Chapter Seventeen

2002 Words
Lanterns of lost hearts Angel Napatayo ako nang marinig ko ang busina ng bus. Tamang-tama sa oras ang bus sa Garrisons. Bitbit ko ang bag ko’ng nakipag-agawan sa pagpasok sa bus. Pero wala na ako’ng naabutang bakanteng upuan. Para sa nalalapit na birthday ni Mama ay napag-isipan ko’ng umuwi. Ang sabi sa akin nina Blythe ay hindi naman masamang magbakasyon ako kahit ilang araw lang. Sila rin ang nag-udyok sa akin nito. Namimiss ko na rin sila Mama kaya pumayag ako. Parang papuntang Quiapo ang bus, siksikan sa loob. It reminds me of the old days when I used to ride this bus to school. Nang makadaan kami sa ilang station ay unti-unting naubos ang taong nakatayo. Nakaupo ako sa malapit sa bintana. Para ako’ng batang nasa field trip nang makarating kami sa hometown ko. It’s still beautiful. Malapit ito sa San Silvestre, ang bulubundikin ng San Vidad. Wala ka nang makitang bahid ng syudad. It’s all green field and the mountains from a far. Bumaba ako sa station malapit sa school. Pag-apak ko pa lamang palabas ng bus ay nakita ko ang waiting shed na tinatambayan ko tuwing nag-aabang ako ng bus pauwi. The place looks the same. May ilang establishments nga lang na bago. The roads… even the street lights are still the same. Sumakay ako ng taxi papunta sa bahay dahil may dala ako. Nadatnan ko sila Mama na nagdadasal sa sala kaya hindi nila ako kaagad nabatin ngunit ngumiti sila sa akin. Napatingin ako sa picture na nasa altar. Nando’n ang picture ni Lolo at ni…kuya. May nakakatandang kapatid ako pero bago pa man ako mag-highschool ay namatay siya dahil sa dementia, gano’n din ang ikinamatay ni Lolo. Maagang inatake si Kuya ng dementia. Sa pagkakatanda ko ay kaka-graduate lang niya ng kolehiyo noon ay inatake na siya nito. “’Uy,” nagulat ako nang bigla ako’ng nilapitan ni Papa. “Kuwarto ng kuya mo iyan, doon ang kuwarto,” napabitaw ako sa door knob.  Mukhang matagal na ako’ng masyadong hindi nakapagbakasyon kaya nakakalimutan ko na ang kuwarto ko. My room never changed. Hello kitty pa rin ang bed sheet, pink ang karamihan sa gamit. My study stable is full of stickers as usual. Napawi ang ngiti ko nang makita ko ang picture namin ni Gino sa table ko. Hindi yata naisipan ni Mama na itapon ito. Napangiti ako nang mahawakan ko ang picture. Ito iyong nasa Fireworks event kami ni Gino. First monthsarry naming dalawa. Naluluha ako sa picture dahil nakipag-away ako sa kanya noon. Hindi ko naman inaakala na habang pinipicturan kami ay bigla niya ako’ng hahalikan sa pisngi. My heart hurts when I realized that he used to be mine. “Angel!” Hindi ko na hinintay na tatawagin ako ni mama ng dalawang beses. Binaba ko ang bag ko’t lumabas agad ng kuwarto. Mukhang tapos na ang dasal. May meryendang nakahanda sa kusina kaya naman nagutom kaagad ako. Namiss ko ang suman at pancit ni Mama. “Kumusta ang dalaga namin?” yinakap ako bigla ni Papa habang kumukuha ako ng pinggan. “Mabuti naman, tumatanda na pero ikaw, Pa, bata ka pa rin?” Nagsitawanan kami nila Mama sa sinabi ko. “Tumatanda na pero wala pang asawa,” inirapan naman ako ni Lola nang dumating siya sa kusina. Bad mood pa rin siguro ito dahil sa nangyari noon. “Anohin mo ba iyang dyaryo?” nagulat ako nang makita ko ang hawak ko. I thought I was holding a plate. Tinawanan naman ako ni Papa at inabutan ako ng pinggan. “Lakas pa rin ng pagka-engot mo,” sabay kurot nito sa ilong ko. “Hayaan mo na, Nay. Ang mahalaga, healthy si Angel at walang sakit,” sumunod naman si Mama na yumakap sa akin. “Paano kapag tumanda siya?” tanong ni Lola. “Uwi siya rito, aalagaan ko siya,” ngumiti si Mama nang makakalas siya sa akin Nangilid ang luha ko kaya tumalikod ako na kunwari ay kumukuha ako ng inumin sa ref. *** Nagpunta ako sa Plaza sa hapon. Gaya ng dati, maraming tao rito. Paborito ko’ng lugar ang park sa likod nito. May hilera ng mga matatayog na puno at may daanan sa gitna. Kagaya ng mga cherry blossoms sa ibang bansa ngunit samu’t-saring puno lang na berde ang nandito. Still, the place is beautiful. May mga bench na nakalaan para sa mga namamasyal dito. Marami ring nag-jojogging dito. Pero nakakapagtaka dahil walang katao-tao rito ngayon. And the more I walked along these trees, I realized that some of there aren’t as green as they usually look ten years ago. Mukhang napabayaan na rin ang lugar na ito. Maraming nalagas na dahon sa daanan ang hindi nalilinis. Ganunpaman, ang ganda pa rin. Napaupo ako sa isang bench and inenjoy ang halimuyak ng hangin. Ang sarap sa pandinig ang mga tunod ng mga dahon na nagbabanggahan sa isa’t-isa tuwing lumalakas ang hangin. Maybe I needed something like this. A blurry vision came upon my eyes from a distance. The longer I stare, the more it unveils the true image of what I’m seeing. Kinusot ko ang mga mata upang kumpirmahin ang imaheng nakita ko. But it was real. I saw Gino walking along the trees while with earphones. Hindi ko nagawang mag-lipat ng tingin ng mahuli niya ang mag titig ko. Ano’ng ginagawa niya rito? Judging from Gino’s daily routine, he wouldn’t bother to come here. “Angel,” parang matutunaw na yata ako nang ngumiti siya sa akin. What’s with him? I’m feeling the old vibe of Gino from ten years ago. “It’s such a nice sunny day to see you, hindi ko aakalahing makikita kita rito.” Umurong ako nang kaunti nang umupo siya sa tabi ko. I wanted to talk to him, but I am too embarrassed. Naalala ko ang nangyari last week. I just cried in front of him. After a few days of realization I finally concluded that I’m at fault. Wala naman na ako’ng karapatan para mag-reklamo sa pipiliin ni Gino. Wala na ako sa lugar. “I’m happy that finally, I was able to come back here. It brings a lot of memories…when I used to be happy with you.” Nang tinignan ko s’ya sa tabi ko ay nakatingin siya araw na palubog na sa likod ng mga puno. He was smiling. My heart was happy. His face looks brighter this time. Mula nang makita ko ulit siya ay hindi ko na nakita ang ngiti niyang ito. “My heart has changed. I don’t even know how to fix it. I want it back,” nanlaki ang mga mata ko nang yumuko siya’t parang naluluha. “I want my heart back. The one you saved… the one you used to love…” Tuluyang nadurog ang puso ko nang nakita ko’ng lumuha si Gino. Kahit noon pa man ay hindi ko siya nakitang lumuha. Gino was always good in hiding his true feelings but I’d know if he wasn’t okay. Hindi ko alam na maaring may pinapasan din pala si Gino sa loob ng sampung taon. I wasn’t the only one who’s broken and lonely... I was only aware of my tears when Gino wiped them for me. I missed the warmth of his hands on my cheeks. It makes me safe… Pumikit ako at ninamnam ang pagkakataong magkalapit kami at hawak niya ako sa pisngi. Ilang sandal pa, naramdaman ko’ng malapit na ang mukha ni Gino sa akin. I don’t want to close my eyes because a part of me hopes that he’d kiss me. And if he will kiss me, I guess… there is no way out of this feeling. I’d fall for it over and over again… Tumulo ang mga luha ko nang maramdaman ko ang labi ni Gino sa labi ko. His kiss is so sweet maybe because I missed it and at the same time it was painful. For a few moments his kiss lets me channel a part of his heart which is very heavy… *** Napapitlag ako nang may marinig ako’ng bell ng isang bisikleta. Ang daming tao! Napansin ko pa na may ibang nakatingin sa akin, teka, Nakatulog ako! Nakakahiya! Oo nga pala at kapag sasapit na ang gabi ay bubuksan nila ang lantern lights dito kaya dadami ang tao. Napahawak ako sa bibig ko, shet naglaway pa nga yata ako. Mukhang pagod na pagod ako sa byahe. Pero ang ganda ng panaginip ko. Hindi ako makapaniwalang panaginip lang iyon. Pero, it doesn’ make any sense. Something like that would never happen. Kaya nag siguro sa panaginip lang. Gino would never say those words.  Gino got over about me already. I’m the only one who couldn’t. I am really envious of Gino because he was always firm on his decisions. He left me and he wouldn’t go back from the choice he made. It should be easy for him to forget me because I’m just another girl. Naglakad-lakad ako sa plaza. Kahit doon pala ay may mga lantern na nakasabit sa itaas, kaya naman napakaliwanag dito. I used to come here with Gino. Pero payong ang nakasabit sa itaas noon, hindi lantern. Pero dahil may street lights noon sa bawat sulok, naiilawan ang makukulay na payong. Gino used to love it so I’d stay longer with him. And this is the place where Gino finally acknowledge me… *** “Ang ganda,” hinihingal ko’ng saad. Mabuti na lang at nakaabot kami ni Gino ngayon. Yinaya ko s’yang magpunta rito dahil summer na! Magkakaroon kami ng dalawang buwan na bakasyon. “Angel,” napalingon ako kay Gino na nakatitig rin sa mga makukulay na payong sa itaas. “Aalis ka ba?” “Ha? Ba’t ako aalis?” napakunot-noo ako. “Nandito ka, nandito na ang puso mo. Hindi ako aalis,” “I see,” nagulat naman ako nang bigla siyang ngumiti. Ilang segundo pa ay lumipat sa akin ang titig niya. Napako ako sa kinatatayuan ko nang humakbang siya palapit sa akin. Mabuti na lang at mas matangkad si Gino kaya naman nagagawa ko’ng umiwas sa mga titig niya. Nag-init ang mga pisngi ko nang maramdaman ko ang kamay ni Gino na pinatong niya sa ulo ko. Parang inakyat ng kumukulong tubig ang sistema ko nang dinampi ni Gino ang labi niya sa noo ko. Parang sasabog na ang puso ko. Hindi ko rin maibuka ang bibig ko para tanungin kung para saan iyon. Nakamulat lang ang mga mata ko at parang lunod na lunod ako sa looban ko. “Tandaan mo itong araw na ito,” saad niya. “Dahil ito ang araw na hahayaan ko na ang sarili ko’ng mahulog sa ‘yo,” nangilid ang mga luha ko nang ngumiti ulit si Gino sa akin. “Gino!” *** Although I ended up getting Gino mad that night. Dahil hindi ko napagilan ang damdamin ko, napasigaw ako nang malakas at yinakap siya nang mahigpit. Nakuha namin ang atensyon ng mga tao kaya napahiya si Gino. I received a forehead hit on our first day being a couple. It was so funny, every time I bring it up to Gino, he always gets mad. I’d go back to the past and relive that day if I had the chance to. Hindi para baguhin ang mga nangyari. I’d relive all of my days with Gino and make him happier. I won’t last any time while we’re in love. Dahil kung alam ko lang na sandali lang ang pagmamahal ni Gino sa akin, ay dapat sinulit ko na. If I knew he’d leave that day, I could have say goodbye properly, wish him luck to his future and smile for the last time. Hindi ko pipigilan na iwan niya ako. I know Gino’s an explorer. He always wanted to see the rest of the world out there. I’ll let him do that even if that means sacrificing his love for me. I’d be happy and cheered him up somewhere but I’d also hope that he will come back to me after his journey. If I had known that the way back to his heart is still impossible even after ten years then, I should’ve love him more in the past… when he used to love me to. “Gino,” sambit ko nang biglang lumiwanag ang mga lantern sa itaas. Ikaw mula noon, Ikaw pa rin hanggang ngayon hanggang sa mapagod na ako. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD