CHAPTER 4

1635 Words
Tila ako ay nasa isang panaginip. Dumaan na ang buong umaga ngunit hindi pa rin ako makapaniwala sa biyayang dumating sa amin. Kahit si Mama ay natitigilan din paminsan minsan dahil pareho naming hindi lubos maisip na darating ang ganitong magandang balita. Matapos ang lahat ng hirap na aming dinanas ay unti unti na naming maaabot ang aming pangarap. Lubos ang pasasalamat ko sa Diyos sa kanyang awa. Nagpapasalamat din ako sa taong nagbigay sa akin ng pagkakataon para makapag aral ulit. Gustung gusto ko syang makilala para man lang personal na ipaabot ang aking pasasalamat, ngunit ayon kay Conrad, ayaw daw nitong magpakilala. Ano ang pangalan nya? Ano kaya ang itsura nya? Ano kaya ang ugali nya? Ano ang libangan nya? Saan kaya sya nakatira? Nandito ba sya sa Pilipinas, o siguro baka isa syang mayaman mula sa ibang bansa. Maraming mga tanong ang naglalaro sa aking isip hanggang sa hindi ko namalayang tanghalian na pala. "Anak, kumain na muna tayo," anyaya ni Mama na kararating kasama si Ading. "Ate, parang ang saya saya mo ngayon," bati ni Ading "Oo, Bunso. Ang saya ko talaga dahil makakapag aral na muli ako," "Wow, talaga Ate! Ang galing!" "Hi Elle!" isang tinig ang dumating habang nagkakasayahan kami ng kapatid. "Hi Eros," masaya kong bati "Hello po Tita," bati nito kay Mama at nagmano. Pagkaraan ay binati rin nito si Ading "Kuya Eros! Ang saya saya nami ni Ate! Makakapag aral na ulit sya!" Napatingin sa akin si Eros, "Wow Elle, congrats! Nakakuha ka ng ibang scholarship?" "May tutulong sa pag aaral ko, Eros. Nakita raw nito ang mga marka ko nung high school at tutustusan nya ang aking pag aaral sa Brighton University," masaya kong sagot "Wow, congrats Elle! Ang saya ko dahil pareho pa tayo ng unibersidad na papasukan!" sabay yakap nya sa akin. Nagulat naman ako sa ginawa nya lalo na't nakaharap si Mama at si Ading kaya naman ay bumitaw na ako mula sa kanyang yakap. "Salamat nga pala Eros sa lahat ng tulong mo," ani ko "Wala yun. Sino nga pala ang nagbigay sa 'yo ng scholarship?" "Hindi ko rin kilala. Ayaw daw nitong magpakilala ayon sa kanyang tauhan," "Hmmm, interesting," "Elle, Eros, kumain na muna kayo," anyaya ni Mama "Opo Ma, sorry po," nahiya tuloy ako dahil napasarap na naman kami sa kwentuhan ni Eros. "Tita, sorry po," nahihiya ring tugon ni Eros Natawa na lang sa amin si Mama. Habang si Ading naman ay maganang kinakain ang nakahandang tanghalian. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na rin si Eros pabalik sa kanyang eskwelahan. Nagpatuloy naman kami ni Mama sa pagtitinda habang si Ading naman ay gumagawa ng kanyang takdang aralin. Matapos ang buong maghapon ay umuwi na kami sa amin upang maghapunan at makapagpahinga. Habang natutulog sina Mama at Ading ay nag iisip naman ako kung ano ang kursong aking kukunin. Matagal ko nang pangarap na kumuha ng kursong Architecture kaya naman ay hindi ko mapigilang mapangiti habang naiisip kong nasa unang hakbang na ako palapit sa aking pangarap. Pangarap na tila kay hirap kong abutin noon, ngunit salamat sa Diyos dahil nagpadala sya ng isang taong tutulong sa akin para makamit iyon. Kinabukasan, dumating muli sa tindahan si Conrad at sinundo ako para samahang mag enroll sa