Tadhana

2147 Words
"Putragis! Bakit dito pa'ko nasiraaann.. s**t! s**t!" Pinagsisipa nyang motorsiklo, sa inis nya parang nais na nya itong ibalibag o di kaya ihagis na sa malayo. "Idedespatsa na talaga kitang hinayupak kaaa!!" Binuhat nyang walang kamuwang muwang na motorsiklo at akmang ibabalibag na sa masukal na daan ng makarinig sya ng mga boses lalake. Maingat nyang nilapag sa isang gilid ng daan ang motor saka sinundan kung saan ba nanggagaling ang ingay.. 'Baka may sasakyan ang mga yun, makahingi man lang ako ng konting tulong.' Napatingin sya sa ibabang bahagi ng kalsada kung saan naaninagan na nyang dalawang lalake na nakakubli sa medyo may kataasang talahib. 'Masama ito, mukhang hindi maganda ang mga magaganap ngayong gabi dito ah!' Iiling iling syang tumalikod at babalik na sana sa kanyang motorsiklo ng marinig ang sigawan nung dalawang lalake na tila ba nagtatalo yung dalawa. "Anuna! wala pa bang Hooker na yun? Tagal naman, dami ko ng kagat ng lamok dito ah! Kaasar." "Maghintay ka lang kasi, masyado kang atat! Kaya mas madalas kang natatalo kesa sa panalo eh! Puro ka yabang wala ka namang binatbat sa labanan." "Aba't tarantadong 'to! Sino ba sa'tin ang nakakuha ng raket na'to ha?" "Ikaw!" "Oh! Yun naman pala eh! Kaya may karapatan akong magreklamo, bugok na'to! Tadyakan kita dyan eh!" Lumipat sya ng pwesto, dun sa mas malinaw nyang makikita ang magaganap mamaya. 'Abah! Parang may maitim na balak ang dalawang sanggano na ito! Sino naman kayang prospect ng mga 'to?' Excited syang lumambitin sa isang sanga ng puno at pumwesto ng upo sa sanga na nakaharap sa dalawang sanggano na biglang natahimik ng may makitang paparating na dalawang babae. Nakita nyang humugot ng cellphone yung isa at may tinawagan, maya maya lang may isang sasakyan ng patungo sa lugar ng mga ito. 'Masama ito!' Iginala nyang tingin sa buong lugar.. Nasa isang liblib na daan sya ngayon ng Antipolo. Pauwi na sana sya galing sa isang transaksyon ng masira ang kanyang big bike, kung bakit naman kasi naisipan nya pang mag short cut sa lugar na ito, eh di naman nya kabisadong daan, dagdag pang medyo may kadiliman ang kalsadang kanyang dinadaanan kanina. 'Tangna! Mukhang g**g r**e ang magaganap dito ah! Teka ngat ma I video para may ebedensya naman ako sakaling magkagulo hehe..' Hawak ng mahigpit ang kanyang mini camera na itinutok sa kaninang dalawang kalalakihan lang, pero ngayon naging anim ng mga ito. Mula sa kinauupuan nya, kitang kita nya ng sapilitang kinakaladkad ng mga sanggano ang dalawang babae, yung isa iyak lang ng iyak samantalang yung isa naman ay palaban. Talagang hindi nito hinahayaang mahawakan sya ng mga lalakeng tila naglalaway na sa kamanyakan. "Sige, sipain mo pang mga manyak na yan! Ipaglaban mo ang yung puri, baby!" Aliw na aliw sya sa katapangan ng babaeng buwis buhay kung makipaglaban, Kitang kita nya rin ang biglang pagtalon nung babaeng naka maiksing shorts at hapit na hapit na blouse, ang pag igkas ng paa nito sabay suntok sa lalaking dumakma sa kaibigan nitong pumapalahaw lang ng iyak. 'Teka lang! Kilala ko ang galawang yun ah! Yun ang signature attack ni Queen!' Bigla syang nakaramdam ng kaba, awang ang labing ipinukos nyang lenses ng hawak na mini camera sa babaeng walang humpay na lumalaban sa apat na kalalakihan na di alam kung panu nila makokorner ang babaeng bihasa sa pakikipaglaban. "Shutangnaa.. Eh si miss boombastic pala yang pinagtutulungan ng mga kutangna na yan eh!" Sa kanyang pagtalon sa puno sabay lagay ng mini camera nya sa bulsa ng suot na hoodie, kumaripas sya ng takbo para saklolohan ang kanyang pinapantasyang babae na ngayon ay basta na lang tumilapon sa isang puno, narinig pa nyang malakas na pagtama nito sa puno at ang pagdaing nito ng bumagsak naman ang katawan sa lupa. Pakiramdam ni Paolo lahat ng dugo nya ay umakyat na sa kanyang ulo at naging sobrang agresibo na ang bawat galaw na kanyang ginagawa. Hinablot nyang isang lalakeng palapit na sana kay Rowena, sinakal nya ito ng kanang braso saka hinawakan naman ng kaliwa nyang kamay ang ulo sabay pilipit dito. Walang malay na binitawan nya na lang basta ito. Palibhasa nagulat ang limang kalalakihan sa kanyang pagsulpot at sa ginawa nya sa isang kasamahan ng mga ito, di man lang nakagalaw at nakailag ang mga ito ng sugurin nya isa isa habang pinagmumura kasabay ng pagsuntok, sipa at paghagis sa mga ito. "No one can hurt the woman I love! Fuckers!" Hinugot nyang maliit na patalim sa soot na sapatos saka walang pag aalinlangang inundayan ng saksak sa hita ang sangganong patayo pa lang mula sa pagkakalugmok nito sa lupa. "Ugh!" "Diputing! Pagbabayaran nyung lahat ang ginawa nyung pananakit kay Rowenaaa!!" Dipa sya nakontento sa kanyang ginawa dito, inulit pa nyang pagsaksak sa kabilang hita naman nito ngayon. "Ahhh.." "Lulumpuhin kitang tarantado ka!" Gigil nyang sinuntok pa ito sa dibdib bago nya hinarap ang apat pa na tulalang nakatingin lang din sa kanya. "Time to work out boys! Ready na ba kayoo!" Hinubad nyang suot na hoodie saka tumalon talon, ang sumunod nyang kilos ang hindi inaasahan ng kanyang mga kalaban. Tumalon sya't sumirko sa ere at sa kanyang pagbagsak sa harapan ng mga ito, dalawa kaagad ang nabawas ng tamaan ng kanyang sipa sa leeg yung sa kanan at malakas naman nyang dinibdiban ang sa kaliwa. Parehong walang malay na bumulagta sa lupa yung dalawa. "Next! Oh! Bakit di man lang kayo gumagalaw dyan? Laban! Wala man lang kagana gana kung ganyang puro lang kayo nakatunganga dyan eh! Galawww!" Sunod sunod ang pagbayo nya sa dibdib nung lalaking umabante at sinuntok sya, kaso sa katabaan nito naunahan nya pang suntukin ito bago pa lumapat sa kanyang mukha ang kamao nito. "Araayy.. tulongg!! Ugh.." Napatigil sya sa ginagawa ng marinig nyang boses ni Rowena. Nawala sya sa konsentrasyon ng bigla nyang nilingon ito, yun ang pagkakataong hinintay nung kalaban nya na may hawak ng patalim, naramdaman na lang nya na may bumaon ng isang malamig na bagay sa kanyang tagiliran , ang masama pa nun at ikinainit ng kanyang ulo, dun pa mismo sa bagong tattoo ni Bogz sa kanya. "Hudas ka!" Nanlilisik ang mga mata nyang tumingin sa lalakeng sumaksak sa kanya. Nakangisi ito na tila ba nagmamalaki pa sa kanya dahil naisahan sya nito. Itinaas nya ng bahagya ang t-shirt na suot para suriin ang tama nya sa tagiliran, napatiimbaga na lang sya ng makitang malalim ang pagkakabaon ng kutsilyo. Walang kurap nyang hinawakan ang patalim saka mabilis na hinugot sabay paikot ang kanyang galaw patungo sa likuran ng lalaki, yumakap ang isang braso nya dito para dina ito makagalaw pa, at sa isang iglap lang, nanggigigil na ibinaon nya sa leeg nito ang patalim na hawak sabay sabing.. "Tangna ka! Kabuburda lang ng tagiliran ko, sinira mo na agad, dimu man lang pinatagal ng isang taon na hayop ka!" "Arkk.." Dilat pang mga mata ng lalake pagkabitaw nya dito. "Oh ayan! RIP tuloy ang ending mo, kupal" saka pa lang nya naalala ang dalaga. 'Rowena'. Dali dali nyang dinaluhan ang dalaga na nawalan ng malay. Bubuhatin na sana nya ito ng biglang kumirot ang kanyang sugat. "s**t!" Napabitaw sya tuloy dito at sinapo ang tagiliran. 'Kaya mo yan Paolo! Si miss boombastic 'yan! Dimu pedeng pabayaan yang katakam takam na kagandahan na nakahain sa'yong harapan.' Sa naisip, bigla syang nagkarun ng kakaibang lakas, kung dahil ba yun sa pagkalibog, pagnanasa o kahit na anupa, basta kelangan na nilang makaalis sa lugar na yun bago pa may makakita sa kanila. Binuhat nya si Rowena at parang isang sakong bigas na ipinatong sa kanyang balikat, sunod nyang nilapitan ang kaibigan nitong wala ring malay. Kagaya ng ginawa nya kay Rowena, isinampay na lang nya basta sa kabila nyang balikat ang babaeng medyo may kapayatan ang katawan, saka benalanse ang pagtayo. Dina nya pinagtuunan ng pansin ang kanyang tagiliran na nagdurugo, basta mabilis lang syang naglakad patungo sa kanyang motorsiklo, kahit na paakyat ang daan, himalang narating nya rin ang tuktok nun. Hingal kalabaw sya ng mailapag sa ilalim ng punong inakyatan nya kanina ang dalawang babae. "Pambihira! Ke agang work out nito ah! Whooh!" Kinuha nyang cellphone sa bulsa ng pantalon saka tinawagan si Bogz, para magpasundo. Habang kausap nyang kaibigan na kay Rowena ang kanyang tingin. Kahit saang anggulo nyang tingnan napakaganda talaga nito. At ng mapadaku ang kanyang mga mata sa makinis nitong leeg, napalunok sya ng sunod sunod. "Langya! Bulag lang ang di hahanga sa taglay mong alindog Rowena! At baliw lang ang lalakeng mananakit sa'yo!" Bumabang tingin nya sa dibdib nito. Dahil sa suot nitong blouse na mababa ang neckline halos nakalabas ng kalahati ng dibdib nito, natakam na tuloy sya sa putaheng nakabalandra sa kanyang harapan ngayon. "Tangna! Oh tukso layuan mo ako!" Tinapik tapik nyang puson, dina nya naalalang may saksak sya sa tagiliran at patuloy itong nagdurugo. "Takteng hita yan.. Kayputiii... s**t! tumitigas lalong betlogs ko sa'yoo..!! Whooaahh.. Peste! tagal naman ni Bogz.. Diko na kaya ituuu..!" Sapo sapo ang kanyang harapan lumayo sya sa dalawang dalaga na wala pa ring malay. Tumakbo sya para magkubli sa likod ng puno saka dun ibinuhos ang lahat ng libog na kanyang nararamdaman. Maya maya lang narinig na nyang boses ng kaibigan. "Bro! Dito na'ko!" Tawag ni Bogz habang naglalakad palapit sa punong pinagkukublihan nya. "Ohh... Sandali! Malapit na'ko! Hahh.. Hahh!" Sigaw nya sa namamaos na boses . "Gago! Lupit mo! Lakang pili na lugar, pati ba naman dito nagsasalsal ka? Hahaha." Nakapamewang na pinagmamasdan na ni Bogz ang dalawang dalaga ng matapos sya't makalabas mula sa likod ng puno. "Sinong mga 'yan Bro?" "Maya na'ko magkukwento, tara na tulungan mo'kong maisakay sila sa kotse mo." Tinapik nyang balikat ni Bogz saka nilapitan si Rowena at binuhat. "May saksak kana naman? Tsk! Kakaburda ko lang sa'yo ah! Ba't mu naman agad pinasira Bro?" Napatampal pa ng kanyang nuo si Bogz. "La eh! Nataranta kasi ako ng makitang nasaktan ang pinapantasya kong babae." "You, mean?" Nanlalaki ang mga matang napabaling ng tingin si Bogz sa kanya. Ng makita nito ang kanyang pag ngiti, bumaba ang tingin nito kay Rowena na buhat buhat nya. "No wonder! na nagpasaksak ka ng dahil lang sa kanya, ang lagay ba nito eh! Anuna? totohanan na ba ang drama mo ngayon o gaya pa rin ng dating nakagawian mo na, ha?" "Lets say na... Bahala ng tadhana ang gumawa ng happy ending namin.. Diba mas interesante ang ganun, Brother?" "Sige, sabi mo eh! Oh! Tara na! San kaba magpapahatid?" Buhat ang kaibigan ni Rowena nauna ng naglakad si Bogz papunta sa sasakyan nitong nakahinto sa harap ng kanyang motorsiklo. "Sa bahay syempre!. San pa nga ba?" Nakasunod naman sya sa kaibigan, pero maya't mayang sinusulyapan ang mukha ng walang malay pa ring dalaga na buhat buhat nya. "Mapipingot kana naman ng Inay mo kapag nakita yang hitsura mo, uy!" "Hahaha.. Sanay na'ko dun! Kaya 'alang problema." "Dika na naawa sa Inay mo, kelaki mo ng bakulaw ka, nagpapasaway kapa sa kanya!" Maingat nyang iniupo si Rowena sa backseat, bago binuksan ang passenger seat para maipasok naman ni Bogz ang kaibigan ni Rowena sa loob ng kotse. Matapos nun ang motorsiklo naman nya ang binalingan, isinakay nya yun sa trunk ng kotse ni Bogz. "Kaligayahan na ni Inay ang sermunan at pingutin ako Bro, kaya wag ka ng anu dyan! Bilisan mo na lang mag maneho at nanghihina na'ko, kelangan ko ng magamot dalian mo na!" Pagkapasok nya ng kotse, napahiga na lang sya kaagad sa hita ni Rowena, ramdam na nyang panghihina ng kanyang katawan. "Syanga pala Bro, san ko naman ihahatid ang isang 'to?" Tinuro pa ni Bogz sa kanya ang kaibigan ni Rowena. "Bahala kana kung san mo dadalhin yan, basta iuwi mo na kami sa bahay, para magamot na'ko ni Inay..." "Bahala ako? Sige, iuuwi ko na rin 'to." May himig kapilyuhang sabi naman ni Bogz sa kanya. "Ikaw? Kung kaya mong panindigan, di gawin mo! Good luck na lang sa'yo." Nakapikit nyang sagot kay Bogz, kinapkap nyang kamay ni Rowena at ng mahawakan na nya ito, nakontento at naging payapa ng kanyang pakiramdam. 'Bakit ganito ang epekto mo sa'kin Rowena?? Anubang magic ang ginagamit mo at tila yata nagbabago na ako? Para kang magnet na hinihigop ang buo kong pagkatao... ' Dahan dahan nyang iminulat ang kanyang mga mata, napangiti na lang sya ng masilayan ang maamong mukha ng dalaga. Sigurado na sya ngayon sa kanyang nararamdaman, hindi na ito isang libog lang.. 'Ito na ba ang Pag- ibig? Kung ito na nga! Kaysarap naman sa pakiramdam...' Nakangiting unti unting pumikit ang kanyang mga mata.. Simula sa gabing ito, hahayaan na nyang ang tadhana ng magtakda kung anuman ang kapalarang tatahakin nya, kasama ang babaeng kahawak kamay nya ngayon... 'Aminado ako na hindi lahat ng gusto ko ay nakukuha ko.. Pero, isa lang ang maipagmamalaki ko.. Hindi din lahat ng gusto ako ay nakukuha ako.' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD