CHAPTER 3

2338 Words
Pagkarating ko ng ospital ay nadatnan ko si Mama na nagbabantay pa rin kay Ading "Anak," bati sa akin ni Mama "Ma, kamusta na po si Ading?" tanong ko "Awa ng Diyos, magaling na ang kapatid mo. Bukas daw ay maaari na syang makalabas sabi ng doktor," nakangiti nitong sabi ngunit bakas ko sa kanyang mukha ang pagod "Salamat po sa Diyos. Ma, umuwi po muna kayo para matulog. Ako na po ang magbabantay kay Ading," "Anak, ikaw na ang umuwi at sobrang pagod ka na," "Sya nga pala, nakausap ko ang Tita mo at magpapadala sya ng bente mil. Susubukan kong mangutang sa isa kong amo," dagdag pa nito "Ma, h'wag na po kayo mag alala. May pambayad na po tayo para sa gastusin dito sa ospital," sagot ko "Paano?" "Mayroon pong malaking nag tip kanina sa bar," tipid kong sagot. Ayokong sabihin kay Mama na kumapit na ako sa patalim at ibinenta ang aking sarili Seryoso akong tiningnan ng aking ina, "Elle, magtapat ka sa akin. Anong nangyari kanina, bakit may nagtip sa 'yo ng ganoong kalaking halaga?" Napalunok naman ako habang naghahanap ng isasagot ngunit agad na nakabawi, "Mabait lang po talaga ang kustomer namin kanina. Napansin nya na maayos po akong magtrabaho at nabanggit ko po ang sitwasyon ko kaya naawa sya at binigyan ako ng pera," pagsisinungaling ko Tumango si Mama ngunit alam kong hindi sya lubos na kumbinsido sa aking sinabi. "Bukas na bukas po ay ipapapalit ko ang cheke at mababayaran na po natin ang ospital," dagdag ko. "S-sige po Ma, uuwi po muna ako sa atin para rin makapaglinis ng katawan. Babalik din po ako kaagad dito." Umalis na muna ako ng ospital at umuwi sa amin. Minsan ay iniinda ko pa rin ang gumuguhit na sakit sa aking gitna mula sa nangyari kanina kasama ang lalaking iyon. Habang naliligo ay lalong bumabaon sa aking kamalayan ang mga nangyari kanina. Hindi ko napigilang mapaluha at manliit sa aking sarili. Pilit ko na lang na pinatatag ang aking loob dahil para rin naman sa aking pamilya kaya ko ito nagawa. Nilabhan ko na rin ang aking mga damit pati na ang ipinahiram na Tshirt ng lalaki at ang may bahid na dugo kong panty. Habang kinukusot ko ito at binubura ang bahid ng dugo ay pilit ko rin binubura sa alaala ang nangyari sa amin ng lalaking iyon. Nang makapag ayos ng sarili ay pumunta na ako ulit sa ospital. Nadatnan kong natutulog sina Mama at Ading. Dito na rin ako sa ospital nagpahinga. Nagpaalam na rin muna ako kay Aling Lusing sa pamamagitan ng text na hindi muna ako makakapasok kinabukasan. "Anak," nagising ako sa haplos ng kamay sa aking mukha. "Ma," bati ko sa aking ina. Bumaling din ako kay Ading na gising na rin, "Bunso, kamusta ka na?" "Maayos na po ako Ate," nanumbalik ang sigla sa aking kapatid "Elle, mag almusal muna tayo. Bumili ako ng pandesal," Sumunod ako kay Mama. Pagkatapos naming mag almusal ay pumunta rin ang doktor para ipaalam na magaling na si Ading at pwede na kaming makalabas ng ospital ngayong araw. Nagpaalam muna ako kina Mama para ipapalit ang cheke sa bangko. Mula sa ospital ay sumakay ako ng jeep para makarating sa aking pupuntahan. Hindi ko maiwasang kabahan lalo na't bitbit ko ang isang napaka importanteng bagay. Habang nasa bangko ay tinanong ako ng teller kung gusto kong magkaroon ng account kung saan idedeposito ang pera. Pumayag naman ako dahil mas maganda na nakatabi ang pera sa bangko. Nag withdraw lamang ako ng sapat para sa pambayad sa ospital, sa aming panggastos, at pagsisimula ng isang maliit na tindahan. Balak kong makapagsimula kami ni Mama ng isang sari sari store at makahanap ng isang pwesto. Ngayong may pera ay ayokong masayang ito kaya naman naglaan ako para magamit sa hanapbuhay samantalang nakatabi ang iba para sa ipon namin. Bumalik ako sa ospital at binayaran na ang gastusing inabot. Pagkalabas namin ng ospital ay napagkasunduan naming dumaan muna sa simbahan para magpasalamat. Pagkatapos ay niyaya ko naman sina Mama at Ading na kumain muna kami sa isang sikat na fast food chain. Bagamat bakas sa mukha ni Mama ang pagtataka, sobrang saya naman ni Ading kaya naman ay pumayag na rin ito na kumain kami. "Salamat Ate, ang sarap ng pagkain!" ani ni Ading "Basta magpalakas ka Bunso," masaya kong sagot Nang makauwi kami sa aming tinitirhan ay tumulong muna ako kay Mama na linisin ang bahay. Hindi naman kami makalat at maayos naman ang bahay, ngunit dahil hindi rin namin ito nauwian ng ilang araw at para makasigurong walang babahayan ng lamok ay naglinis kami nang maiigi. Kinabukasan, niyaya ko si Mama na lumabas kami at samahan akong tumingin ng pwesto. "Elle, paano ka nagkaroon ng ganito kalaking pera? Una, may naipambayad tayo sa ospital, ngayon, may natira pa para pangupa sa pwesto?" "Ma, tulad po ng sinabi ko, naawa po sa akin ang isa sa mga kustomer kaya binigyan po ako ng ganitong halaga," "Sabihin mo Elle, may hiningi ba syang kapalit sa 'yo?" Parang umurong ang aking dila nang diniretsa ako ni Mama. Labag man sa loob ko'y kailangan kong itago sa ngayon kung ano ang nangyari sa akin ng gabing iyon "Wala po," sagot ko Napabuntung hininga na lamang si Mama, "Bilang iyong ina, ayokong mapahamak ka. Kaya h'wag kang matatakot na magsabi sa akin kung mayroong gumawa sa 'yo ng masama. Isusumbong ko talaga sya sa pulis!" Napalunok naman ako. Kung alam lang ni Mama na ako mismo ang nagdala sa aking sarili sa ganoong sitwasyon. "Ma, di ba matagal na nating pangarap na makapagpatayo ng tindahan? Narito na po ang pagkakataon, kaya samahan nyo po ako," pag iiba ko ng usapan. Bagamat naibenta ko ang aking puri ay hindi pa huli ang lahat para ibangon ko ang aking sarili at iangat ang aming buhay. Tumango na lang si Mama at pumayag na samahan ako. Bago kami umalis ay inihanda muna namin ang pagkain ni Ading. Nagpunta kami sa isa sa mga pinapaupahang pwesto malapit sa isang subdivision. Dahil malayo na rin ito sa kabuyukan ng bayan, magandang makapagsimula ng isang malapit na tindahan para sa mga naninirahan dito. Hindi ko maiwasang mangarap na balang araw ay makapagpaanyo kami ng bahay sa lugar na ito. Malapit din ang pwesto sa isang eskwelahan kaya mahahagip rin namin ang mga estudyante bilang mga kustomer. Pagkatapos makipag usap sa may ari ay nakuha namin ang pwesto. Mabuti na lamang at mabait ito at binigyan kami ng diskwento sa upa. Sumunod naman kaming pumunta sa palengke para mamili ng aming mga paninda. Si Mama ang namimili habang ako naman ang taga dala ng mga produkto. Ang balak namin ay magsimula na rin bukas para mapagana na ang puhunan. Bago umuwi ay hindi ko nakalimutang bilhan ng pasalubong si Ading. Muli ay masaya ito nang uwian namin sya ng inihaw na manok. Kinabukasan ay maaga akong nag ayos para pumasok sa karinderya ni Aling Lusing. Napagkasunduan namin ni Mama na magbitiw na rin ako sa trabaho sa karinderya para tulungan sya sa aming tindahan. "Elle, kamusta na ang kapatid mo?" bati sa akin ni Aling Lusing "Awa po ng Diyos magaling na sya. Aling Lusing, sya nga po pala, ito po ang pinahiram nyo sa akin na pera," inabot ko ang perang ibinigay nya sa akin noon. "Ang bilis naman yata, san ka nakakuha ng pera?" taka nitong tanong "Tinulungan po kami ng kapatid ni Mama," pagdadahilan ko "Aling Lusing, sya nga po pala, magpapaalam na rin po ako. Hindi na po ako papasok bukas. Tutulungan ko na po si Mama sa aming tindahan," "May tindahan na pala kayo. Asensado na pala kayo Elle! O sya, ayos lang naman sa akin. Good luck sa inyong mag-iina," "Salamat po," Maraming kustomer sa karinderya kaya abalang abala kami ni Aling Lusing. Sa gitna ng kaabalahan ay napukaw ang aking pansin sa pamilyar na boses, "Elle," Napaangat ako ng tingin at natagpuan si Eros na nakangiti sa akin. Parang naibsan ang dinadala kong bigat ng kalooban nang makita ang kaibigan. "Eros," nakangiti kong sabi habang nabasa ang aking mga mata "Kamusta ka na? Nagkasakit daw ang kapatid mo. Sorry, kung alam ko lang hindi sana ako sumama sa out of town," aniya habang hawak ng kanyang kamay ang akin. Umiling ako. "H'wag kang mag sorry. Maayos na si Ading," "Palagi ka nyang kinakamusta sa akin dito," nakangiting sabat ni Aling Lusing "O sya, Elle, ako na muna ang bahala dito. Mag usap muna kayo ni Eros," dagdag pa nito Naupo muna kami ni Eros sa isa sa mga upuan sa karinderya. "Nag almusal ka na ba?" "Hindi pa. Pero ayos lang ako," ani ko "Namumutla ka. Tara, kain muna tayo," "Pero paano ang school mo, malalate ka na," "Ok lang. Hindi rin naman ako makakapakinig nang maayos sa klase habang nag aalala ako sa 'yo," Bigla namang pinamulahan ang aking pisngi mula sa kanyang sinabi "Aling Lusing, dalawang macaroni po at dalawang nilagang itlog. Pakisamahan na rin po ng isang bihon" "Sige mga anak," tugon ni Aling Lusing "Ang dami ah," natatawa kong sabi "Oo at nang magkakulay na yang mga labi mo," pabiro nitong banggit Ilang sandali pa ay inihain ni Aling Lusing mismo ang aming pagkain. "Salamat po," nahihiya kong sabi sa aking amo "Sus! Mag date muna kayo dyan at namiss ka nang husto nitong si Eros!" Pareho naman kaming napangiti ni Eros at nagkamot pa ito ng ulo na tila nahihiya. Nagsimula na kaming kumain hanggang sa nagsalita sya muli, "Sya nga pala Elle, magbubukas ulit ang scholarship sa university. Mag apply ka na, tutulungan kita. Alam kong kaya mo yun, matalino ka," "Salamat Eros. Pag iisipan ko. Sa ngayon kasi ay tinutulungan ko si Mama sa aming tindahan. Pero siguro ay kakayanin kong pagsabayin dahil tiyak gusto rin ni Mama na makabalik ako sa pag aaral," "Sige, pag isipan mo Elle. Sabihan mo lang ako kapag may kailangan ka," "Salamat," Pagkatapos naming kumain at magkwentuhan ay umalis na rin si Eros para pumasok sa university. Bumalik na rin ako sa trabaho para tulungan ang aking amo. "Salamat po Aling Lusing sa lahat," madamdamin kong sabi nang iabot nya sa akin ang huli kong sahod at nang nagpaalam na kami sa isa't isa. "Wala yun. Basta kung may kailangan ka, h'wag kang mahihiya na lumapit sa akin. Sana ay maging maayos ang tindahan nyo at ikamusta mo na lang ako sa nanay at kapatid mo," "Opo, " Dumiretso na ako sa aming tindahan at nadatnan ang aking ina at kapatid. Abala si Mama sa mga mamimili habang bumati na si Ading, "Ate! nandito si Kuya Eros!" Nagulat naman ako sa sinabi ni Ading at natagpuan si Eros na tumutulong sa pagtatakal ng bigas. "Hi Elle!" Nagmano ako kay Mama at tumulong na rin dahil maraming kustomer. "Anong ginagawa mo rito?" "Edi nagtatakal," nakangiting sagot ni Eros Hindi ko napigilang umirap dahil pinipilosopo ako nito. Nang matapos naming pagbilhan ang lahat ay saka nagsalita si Mama, "Salamat Hijo sa pagtulong. Nakakahiya at nagtakal ka pa ng bigas," "Walang anuman po, Tita," "Kuya, ang sarap po ng mangga na pinadala nyo. Salamat po," ani Ading "Basta ikaw!" natatawang sagot ni Eros "S-salamat. Hindi mo naman kailangan gawin ito," "Masaya ako na tulungan ka Elle, kaya nga magkaibigan tayo," Napangiti naman ako. Mapalad ako dahil sa kabila ng lahat ay mayroon akong kaibigan na tulad ni Eros. Ilang sandali ay nagpaalam na rin sya para umuwi sa kanila. Ilang araw ang lumipas at patuloy kami nina Mama na nagtutulungan sa aming tindahan. Tuwing umaga ay ihahatid namin si Ading sa eskwela at diretso na kami sa aming tindahan. Maganda ang benta at nakakaipon na rin kami. Ang balak ko ay makapag ipon pa para makalipat kami sa isang mas maayos na paupahan na malapit rin sa aming tindahan. Nakapag usap na rin kami ni Mama tungkol sa aking pag aaral. Napagkasunduan namin na susubukan kong mag apply para sa scholarship. Kahit papaano ay matutustusan ng kita mula sa tindahan ang aming panggastos, kasama na ang pag aaral ni Ading. Bitbit ko na ang mga kailangang dokumento na ibibigay ko kay Eros mamaya. Dadaanan nya raw ito mamayang makapananghalian. Kapag pumasa ay kailangan kong kumuha ng pagsusulit at kapag pumasa sa itinakdang marka ay makakapasok ako sa scholarship. Kaya naman nitong mga nakaraan ay nag rereview ako tuwing gabi ng aking mga lumang libro at notes. Habang nagtitinda kami ay napukaw ang aming pansin ng isang matandang lalaki. "Kayo po ba si Ms Elle Santos?" "Opo, sino po sila?" tugon ko Natapos na rin ni Mama na mapagbilhan ang isang kustomer kaya sumali na rin sya sa amin, "Magandang umaga po." panimula ng matanda, "Ako si Conrad at gusto kong ipaalam na nakaabot sa aming Chairman ang tungkol sa 'yo Ms Elle. Ang aming Chairman ay nagmamay ari ng isang prestihiyosong unibersidad at dahil sa mataas mong marka noong nasa high school ka ay ipinagkakaloob nya ang scholarship para makapag aral ka sa kung anong kurso ang gusto mong kunin," Nakaawang ang aking labi at natigilan nang sandaling iyon. Nananaginip lang ba ako? Kinurot ko ang aking braso at napangiwi ako sa sakit. "Ayos ka lang ba Elle?" tanong ng matanda "A-ayos lang po. Hindi lang po ako makapaniwala na nangyayari po ito. Salamat po," Nakita ko naman si Mama sa aking tabi na umiiyak na sa saya "Sir, kung maaari po, pwede ko po bang malaman sino po si Chairman para po makapagpasalamat po ako. At paano po nakaabot sa kanya ang tungkol sa akin?" "Ms Elle, pasensya na pero ayaw magpakilala ng aming Chairman. Mayroon syang charity na tinutulungan para sa mga deserving students na tulad mo," "Ganun po ba. Pakisabi po sa kanya na maraming maraming salamat po. Hindi ko po sasayangin ang pagkakataon na binigay nya," Tumango naman ang matandang lalaki. "Ms Elle, bukas ay babalik ako para alamin kung ano ang kurso mo at para samahan kang mamili ng mga gagamitin sa pag aaral," "Salamat po," tugon namin ni Mama
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD