"Aahhh..!!" Napadaing si Rowena ng tangkain nyang bumangon sa higaan. Ugali na kasi nyang bumangon na lang basta sa umaga, kahit na nakapikit pang kanyang mga mata.
'Bakit hindi ako makagalaw? Bakit pakiramdam ko paralisado ang buong katawan ko? Anubang nangyari sakin?'
"Arrayyy.." Daing ulit nya ng sinubukan nya ulit bumangon. Nanghihinang idinilat nyang kanyang mga mata. Napakurap kurap pa sya ng mapagtantong hindi pamilyar sa kanya ang kwartong nakikita nya ngayon.
'Hala! Nasaan ako? Kaninong kwarto ito?' Pinalibot nyang tingin sa buong silid na yun, napasinghap pa sya ng makita sa isang single sofa ang lalakeng kanyang pinagpa pantasyahan.
'Naykupo! Bakit nandito sya? At bakit kami magkasama? Isip isip Rowena... Anubang huling naaalala mo?' Tinaktak nyang ulo para maalalang lahat ng nangyari kahapon.
Sa pagkakatanda nya sa nangyari kahapon, pauwi na sila ni Jewel galing sa isang birthday party sa Antipolo, nag show silang dalawa dun, nag cosplayer bilang mga princesses.. Nung pauwi na silang dalawa at mapadaan sa talahiban may mga kalalakihang bigla na lang nagsulputan at kinaladkad sila. Isa sa mga ito ay nakilala nya, Anak ng dati nyang boyfriend na si Roman.
Si Roman na ang pakilala sa kanya ay isang matandang binata kaya sya nagtiwala dito, huli na ng matuklasan nyang pamilyadong tao na pala ito. Ang tanga tanga nya, kasi madali lang sya kung magtiwala, konting effort lang ng kabutihan ang ipakita sa kanya, nahuhulog na kaagad sya.
Napapikit sya ng mariin ng maalala na naman nya ang kahibangan nyang nagawa nung katorse anyos pa lang sya. Ang tila bangongot na sinapit nya ng pumatol sya sa isang taong nagtataglay ng apat na M. Inshort... Matandang Mayaman Madaling Mamatay.. Nabansagan syang Hooker dahil sa pagkakamali nyang yun.
's**t! Heto na naman...' Kumuyom ang kanyang kamao ng maalala ang pangungutya, pang aalipusta, pandidiri ng mga taong binalatan sya ng buhay. Tandang tanda pa nya na nag post pa sya sa social media para ilabas ang kanyang nararamdaman nuon. At ang pamagat nun....
"Mula sa Puso"
Nagmahal lang po ako,
Wag nyo naman akong husgahan ng ganito,
Na para bang napakasama kong tao,
Isang kriminal sa paningin niyo...
Kasalanan bang naging tanga ako,
Na kapag nagmahal binibigay ang makapagpasaya sa lalaking siyang lahat sa buhay ko,
Na wala naman akong ibang hinangad kundi ang mahalin din ako,
Na buhay ko naman ito at hindi sa inyo...
Kung di niyo man ako maintindihan,
Sariling opinyon at desisyon nyo yan,
Walang pumipilit sa'yong ako'y iyong paniwalaan,
Dahil totoo lang ako saking nararamdaman...
Diko kaylangang magkunwari,
Para lang ako'y inyong mapuri,
Tama na saking naging tapat ako saking sarili kahit na nga sa mga mata nyong mapanghusga at nang uuri,
Pero okay lang kahit ang puso ko'y nagdadalamhati...
Kung sa tingin nyo,
Ako'y di karapat dapat sa pamantayan nyo,
Gawin niyo na lang kung anupang gusto niyo,
Kahit na nga nakakasakit na kayo ng damdamin ng kapwa tao niyo...
Sana lang lahat ng nakikita't nababasa niyo,
Ang lahat ng pasakit at sakripisyong nararanasan ko,
Lahat ng kabiguan na sumugat sa puso ko,
Di niyo maranasan sa buhay niyo dito sa ibabaw ng mundo...
Nagpapasalamat pa rin ako,
Dahil sa mga nangyaring ito,
Nalaman at nakilala ko,
Kung sino talaga ang totoo at tapat na mga kaibigan ko...
Pumatak isa isa ang mga luhang pilit nya mang pigilan ay umalpas pa rin sa kanyang mga mata. Kaagad umangat ang kanyang kamay para punasan ang walang patid na pagdaloy ng kanyang mga luha.
'Bakit ganun? Bakit masakit pa rin para sakin ang mga pangyayaring 'yun? Bakit ba paulit ulit na lang ganito ang nararamdaman ko? Okay na nga ako diba? Nakalaya na nga ako sa pagkakakulong ko sa nakaraan? Pero, bakit dahil lang sa mga pangyayari kagabi, ganito na naman ako? Kelan ba'ko tuluyang makakalaya? Kelan pa baa..? Bweset na ulo 'to!'
Pinaghahampas nyang kanyang ulo, pinagsasabunotan nyang kanyang buhok, pinagsasampal nyang mukha, dahil sa sobrang desperasyon na kanyang nararamdaman ngayon.
"Hanggang kelan kaba ganito Rowena? Hanggang kelan?"
Ang kaninang sakit ng katawan na kanyang naramdaman ay nawala na sa isip nya.. Napaupo na nga sya sa kama ng di nya namamalayan. Kung dipa nya naramdaman ang mahigpit na yakap ng kung sino sa kanya ay dipa sya matatauhan.
"Shhh.. Calm down! Tama na yan!"
Maliban sa boses lalake na kanyang naririnig na natitiyak nyang syang nakayakap at humahaplos sa likod nya ngayon, parang nahuhulaan na nyang ito rin ang lalakeng nakita nya kanina na nakaupo sa sofa at natutulog. Bigla naman syang nahiya sa posisyon nila ngayon. Aba'y panu ba naman parang halos nakadagan ng lalake sa pagkakayakap sa kanya ah, napipipi na ngang dibdib nya sa sobrang higpit ng yakap nito. At susme! Bagong gising ba ito? Ba't napakabango naman yata ng lalakeng ito? Nahiya naman sya dahil dipa sya nakakaligo, ni hilamos nga wala at mas lalo ng dipa sya nakakapag toothbrush! At ang hitsura nya.. Naku! Malamang ngarag at gusgusin pa! Nyay! Nakakahiya sa pogi na at macho fafang ito na kapit tuko sa kanya.
"Ahmm.. Okay na ako! Bitaw na po kayo!" Pilit nyang nilayo ang katawan sa lalakeng tila sarap na sarap sa pagkakayakap sa kanya. Pero kahit na nga tinatampal na nyang likod nito dipa rin ito bumibitaw sa kanya.
"Paolo, anubaaa... Sinabi ng okay na'ko eh!" Pwersahan na nyang itinulak ang lalake. "Araayy..." Nasambit pa nya ng maramdaman na naman nyang pananakit ng katawan.
"Oppss! Sorry! hahaha.. Dalang dala kasi ako sa drama mo eh! Pasensya kana ha!" Patay malisyang palusot naman ni Paolo sa namumula ang mukhang si Rowena.
"Pang famas ba?" Nakasimangot namang sabi nya sabay irap sa lalakeng kaylagkit ng pagkakatingin sa kanya. 'Nakakailang pucha! Ganito ba talaga tumingin 'tong lalakeng ito? Parang nang aakit eh!'
"Yeah! Teka lang ha! May kukunin lang ako, saglit lang naman babalik ako kaagad! Para dimu ako ma miss hehe.."
'Kapal! Grabeh! Taas ng confidence sa sarili' nakasunod ang tingin nya sa bawat galaw nito, hanggang sa tuluyan na itong makalabas ng silid na yun. 'Sabagay, may karapatang magyabang, hitsura pa lang pang rampa na, idagdag pang machong katawan na pang ulam na, isunod pang amoy nito na pang dessert ko na! Aba'y dinaig pang idol kong si Aldin Richard sa karisma ah! Anlakas ng datingan, Nyeta! ' Pero ang tanong.. Eh magaling din kaya sya mag romansa? 'Eheheh! anuba mahalay na kaisipan, ako'y iyong tantanan, at baka ako ay mabuang na naman, sa makamundong kalibugan..' Eh, sa pepe na pumipintig pintig na ngayon, anong mase say mu? 'Hayy.. Talandeng puke ka, magrelax relax ka muna.. Wag ka munang maglaway.. May tamang panahon para ika'y madiligan, kaya kalma ka lang! Hahaha'
Para syang baliw sa mga naiisip nya.. Kanina kontodo ang kanyang pag iyak, ngayon naman ay tawa sya ng tawa sa mga kalokohang naiisip nya. At yun ang eksenang napasukan ni Paolo na may dalang tray na punong puno ng pagkain.
"Okay kana nga! Tumatawa ka ng mag isa eh! Kaya lang dahan dahan lang sa pagsasaya, baka mahipan ka ng masamang hangin matuluyan ka! Sige ka ikaw rin.. Sayang ka! Maganda kapa naman."
"Sus, totoo ba yan, baka naman ini echos mo lang ako ha!" Nahihiyang umirap pa sya kay Paolo na napatawa naman ng malakas.
"Kain kana muna para gumaling kana ng tuluyan." isa isang inilapag nya sa bedside table ang corn chicken soup at fresh apple juice. Iniwan nya lang sa tray ang fried rice, itlog at bacon na inihanda nya para sa dalaga,.
"Waah! Ang dami naman, diko kayang ubusin lahat ng 'to" naglalaway sa gutom sabay dampot ng kutsara't tinidor na sabi nya.
"Kelangan mong ubusin yan, dahil magtatampo ang Inay kapag nakita nyang may itinira ka sa mga niluto nya." Inusod pa ni Paolo ang tray palapit sa kanya.
"Eh kasi..." Ingos pa nya na nakatulis pang nguso.
"Bakit diet kaba? Naku! Ang payat mo na nga eh! Sige, na! Kain kana para magkalaman naman yang katawan mo.. Para may makurot naman ako sa'yo."
Medyo hininaan pa nito ang huling sinabi para siguro di nya marinig, 'I'm sure mahalay yun.' Napapailing na lang sya.
"Di ako nagda diet! Allergy kasi ako sa itlog!" Namumula ang pisnging napalabi pa sya bago yumuko. Nahihiya sya kay Paolo kasi baka isipin nito na ang arte arte nya..
'Patay! Allergy sya sa itlog? Panu ng betlogs ko nito, sino ng kakain nito?' Napatampal pa si Paolo ng kanyang nuo sa mga naiisip.
"Ako na lang ang kakain ng itlog, para dika na mamroblema dyan." Sabay dampot niito sa dalawang itlog at isinubo.
"Salamat" Lihim namang napapangiti si Rowena, nacu cutan talaga sya sa mga ginagawa ng binata sa kanya. Pasulyap sulyap sya dito habang kumakain, tahimik lang kasi ito habang nakaupo sa sofa at nagce cellphone. Ng hindi na nya matagalan ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa, ipinatong nyang tray sa katabing mesa, saka inabot ang juice at uminom ng kalahating baso, sya ng nag umpisang magsalita para matanggal ng ilangan nilang dalawa sa isa't isa.
"Ah.. Paolo Andrade ang fullname mu diba?"
Tumango lang ang binata tuloy lang ito sa pagce cellphone ni hindi nga sya tinapunan ng tingin kahit saglit lang eh.. Kaya bumwelo ulit sya, at humirit ng isapa.
"Ahm.. Panu ba ako napunta dito? Sa pagkakatanda ko kasi sa nangyari kagabi, kami lang ni Jewel ang magkasama at yung anim na lalake? So, panu ako napunta dito?"
"Niligtas kita! Ganun kasimple at ganun ako kagaling! Hehe." Biglang tumingin ito sa kanya sabay kindat.
"Yabang.." Nangingiting umirap pa sya dito.
"May ipagyayabang naman!" Hirit pa nito.
"Mahangin masyado dito! Grabeh!" Nakakagaan naman ng loob ang pagka masayahin nito.
Ang pagkakangisi ni Paolo ay nauwi sa malakas na halakhak na ikinatawa nya na rin.. 'Lakas talaga makahawa ng good vibes ang poging 'to'
"Pao, dimu ba itatanong kung bakit kami tinambangan ng mga kalalakihang yun?"
Biglang sumeryoso ang mukha ng binata.. Hindi ito nagsalita na ipinagtaka naman ni Rowena.
"Ayaw mo bang malaman ang dahilan kung bakit nila ako sinaktan?" Napayuko na sya ng itanong yun.
"Hindi!" Maiksing sagot ni Pao.
Napaangat biglang tingin nya dito. "Ha?"
"Sabi ko hindi na ako magtatanong sa'yo."
"Eh, bakit nga?" Pangungulit pa nya sa binata, gusto nya kasing malaman ang dahilan nito kung bakit tila yata di ito interesadong malaman ang tungkol sa kanya.
"Kasi, ayokong nakikita kang nahihirapan.." Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa, lumapit ito sa kama at umupo sa mismong harapan nya.
Napataas kaagad ang kilay nya sa sinabi nito. "Ganun? Bakit naman?"
Huminga muna ng malalim si Paolo saka seryoso syang tinitigan sa mga mata. Na ikinailang na naman nya. Kung bakit ba naman kasi masyado syang apektado pagdating sa lalakeng ito?
"Kung magkukwento ka sakin tungkol sa'yong nakaraan at ang kapalit naman nun ay ang pagkabuhay ng mga pangit na alaalang pilit mong kinakalimutan.. Wag na lang!.. mas gusto kitang damayan.. tulungan at samahan makaahon sa madilim at masalimuot mong naranasan sa'yong nakaraan... Yun ay kung hahayaan at pahihintulutan mo akong manatili sa tabi mo? Saka, hindi naman mahalaga para sa'kin ang yung nakaraan, kasi, alam mo?.. mas mahalaga sa akin ang ngayon, kung saan magkasama tayong haharap sa kinabukasang paparating sa'ting buhay. "
Nagulat na lang si Rowena ng dumampi ang kamay ni Paolo sa kanyang pisngi, pinahid nito ang mga luha nyang pumapatak na pala ng hindi man lang nya namamalayan.
"Simula ngayon hindi kana mag iisa, dahil kung pahihintulutan mo lang ako, na manatili sa tabi mo, hinding hindi kita iiwan at pababayaan. Ano papayag kaba?"
Iyak lang sya ng iyak, ni hindi na sya makapag salita dahil sa sobrang na touch talaga sya sa mga sinasabi ni Paolo sa kanya ngayon. Ng makita nyang nagkamot ng ilong ang binata, alam nyang naiinip na ito sa kanyang sagot.
"Hoy! Anuna? Payag kaba?" Pangungulit pa nito sa kanya. Ang kamay nito na humahaplos sa kanyang pisngi ay bumaba at nalipat sa kanyang kamay. Nilaro laro ni Paolo ang kanyang mga daliri, parang isang paslit na nagtatampo kasi di nakuha ang gusto nito.
"Ayaw mo ba sa'kin?" Maya maya sabi na naman nito ng di man lang sya nagsalita.
"Pangit ba ako sa paningin mo? Dimo ba ako gusto?" Pinagsiklop na nitong mga kamay nila na lalong nagpataba ng kanyang puso. Naku! Kung alam lang ng poging ito na kanina pa sya naiihi dahil sa kilig, ewan ko na lang kung di ito tumalon talon sa tuwa.
"Tsk! Kung ganyan ka katahimik kapag umiiyak, di'ko hahayaang umiyak ka! Gagawin kong lahat wag ka lang umiyak, para di ako magmukhang tanga dito na salita ng salita sa hangin."
Tampo tampuhan naman ngayon si pogi.. Naaaliw syang pagmasdan ang mabilis na pagbabago ng emosyon nito basi sa expression na nakikita nya sa mukha ng binata.
"Hoy! Magsalita ka naman! Tama na yang pag iyak mo! Tangna naman oh!.. Aray!"
Bigla nyang kinurot ang labi niito. Saka pinandilatan ng mga mata. "Wag na wag kang magmumura kapag kaharap mo ako! Naiintindihan mo ba?"
Napakagat labi naman si Paolo bago sumagot ng.. "Opo! Naiintindihan ko po! Sorry na! Sakit ng labi ko!"
"Eh! anu naman ngayon, kung masakit yang labi mo? Kasalanan mo yun kasi nagmura ka habang kaharap mo ako!" Galit galitang singhal nya dito.
"Nag sorry na nga ako diba? Aray! sakit talaga ng labi ko!" 'Sige pa Paolo! Konting tulak na lang, bibigay na yan.' "Whooh.. Sakit!"
"Patingin nga! Baka nasugatan dahil sa kuku ko ah! Halika lapit ka pa ng konti sakin." Nakokonsensyang sabi pa nya dito.
"Dito, masakit!" Halos idikit na ni Paolo ang mukha sa mukha ni Rowena.
"Hala! Uu nga namumula sya! Ki kiss ko na lang pambawi sa pagkurot ko! Gusto mo ba?"
Sunod sunod ang pagtango ni Paolo, mas inilapit pa nitong lalo ang mukha kay Rowena. At ng dumampi ang labi ng dalaga sa labi nya, napapikit na lang sya sa ligayang nadama.
'Ang lambot lambot naman ng labi nya, ang sarap halikan.'
At yun ngang kanyang ginawa, sinapo nyang batok ni Rowena at pinalalim ang paghalik dito. Nung una natigilan ito sa kanyang ginawa, pero ng magtagal lumaban na rin ito ng halikan sa kanya. Pareho silang nadarang sa halikan na pinagsasaluhan, dina nakontrol pa ni Paolo ang kanyang sarili, gumalaw ang mga kamay nya naghanap ng makakapitan, at ang unang pumasok sa kanyang mahalay na kaisipan ay ang matagal na nyang pinagpapantasyahang parte ng katawan ni Rowena. Ang malusog nitong dibdib. Gumapang ang kamay nya sa loob ng suot nitong t-shirt, na pag aari nya, na pinagamit muna ni Inay sa dalaga. Halos manginig ang kanyang kamay ng mahawakan na nya sa wakas ang malusog na dibdib ng dalaga. Lalo pa syang nag init ng marinig ang pag ungol nito ng mag umpisa syang himasin ang dibdib nito.
"Ohhh... P - Paolooo.. Anuba yang ginagawa moo..?" Nakapikit ang matang tanong nito.
"Shhh... Hayaan mo na lang ako ha!" Siniil nya ng halik ang labi nitong nakaawang. "Napakaganda mo talaga Rowena, mula sa araw na ito akin kana!"
Maingat nyang inihiga ito pabalik sa kama, habang patuloy pa rin ang halikan nilang dalawa. Ang mga kamay ni Rowena ay humahaplos na rin sa kanyang likod na paminsan minsan napapadako sa kanyang ma abs na dibdib, natigilan sya ng bumaba ang haplos nito sa kanyang puson. 's**t! wag naman dyan! utangnaloob! Baka dina ako makapagpigil nito... Pakingshet!' Napamura na lang sya ng pumasok ang kamay nito sa loob ng kanyang pantalon.
"Haah.. Kung ako sayo, wag mo ng ituloy yang binabalak mong gawin sakin, dahil kapag inumpisahan ko na, di na pwedeng diko tapusin."
Babala nya pa kay Rowena na namumungay ng mga mata na tila lasing. Napakagat labi pa ito bago hinawakan ang laylayan ng kanyang suot na t-shirt.
"Paki ko naman kung tatapusin mo o hindi! Anu! ayaw mo ba o gusto mong ituloy pa natin ito?."
Maharot na sabi nito sa kanya, saka bahagya pa nitong hinimas ang malaking dibdib. 'Tangnaaa..' Dun na napatid ang pagtitimpi ni Paolo.
'Yudisutaa!.. Bahala na nga!'
'Ang lungkot ng buhay minsan, pero hindi basta basta pwedeng sukuan..
Nakaka curious yung reward after malagpasan yung lungkot na yun..'
At ang reward ko? siguro ito na yuunn...
?MahikaNiAyana