Maaga akong gumising kinabukasan. Sobrang excited ako sa unang araw ng aking pagpasok. Kung tutuusin ay matagal nang nagsimula ang pasukan, ngunit dahil pinaaral ako ni Chairman ay pinayagan ako kahit late enrollment.
Ngayon ay pareho na kami ni Ading na naghahanda para sa pagpasok sa umaga. Ipinagluto kami ni Mama ng sinangag at pritong itlog. Halata na masaya rin sya tulad ng kasiyahan ko.
Inalok ako ni Conrad na susunduin nya kami ni Ading ngayong umaga at ihahatid sa aming eskwela. Noong una ay ayoko pa sanang pumayag dahil nakakahiya na at kaya naman naming magcommute, pero iginiit nya dahil unang araw naman ito ng aking pagpasok at hahayaan na nya akong magcommute pag uwi at sa mga susunod na araw.
Dumating na si Conrad sakay ng kanyang sasakyan kaya nagpaalam na kami ni Ading kay Mama para umalis.
"Good morning Elle, good morning Ading!" bati sa amin ni Conrad pagkapasok namin ng sasakyan
"Good morning po Sir!" sagot naman ni Ading
"Good morning Conrad," sambit ko
Nagsimula na syang magmaneho para ihatid muna si Ading sa eskwelahan nito.
"Ingat Bunso!" bati ko kay Ading nang bumaba ito ng sasakyan at nagsimula nang maglakad papasok sa gate ng eskwelahan.
"Are you excited Elle?" nakangiting tanong ni Conrad
"Sobra. Pakiramdam ko nananaginip pa rin ako,"
Humalakhak naman sya sa aking sinagot. Inihinto nito ang sasakyan nang makarating na kami sa gate ng university,
"Good luck Elle. Enjoy your classes,"
"Salamat Conrad. Sya nga pala," binuksan ko ang aking bag at kinuha ang isang envelope na mula sa binili kong stationery, "Pakibigay pala itong sulat ko para kay Chairman,"
Bahagya syang nagulat sa aking inabot ngunit agad na nakabawi, "Alright, makakarating ito sa kanya,"
"Salamat," at bumaba na ako ng kanyang sasakyan. Habang naglalakad papunta sa aming building ay pinagmamasdan ko ang buong campus. Tulad ng itsura nito noong nag enroll ako ay marami pa ring mga estudyante na naglalakad rin o di kaya'y abala sa pakikipag usap sa mga kaibigan nila habang ang ilan ay abala sa mga laro ng varsity.
Natunton ko rin ang aming silid. Pagkapasok ko ay may mga ilang napatingin sa akin at nagtataka sa aking pagdating, marahil ay late enrollee ako. Ang iba naman ay walang pakialam at patuloy lang sa kanilang mga ginagawa. Halos lahat ng mga kaklase ko ay kitang mga anak mayaman, pangmayaman kasi ang university na ito. Ngunit may mga ilan rin na tulad ko ay hindi galing sa mayamang pamilya ngunit nakapasok dahil sa scholarship.
Nangangapa pa ako kung saan uupo hanggang sa matagpuan ko ang isang babae na nakatingin at nakangiti sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya at lumapit upang tumabi sa kanya.
"Hi! I'm Berna! " bati nito
"Hi Berna! Ako nga pala si Elle,"
"Late enrollee?"
"Oo, "
"Kaya pala. Anyways, nice to meet you!" sabay lahad ng kamay nito
Inabot ko ang kanyang kamay para sa isang handshake, "Nice to meet you too, Berna,"
"Kung may mga tanong ka, or may kailangan ka, just let me know. Wag kang mahihiya," sabay kindat nito
"S-salamat,"
Marami na kaming napag usapan ni Berna nang magpulasan ang aming mga kaklase at maupo sa kani kanilang mga upuan dahil paparating na ang aming adviser. Pumasok ito sa aming silid at diretso sa kanyang table para ibaba ang kanyang bag. Pagkatapos ay humarap ito sa amin,
"Good morning class,"
"Good morning Mr Cruz," bati ng aming klase
"By the way, I'm pleased to let you know na may bago kayong classmate. Ms Santos, would you like to introduce yourself to the class,"
Tumango ako at tumayo mula sa aking kinauupuan. Kinakabhan man ay lakas loob akong naglakad patungo sa harap at nakangiting nagpakilala sa buong klase, "Good morning. Ako nga pala si Elle Santos. Ikinagagalak ko kayong makilala,"
Pumalakpak naman si Mr Cruz at tinapik ako sa balikat, pumalakpak din ang buong klase at nakangiti rin sa akin bukod nga lang sa tatlong babaeng napatingin din sa akin kanina nang ako ay pumasok. "Can't you speak in English? Your language doesn't belong here," panunuya ng isa sa mga ito.
"Come on, Karen! Look who's talking? Eh bagsak nga yang grades mo sa English Literature!" sabat ni Berna na sya namang ikinatawa ng aming mga kaklase. Pulang pula naman sa inis itong si Karen dahil sa pagkapahiya.
"Karen, that's not how you welcome your new classmate. Apologize to Elle,"
Inirapan lang ito ni Karen. "Karen," ani ni Mr Cruz
"Fine! Forget about it girl!"
Napatingin na lang ako kay Mr Cruz at tumango. "Sir, maupo na po ako,"
"Okay, Elle. Pasensya na sa asta ni Karen,"
"Okay lang po," at dumiretso na ako sa aking upuan.
"Berna, salamat ha,"
"Sus! Wala yun, buti nga sa malditang boba na yan," sabay tawa. Hindi ko na rin mapigilang ngumiti sa sinabi nito
"Alright class, let's start our lesson," utos ni Mr Cruz.
Bukod sa nangyari kanina ay naging maayos naman ang takbo ng aming mga klase. Kasundo ko naman halos lahat ng aking mga kaklase maliban nga lang sa grupo ni Karen. Binalewala ko na lamang ito at tumutok sa aming mga leksyon.
Tanghalian na kaya naman nagkayayaan na kami ni Berna na pumunta sa cafeteria ng aming building. "Mga girls, wait lang, magpulbos muna ako," maarteng turing ni Scarlet, bakla kong kaklase.
May mga iba rin kaming kasama ni Berna na nagpunta sa cafeteria para kumain. Ang isa ay si Petra samantalang ang isa naman ay si Zach. Tulad ko ay scholars din pala sina Scarlet at Petra. Samantalang sina Berna at Zach ay mga anak ng mga may-ari ng malaking negosyo dito sa aming lugar
Kasama sa tulong sa akin ni Chairman ay ang monthly allowance ko na nakalaan para sa panggastos sa pagkain at ibang gastusin kong personal. Kahit na sapat ang aking allowance ay ayoko namang maging mapang abuso kaya nagbubudget ako ng tanging halaga na gagastusin ko sa isang araw.
Nakapamili na kami ng ulam at kanin na nakahain sa mga bain maries at nakapila na kami malapit sa counter kung saan magbabayad. Nang ibibigay ko na ang aking bayad ay ngumiti naman sa akin ang cashier,
"Iha, binayaran na ni pogi yung pagkain mo," kinikilig nitong sabi
"P-po? Sino pong nagbayad?"
"Sus, kunwari ka pa. Edi yung manliligaw mo! Ayun oh!"sabay turo nito sa isang lalaki na nakupo sa isa sa mga upuan dito sa cafeteria. Nang sundan ko ang tinuturo nito ay nakita ko si Eros na nakangiti sa akin at kumaway. Kasama nya ang kanyang mga kaklase na kinakantsyawan din sya
Agad naman akong pinamulahan at umiling sa Ale, "Ah hindi po. Hindi ko po sya manliligaw!"
Ngunit tumawa lang ito, "Wag ka nang mahiya!" Tatanggi pa sana ako ngunit inabot na nito ang tissue at inasikaso na si Berna. Umalis na ako sa counter at sinundan si Petra na nauna nang nakaupo sa aming mesa.
Dalawang mesa lamang ang pagitan ng mesa namin sa kinalulugaran nina Eros. Alam kong nakatingin ito sa akin ngunit ayokong iangat ang tingin sa kanya. Nakokonsensya man ay ayokong lalo kaming tuksuhin. Dumalo na rin sa aming mesa ang iba ko pang mga kaklase at kumain na rin kami. Tortang talong at kanin ang aking inorder.
"Hoy bakla, nagseselos na ako ha! Kanina pa tingin nang tingin dito si Papa Eros! Totoo ba na nanliligaw sya sa 'yo girl?" ani Scarlet habang kami ay kumakain
Umiling ako, "H-hindi. Magkaibigan kami ni Eros,"
"Sikat kasi si Eros dito sa university at maraming mga babaeng nagkakagusto sa kanya kaya nagseselos itong si Scarlet," natatawang sabi ni Berna
"So, paano kayo nagkakilala?" tanong naman ni Petra
"Kustomer namin sya sa karinderya. Dati kasi akong nagtitinda ng pagkain,"
Mangha akong tinignan ng mga kasama, "Wow, Elle. Inspiring ka," ani Zach
Ngumiti naman ako. Nagpapasalamat ako dahil kahit ang ibang estudyante rito ay mapangmata ng kapwa, nakatagpo ako ng mga magiging kaibigan dito sa university.
Napansin kong tapos na sa pagkain sina Eros at ang mga kasama nito at sila ay tumayo na. Akala ko ay palabas na sya ngunit laking gulat ko nang lumapit ito sa akin,
"Hi Elle, pasensya na at hindi kita nasundo papasok dito sa university. Hindi ko kasi alam na ngayon pala ang first day mo,"
Umiling naman ako, "H-hwag kang humingi ng paumanhin Eros, hindi mo naman kailangan gawin yon,"
"Anong oras ang tapos ng last class mo? Ihatid na kita pauwi,"
"Ha? H-hwag na," tanggi ko
"Ang bait naman ni Papa Eros! Sige po, sabay po kami sa inyo ni Elle pauwi!" may tili pa sa tinig ni Scarlet
Hinampas naman ito ni Berna sa braso na natatawa sa asta ng kaibigan. "Ay, sama rin po ako, para libre din sa pamasahe!" sabi naman ni Petra. Gusto kong kutusin ang dalawang ito!
Napakamot naman ng ulo si Eros habang tumatawa sa amin. Siguro ay kulay kamatis na rin ang mukha ko dahil sa sobrang hiya
"Sure, so, kita na lang tayo mamaya?" tanong nito habang nakatingin sa akin
"S-salamat Eros," nahihiya kong tugon
"See you later, Papa Eros!" ani Scarlet na kahit si Zach na seryoso ay natawa na lang.
Pagkatapos kumain ay pumunta muna kami malapit sa soccer field para magpahangin sa lilim ng mga punong nakapalibot. Mga nakasalampak kami sa damuhan at ang sarap sa pakiramdam ng hangin na tumatama sa aking mukha. Mula sa aming kinalalagyan ay kita namin ang mga nagpapraktis ng laro.
Nang malapit ng matapos ang break ay bumalik na kami sa aming silid at nagpatuloy sa klase. Matapos ang ilang oras ay uwian na. Nagpake na kami ng mga gamit ngunit si Scarlet ang pinaka excited sa lahat! Nauna pa itong lumabas ng pinto at tumili pa nang makita si Eros.
"Papa Eros! You're here!" ani Scarlet. Ngumiti naman dito si Eros.
Nakasunod naman kami kay Scarlet. Napansin ko na tumagos ang tingin ni Eros papunta sa aking direksyon at ngumiti rin sa akin. Paalis na kami ng classroom nang makita namin si Karen at ang grupo nito na masama ang tingin sa amin.
Binalewala na lamang namin sila at dumiretso na kami paalis. Nang makarating sa parking area ay nagpaalam na rin sina Berna at Zach na papunta sa kani kanilang mga sasakyan habang kami namang apat ay dumiresto na sa kotse ni Eros.
Sa katabing upuan ni Eros ako naupo habang nasa likuran sina Petra at Scarlet. Hinatid muna namin ang dalawa sa mga bahay nila at dumiretso na sa amin.
"Eros, pasensya ka na ah, sa susunod pagsasabihan ko ang mga kaibigan ko. Nakakahiya at nakakaabala sa 'yo,"
"Okay lang Elle. Nakakasama naman kita eh," sambit nito sabay tawa.
Napangiti naman ako, "Ikaw talaga, puro ka kalokohan."
Nakarating na kami sa bahay at niyaya ko muna si Eros na pumasok sa loob. Sinalubong kami nina Mama at Ading. Nagmano kami ni Eros kay Mama. "Eros, salamat sa paghatid kay Elle. Dito ka na kumain, simpleng ulam lang na gulay pero masarap ang pagkakaluto ko," ani Mama
"Salamat po Tita, syempre po hindi po ako tatanggi. Masarap po kayong magluto!"
Napangiti naman si Mama. Pagkatapos maghapunan ay nagpaalam na rin si Eros. Ako naman ang naghugas ng mga pinggan dahil pagod na si Mama sa tindahan at paghahanda ng aming kakainin. Nauna na sila ni Ading na umakyat sa kwarto. Pagkatapos maghugas ng pinggan ay naligo na rin ako bago umakyat sa aking kwarto.
Dumaan ang isang linggo at maayos naman ang takbo ng aming buhay. Lalong lumakas ang benta ng tindahan namin samantalang si Ading naman ay mas sumigla. Maayos rin ang pag aaral nito. Ako naman ay mas lalong pinagbubuti ang aking pag aaral. Nakakasaya ng kalooban dahil matataas ang aking mga marka.
Yun nga lang at mas lalong lumamig ang pakikitungo sa akin ni Karen at ng mga kaibigan nito. Ayon kay Berna, mukhang nagseselos itong si Karen dahil malaki ang gusto nito kay Eros ngunit hindi naman sya pinapansin nito at bagkus ay malapit ito sa akin.
"Buti nga sa impaktang 'yon!" ani Petra
"Pero, magkaibigan lang talaga kami ni Eros," paliwanag ko
"Basta, subukan lang ng Karen na yan na awayin tayo, kakalbuhin ko talaga yang bobang yan!" nanggagalaiting sambit ni Scarlet
Tawa naman nang tawa si Berna at hinampas ulit sa braso si Scarlet, "Aray ko naman Berna!" kaya naman ay nagtawanan kami. Natigil nga lang ang aming tawanan at ang ingay ng iba naming kaklase nang merong pumasok sa aming silid.
Nang pagmasdan ko ang mukha nya ay unti unting nawala ang ngiting nasa aking mga labi. Nanatiling nakaawang ang aking mga labi at nakatingin sa pumasok hanggang sa mahuli nito ang aking tingin. Napadpad ang tingin nito sa nakaawang kong mga labi at nag iwas ng tingin. Napasara ako ng labi at napalunok. Namuo ang unti unting butil ng malamig na pawis sa aking noo.
"Bes, okay ka lang ba?" tanong ni Berna
"A-ayos lang ako,"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi makatingin sa taong nasa harap. Ang saya at pag asa ay unti unting naglalaho dahil sa aking nakaraan na pilit ko nang nilimot. Pamilyar ang kanyang mukha. Ang malalim nyang mata, ang matangos nyang ilong at manipis na labi. Hindi ko makakalimutan ang taong unang umangkin sa akin.