unibersidad. Sumakay kami sa kanyang sasakyan at nang malapit na kami sa entrance ng eskwelahan ay hindi ko mapigilang ma excite. Pagkapark ng aming sasakyan ay bumaba na kami at nagsimulang maglakad patungo sa main building. Napakalawak ng campus at napalilibutan ng maraming puno. Marami ring buildings ng iba't ibang colleges ang matatagpuan. Gawa sa semento ang nilalakaran namin samantalang puro damo ang mga open spaces. Marami ring mga estudyante na naglalakad rin o di kaya ay nag aaral sa mga nakalaang bench. Mayroon ding mga nagkukumpulan at simpleng nakikipagkwentuhan sa kanilang mga kasama. Ang iba naman ay mga nakasalpak sa damuhan at nagpapahinga o kaya naman ay nanonood sa mga varsity players na nagpapraktis ng laro. Sa kabilang banda naman ay may mga nagpapraktis ng cheerdance. Hindi maitago ang saya sa aking mukha. Sa bawat makakasalubong ko na estudyante ay walang palya ang aking pagngiti. Merong mga mababait at ngumingiti rin, habang meron ding mga suplada. Bagamat hindi ko maintindihan bakit, binalewala ko na lamang dahil iba iba naman talaga ang ugali ng bawat isa. Ang mahalaga ay wala akong inaapakang ibang tao. Nakarating na kami sa enrollment office at si Conrad na ang nag asikaso ng lahat. Bago pa kami pumunta sa eskwela ay tinanong na nya ako kung ano ang kursong kukunin ko kaya inenroll na nya ako sa Architecture nang makarating kami sa opisina. "Salamat, Conrad," sambit ko nang mahawakan na ng aking mga kamay ang admission slip. "Walang anuman, Elle. Tiwala ako na hindi mo bibiguin si Chairman," "Opo, tama po kayo. Sya nga po pala, pakiabot po kay Chairman ang pasasalamat ko," "Makakarating, Elle." Bumalik na kami sa sasakyan at nagtaka ako dahil hindi pabalik sa amin ang tinatahak naming ruta. " Saan tayo pupunta?" tanong ko "Pupunta tayo sa mall. Ang bilin sa akin ni Chairman ay ipamili kita ng mga gagamitin mong damit at mga gamit sa pag aaral," "Sobra sobra na po ang kabaitan ni Chairman. Nakakahiya na. Meron pa naman akong mga damit na pwedeng pagtyagaan at saka pwede naman akong bumili ng mga gamit sa palengke," "Elle, masanay ka na. Isipin mo na lang na mabuti ang hangad para sa 'yo ni Chairman. At saka para mas lalo kang maexcite sa pagpasok mo sa Lunes," "Kanina ay kitang kita sa mukha mo ang excitement," nangingiti nitong sabi Bahagya naman akong nahiya sa sinabi nya ngunit totoo naman. Sabik na ulit akong mag aral. Pagkapasok sa mall ay namangha naman ako sa ganda ng loob nito. Halatang pangmayaman ang mall na ito. Mga may kaya ang mapapansin mong namimili at halos lahat ng stalls ay branded at mamahalin. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya lalo na kung ikukumpara ko ang sarili sa mga mayayamang naririto. "Okay ka lang ba Elle?" tanong sa akin ni Conrad "Nahihiya po siguro dahil hindi ako sanay sa ganitong lugar. Pangmayaman," nahihiya kong sagot Ngumiti naman si Conrad, "Just be yourself. Don't worry, kasama mo naman ako." Hinawakan nito ang aking kamay at iginiya ako patungo sa isang bookstore. Dito ay namili kami ng mga gagamitin ko sa eskwela. Nalibang naman ako sa dami at ganda ng mga disenyo ng mga notebooks, ballpens at marami pang iba. Pinili ko lang ang mga simple at mura, ayokong samantalahin ang kabaitan ni Chairman. Ibinili ko rin ng mga gamit ang aking kapatid ayon na rin sa kagustuhan ni Chairman. Sumunod ay pumunta naman kami sa isang boutique. Dito ay ipinili ako ng mga damit ni Conrad at sa tulong ng babaeng assistant ay ipinasukat sa akin ang mga ito. Hindi ko nakilala ang sarili sa harap ng salamin. Simple ang disenyo ng bawat damit ngunit bagay na bagay sa akin. Binilhan ako ni Conrad ng anim na damit na pwede kong ipamasok. "Maraming salamat sa lahat," sambit ko "Oh, tama na ang pag iyak. Kain muna tayo," masayang tugon nito. Pagkakain namin ay dumiretso muli kami sa sasakyan. Mula sa mall ay bumalik na kami sa tindahan namin. Buong akala ko ay tapos na ang aming lakad ngunit laking gulat ko nang niyaya ni Conrad sina Mama at Ading na sumakay rin sa sasakyan. "Saan tayo pupunta?" takang tanong ko Ngumiti sa akin si Conrad at nagsimula ulit magmaneho. Pareho kaming nagtataka ni Mama nang pumasok kami sa malapit na subdivision. Huminto ang aming sasakyan sa harap ng isang bahay. Yari ito sa bato at may magandang kaanyuan. Dalawang palapag ang bahay na ito at may sariling bakod. Niyaya kami ni Conrad na lumabas ng sasakyan. Kaming tatlo ay manghang tinitignan ang bahay. "Elle, ito ang susi ng bago nyong bahay," "P-po?" taka kong tanong Ngumiti naman si Conrad na tila natatawa sa aming ekspresyon "Oo, Elle. Sa inyo itong bahay," "Bigay ito ni Chairman. Isipin mo na lang na para kayong umuupa. Bayaran nyo na lang sa kaya nyong halaga buwan buwan," Kami ni Mama ay walang tigil sa pagluha dahil sa saya. "Maraming salamat po. Pakisabi rin po kay Chairman na maraming salamat," sambit ko Kinabukasan ay lumipat na kaming mag iina sa bagong bahay. May mga bagong kagamitan na rito kaya naman ay tanging mga damit at mahahalagang bagay ang binitbit namin paglipat. Sa tulong ni Conrad ay nagpadala ito ng tauhan para ihatid kami sa bago naming bahay. Pagkarating ay tulung tulong kami na nagligpit ng mga gamit. Excited naman si Ading dahil may sarili na syang kwarto. Si Mama ay may sariling kwarto rin. Nag uumapaw naman sa saya ang aking puso dahil matapos ang matagal na panahon ay nagkaroon din ako ng sariling silid at ngayon ay makakahiga na kami sa isang malambot na kama. Nagluto si Mama ng masarap na hapunan para sa amin. Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay umakyat na rin kami para maglinis ng katawan at magpahinga. Nakatanaw ako mula sa aking bintana at pinagmamasdan ang payapang kalangitan. Ang gandang tignan ng maliwanag na buwan pati ang mga kumikislap na mga bituin. Muli ay nagpasalamat ako sa Diyos sa lahat ng mga biyaya. Unti unti ay nagbubukas ang liwanag ng pag asa. Ang dating pinangarap ko lang na makatira kami rito ay ngayon ay nakamit na namin. Hawak ang ballpen at ang stationery na binili ko kanina ay nagtipa ako ng sulat para kay Chairman. Gusto kong iparating ang aking pasasalamat sa lahat ng kanyang tulong at ang pagbibigay sa akin ng pagkakataon. Salamat dahil sa kanyang tiwala kahit na hindi nya ako kilala. Sana ay dumating ang pagkakataon na makilala at makita ko sya. Inaasam kong dumating ang pagkakataon na masuklian ko ang kanyang kabutihan sa akin at sa aking pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD