The Wind the Blows Our Sorrows
Angel
“J-Joke…ba ito?” hindi ko alam kung ano’ng klaseng mukha ang meron ako ngayon. Bitbit ko ang cake na pinagpuyatan kong ginawa para sa birthday ni Gino. Ngunit ang nadatnan ko ay ang nakakandadong bahay nila. Kanina pa ako sumisigaw pero walang sumasagot.
Kanina ko pa tinatawagan ang cellphone ni Gino pero nakapatay ito.
“Ha, baka namasyal lang sila,” pili tang mga ngiti kong bumalik ng bahay.
Araw-araw ako’ng bumisita pero wala nang umuwi sa kanila.
Nitong mga nakaraang araw ay hindi ko na nakausap nang maigi si Gino. Alam kong sobrang nasaktan siya sa pagkamatay ng mama nila kaya hindi ko siya ginambala. Inisip ko na at least icelebrate man lang namin ang birthday niya pero bigla siyang naglaho.
Wala na ba talaga siya?
Tumakbo ako palabas ng kuwarto. Kinuha ko ang bukas na payong sa harapan ng pintuan. Narinig ko ang pagtawag ni Mama sa akin pero hindi ko na ito sinagot. Dali-dali ako’ng lumabas ng gate at tumakbo.
Halos tangayin ng hangin ang payong ko pero hinigpitan ko ang kapit nito, hanggang sa tuluyan itong bumigay at tinapon ko na lang.
Lumusob ako sa napakalakas na ulan at tumakbo nang tumakbo…hanggang sa makarating ako sa highway. Wala ring sasakyan, kaya wala ako’ng choice kundi takbuhin ang bahay nina Gino.
Sana bukas ang ilaw, sana may umuwi. Sana nando’n na siya. Sana mali lahat ng akala ko. Sana hindi ito totoo. Hindi niya ako iiwan. Kahit gaano kalabo ang nararamdaman ni Gino sa akin ay hindi niya ako iiwan ng walang paalam.
‘Di ba, Gino?
Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila ay gano’n pa rin. Walang katao-tao. Napaluhod ako sa sahig. Tuloy-tuloy pala ang pagtakbo ko kanina at ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng paa ko.
Panaginip ba ang lahat? Bakit ang bilis naman? Paggising ko wala ka na?
Magpakita ka naman kahit saglit lang, kahit huwag mo na ako’ng kausapin, I just need to confirm something.
Napahagulgol ako sa iyak kasabay nang paglalakas ng buhos ng ulan. Baka sakaling naririnig niya ako, at kapag nakikita niyang ganito ako kamiserable at babalikan niya ako.
Babalikan niya ako…
“G-Gino…” napasuntok ako sa sahig. Hindi ko kayang tanggapin. Ayoko nang basta iniiwan na lang lalo na at siya ang pinakamamahal ko.
***
Lumipas ang araw…buwan at taon. I never heard anything about him. I carried on a life without him. It was hard from the start but I managed to survive. Pero palaging may kulang. Dahil hanggang ngayon ay wala pa ring sagot sa tanong kung bakit niya ako iniwan.
Binuksan ko ang bintana ko at narinig ko ang mga huni ng ibon, nasilayan ko ang palubog na araw. Kasalukuyan ako’ng nage-empake dahil babalik na ako sa Garrisons bukas.
I don’t know what’s dragging me down. I don’t feel like I want to go back for now. It felt like I was trying to accomplish something that I don’t know.
Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Hindi ako nakasagot noon kay Gino. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. I’m still confused, napakarami ko pa ring tanong sa kanya, but I don’t think he’d give me answers sooner or do I even deserve his answers…Wala na kami.
I shouldn’t have expected to make it happen, that we will be together again. I guess my heart is slowly giving up. But I don’t feel satisfied at all.
Hahayaan ko ba talagang wala ako’ng malalaman ngayong nandito na kaming dalawa? We lost ten years and now that it’s becoming clear that I can’t have him back…I might at least get some answers….
Can I even do that?
The next thing I knew is I’m already running outside.
One last time, if he won’t give me answers this time then I’ll stop. I swear…I’ll forget him.
Sumakay ako ng taxi na hindi mapakali. Hindi ko kasi alam kung kailan ang balik ni Gino sa Garrisons, kaya naisip ko baka wala na siya ro’n. Pero sana maabutan ko pa siya.
I don’t know how I became suddenly desperate over this.
Nang makarating ako sa bahay nina Gino ay para ako’ng nahugutan ng tinik sa dibdib nang makita ko ang gate nilang bukas.
Nagtaka ako nang napansin kong medyo bukas ang pintuan. Pipihitin ko na sana ito nang may narinig ako’ng boses sa loob.
“It’s about time we talk about our marriage. Come back with me,” ang babaeng boses na iyon alam ko kung kanino ‘yon… how could I forget…It’s Aless’ voice. The one I used to trusts all my secrets.
My hunch was right all along…something is definitely going on with them.
“I hope that my love for you is enough to keep going on.”
“Don’t worry, Aless. Aayusin ko naman talaga ‘yan pag-uwi ko. I just need to settle some things while I’m here.”
“It’s about Angel?” nanlaki ang mga mata ko nang binanggit ni Aless ang pangalan ko. Hindi nakasagot si Gino, and I’m dying to see his face, what could it look like upon hearing my name?
Does he feel sad when he hear it? Does he remember our memories together?
Would he feel regretful upon hearing it?
“Angel is a part of my past. She’s no longer a part of my present. Don’t be bothered by her.”
Napasapo ako sa dibdib ko. Bumagsak kaagad ang mag luha ko. Maybe I was wrong to come her, ano bang sagot ang gusto ko?
Hindi ba’t naibigay na ni Gino iyon nang iniwan niya ako?
Alam ko. Alam ko naman… iyon na iyong sagot.
“Angel?” Napabalikwas ako ng lingon nang bigla kong narinig si Aless. Gulat itong napatingin sa akin. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon para punasan ang mga luha ko. Napatingin ako saglit kay Gino, napansin kong mas gulat siya kaysa kay Aless.
“Why are you here? Isn’t it rude to eavesdrop in someone else’s house?”
I never expected to hear how Aless just talked to me now. She was sweet and loving. I know that because she’s my best friend. Nasaktan din ako sa pagkawala niya dahil umalis din siya ng walang paalam. I didn’t just lose a lover but I also lost my best friend.
“I was really worried, Aless,” I forced a smile. “But I always wished that you’re doing fine somewhere. I guess you did.”
Bago pa bumigay nang kusa ang damdamin ko tumakbo ako palayo.
I want to slap myself until I’m beat up. I hate myself for being too naïve, I’ve been hurting all my life, I felt like I am betrayed by the two person I cared about. Still, I was fine. I was all good. I can even smile.
“Angel! Sandali!”
Hindi ko alam kung hanggang saan ako nakalayo pero nagulat ako nang bigla ako’ng pinigilan ni Gino at sapilitang pinaharap sa kanya.
Napahinga ako ng malalim dahil napagod ako sa pagtakbo.
I came here for answers and I really did get it.
Parang sasabog ang dibdib ko. I need a good scream but I am surpassing it. Nanlalamig ang damdamin ko, dala na rin siguro ng lamig ng simoy ng hangin.
Namamatay-matay ang street lights, I think that is how exactly my heart feels, it badly wants to shut down because damn…my heart has been carrying a pretty good pain for a long time. I was the one deceiving it.
Nang mag-angat ako ng tingin kay Gino na ngayon ay natahimik na naman, hindi ko inakala ang susunod na ginawa ko.
Tinangka ko siyang sampalin. But before my hand landed, I stopped myself.
“Bakit mo ako iniwan?”
I said it. Nasabi ko na nang walang pag-aalinlangan.
“No matter how much you wanted to leave me soon you should have told me…why,” sinuntok ko ang dibdib niya. Gusto kong lakasan ang pagkakasuntok nang sa gano’n baka maaring mabawasan ‘yung sakit.
“You were falling out of love for me…while I’m still drowning in my love for you. It’s been ten years and that never changed,” eyes closed so hard I uttered to those words.
“It’s not like that,” he finally talked.
“Then why!?” napasigaw ako bigla. I didn’t care how pathetic I look but I’m desperate for answer. My face is filled with tears pleading for him to talk and tell me something.
“Binigay ko lahat-lahat. Sa ‘yo umikot ang mundo. Ikaw ang naging pangarap ko, lahat ginawa ko para lang matanggap mo ‘yung nararamdaman ko sa ‘yo. Pero pinasaya mo lang ako nang maikling panahon at pagkatapos basta-basta mo na lang ako’ng iniwan. Iniwan mo ako at hindi ka man lang nag-alinlangan, hindi ka bumalik para magpaalam,” napahagulgol ako sa pag-iyak. Hindi ko inaasahang nakaya kong tiisin ito ng sampung taon.
“That’s the reason. I hated that It was all for me,” nagtaas ng boses si Gino na ikinagulat ko. “You didn’t need to do those things for me.”
The streetlight went out. Just like the dim light that is remaining in my heart…it ran out. I wanted to ask myself if coming here while gathering all the courage I saved and then hearing him say those words were worth it. If I was after a good pain that will totally shut down my feelings for him then this is too much.
“So you rejected my love from the start?” my lips were trembling. I don’t know how I’m able to stand up straight right not… Nanlalamig na talaga ako.
“Kayong mga lalaki, gusto niyo na mahalin kayo ng mga babae pero dapat naayon sa gusto ninyo. Kapag nagkulang, iiwan niyo kami, kapag sumobra, iiwan niyo pa rin kami,” kinagat ko ang labi ko upang hindi tumunog ang pag-iyak ko. If I were to let it out, it would be too loud.
“Minahal kita hanggang sa naubos ako,” muli kong sinuntok ang dibdib niya. Mas malakas na ang pagkakasuntok ko ngayon.
“Kung mali na mahalin kita nang ganito, sa una pa lang hindi talaga tayo para sa isa’t-isa. “ I finally had the guts to turn away.
Yeah, I got the answers. And it’s quiet disappointing because I had the answers all along. I just made it harder for me by hearing it directly from him.
I walked away without looking at him. There is a part of me that wants to stop. Parang bumibigat ang mga paa ko. Pero ayaw ko nang bumalik. If I talk to him again and if I stop from walking away then what would I become?
Habang palakad ako palayo para bang bumubulong ang isip ko na huwag muna, na kaya ko pa. It should be my brain to tell me to give up in the first place. Ngayon puso ko na ang sumusuko. Siguro nga ay pagod na ako. I hold on to someone for ten years and nothing happened. I just pushed myself to the core of hurting over and over again.
Napatingala ako sa itaas sa pag-aakalang may mga bituin na kukuti-kutitap at maaring makapagpagaan ng damdamin ko ngunit nababalot yata ng madilim na ulap ang kalangitan at hindi na sumilip ang mga bituin.
Tulad ng hangin, tinatangay nito ag damdamin kong nangulila nang matagal na panahon sa pagmamahal ng isang tao minsa’y naging mundo ko.
Tulad ng hangin, sana ay tangayin din ako nito kasama ang pag-ibig ko sa kanya.
This is…probably the last time. So let me cry out loud.
The sound of my cry echoed in these empty streets. The rage of being neglected, the fear of being left alone, the regret of giving in everything… I was finally able to let it out through my cry.
I haven’t walked that far from where I left him.
Did it reach him?
Does this sorrowful sound of my cry, reached him?
***
Last Four Chapters.
Healing prayers for you, Angel