya mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ang tanong ng ama. Ibinalik niya ang tingin sa mukha nito at sandali itong tinitigan. Para siyang nabingi sa tanong na iyon. Why did his father suddenly think of that? "You're sending me back to the US?" "Why not?" “But how about Mom?” Kinunutan ng noo ang kaniyang ama. “Your mother is dead, Deo—” “She’s buried in the family mausoleum; kung aalis ako ay sino ang dadalaw sa kaniya?” “Deo—” “I promised her before she took her last breath that I would always visit her grave. Hindi ko matutupad ang pangakong iyon kung ibabalik ninyo ako sa Estados Unidos.” “Pero saang paaralan pa kita ipapasok? Anong paaralan pa ang tatanggap sa iyo? Sa loob ng dalawang taon ay wala kang ibang ginawa kung hindi pumasok sa g**o na ang sanhi ay babae. Ang resulta ay ang pagkasira ng kinabukasan mo." Napabuntong-hininga ang kaniyang ama. "Nalibot mo na ang lahat ng magagandang eskwelahan sa lugar natin at hindi ko na alam kung saan pa kita ipapasok." Naiinis siya. Bumibigat ang kalooban niya. Hindi siya sanay na pinagsasabihan ng ama. “Kapag nakita ng ibang eskwelahan ang record mo, sa tingin mo ba ay tatanggapin ka nila? You ruined your future, Deo—” He couldn't help but scoff. “Ruined? Why? Did I kill someone? Did I commit a crime?” “You almost did.” Napa-iling ang kaniyang ama, kasunod ang muling pagpapakawala nang mahabang paghinga. “Let’s talk it over at the house—I’ll give you some time to think about your future—” “I’m not leaving this country—and that's final.” Tumalikod siya at iniwan ang ama. Hindi siya sasamang umalis pauwi sa mansion. Babalik siya sa classroom niya at kukunin ang kaniyang bag. He would leave the school and go straight to his mother’s grave—doon siya magpapalipas ng oras hanggang sa handa na siyang umuwi—katulad ng madalas niyang gawin. Habang naglalakad siya palayo ay naririnig niya ang pagtawag ng kaniyang ama. Subalit nagpatuloy siya at hindi na ito nilingon pa. Nang bandang liliko na siya sa kaliwang aisle sa direksyong patungo sa kaniyang classroom ay bigla siyang napahinto. Nahinto siya nang makaramdam ng pagkahilo, kasunod ng paninikip ng kaniyang dibdib. Then, just suddenly, he felt his knees weakened. Wala sa loob na napa-hawak siya sa pader upang doon kumuha ng lakas—o balanse na ituwid ang tayo. Napayuko siya at napatitig sa sahig—subalit pakiramdam niya’y umiikot ang kaniyang paligid kasabay ng pagkirot ng kaniyang dibdib. Kirot na noon lang niya naramdaman—kirot na hindi niya maipaliwanag. He groaned and gripped his left chest with his other hand. He had no idea what’s happening. Bigla na lang na sumama ang pakiramdam niya at nanakit ang dibdib niya. Biglang-bigla na lang… Nagpatuloy ang pagkirot ng kaniyang dibdib sa puntong halos hindi na siya makahinga pa. He winced and groaned aloud, sending signal to his father that he needed help. He couldn’t find his voice nor move his muscle. Pakiramdam niya’y unti-unti siyang nauupos. Hanggang sa tuluyang bumigay ang kaniyang mga tuhod. At ang kaniyang paningin ay tuluyang nanlabo. And the next second, everything went blurry… ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD