Proposal

4159 Words
"You and I met, and we both knew that we live in black and white world.. traggic, disastrous, awful and devastating. We always know how it feels like having a colorful life.. brightly colored, vibrant and vivid. We became lovers that may look like meaningless but we explore every kind of colors. There are red, oranges and blue." Napapangiti na lang si Rowena habang nakikinig sa mga ibinubulong ni Paolo sa kanyang tenga. Nakaupo silang nakaharap sa Manila bay, nakasandal sya sa dibdib nito habang nakayakap naman ang mga braso nito sa kanya. "Red... it excites our emotions, a color that is responsible with blood and fire. It also signifies an intense love and passion. From extreme love to rage and violence. We felt it, every time, b****y and cursed words. Injured, wounded yet healed. Our love is so much stronger because you’re the kind of suffering that I’m willing to go through." Sabay halik ni Paolo sa kanyang sintido. "Talaga lang ha! Hmm.. " hinaplos haplos nyang braso nito, ng humigpit ang pagkakayakap nito sa kanyang dibdib. "Hahaha... Hayaan mo na kasi ako! Hmm.. Orange .. it offers happiness. You always give me joy and creativity in life. It helps us to fortify our emotional strength. Your smile shines and that is enough for me to admire you." Naramdaman nyang pagpisil nito sa kanyang dibdib, napapailing na lang sya sa mga da moves ng jowa nyang napaka mahilig. Na gusto naman nya.. Parehas lang naman kasi silang malibog na dalawa, pero in good terms naman. "At yung Blue?" "Blue... it represents both the sky and the sea. I can’t illustrate how your pretty eyes are like the ocean. Every time I look at you, you always light up my world, and your existence is enough for me to know that my world is not falling apart. Because of you, I feel complete, like the whole sky who gives comfort to my eyes." "Naks naman! Lalong nahuhulog na itong puke! este puso ko sayo ah!" Napahagalpak ng tawa si Paolo sa kanyang sinabi, gustong gusto nya kapag napapatawa nya ito kahit na sa mga simpleng jokes lang nya. Kasi, kahit na maloko, brusko, at masayahin itong tao.. Ramdam pa rin nya ang kalungkutang itinatago at ikinukubli nito sa kanya. Sa mahigit dalawang buwan na nilang magkasama ni minsan dipa sya dinala ni Paolo sa bahay ng mga magulang nito, para personal na ipakilala sa pamilya nito. Ang palaging pinagdadalhan sa kanyang bahay ay bahay ng Inay Choleng nito, na inakala nyang totoong Nanay ni Paolo, kasi sa nakikita nyang turingan nung dalawa napaka genuine talaga ng pagmamahalan at pagkalinga ng bawat isa. Palagi pa ngang pinipingot ni Inay Choleng itong pilosopong syota nya eh! Si Inay Choleng ang yaya ni Paolo mula pagkabata hanggang ngayong bente otso anyos na ito. "We both painted beautiful smile with each other, but suddenly, you no longer need me anymore. All the colors that we had are now gone, you’re life is in colors and I’m happy that I witnessed such beauty of yours" "Anuba yang pinagsasabi mo dyan? Drama kana naman!" Tinampal na naman nyang braso ni Paolo na nakayakap sa kanya, panu ba naman kasi, halos pigain na nitong kanyang dibdib sa higpit ng pagkakayakap nito sa kanya. Napaka pilyo talaga nito, pero minsan dina sya nagrereklamu, kasi alam naman nyang yun ang pinaka paboritong parte ng katawan nya na gustong gusto nitong hawakan palagi. "Masaya kaba sa date natin Papaya? hmm…" Binuhat na nitong dalaga at pinaupo sa hita nya. Sabay halik at dila sa leeg nito. "Ay! Wag sa leeg, nakikiliti ako eh!" Hampas naman nito na may kasamang kurot sa dibdib ni Paolo. "Ang bango bango mo kasi eh! diko mapigilan ang sarili ko pagdating sa'yo, hmmm.." "Hoy! Tumigil ka! nasa public place tayo, nakakahiya yang mga ginagawa mo." Umayos ng upo si Rowena sa kandungan ni Paolo. "Tangna! Papayaaa..! Wag masyadong malikot nabubuhay si manoy eh!" Nanggigigil na kinagat nyang tenga ng dalaga na napapiksi at bahagyang napatayo. "Uy! San ka pupunta? Dito ka lang! Hmm." Maagap naman nyang niyakap ito at pinaupo ulit sa kandungan nya. "Eh, kasi naman.. Naiilang ako sa posisyon natin! Mamya nyan may nagvi video na pala satin at ipost sa social media.. Nakakahiya!" Panay pang lingon nito sa paligid. "Hayaan mo sila, inggit lang ang mga yun sa kasweetan nating dalawa." Panay ang halik nito sa pisngi ng dalaga. "Kasweetan ka dyan! Baka kalibugan mo kamu! Palusot kapa eh!" Tinampal na naman nyang kamay nito na pasimpleng pumasok sa loob ng suot nyang blouse. "Paolo, anuba!" "Wala namang nakatingin eh! Sige na papaya! Dika ba naaawa sakin? Alalahanin mo isang linggo akong tigang dahil nagka menstruation k- .." Bigla nyang tinakpan ng isang kamay ang bibig ni Paolo. 'Talaga naman.. Ang damuhong 'to napaka bulgar ng bunganga!' Pinandilatan nya ito ng mga mata pero ang lokoloko kumindat at ngumisi lang sa kanya. "Ikaw! Napakahilig mo talaga! Dika ba nagsasawa ha?" "Saan naman ako magsasawa? Sa'yo ba?" Napapalatak pang itinuro nito ang kanyang dibdib. "Hinding hindi ako magsasawa sa'yo, kahit na ayawan mo pa ako! Mananatili pa rin akong naglalaway sa mala boombastic na alindog mo! Hehehe." 'Kitam! Super malibog talaga hahhah' pabirong sinakal na lang nya ang poging pogi na kasintahan. "Tara, bili tayo ng prutas at bulaklak pasalubong kay Mama!" Dina nya binigyang pansin pa ang huling sinabi ni Paolo na 'Mama' nagpahila na lang sya dito patungo sa big bike nito. Ang maging girlfriend ng isang Paolo Viena Andrade ay isang kayamanan na para sa kanya kung maituturing.. Ito ang klase ng boyfriend na wala ka ng hahanapin pa. Mapagmahal, maalaga, maalalahanin, malambing, mapagbigay at higit sa lahat inuuna sya bago ang sarili nito. Sa kanilang pagsasama ni minsan hindi man lang sya pinaiyak ng binata, kagaya ng sinabi nito nuon sa kanya.. Na ayaw nitong makita syang umiyak.. Pinanindigan talaga nito ang kung anuman ang mga sinabi nito sa kanya. Si Paolo ang klase ng boyfriend na.. Ayaw sa salitang 'PANGAKO', ugali kasi nitong gawin na lang kesa ang mangako pa ng kung anu ano na hindi naman nya matupad at mapanindigan. Pilyo, maharot, mahilig o malibog man ito, pero sa kanya na lang nito ginagawa. Wala ng mga paniki na nakakalapit dito, dahil alam na nito na sa oras na kanyang malaman na ito'y nagloloko, goodbye pornever ng ending ng love story nilang dalawa. "Papaya! Hoy! Papaya, nandito na tayo! Lika na sa loob ng bahay." "Ha?" Mahinang tapik sa kanyang pisngi ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Ganito naman sya palagi eh! Pag kasama nya si Paolo, nagbabaliktanaw sya sa nakaraan nila. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin sya makapaniwala na syota na nyang gwapong lalake na ito na kaylapad ang pagkakangiti sa kanya. "Tara na uy! Kanina pa naghihintay si Mama!" 'Mama?' Napatingin sya sa malaking bahay na sa kanilang harapan. 'Hala! Akala ko si Inay Choleng? Patay! Di man lang ako nakaayos ng mabuti.' Mabilisang napababa sya sa motorsiklo at natatarantang inayos ang suot na mini skirt at off shoulder blouse. Sinuklay suklay nya rin ang mahabang blonde nyang buhok. "Papaya, dimu na kelangang mag ayos pa! Maganda kana, kahit anupang isuot mu bagay sa'yo." Ngingiti ngiting hinaplos ni Paolo ang bahagyang namumulang pisngi ng dalaga. "Heh! Magtigil ka! Kasalanan mo ito eh!" Pinagkukurot nyang kasintahan na tawa lang ng tawa sa kanya. "Kasi, naman eh! Nakakainis ka!" Paiyak na syang tinalikuran ang binata saka papadyak padyak na naglakad palayo dito. "Papaya! Hoy! San ka pupunta? Hindi dyan ang daan." Hinabol naman kaagad ni Paolo ang papaiyak ng dalaga. "Oh! Wag kang iiyak! Di magandang senyales yan sa unang pagkikita nyu ni Mama!" Di sya umimik, kasi sa totoo lang.. Confident naman sya sa suot na damit lalo na sa kanyang ayos ngayon.. Sobrang kaba lang ang kanyang nararamdaman, kasi first time nya itong makatuntong sa bahay nila Paolo at ma meet ng personal ang Mama nito. "Paolo, lho!" Napatuwid sa pagkakatayo si Rowena ng marinig ang malamyos na boses ng isang Ginang mula sa kung saan. "Mama!" Lalo pang nanlamig ang kanyang pakiramdam ng makompirmang Ina nga ni Paolo ang boses na kanyang narinig. "How are you, my Son? I thought you forgot my birthday?" Halatang kasiyahan sa boses ng Ginang na papalapit sa kanilang dalawa. "Pwede ba naman yun Mama? palagi kaya akong present sa birthday nyu." Nahihiyang palihim na sinulyapan ni Rowena ang sopistikadang mestisahing Ginang na nakayakap kay Paolo. "I know Son, I'm just kidding you!" Bumaling ito ng tingin kay Rowena. "Paolo, is she the one your telling me about, the woman who makes your life happier now?" "Yes, Mama! Meet Rowena the only woman I love!" Tila proud na proud pa si Paolo sa pagpapakilala sa kanya. "Hello po Ma'am, Happy birthday po sa inyo" sabay abot nya ng flowers na hindi nya maalalang hawak na pala nya kani kaninang nag walk out sya kay Paolo. "Oh! Thank you! Your so adorable and sweet and Ohhh so beautiful like me!" Hindi nya inaasahang yayakapin sya ng Mama ni Paolo. Tumaba naman kaagad ang kanyang puso sa mainit na pagtanggap nito sa kanya. "Thank you po Ma'am fo-.." "Anong Ma'am? Mama ang itawag mo sa kanya, Papaya!" Pinandilatan nya ng mga mata si Paolo, kung nagkataon na hindi lang sya yakap ng Mama nito, nasipa na sana nya ang malokong kasintahan. "Yes, Iha! Call me Mama, because we will be a family, soon .. isn't it Paolo?" Sa wakas binitawan na rin sya ng Ina ni Paolo. "Of course! Mama! I can't wait for the two of us to get married!" "Anong?" Naguguluhan syang palipat lipat ang tingin sa mag Inang ngiting ngiti sa kanya. "Surprise! Papaya? Mom, where's the ring?" "Here Son, make Mommy happy and proud of you! Good luck!" Nakita nyang may inabot na maliit na jewelry box ang Ina ni Paolo dito. "Rowena Arisgada.. My miss boombastic!" Di nya napigilang hilahin ang mahabang buhok ni Paolo na ikinatawa naman ng sabay ng Ina nito at ng nobyo. "Kainis ka! Puro kana lang kalokohan.. Anuba kasi 'to, joke o seryoso ha?" Pigil ang luhang pumatak na tanong nya dito. "Syempre, seryoso! Ito na nga oh! Nagpo propose na'ko sa'yo, kasama pang Mama ko, sa tingin mo joke pa rin ba ito? Papaya namaannn.." Napalabing pinalis nyang luha na biglang pumatak sa kanyang pisngi. Hindi nya maipaliwanag ang halo halong emosyon na kanyang nararamdaman ngayon. Basta lang syang tahimik na nakatayo habang nakatingin kay Paolo na malapad ang pagkakangiti sa kanya. "Papaya, Will you marry me?" Halatang nerbyos sa boses ng binata habang hinihintay ang kanyang sagot. Kahit ang Mama nito ay mababakas ang pag aalala sa magandang mukha nito habang nakaabang sa sagot nya. "Ayan kana naman! Umiiyak kana naman..tsk.. Papaya naman eh! Sumagot kana ng Yes! Please naman!" Gustuhin man nyang sumagot, pero ang kanyang labi ay namanhid na yata, na pati ang boses nya ay hindi na nya mahagilap pa. Lalo na ng kunin ni Paolo ang kanyang kamay at isuot sa kanyang daliri ang isang singsing na kumislap pa ng masinagan ng konting araw na lumusot sa mga dahon ng punong kinatatayuan nila ngayon. "Son, is she okay? She looks pale, isn't she?" "No Mom, she's not okay! She's in shock Mom! What should I do? Help me please!" Natatarantang inalalayan nilang mag Ina si Rowena na maglakad papasok ng bahay. Pinaupo sa sofa saka pinainom ng tubig na ibinigay agad ng katulong kay Paolo. "Papaya, utangnaloob naman! Wag kang ganyan? Pinag aalala mo na naman akong masyado nyan eh!" Hinaplos haplos ni Paolo ang mahabang buhok nito. "Pao..!" Walang ka kurap kurap na biglang sinampal ni Rowena ang binata na gulat na gulat sa kanyang ginawa. Kahit nga ang Ina nito ay napasinghap rin sa biglaang pagsampal nya kay Paolo. "Rowena?' Sapo ang pisnging nasambit nito ang buo nyang pangalan. "Sa susunod, wag na wag mo ng gagawin sakin ang ganun kaseryosong bagay, naiintindihan mo?" Pinandilatan nya ng mga mata ang tumatangong binata. "At, Yes! ang sagot ko sa tanong mo!" "Ha! Anu yung sagot mo Papaya? Pakiulit nga?" "Yoko nga! Basta nasabi ko na, yun na yun.. May reklamo ka?" "Wala! Takot ko lang sa'yo! Baka bawiin mo pang sagot mo eh! Mahirap na!" Kakamot kamot ng leeg na sabi nito sa kanya. "Congratulations! .. so when is your wedding?" Ng sa may biglang pumasok na kontrabida at umagaw ng masaya nilang eksena. "What's happening here?" "Oh Darling! It's good that you're here, our Son is here, greet him on their upcoming wedding." Sinalubong ng yakap ang asawang kunotnuo na palipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Paolo. "Kasal? Kauuwi mo lang dito, kasal agad ang pag uusapan? Bakit yun pang uunahin mo, kesa sa mga negosyong pinapaasikaso ko sayo?" "Honey, relax!" Awat naman kaagad ng Mama ni Paolo sa asawang nagsisimula na namang sermunan ang kanyang Anak. "No! Stop spoiling your Son! It's time for him to know his responsibility in our family assets! Margarita!" Nakita ni Rowena ang pagkuyom ng dalawang kamao ni Paolo. Naalarma sya bigla ng pagsulyap nya sa mukha nitong nakatiimbaga nakita nyang panlilisik ng mga mata nitong nakatitig sa Ama nitong sinisigawan ang kanyang Ina. Kung alam na nyang good side ni Paolo mas lalong kabisado na rin nyang bad side nito. At basi sa nakikita nya ngayong aura ng kasintahan di magtatagal sasabog ng galit nito. Inabot nyang isang kamay nitong nakakuyom saka pilit na ibinuka at pinagsiklop nyang kamay nilang dalawa. "Pogi! Kalma ka lang ha! Tatay mo yan! Maghunusdili ka!" Bulong sabay halik nya sa leeg nito. Hanggang dun lang ang abot nya eh! "He's not my Father!" Galit na sambit nito. 'Anuraw? Hindi nya Ama? Teka! Baka namali lang ako ng dinig sa sinabi nya ah! Isapa nga!' "Pogi! Anu yung sinabi mo?" "Hindi ko sya Ama!" Matapos sabihin yun, bumitaw ito sa pagkakahawak sa kanyang kamay at humakbang palapit sa mga magulang nito. "Hala! Hoy! Teka lang naman! Paolo!" Kandatisod pa sya sa paghabol sa tila wala sa sariling binata na akma ng susuntukin ang Ama nito, mabuti na lang may biglang lumabas na lalake't babae mula sa kung saan at maagap na inawat nung lalake si Paolo na namumula ng mukha sa galit. "Your Rowena right?" Tumango naman sya sa magandang babaeng sumalubong at nagtanong sa kanya. "Go! Take Paolo out in this house, quickly! please!" "Opo!" Dali dali naman nyang niyakap si Paolo at ubod lakas nyang hinila palabas ng bahay ang kasintahan. Pero dipa sila tuluyang nakakalabas ng front door. Narinig na naman nila ang galit na boses ng Ama nito. "Sige, lumayas kana naman.. Takasan mo na naman ang responsibilidad mo dito! Suwail! Barumbado ka talagang bata ka! Manang mana ka sa Ama mong walang kwenta!" Yung biglang paghila nya kay Paolo na humulagpos sa kanyang pagkakayakap dito, na shock na lang sya sa mga sumunod na nangyari.. Malakas na sinapak nito ang Ama na tila nagulat rin sa ginawa ng binata. Ang Mama nitong hinimatay bigla, mabuti na lang nasalo nung lalaking umawat kanina kay Paolo, at yung magandang babae na nakapagitna sa mag Amang parehong natitigilan. "Paolo..." Mahinang tawag nya sa binatang napayuko at dahan dahang napailing. "Buong buhay ko, iningatan at inalagaan kong malinis na pangalan ng tunay kong Ama, nung namatay sya pinilit kong maging malakas para kay Mama, at kay Ate Aisha. Bilang nag iisang lalake sa pamilya namin nagsikap ako para mapalago ang mga naiwang negosyo ni Papa. Aral sa gabi, trabaho sa umaga.. Ni hindi ko man lang na enjoy ang buhay teenager dahil mas importante sakin ang kinabukasan ng aking pamilya. Nung nag asawa ulit si Mama kay Uncle Robert at nagpasyang manirahan ulit sa Australia, ang bansang iniwan nya nuon para sa pagmamahal nya saking Ama. Naiwan na naman sakin ang mabigat na responsibilidad, dahil nag aral sa America si Ate Aisha. Naging maayos naman ang lahat lalo na ng bumalik si Ate Aisha pagka graduate nya ng Business Management. Hanggang sa pumasok ka sa eksina, ginulo mo ang pagsasama ng aming Ina at Uncle Robert, nung una diko na inalam pa kung bakit bigla na lang nag divorce yung dalawa at pinakasalan ka ni Mama. Kamakailan ko lang nalaman ang buong katotohanan ng lahat ng pangyayari nuon." Natawa ng bahagya si Paolo at nakita nyang paghawak nito sa singsing na suot suot nito palagi, parang may pinindot ito duon na ipinagtaka talaga nya. Tiningnan ni Rowena ang lahat ng nakapalibot kay Paolo, ang Mama nito na nakahiga sa sofa na wala pa ring malay habang inaasikaso ng isang kasambahay, ang Ate Aisha nito na umiiyak habang nakayakap sa hinuha nyang asawa nito na syang umawat kanina kay Paolo at sa Amain nito na halatang kinakabahan sa mga rebelasyong pinapahayag ni Paolo ngayon. "Ang galing mo! Napakagaling mong umarte! Napabilib mo ako! Pero ang pag arte mo ay tatapusin ko na ngayon dahil sinagad mo ng pasensya ko sayo.. Siguro naman tama na yung ilang taon kong pagbibigay sayo? Nagbuhay hari ka naman sa Bahay na ito, naging respetado at kilalang negosyante ka dahil sa ari ariang inaangkin mo.. Naging mabuti ang trato ng Ina't kapatid ko sa'yo pero inabuso mo. At ang pinaka ayaw ko at pinaka hindi ko nagustuhan sa mga ginawa mo, ay yung pananakit mo sa Mama ko!" Nanlilisik ang mga mata ni Paolo ng bumaling sa Amain nitong namumutla na at bahagyang nanginginig ang mga kamay. "A-Anong ibig mong s-sabihin?" "Tinawag mo akong Barumbado diba?" Tumingin ito sa nakabukas na pintuan. "Mga Tol, pasok!" Mula sa nakabukas na pintuan ay may nagpasukang mga naggagwapuhang limang kalalakihan na malalaki ang pangangatawan. Tumayo ang mga ito sa kaliwang gilid ni Paolo. "Hindi lang sila ang ipapakilala ko sayo.. Meron pa! Brothers! Come in!" Kung naggagwapuhan ang limang naunang nagsipasukan kanina, mas lalo na ngayon ang anim na mga kalalakihang tadtad ng tattoo ang mga katawan. Tumayo naman ang mga ito sa kanang gilid ni Paolo. Lahat puro seryoso ang mga mukha. 'Grabeh! Pala ang mga katropa nitong si Paolo my labs? Walang tapon, lahat nakakapanglaway ang kagwapuhan.. Susme! Kaswerte ko talaga sa syota kong 'to! Ngayon nakakatiyak na akong... I'm in good hands ehehehe!' "Papaya! Sakin lang ang tingin 'wag sa kanila!" Nasamid pa sya sa paglunok ng kanyang laway ng marinig ang boses ni Paolo. "Bakit ba? Masama bang tumingin? Eh! Nakabalandra sa harapan kong mga yummylicious mong mga kaibigan? Wag kang anu dyan! Malilintekan ka sakin! Hmp!" Pangangatwiran naman nya sabay irap dito. Narinig pa nyang mahinang tawanan ng mga kalalakihang nakikinig lang sa kanilang usapang dalawa. "Hays! Yoko na ngang patagalin pa ito! Nakakaselos ang mga presensya nyu ditong mga tangna kayo!" Naiinis na ginulo ni Paolo ang naka ponytail nitong buhok. "Pinapunta mo kami ditong lahat tapos magrereklamo ka dyan?" Singhal nung my dimples sa magkabilang pisngi. "Oo nga naman! Kala namin emergency yun pala pagmo modelin mo lang kami ditong hinayupak ka!" Segunda naman ng fafa na may hikaw sa kanang kilay. "Anuba kasing ipapagawa mo samin? Bilisan mo na't may session pa kami Tol!" Sabat naman ng fafang may hikaw sa ilong. "Reklamo! Reklamo! Reklamo! Diko na lang kaya kayo imbitahan sa kasal ko! Sige na magsilayas na nga kayo dito!" Singhal ni Paolo sa mga kaibigang nagsilapitan pa sa kanya saka binuhat sya at hinagis hagis pataas. "Yuhooo! Sa wakas! Ikakasal na rin sya! Good luck na lang dun sa babaeng nadenggoy nya hahahhaha" sigawan ng kanyang mga kaibigan. "Mga ulol! Ibaba nyu ako! Mga hayop kayooo!!" Sumunod naman ang kanyang mga kaibigan, pinagsisipa't pinagsusuntok nyang mga ito, pinagtawanan lang naman sya ng lahat.. Matapos ang kasiyahan, kalokohan at kulitan ng lahat, isa isa ng nagpaalam at naglabasan ng bahay ang kanyang mga kaibigan. "Bogz! Bitbitin nyu ng hayop na 'yan!" Tinuro nyang Amain na tulala lang sa isang tabi. "San ko naman dadalhin yan?" Magkasalubong ang kilay na tanong ni Bogz sa kanya. "Bahala na kayo! Basta ayoko ng makikita pa ang pagmumukha ng hayop na yan, ha!" "Copy that! Let's go guys! Sa Whistle tayo!" "Hey! Max! Wala naman akong sinabi na open ang Bar ko sa inyo ah!" Sita nya sa mga ito. "At ano? Pinapunta mo lang kami dito ng libre? Di pwede yun! Diba mga Bro?" Sabat naman ni Magnus. "Wala ng libre ngayon! Lahat may bayad na! Wag kang kuripot at baka magbagong isip ng bride to be mu kawawa ka naman!" Pang aasar pa ni Zero sa kanya. "Oo na! Mga peste kayo! Hala! Magsilayas na nga kayong mga kutangna nyu! Nakaka stress yang mga pagmumukha nyung mga hudas kayo! Layasss! Magsilayas na kayooo!" Pinagsisipa nyang mga kaibigang nagtatawanan at nag uunahang magsipagtakbuhan palabas ng bahay nila. "Bweset! Naisahan ako ng mga yun ah! Kainis!" Kakamot kamot ng ulong nilapitan nya si Rowena na naiiyak na kakatawa. "Ang saya mo ah!" Nakasimangot nyang sabi dito. "Para kang bata! Grabeh! Nakakatuwa kayong panoorin hahaha.." Nagpapahid ng luhang sabi pa nito sa kanya. "Sige, tawa ka lang! Mamaya ka sa'kin, babawi ako sa'yo kala mu!" Tumabi sya ng upo dito. "Hahaha.. Hoy! Anu naman yang iniisip mo ha?" Biglang tinampal ni Rowena ang hita ni Paolo na napapiksi naman sa pagkagulat. "Araay! Sakit nun ha! Lagot ka talaga sakin mamaya!" "Inis ng baby bakulaw, iiyak na yan! Hahahah." Pang iinis pa ni Rowena sa kanya. "Sige! Sagarin mo ng tuwa't saya mo ngayon, kasi mamaya paiiyakin talaga kita!" Pagbabanta nya sa dalaga na nagpipigil na ng tawa. "Ah!! Alam ko na yang iniisip mo ha! May pinaplano kana namang kahalayan nuh?" Pinitik pa nitong kanyang nuo. Akmang gaganti na sana sya sa pangbubili ng fiance nya ng magsalita ang kanyang Mama. "Iho, Thank you!" Yun palang ang nasabi ng kanyang Ina, namasa ng kanyang mga mata. "I did that for all of us to be happy and live peacefully. Mom, why did you just go back to Australia? Until now, Uncle Robert is still waiting you there. " "Is that true Son? Will Robert still accept me despite what I've done to him?" Nangingislap sa galak ang mga mata ng kanyang Ina. Halatang masaya talaga ito. "Of course Mom! He love you so much! So I'm sure he will accept you with all his heart." Pangungumbinsi pa nya dito. "Hopefully Son!" "I want you to be happy Mom! Don't worry about Ate Aisha and me, we're happy with our lives here, so it's time for you to be happy in your life too! I love you Mom!" Madamdaming sabi pa nya sa Ina. Na miss nya ito.. Na miss nya ang pag uusap nilang ito. "I love you more, Son!" Nakamasid lang si Rowena sa mga kaganapan, nangingiti sya sa kasweetan nitong si Paolo, ngayon lang nya lubos na nakilala ito pagdating sa family matters, eh kasi nga ngayon lang naman nya nakilala ang totoong pamilya nito, palagi kasing sa bahay ng Inay Choleng nito sila naglalagi kapag magkasama silang dalawa. "Papaya, halika na!" Masuyong hinila ni Paolo ang kamay ng natutulalang dalaga. "Ha! Anung halikan na? Mahiya ka nga sa kanila oh!" Nagulat namang biglang sagot nito. "Uyyy! Dina sya makapag antay, sya na talagang nagyayaya sakin! Whooh! Kinikilig tuloy ako!" Panunukso ni Paolo. "Sira! Ikaw talaga! Napakapilyo mo!" Napapahiyang ikinubli nyang mukha sa pamilya ni Paolo na natatawang nakamasid sa kanilang dalawa. "Panu! Family, uwi na kami ni Papaya.. Update na lang namin kayo about wedding preparation!" "Bunso, sagot na namin ni Paul ang reception ha!" Nakangiting sabi ng Ate Aisha nya. "Salamat Ate Aisha, Kuya Paul! Love you both..." Kaylapad ng kanyang pagkakangiti. Sabay baling sa katabi at hinalikan ito sa pisngi. "Bakit sakin ka humalik? Dapat sa Ate mo! Para paraan ka rin eh! Nuh?" Kinurot pa sya ni Rowena sa tagiliran na ikinatawa nya ng malakas. Ang saya saya ng pakiramdam nya ngayon. "I'll take care of the honeymoon trip, Son" "Thanks Mom! Love you! Whooh! Sarap ng maraming nagmamahal.. Nakakataba ng puso." Sabay baling nya ulit sa katabi at hinalikan ito sa labi na ngayon. "Anukaba! Nakakahiya yang pinaggagawa mo! Kainis kana ha!" Sabay tulak palayo kay Paolo na humalakhak lang. "Uwi na kami! Sinusumpong ng Papaya ko eh! Bye everyone! Love you all! mwah!" Nag flying kiss pa sya bago inakbayan ulit si Rowena at masuyong giniya patungong front door. Pero bago pa ito humakbang humarap muna ito sa kanyang pamilya at yumukod. "Maraming salamat po sa mainit nyong pagtanggap sa'kin." "Welcome to the Family, Rowena! Thank you for loving my Son!" Napatango na lang si Rowena, ayaw nyang magsalita dahil alam nyang magiging emotional na naman ang drama nya. "Halika na kasi! Kanina pa'ko natatakam sa'yo eh!" Bulong ni Paolo sa kanya. "Ikaw talagaaa... Hmp! Kakagigil kana! Tara na nga, umuwi na tayo!" "Yes! Advance honeymoon na ituuu! Yahoooo!" Halos kaladkarin na sya ni Paolo patungo sa big bike nito. Anupa nga bang masasabi nya... Eh! di, gogogo... 'Mababaw lang talaga ang kaligayahan ko.. Mahalin mo lang ako, masaya na ako.' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD