CHAPTER 2

2976 Words
Sumunod na ako sa aking kasama palabas ng aming silid. Bitbit ang mga panglinis ay naglakad kami patungo malapit sa mga kliyente upang linisin ang mga kalat. Matagal na rin kasi ang inuman at kasiyahan kaya hindi maiiwasang may mga kalat na sa paligid. Habang naglalakad ay palapit naman kami nang palapit sa kinaroroonan ng lalaking mag isang umiinom. Langong lango na ito sa alak ngunit patuloy pa rin ang lagok ng inumin. Papunta na sana ako malapit sa mesa kung nasaan ang isang pangkat ng mga nagkakasiyahan sa harap upang magwalis ng mga kalat nang tawagin ako ng aming bisor. Imbes na maglinis ako sa harap ay pinapunta ako nito upang linisin ang paligid malapit sa lalaking umiinom. Kahit naiilang ay sumunod na rin ko sa utos nito. Tahimik lamang ang lalaki ngunit nakakaintimida ang awra nito. Nang makalapit na ako ay tahimik akong nagwawalis malapit sa kanyang kinalulugaran. Sinikap ko na tumutok lamang sa aking ginagawa upang hindi magkamali. Sa gilid ng aking mga mata ay hindi ko maiwasan na tignan ang kanyang itsura. Tulad kanina ay seryoso lamang ito na nagmamasid sa harap at saglit na tumingin sa aking banda. Sa kaba ay nataranta na ako at binilisan na ang paglilinis para makaalis na kaagad. Paalis na ako nang hindi sinasadyang maapakan ng aking paa ang tela na nakabalot sa kanyang mesa. Dahil sa nawalan ako ng balanse ay bumagsak ako sa sahig at nahila ang mantel kaya bumagsak din ang mga baso at bote ng kanyang inumin. "f**k!" isang malakas na boses ang narinig ko. Sa bilis ng pangyayari ay natulala na lamang ako. Agad akong nakabawi at unti unting tumingin sa kinaroroonan ng lalaki. Nakatayo na ito at nakatingin sa akin. Galit ang kanyang itsura at napansin kong nabasa ang kanyang damit mula sa natapong alak. Nangilabot naman ako at napalunok sa takot. Agad akong tumayo ngunit hindi na muling inangat ang tingin sa kanya. "I'm s-sorry po Sir," agad kong kinuha ang isang malinis na tuwalya mula sa aking bulsa at akmang pupunasan ang nabasang parte ng kanyang damit ngunit nagulat ako nang tinabig nya ang aking kamay "Stay away from me!" "Sorry po," sambit ko muli "Sorry po Sir," lumapit sa aming kinaroroonan ang aming bisor at humingi rin ng paumanhin "Stupid!" ani ng lalaki. Nanatili akong nakayuko at pinipigilang bumagsak ang aking luha. May isa namang lalaki ang agad na dumating at inawat ang kanina pang lasing na kaibigan, "Matt, stop it," Bumaling ito sa amin, "Miss, pagpasensyahan mo na ang kaibigan ko, lasing na kasi," at dinala na palabas ang kaibigan. Hindi ko na sinubukan pang iangat ang aking tingin dahil sa pagkapahiya. "Sa susunod, ayusin mo ang trabaho mo!" sabay duro sa akin ng aming bisor "Pasensya na po," nanginginig kong sambit Umalis na ang aming bisor at inutusan na ang lahat na bumalik sa aming silid. Agad namang lumapit sa akin ang kasamang babae, "Ayos ka lang ba? May masakit ba sa 'yo?" "A-ayos lang ako," sambit ko "Hayaan mo na sila. Pasok sa isang tenga, labas sa kabila. Kasama na 'to sa trabaho natin. Basta ingat na lang sa susunod," "Naiintindihan ko," Lumipas ang mga oras at natapos na ang aming duty. Nilinis naming muli ang lugar nang makaalis na ang mga kliyente at pagkaraan ay tinanggap ang aming sahod para sa gabing iyon. Madaling araw na nang makauwi ako sa amin. Mahimbing na natutulog si Mama at si Ading sa nakalatag na banig sa sahig. Tahimik akong kumuha ng pantulog at tuwalya mula sa kahon ng aking damit at nagtungo sa banyo upang maglinis ng katawan. Habang naliligo ay hindi ko maiwasang maalala ang masakit na salitang binitiwan ng lalaki. Hindi maiwasang mag init ang aking mga mata at tumulo ang luha. Kapag mahirap ka, maliit lamang ang tingin sa 'yo ng iba. Madali lamang sa kanila ang ipahiya at sabihan ka ng masasakit na salita dahil maliit lang ang tingin nila sa 'yo. Wala silang pakialam sa kung ano ang nararamdaman o pinagdadaanan mo, dahil ang mundo ay umiinog para lamang sa kanila. Para lang kaming mga sardinas sa isang malawak na karagatan. Nakakapagod maging mahirap. Pero kailangan kong lumaban. Kailangan kong magsumikap sa buhay. Unti unti, magtyatyaga ako hanggang sa maabot ko ang aking mga pangarap. Pagkatapos maligo ay tumabi na rin ako sa aking ina at kapatid at natulog na rin. Matapos ang mahabang araw ay sasamantalahin ko muna ang makapagpahinga dahil bukas ay panibagong araw na naman. Nang magising ako ay nadatnan ko si Mama na pinupunasan ng basang tuwalya ang aking kapatid, "Ma ano pong nangyari kay Ading?" "Nilalagnat ang kapatid mo," Napansin ni Mama na balisa ako kaya nagsabi ito, "Mag ayos ka na. H'wag mo kaming isipin, ako na ang bahalang mag alaga sa kapatid mo," Tumango naman ako kay Mama at naghanda na para pumasok sa trabaho. Tulad ng dating gawi ay nag uwi ako ng almusal sa bahay. Nabanggit ko kay Aling Lusing na may lagnat ang aking kapatid at nagpasalamat naman ako nang nagpahatid sya ng sopas para dito. Dumaan ang buong araw ng pagtatrabaho. Pagkauwi ko mula sa bar ay gising pa rin si Mama. Pinainom na nya ito ng gamot ngunit hindi pa rin bumababa ang lagnat. Lumapit ako kay Ading at tinignan muli ang temperatura nito. "Ma, sobrang taas ng lagnat ni Ading! Dalhin na natin sa ospital," Agad kaming tumawag ng tricycle at dinala ang aking kapatid sa ospital. Pagkatapos ng mga test at pagsusuri ay nakompirmang may dengue ito. Kasalukuyang naka confine ngayon si Ading sa isang ward habang nakatusok sa kanyang kamay ang karayom na nagmumula sa nakasabit na dextrose. Dito ay susuriin muna sya habang sya'y nagpapagaling at hanggang sa bumalik ang dating lebel ng kanyang platelet count. Napayakap naman sa akin si Mama, "Elle, saan tayo kukuha ng pambayad nito sa ospital?" ramdam ko ang panlulumo nito dahil sa kalagayan ng aking kapatid pati na ang mga gastusin Sa totoo lang ay hindi ko rin alam. Siguro maghahanap muna ako ng mauutangan. Sa laki ng halaga na kailangang bayaran ay hindi ko rin alam kung may maipapautang ba sa akin si Aling Lusing o ang mga kasamahan sa bar. "H'wag kang mag alala Ma. Gagawa po ako ng paraan," pilit kong pinapatatag ang sarili dahil alam kong ako lamang ang masasandalan ngayon ng aking ina at kapatid "Salamat Anak. Hiyang hiya na ako dahil ikaw ang umaako ng responsibilidad. Kung nagkaroon lang sana ako ng maayos na trabaho hindi sana ganito ang kalagayan natin," at tuluyan na ngang bumuhos ang iyak ni Mama "Ssshhh... tahan na Ma. Kakayanin natin ito," sambit ko habang sya'y inaalo Pinunasan ni Mama ang kanyang luha. "Makikiusap din ako sa mga Tita mo, Anak. Baka matulungan din nila tayo," Walang tulog akong pumasok sa karinderya. Naghihintay ako ng tamang tyempo nang magtanong si Aling Lusing, "Elle, ayos ka lang ba?" "Aling Lusing, nakakahiya man po, pwede po ba akong umutang? Nasa ospital po kasi si Ading at malaki laki rin po ang kailangan naming bayaran," nahihiya kong sambit "Magkano ba hija?" "30, 000 po," "Naku hija, pasensya ka na. Gusto man kitang tulungan, hindi rin kaya ng budget. Alam mo naman, kailangan ko ring magbayad ng matrikula ng anak ko," Dumukot ito ng ilang pera mula sa kanyang wallet at inabutan ako ng 3,000. "Pagpasensyahan mo na, sana kahit paano ay makatulong," "Salamat po Aling Lusing. Naiintindihan ko po." "Hindi kaya dadaan dito si Eros? Baka sakali makatulong sya sa 'yo," Ilang araw din na hindi napapadaan dito si Eros. Kahit na nahihiya ay umaasa ako na mapadaan sya dito at baka sakali ay makahingi ako ng tulomg. Ngunit dumaan ang maghapon at hindi sya napadaan. Blanko ang aking isipan habang papasok sa bar. Wala na akong ibang maisip pa na pwedeng mahingan ng tulong kaya imbes na dumiretso sa aking locker ay pumunta ako sa opisina ng tinatawag nilang Mama-san. Ilang katok ang aking ginawa nang pagbuksan ako nito ng pinto. Sumilay ang pilyang ngiti sa mukha nito, "Anong kailangan mo?" "Mama-san, k-kailangan ko po kasi ng pera para sa kapatid kong nasa ospital," "Halika, pasok ka," Pinaupo ako nito sa kanyang tanggapan at sinuri ako mula ulo hanggang paa. "Hmmm, mukhang magiging mabenta ka. Bata pa at sariwa," sabay halakhak nito "Marami tayong mga bigating kliyente mamaya kaya sisiw lang ang kailangan mong pera," "A-ano po ba ang mga gagawin ko mamaya?" "Aba, edi paliligayahin mo ang kliyente mo! Ano ka ba naman?! Syempre teteybol ka, magsasayaw, at ihanda mo yang hiyas mo!" "P-pwede po bang hindi kasama ang huli nyong binanggit?" "Anong hindi kasama?! Ginagalit mo ba ako?! Ano akala mo dito, kumbento???" "Natural, kasama 'yon sa bayad!" dagdag pa nito "Aba Elle, sabihin mo kung gusto mo pang tumuloy at baka masabunutan lang kita!" "P-pasensya na po. Opo, payag po ako," nakatungo kong sabi habang pigil ang luha Agad akong dinala nito sa himpilan kung nasaan naroon din ang mga ibang babae. Ibinilin ako nito sa isang bakla para ako ay ayusan at hanapan ng magagamit kong damit para mamaya "Di ba ikaw yung janitress dito?" wika ng katabi kong babae Tumango naman ako "Di bale, pagkatapos mong ayusan, tuturuan kita ng ilang kalakaran namin dito," Natapos na nga akong ayusan at ipinasuot sa akin ang isang mapang akit na damit. Tila tipid na tipid sa tela ang aking suot at kitang kita na ang aking kaluluwa. Hindi ko rin makilala ang aking sarili sa make up na nakalagay sa aking mukha. Nagsimula na nga kami sa trabaho at pinahilera sa entablado ng VIP area. Mas marami ngayong kliyente kumpara ng nakaraan. Ilang sandali pa ay nagsimula na kaming magsayaw. Buti na lang ay kahit paano may nalalaman ako sa pagsasayaw mula noong high school. Kahit abot abot ang hiya at pandidiri sa sarili ay kapit sa patalim na ako. Malabo sa aking isip ang kanilang sinasabi at tanging hiyawan lang ng mga nanonood ang aking naririnig. Blangko ang aking utak habang nakatingin sa nakakasilaw na ilaw at isinasabay ang galaw ng aking katawan sa saliw ng mapang akit na tugtugin. Inilibot ko ang paningin at napansin ang lalaking iyon na mag isa pa ring umiinom at nakatingin sa akin. Pinilit kong balewalain at tinuloy ang aking ginagawa. Nang matapos kami sa aming pagsasayaw ay mayroong isang matanda ang sumigaw ng aking numero. "35K yan!" sigaw ni Mama-san "35K!" sigaw ng matanda. Kahit nanlalabo ang aking paningin mula sa namumuong luha ay kita ko ang mapagnasa nitong tingin na tila isang mabangis na buwitre na naghihintay ng mabibiktima. Patuloy lamang ang pag agos ng aking luha habang humahalakhak ang matanda. Si Mama-san naman ay ngiting ngiti at papalapit na sa akin upang dalhin ako sa kliyente. Sa buong buhay ko ay hindi ko inakala na aabot ako sa puntong ibebenta ko ang aking sarili. Kaya mahirap manghusga sa kapwa dahil hindi natin alam kung ano ang kanilang kalagayan. Isang malalim na hininga ang aking ginawa at tinanggap ang aking masaklap na kapalaran. Pilyo ang ngiti ni Mama-san at hinawakan na ang aking kamay, "50K!" isang sigaw mula sa mga kliyente Pareho naman kami ni Mama-san na lumingon sa pinanggalingan ng malalim na boses. Nanlaki ang aking mga mata nang matagpuan ang lalaking nag-iisang umiinom. "100K!" ani ng matandang lalaki na ngayon ay naiirita na sa paghamon nitong isa "500K," ani ng lalaki Napahampas ng mesa ang matanda dahil sa inis. Samantalang si Mama-san ay hinila na ako papunta sa lalaki. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nakaligtas ako mula sa manyak na matanda at mas malaki pa ang ibabayad sa akin, dahil kung tutuusin ay masaklap pa rin ang aking sinapit dahil nabili na ako ngayong gabi. Habang papalapit sa kanya ay ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Matama nya akong tinitignan ngunit walang ekspresyon ang kanyang mukha. "Sir! Ito na po, enjoy po kayo," ani ni Mama-san. Inabot ng lalaki ang cheke na naglalaman ng halagang kaparte ni Mama-san. "Salamat po! Sa uulitin," masayang sagot ng matandang babae "Follow me," malamig na boses ng lalaki. Agad itong tumalikod sa akin at naglakad na paalis ng bar. Sumunod ako sa kanya habang ang kanyang mga bodyguard ay nakasunod din sa amin. Nang makarating na kami sa kanyang sasakyan ay dumiretso na ito sa driver's seat samantalang ako ay pumasok na rin para maupo sa tabi nito. Pagkaalis namin ay nakasunod pa rin ang sasakyan ng kanyang mga bodyguard. Matulin nyang pinatakbo ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa isang mamahaling hotel. Nakasunod pa rin ako sa kanya nang pumasok kami sa establisyemento hanggang sa makarating kami sa aming kwarto. Mula nang pumasok kami sa hotel ay pansin kong hindi na sumunod ang mga bodyguard nito. Katulad ng sa byahe ay sobra ring tahimik nito at wala kaming kibuan. Binuksan nya ang pinto gamit ang isang card. Pagkabukas ng pinto ay diretso itong pumasok habang ako ay nakasunod pa rin. Bumungad sa akin ang isang mamahalin at malaking suite. Nakakamangha ang malawak na sala at mayroon pa itong dining area at kitchen. Sa isang banda naman ang pinto patungo sa tingin ko ay kwarto. Napakaganda ng disenyo ng mga muwebles at tiyak lahat ay mamahalin. Napaka elegante ng buong ayos nito. Abala pa ako sa pagmangha nang manlaki ang aking mata sa pagsunggab ng lalaki sa aking mga labi. Madiing nakalapat sa aking mga labi ang kanya at di kalaunan ay ibinuka nito ang kanyang mga labi at sinipsip ang ibaba kong labi. Nagkabuhulbuhol naman ang aking damdamin dahil sa gulat at hindi ko maintindihan kung ano ang gagawin. Napadaing naman ako nang kinagat nito ang aking ibabang labi. Sinamantala naman nito ang bahagyang pag awang ng aking bibig upang ipasok ang kanyang dila na syang gumalugad sa bawat kasuluk sulukan nito. Ilang sandali pa ay nilubayan nya ang aking mga labi at bumungad sa akin ang galit nyang mukha. Hinila nya ako at padarag na ibinalibag sa kama. Sa takot ay hindi ko na napigilang lumuha He chuckled sarcastically, "Don't act like you're innocent. You're just a slut like the other girls. Now, do your job," Inalis nito ang kanyang pang itaas at agad na pumatong sa akin. Sinunggaban nito ang aking leeg, kakagatin at sisipsipin. Bumaba ang mga halik nito pababa at laking gulat ko nang punitin nito ang aking damit. Bumungad sa kanya ang malulusog kong dibdib. Isinubo nya ang isa kong u*ong habang nilamas ang kabila. Marahas ang bawat nyang galaw na tila sa akin ibinubuhos ang kanyang galit. Habang patuloy sya sa ginagawa ay patuloy naman ang aking pagluha. Lalong bumaba ang kanyang mga halik patungo sa aking puson. Umangat sya saglit at mabilis na tinanggal ang kanyang sinturon at ibinaba ang zipper ng kanyang pants. Ibinaba nya ito kasama ang kanyang boxer kaya sa unang pagkakataon ay kitang kita ako ang tayung tayo nitong alaga. Mataba at mahaba ito kaya kinabahan ako kung kakasya ba ito sa akin. Hinila na rin nya ang aking pang ibaba kaya tuluyan na akong hubad sa harap nya. Nag igting ang kanyang panga at pinagparte ang aking mga hita. Muli ay pumatong sya sa akin at sumuso sa aking dibdib. Napasinghap ako nang dumikit ang kanyang alaga sa aking hiyas. Lalo akong napapaiyak dahil wala akong magawa kundi ang hayaang angkinin ako ng taong bumili sa akin. At habang nagtatagal ang kanyang mga halik ay lalo akong nandidiri sa sarili dahil unti unti akong nadadarang sa init ng kanyang ginagawa "Ah," ungol ko nang kagatin nya ang isa kong u**** habang marahas na nilalamas ang isa kong dibdib. Napahiyaw naman ako sa sakit nang bigla nyang ibinaon ang kanyang buong kahabaan sa aking butas. Nang maramdaman nyang parang may napunit sa akin ay bigla syang natigilan at agad hinugot ang kanyang alaga "s**t!" at bigla itong tumayo mula sa kama. Kahit madilim ay kita ko ang matipuno nitong katawan kaya nag init ang aking mga pisngi. Napahilamos ito ng mukha at lumingon sa akin, "Y-you're still a virgin?" Bumangon ako at napangiwi sa hapdi ng aking gitna. Hinila ko ang kumot para takpan ang aking hubad na katawan at napasandal sa headboard. Nanatili akong nakayuko dahil sa sobrang kahihiyan. Hindi na ako nakasagot pa at tuluyan nang humikbi. "f**k it!" sigaw nya at nagsimula nang magbihis. Inabot ko na rin ang aking mga damit at napagtantong wala nga pala akong maayos na suot. "Wait, I'll call my assistant," aniya Tumawag sya sa tinutukoy nyang assistant at narinig kong nagpadala ito ng damit. Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto na sya namang pinagbuksan. Hindi na nya pinapasok pa kung sinuman iyon at inabot sa akin ang paperbag na may lamang blouse at pantalon. Agad ko itong isinuot at nang makapagbihis na ay inabot nya sa akin ang cheke. Hindi ako makatingin sa kanya nang iabot ko ito. "S-salamat," turing ko. Balak ko nang umalis at hindi na lumingon pa sa masaklap na alaalang ito nang hawakan nya ang aking kamay. Para namang may kuryenteng dumaloy kaya naialis ko ito agad mula sa kanyang pagkakahawak "Ihatid na kita," Tuluyan ko na ngang inangat ang aking paningin at natagpuan ang kanyang mukha. Ngayon ay mas malapitan kong napagmasdan ito kumpara nang una ko syang nakita sa bar. May kung anong bakas ng pagmamalasakit ang nabanaag ko mula sa kanya, ngunit agad kong inalis sa aking isip nang maalala ang mga masasakit nyang sinabi sa akin. "H-hindi na po. Mag jejeep na lang po ako," "No. I'll drive you to your place. Please." iniwas nya ang kanyang tingin "S-sige, salamat," Tulad kaninang pagpasok ay tahimik pa rin kaming lumabas ng hotel. Hatid ng kanyang sasakyan ay nagpababa na ako sa ospital kung nasaan binabantayan ng aking ina ang aking kapatid. "Dito na lang, salamat," magsasalita pa sana sya ngunit hindi ko na pinatapos at bagkus ay bumaba na ako at naglakad papasok sa building
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD