Papaya at Banana

2630 Words
"Bad Girls! Ready na ba kayooo!" Sigaw ni R'joy sa mga kaibigang nagkukulitan sa living room ng mansion nila. "Yeah! Ready na kami, Queen! Basta, totoo na ang price nito trip to Europe ha! Baka echos lang yun!" Paniniguro ni Roselia. "Uu nga naman! Kasi laglagan na ng mga secrets'to eh! Kaya dapat bonggang bongga ang price, para sulit naman ang kahihiyan na ibabato samin." Ani Rowena na nakipag apiran pa sa katabi nitong si Roselia. "Parang kinakabahan naman ako sa game na'to, pede bang pass na muna ako?" Kinakabahan namang sabi ni Claire. "Ako din, baka pedeng dina rin sumali! Kasi, lam nyu na.. napaka dry ng buhay ko! Kaya wala akong maishe share sa inyo!" Segunda naman ni Mabel. "Heh! Magsitigil nga kayong dalawa dyan! Anong pass! Walang ganun dito! Lahat kasali! Maliwanag?" Biglang natahimik ang lahat. Basta't si Queen ng nagsalita mispyok na silang lahat. "Ayan kasi puro kayo reklamo, eh game lang naman 'to! Anubang ikinatatakot nyung dalawa dyan? Siguro may inililihim na kayo samin nuh?" Sabi ni Ashley na pinagtuturo sila Claire at Mabel na sabay pang umiwas ng tingin sa kanya. "Hahaha... So.. Meron nga! Wooh! Exciting ito!" "Okay! Itong Europe trip! Sagot kong lahat ng expenses, pero, isa lang ang pwede nyung isama, Maliwanag?" Napapalakpak ang lahat sa confirmation ni R'joy Queen. "Question and Answer lang naman ito! Saka madali lang, basta ang magpa pass yun ang iinom ng vodka s***h scotch s***h lemonade ayos na yun.. Di na masama para sa dalawang Virgin natin dito hahahha.." Napatawa na rin sila Roselia, Rowena at R'joy na puro taken sa sinabi ni Ashley.. maliban kay Claire at Mabel na complicated ang status. Nasa gitna ng mesa ang mga inumin kasama ng pulutan nila, Omorder pa talaga si R'joy sa Whistle Restobar na pag aari ni Paolo.. ng scotch whiskey isang bote ng Ardbeg brand mas gusto nyang lasa nito kesa sa Balvenie na gusto naman ni Rowena. Saka Smoky bacon-wrapped chestnuts, Chocolate- drizzled hazelnut brittle, Sage & goat cheese pizza at Salty-Sweet snack mix. Naka ready na rin ang mga tinuping papel na may nakasulat na tanong sa isang malaking crystal bowl sa pinakagitna ng mesa. "Mauna ka Rowena, kasi ikaw ang bride to be, kaya ikaw ang unang kumuha ng papel dyan sa bowl.. Seryosong usapan 'to ha! Walang gagahan!" Ani Queen. "Bakit Papaya at Banana ang endearment nyo ng jowa mo at bakit pinili mo sya? Potek! Sinong nagsulat ng question na'to?" Kaagad na angal ni Rowena. "Ako! Hehe.. Wala lang... Curious lang naman ako malaman kung bakit malaki ang pinagbago mo b***h?" Naka peace sign pa si Roselia sa kanya. "Kelangan pa bang itanong yung papaya?" Tinuro nyang malaking dibdib, napatawa na rin si Rowena ng sabay sabay tumawa ang limang nagkukumpulan sa kanyang harapan. " Banana naman ang tawag ko kay Paolo, dahil paborito kong saging kainin at syempre yung toot nya.. Parehong mashalap! Yum.. Yumm..!" "Hahaha.. Bagay na bagay nga kayong dalawa!" Sabi ni R'joy na hinila pang buhok ni Rowena. "Naman! Choosy paba ako? Eh complete package ng jowa ko! Kaya Thank you Lord na lang ang masasabi ko!" "Syanga naman! Oh! Second Question naman ang sagutin mo?" "Atat lang? Di makapag antay? Me lakad ka b***h?" Pairap na sabi nya sa katabing si Roselia. "Dali na kasi, dami pang satsat eh!" At tinampal pa sya nito. "Heto na nga! Nag iisip pa nga ako eh! Ahm.. Pinili ko Sya.. hindi lamang dahil pinili din nya ako, ngunit dahil pinili nya na makita ang mga masasakit na bahagi ng pagmamahal sa isang babaeng nasira at nawala.. Pinili ko sya.. hindi lamang upang mapunan ang butas ng aking puso ngunit dahil pinili nya na hawakan ang aking kamay nang muntik na akong bumigay sa buhay. Pinili ko sya, dahil nakita niya ang pinakamagandang bahagi sa akin kahit gaano karami ang kapintasan ko. Ginawa niya akong isang bagong tao na hindi ko naramdaman mula sa kaninuman. Binago niya ang aking puso na naghahangad lamang ng higit sa kanya. Pinili ko sya, sapagkat hindi sya kailanman nabigo na iparamdam sa akin na mananatili sya sa akin kahit na hindi sumasang-ayon ang mundo. Pinili ko sya, dahil nakita ko kung paano pinupuno ng luha nya ang kanyang mga mata sa tuwing nasasaktan ako at nakalimutan kong tawagan sya. Palagi niyang pinapaalala na natatakot siyang mawala ako. Pinili ko sya, dahil pinupuri niya ang aking mga kahinaan. Pinili ko sya, sapagkat ang mga bagay ay nahuhulog sa mga tamang lugar.. basta ang aking tiwala ay nasa kanya. Pinili ko Siya at pipiliin ko pa rin Siya kung kailangan kong mabuhay muli sa ibang buhay." Nakangiting tiningnan nya isa isa ang kanyang mga kaibigan.. Mula sa katabi nyang si Roselia na kaylapad ang pagkakangiti sa kanya, ang nakaupo sa sahig na sina Claire at Mabel na maluha luha't magkahawak ang mga kamay, kay Ashley na napa thumbs up pa at ang huli ay si R'joy na kumindat sa kanya. "Wow! Yan ang tunay na pag-ibig! Sana all diba? Para sana all masaya!" Nagniningning pang mga mata na sabi ni Mabel. "San ba nakakahanap ng ganyang jowa ng maka bingwit naman kami ni Mabel at ng magka syota na! Luging lugi na kami sa inyong apat eh!" Kinikilig namang sabi ni Claire. "Hindi ko sya hinanap! Kusang dumating lang sya sa panahong nanganib ako! At sya ang naging savior ko! Oh diba! Napakabait ng Tadhana saming dalawa?" Masayang sabi nya sa mga ito. "Okay... Move forward na tayo! Next in line kana Roselia.. Bumunot kana!" Inilapit pa ni Ashley sa kaibigan ang crystal bowl. Kumuha naman ito saka binasa. "Susuko Na o Tutuloy Pa? Alam ko kung sinong nagsulat nito!" Napasulyap si Roselia sa dalawang nakaupo sa sahig. Natawang lahat ng magtaas ng kamay si Claire. "Napaka dry ngang tanong nyu haha.. Hmm.. Syempre for me tutuloy.. Palaban ako eh! They say love is all about happiness. It’s all about being happy with the one you’re in love with. Pero paano kung dumating yung oras na parang andaming problemang sabay-sabay na dumadating sa inyo, na parang wala nang magiging kasiyahan, na parang hindi na magiging tama ang lahat, kaya mo pa bang magpatuloy? Dapat ka pa bang manatili, kahit hindi na masaya yung nangyayari sa inyo sa araw-araw? Aasa ka pa ba na magiging maayos pa ang lahat? Hanggang kailan ka ba dapat lumaban? Kailan ka ba dapat sumuko?" Walang umimik sa kanila, kaya mas ginanahang magsalita si Roselia. "One shouldn’t give up for the one she truly loves. Mahirap lumaban lalo kung parang wala nang mangyayaring tama. Pero mas mahirap, tumigil at sumuko para sa taong mahal mo. Kasi kung talagang mahal mo ang isang tao, gaano man kahirap yung sitwasyon, gagawin mo para sa kanya.. para sa inyong dalawa. Pero kung siya na mismo yung bumitaw at nagsabing hindi na ikaw yung mahal niya, ibang usapan na yun." "Yeah! Your right b***h! May magagawa ka pa ba? Kung meron, sige gawin mo. Wag kang sumuko agad, ipaglaban mo hangga’t kaya mo. Pero kung wala na talaga, kung siya na mismo yung sumuko, kung siya na mismo yung nagsabi o nagpakita na, tama na! tumigil ka na kahit masakit dahil mas lalo ka lang masasaktan kapag pinilit mo pa. Mahirap kalimutan ang isang taong naging pinakamahalagang parte ng buhay mo. Palagi mong maiisip yung mga panahong magkasama pa kayo. Masaya at nagmamahalan. Lagi mo pa ring itatanong sa sarili mo, Paano kaya kung kami pa? Kung ako pa din yung mahal niya? Paano kaya kung siya pa din yung kasama ko?. Masakit talaga. Mahirap talaga. Pero wala kang choice kundi tanggapin. Wala kang choice kundi kayanin. Kasi kung hindi, masasayang yung panahon na dapat masaya ka, na dapat di ka na umiiyak." Sabat naman ni Claire. "Ganyan talaga ang buhay. May dumarating, may umaalis. May nananatili, may nang-iiwan. May nagmamahal, at may nasasaktan. Pagtanggap lang ang kailangan. Pero minsan kasi ayun pa talaga ang pinakamahirap, ang pagtanggap na hindi naging fairytale-like ang ending ng love story ninyo. Ganun pa man, kailangan mong magpakatatag. Dahil darating yung panahon na makakatagpo ka ng isang tao na hindi ka iiwan at mamahalin ka habang buhay. " Segunda naman ni Mabel. "Abah! Hanep ah! Parang may mga jowa lang kung makapag salita ang dalawang 'to ah! Ano meron na ba?" Panunukso ni Roselia sa dalawang nagkatinginan saka sabay na umiwas ng tingin sa kanila. "Confirm b***h! May nililihim satin ang dalawang yan! Hahaha!" Napapalakpak pa si Rowena. "Ashley, ikaw na!" Tapik ni R'joy sa katabi at iniabot ang hawak na crystal bowl dito. "Buhay ng isang taken?" Napabaling kaagad ito ng tingin sa dalawang nakaupo sa lapag. "Siguro Mabel ikaw nagsulat nito nuh? Anuba naman 'tong mga tanong nyu? Parang kumukuha lang kayo ng idea saming mga taken eh!" Angal ni Ashley. "Eh basta sagutin mo na lang kasi! Kung pwede!" Ingos naman ni Mabel na umayos pa ng upo sa sahig. "Panu ko ba I explain?" Nag isip muna si Ashley. "Okay ganito na lang, sa buhay ng mga taken, di mawawala yung mga away. Lahat naman siguro ng relasyon dumaan din sa ganito, yung mag-aaway. Magkakasakitan, magbabatuhan ng masasakit na salita, minsan nauuwi pa nga sa hiwalayan. Tas after ilang days, magbabalikan din. Kasi kahit ganun, mahal pa din naman nila yung isat-isa. Magkagalit sila, pero ni minsan di nawala yung pagmamahal. Selosan - kahit saan ka tumingin may temtasyon talaga sa paligid. Nasa inyo na lang yan kung paano niyo iiwasan. Pero di pa din naman maiiwasan yung magselos tayo sa iba, o kaya siya yung magselos sa mga nakakasalamuha natin. Minsan cute pag ganun, kasi nga may 'care' siya sayo. Pero minsan nakakainis din. Lalo na pag lagi na lang ganun, parang wala ng trust. Kilig moments - Eto yung pinakamasayang part sa pagiging taken. Yung may nagpapakilig sayo. Yung kahit wala silang gawin eh todo kilig na tayo. Tas kada buwan hinihintay natin yung date ng monthsarry natin, parang yun kasi nagsisilbing symbolize kung gaano na kayo katatag na dalawa. Tapos syempre, monthsarry gift and surprise. May mga nangingialam - Di kasi talaga mawawala yung 'witch' sa isang fairytale. Mga taong inggitero o inggitera na pilit kayong pinaghihiwalay. Napaka pathetic nila. Pwede namang maghanap ng iba diba? Gusto daw din nila sumaya, pero kailangan pa bang mang-agaw? May nag-mamay-ari na oh. Yung oras niyo na inaaksaya sa paninira ng ibang relasyon, kung ipinanghanap niyo na yan ng lovelife edi may nakita kana! Promises - Isa to sa pinaka favorite ko. Yung mga promises niyo sa isat-isa. Usually nagaganap to mga gabi hanggang mid-night, Kasama na dito yung mga plano niyo sa future, kung magkakatuluyan ba kayo, paano kung maghiwalay kayo? Mga ganun. Tas insert napakilig na promise niya sayo na hinding hindi ka niya sasaktan ." Matapos ng mahaba habang litanya ni Ashley, inabot nitong shot glass saka nagsalin ng Vodka.. "Nauhaw ako woah!" "Panung dika mauuhaw eh ni dika na yata nahinga habang nagsasalita hahaha! Ganadong ganado ka ngayon ah!" Inabot ni Roselia ang shot glass at nagsalin ulit ng alak at iniabot kay Rowena. "Ito kasing dalawang virgin na'to, yung mga tanong panghugot na eh!" "Pagbigyan na natin.. Baka kelangan talaga nila ng guide galing sa mga experts." Sabi ni Rowena habang sinasagot ang tawag ni Paolo sa kanya. "Wala na'kong masabi! Sige, continue na tayo!" Inilahad ni Roselia ang crystal bowl kay R'joy, na kumuha naman sa mga nakatuping papel. "What lessons did you learn from your serious relationship that ended in a breakup? Seriously? Itong tanong na'to talaga ang na jockpatan kong makuha? So difficult question! Hahaha." Napatawa na rin ang lahat! Batid nilang si R'joy Queen, ang klase ng babaeng di alam ang serious relationship.. Kasi para dito ang pakikipag relasyon ay para lang nagpapalit ito ng mga branded na kagamitan. Nagbago lang ito simula ng maging kasintahan ang isa sa mga kaibigan ni Paolo na si Mc Rabella. Sabi nga ng iba... 'Love moves in mysterious ways'.. Legit ang kasabihang yan at lahat sila naniniwala. "LOVE is beautiful. Only when it is reciprocated. MAKING LOVE. is just having s*x. when there is no love left. LIFE moves ON.. Once promised that they will die together. Today they are dead for each other. Memories WIll haunt. only when you see someone similar or do something similar like your last relationship. WITH number of relations, the FOREPLAY is shortened. After first love, you cannot give the same amount of dedication and time to build the relation, you look for quick proposals and acceptance. Somewhere DEEP inside, you still have feelings. No matter how much you curse them on face and to others, deep inside you have feelings for them and you want them to be happy…!" Palakpakan silang lahat . "Iba ka! Ibang iba ka talaga Queen!" Napapalatak na sabi ni Rowena sa kaibigan. "I know right!" Nakangisi sabay kindat ni R'joy sa kanila. "Excuse po! Miss Queen, may lalaki pong naghahanap sa labas, Paolo daw po ang pangalan nya." Aniyang kasambahay na may bitbit pang mga bulaklak na nakalagay sa paso. "Nuba yan! Ke aga naman ng sundo mo bruha! Dipa nga tayo nag iinit sa'ting bonding aalis kana!" Nakasimangot namang sabi ni Roselia. "Pabalikin mo na lang si jowa, sige na!" Ingos namam ni Claire. "Uu nga naman, minsan kana nga lang namin makasama eh! Bitin pa!" Dugtong naman ni Mabel. "Papaya! Tara na! Kanina pa tayo late sa church!" Napatingin silang magkakaibigan kay Rowena ng marinig ang sinabi ni Paolo na papasok na ngayon sa front door nila Queen. "Pasensya na girls! May seminar kasi kami ngayon, nakalimutan ko lang.. Sorry! Babawi na lang ako sa inyo ha! Ba bye na muna." Isinukbit nyang bag, bago nilapitan at isa isang hinalikan ang kanyang mga kaibigan, saka malalaki ang mga hakbang na sinalubong si Paolo na kaylapad ng pagkakangiti sa kanya. "Na miss kita Papaya!" Halik at yakap ang salubong nito sa kanya. "Miss agad? Eh lapa ngang limang oras tayong nagkahiwalay ah? Over ka talaga! Tara na nga!" Hinila nya ito palabas ng bahay. "Rowena! Kasal muna ha! Bago honeymoon! Mag aabay pa kami, baka nakakalimutan mong ready ng mga damit namin sa entourage!" Pahabol na sigaw ni Roselia ng tuluyan na silang makalabas ng pinto. "Saka malaking nagastos namin!" Dagdag pa ni Claire. "Oo na! Mga bruhilldang 'to! Pagbubuhulin ko kayo dyan eh! Iingay nyo!" Balik sigaw naman nya sa mga ito. "Tara na nga Banana! Baka kung anu na naman ang sasabihin ng mga hitad na yan.. Dali!" Kandatisod pa sya kakamadali makaalis lang sa bahay nila Queen. "Papaya! Dahan dahan lang.." Aligagang alalay naman ni Paolo sa dalaga. "Banana, doon tayo kung saan tahimik, tabi tayo humiga, at managinip." Maharot na sabi nya sa kasintahan. "Papaya, doon tayo kung saan maingay, tabi tayo humiga habang magkahawak ang mga kamay." Natatawang sagot naman ni Paolo sa kanya. "Doon tayo kung saan payapa, tabi tayo humiga, at puso ang itaya." "Naks naman! Nagiging makata kana rin ngayon Papaya ah!" "Syempre! Nakakahiya naman kasing di ako makasabay sa mga banat mo eh!" Biglang sumeryoso si Paolo na ipinagtaka nya. "Papaya, Salamat sa pagkakataong tinanggap mo ako, sa kabila ng mga kamalian ko." Heto na naman po sya! Nagiging emosyonal na naman sa tuwing nakikita nyang kaseryosohan sa mukha ni Paolo. Iba kasi 'to magpasaya at mas lalong iba kung magpaiyak sa kanya. "Banana, Hindi man ito yung relasyong pinapangarap ko, pero hindi ako kailanman mawawalan ng tiwala sayo." At ng yakapin sya ng binata walang katulad ang nadama nyang ligaya.. "Mahal na mahal kita! Rowena Arisgada!" Mahigpit na yakap ang naging tugon nya dito. "Mas mahal na mahal kita! Paolo Andrade!" ♥Ang swerte mo na kung may isang taong nagmamahal sayo ng sobra kahit na feeling mo kulang yung naibabalik mo sa kanya. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD