Chapter Twenty

1885 Words
Angel’s Light Angel Tulad ng hangin na minsan ay nagwawala at kung minsan ay kalmado, gano’n ang pag-ibig. Ngunit ang pag-ibig ko sa kanya ay palaging nagwawala. At kahit ilang taon pa ang lumipas hindi ito kumupas. Puwede pa lang magmahal kahit hindi mo na abot ang isang tao. Puwede mo pa rin siyang ibigin kahit tapos na ang lahat. Sa buong sampung taon na iniwan ako ni Gino, buhay pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Kaya naman no’ng nagkita kami ay parang kahapon lamang nangyari ang lahat. It’s still too hard for me to believe that I can touch him again. Lumipas ang bagyo ay nakabangon ulit ang mga tao, katulad ng puso ko’ng madalas ay nasasawi, nakakabangon pa rin mula sa pag-ibig na siyang sumawi rin sa akin. Napapikit ako nang masilaw ako sa init na sumisilip sa bintana ko. Hapon na at naghahanda ako’ng pumunta sa Plaza. Kailangan kong sulitin ang break na ito lalo pa’t naudlot ng ilang araw dahil sa bagyo. Also, I have a feeling that I might not be back here for a while. Nang makalabas ako ng kuwarto ay hindi ko na kinausap sina Mama dahil bala sila sa pagdadasal. Nakaugalian na kasi nila ito tuwing hapon hanggang ala-sais ng gabi. Nakapambahay lang ako at naka-tsinelas, it reminds when I was younger, when everything seems so simple. The days when I was younger were the best…dahil din siguro ay doon na rin dumating si Gino sa buhay ko. If someone will hear my story then, they will think that I’m such a fool. Dahil sa isang lalaki lang umikot ang mundo ko. If it’s a foolish love then, that’s fine with me. After all, I’m not myself if I am not a fool. I was always indecisive and I always act like stupid. Still, I know there is a part within Gino that accepted me. “Angel?” Napahinto ako sa paglalakad nang biglang may bisekletang tumigil sa tabi ko. Pagtingin ko ay si Gino pala iyon. Pagkatapos kong umalis sa bahay nila noon at ngayon ko ulit siya nakita. Akala ko nga ay bumalik na siya sa Garrisons. “Sa Plaza ka ba? Kung gusto mo—” hindi pa man naitutuloy ni Gino ang sasabihin niya ay umangkas na ako sa likod ng bisikleta niya. Todo-iwas naman ako sa mga tingin niya dahil nahihiya ako sa ginawa ko pero ito ‘yung gustong-gusto ko’ng gawin mula kaninang nakita ko pa siya. Gino didn’t utter any words and he continued cycling. Kumapit ako sa damit ni Gino. This feeling is nostalgic. We used to ride like this when we were in love. Gustong-gusto ko iyong pakiramdam na pag-angat ko lamang ay nakikita ko na ang likod ni Gino. Ah…I almost forgot those parts. All I wondered is that why did he leave me… I should have let my heart remember the good things we did together. Ah…I almost forgot this feeling. Dumaan kami sa side walk, at dahil maraming puno sa gilid, tuwing humahampas nang malakas ang hangin ay nahuhulog ang mga dahon. A certain melody started to play in my head…I started humming and feeling Gino’s back against my cheek. It’s so warm, my heart is throbbing in a fast pace. Summer is put on a halt because of the disaster and I thought it was the end of the season. It was strange that summer took a glimpse again…giving me hope that maybe in the slightest chance, our love may also…continue. “Lalalala…close to you,” napamulat ako nang bigla ako’ng napakatan. Napatakip ako sa bibig ko at inalis ang pagkakasandal ko sa likod ni Gino. Nang sinilip ko siya ay nakita ko’ng ngumisi pa siya. “What’s that? You didn’t grow up at all, you still love singing that song,” mahinang napatawa naman ito. “Bakit ba, Hmmmp,” napanguso lang ako at inirapan si Gino. I remember that song that played on the bus when I was still chasing Gino. Nagulat naman ako nang biglang tumigil si Gino. Pagsilip ko sa kanya ay nilahad niya sa akin ang isang puting bulaklak ng plumara. He must have caught it, nagsisihulugan na kasi ang mga bulaklak nito. “Your musical isn’t complete without this.” Ano ba ‘yan? Gusto ko maiyak. Even this crappy thing about me, he remembers it. I used to catch one where were riding like this. Tinanggap ko ang bulaklak at nilagay sa tenga ko. At nagpatuloy ang pagbibike naming dalawa papunta sa plaza. This is probably the longest time it took me to get there. ** “Maganda ba?” umikot ako habang hawak-hawak ang laylayan ng bestida ko. Nang tinignan ko si Gino ay napatakip lang ito sa kanyang bibig at tumango. Kanina kasing nagbibike kami ay mukhang hindi niya nakita. Gusto ko’ng ipakita ang floral dress na nabili ko para sa date naming ngayon. “Hindi talaga maganda ‘di ba?” napasimangot ako nang mapansin ko’ng panay ang iwas ni Gino sa akin. Naiwan din sa ere ang tanong ko. Kanina pa kami palakad-lakad, wala pa ako’ng pur na natatanggap kay Gino. Inalis ko ang bulaklak sa tenga ko at padabog ako’ng napatiuna sa paglalakad. Masyado bang nakakapagod kung pupurin man lang niya ako? He’s so mean. Saktong napatigil ako sa stall ng cotton candy, nadatnan ko ang magkasintahang nagsusubuan pa. At luminga ako sa paligid, couple’s day ba ngayon? Ba’t puro sweet mga nakikita ko? “Oh,” paglingon ko sa likod ko ay tumambad ang cotton candy na hawak ni Gino ay nilalahad niya sa akin. Inirapan ko lang siya at hinawakan ang stick. Dahil cotton candy ito, kahit ano’ng bad trip ko hindi ko matitiis ito. Kumagat ako at ninamnam ang tamis ng pink na cotton candy. Nanlaki naman ang mga mata ko nang tumikim din si Gino. Shucks! Gusto ko’ng alisin itong cotton candy para bibig ko na lang ang tikman niya. “Tamis,” parang wala lang kay Gino nang makatikim siya at naglakad ulit. Samantalang ako parang aatakihin na ako sa puso sa ginawa niya. Ilang minuto rin kami naghintay ni Gino bago ang main event ngayong gabi—The Lantern Festival. Tig-isa kami ni Gino ng lantern. Kanina pa ako hindi makapakli dahil tuwang-tuwa ako sa lantern, ang liwanag niya at excited ako’ng makita ang hitsura ng kalangitana kapag pinalipad naming itong lahat. “Ano’ng wish mo?” untag ko kay Gino nang mapansin ko’ng tapos na ito magsulat ng kanyang wish. “Hindi puwedeng sabihin. Hindi raw magkakatotoo,” masungit na sagot naman nito. Ako naman ay handa na ang wish ko bago pa ako pumunta rito. Sasabihin ko sana kay Gino pero dahil baka hindi magkatotoo ay hindi na lang. Pinaghandaan ko pa naman ito. “3…2…1” Nauna si Gino na nagpakawala ng kanyang lantern. Hindi ko kaagad pinakawalan iyong sa akin dahil napansin ko na parang ang lalim ng iniisip ni Gino habang nakatitig sa lantern na tinatangay na ng hangin. Ano kaya ang wish niya? Napaangat ako sa langit. Ang daming ilaw sa itaas. Sana ganito kaganda ang langit palagi. At sana tuwing titingin ako sa langit sa mga susunod na panahon, katabi ko pa rin si Gino. I wish that Gino will never lose the warmth inside his heart anymore. Hindi ko alam kung paano ko nararamdaman pero noong una pa lang nararamdaman ko ang matinding lamig sa bumabalot sa kanyang puso. But lately, I couldn’t be happy because he’s getting warmer. “Gino…” bigla ko’ng nasambit ang pangalan niya. “Sana masundan pa ito. Sa susunod na Lantern Festival…magkasama pa rin tayo ‘di ba?” “Hmmm.” Tumango siya. Sa sobrang saya ko ay tumiklay ako para dampihan siya ng halik sa kanyang pisngi. At hindi naitago ni Gino at gulat na mukha nito. “Ano…ah..Angel,” napatakip na naman sa bibig si Gino at iniilagan na naman nito ang mag mata ko. Tinatawanan na naman ba niya ako. “Ang ganda mo sa suot mo.” Lumawak ang pagkakamulat ng mga mata ko at naramdaman ko ang init sa mga pisngi ko. Teka, nag-blublush din ata si Gino nakikita ko’yung pisngi niya! *** “Huh? Akala ko tapos na ang Lantern Festival,” nagulat na lang ako nang tumingin ako sa itaas at may mga lanterns. “I think it’s the prayers of the people after the typhoon,” tugon naman ni Gino. Isang beses lang kasi nangyayari ang Lantern Festival dito sa amin. I managed to celebrate it but in different city. Iyon ‘yung nagkita kami ni Gino noon. This should be my third time seeing the lantern festival with Gino. The first time was during the summer when we were still together. Nangako si Gino sa akin na sa susunod na taon ay magkasama kami ulit na papanuorin ang festival pero hindi na natupad iyon. And this year I was able to see it with him…unintentionally. But I’m still happy. “Gusto mo ba, mag-wish?” Napangiti na lang ako sa tanong ni Gino. Actually medyo pagod na ako’ng magwish nang paulit-ulit. But something tells me that I should do it with Gino this time… We managed to get one lantern for each of us. May mga nagpapahabol pa. Sinulat ko ng mabilis ang wish ko. Hindi ko alam bakit ang tagal ni Gino at nauna pa ako. Tumakbo siya palapit sa akin upang sumabay sa pagpapakawala ng lantern. I wonder what did he wrote. My wish this time is simple. I don’t know why but I am feeling satisfied for now. I couldn’t ask for more. I wished for Gino’s happiness, even if that is not me. When I looked at Gino, the view of his face from ten years ago came like a flash in my mind. Strangely, he’s wearing almost the same smile. His eyes that are always blank are sparkling right now although its light is dim. “Smile…for you,” he looked down to meet my eyes. “Not for me this time…” Was he aware that I have been staring at him like this always? Tuwing masaya si Gino ay masaya ako. Tuwing malungkot siya ay malungkot ako. If I can do anything to protect and help him, I’d do that. It was always him before me. I’m that shadow that wanted to stick with him always and forever. “I can’t do that,” I frankly said. “I was always devoted to you…I always wanted to be the woman behind you.” I wasn’t sure if that was the right call. But that is just how my heart is feeling right now. If he can see through me this time then it’s no use of hiding it. “Why?” he turned to me… to see me entirely. Napahawak ako sa dibdib ko, hindi mapakali ang puso ko. “I’m your shadow. You’re the light,” I bravely said it this time. “I never saw you like that.” My heart felt like it was stabbed. That hurts me so much. Kung hindi niya ako nakita sa ganoong paraan, eh ano pala ako sa buhay niya? Just like what I’ve always thought…I was just another girl. “I never wanted you to be my shadow. I never wanted you to be the woman behind me—” “Tama na. Ayoko nang marinig,” tuamlikod ako. Mukhang anumang oras ngayon ay babagsak na naman ang mga luha ko. Pero hindi ako nakapalag nang hinapit ako ni Gino sa braso ko at pinaharap sa kanya. “Because you’re my Angel.” “…and I’m just someone begging for salvation.” *** Last 5 chapters! Kitakits pa rin tayo sa mga susunod na chapters ha, walang iwanan. Walang mang-aaway sa akin! Char lang hehe. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD