CHAPTER 6

1604 Words
"Good morning class. I'm Matt Campbell and I will be your new professor for this course. Mr Cruz will be assigned on another class so I will cover for this one," rinig ko ang pamilyar nyang malalim na boses Tahimik ang buong klase at nakikinig sa bagong propesor habang ang lapad ng ngiti nina Karen. Dinig din ang pagkakilig nito at ng kanyang mga kaibigan. Si Scarlet naman na nasa aming likod ay kilig na kilig din at panay na kinukulit kami ni Berna. Habang ako ay tahimik lamang na nakatingin sa hawak kong ballpen at hindi ko maidapo ang aking mga mata sa kanyang direksyon. "I know you already know each other, but may I request everyone to introduce yourselves so I get to know each of you as well," Lalong nanlamig ang aking mga kamay at lumakas ang t***k ng aking puso sa sobrang kaba. Sa lakas ng kabog ng aking puso ay hindi ko na marinig ang pagpapakilala ng aking mga kaklase lalo na sina Karen na game na game sa pagpapacute sa aming propesor. Nang ako na ang susunod na magpapakilala ay nablangko na ang aking utak. Pinilit kong tumayo gamit ang nanlalambot kong mga tuhod. Ang aking kamay naman ay mahigpit ang hawak sa ballpen. Napatingin ako sa aking mga kaklase na naghihintay sa aking pagsasalita. Marahil ay nagtataka sila bakit ni isang katinig ay wala pa akong maibigkas na kaiba sa pagiging aktibo ko sa class recitation. Napadpad ang aking tingin kay Matt na matama rin akong tinitignan gamit ang pamilyar nyang malalim na mga mata. Napalunok ako at umiwas ng tingin. "Is there anything wrong?" seryoso nitong tanong Umiling ako, "N-none Sir. My name is Elle Santos," Nahuli ko pang umirap si Karen. Pagkatapos kong magpakilala ay naupo na ako. Nang matapos ang pagpapakilala ng buong klase ay nagsimula na rin si Sir Matt na magturo. Ibang iba ang itsura nya habang nagtuturo kumpara noong naglalasing sya sa bar. Unti unting bumabalik sa aking alaala ang masasakit na salitang binitawan nya sa akin, pati na rin ang gabing ibinenta ko ang aking sarili sa kanya. Habang sya naman ay parang wala lang. Natatandaan nya ba ako? O baka naman sa dami na ng naikama nyang babae ay wala lang iyon para sa kanya. Pinilit kong magpokus sa leksyon. Salitan ang aking tingin sa pisara at sa aking libro. Ngunit habang nakikinig ay hindi ko maiwasang dumapo ang tingin sa kanyang mukha. Kapag nahuhuli nya akong nakatingin ay agad akong umiiwas. Habang nasa lunch break ay patuloy pa rin ang pagkukwento ni Scarlet tungkol sa paghanga nya kay Sir Matt. Halos ito ang kanyang bukambibig ngayong umaga. "Bes, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Berna "Huh? O-okay lang naman ako Bes," sagot ko dito "Ang tahimik mo kasi mula kanina. Hindi ako sanay, lalo na't super active mo sa klase," dagdag pa nito Pinilit kong maging masaya ang ekspresyon, "Baka napuyat lang," "Hay nako, napuyat kay Eros!" sambit ni Petra na may halong kilig pa, "Wala bang tulugan ang night calls ninyo? Awwww, sana all," dagdag pa nito Umiling naman ko, "Naku, hindi. Walang namamagitan sa amin," "Hay nako girl, baka maunahan pa namin kayo ni Papa Matt na maging kami!" sabat pa ni Scarlet na ikinatawa ng aming grupo pati na si Zach na palaging tahimik. Si Berna ay tuwang tuwa na naman at akmang hahampasin si Scarlet sa braso nang umiwas naman ang huli, "Oh, yan ka na naman Berna ha!" ani Scarlet kaya mas lalong nagtawanan ang grupo. Pagkatapos kumain ay pumunta uli kami sa dating tambayan para magpahangin. Sa kabila ng stress na inabot ko kanina sa klase ay nakatagpo ako ng kapayapaan dito. Ang lilim ng puno, ang banayad na hangin na dumadampi sa aking mukha, at ang naghahalong asul at puti sa kalangitan ay nakakapanatag sa aking kalooban. Ang tahimik kong kalagayan ay muling nabulabog nang marinig si Scarlet, "Hi Sir Matt!" Napadilat ako at napaupo nang maayos. Nang lumingon ako ay nakita kong nakatingin ito sa akin. Agad naman akong umiwas ng tingin. Ang lahat ng mga kasama ko ay kay Sir Matt ang atensyon kaya walang nakapansin na umiiwas ako sa aming propesor. Umupo rin ito sa damuhan. Nakatukod ang kanyang mga kamay sa damuhan habang nakataas ang isa nitong tuhod. Simple lang ang kanyang galaw ngunit tila isa syang modelo sa mga photoshoot. Nakasuot sya ng puting button down shirt na nakabukas ang ilang mga unang butones at ang mga manggas ay nakatupi sa kanyang siko. Naka tuck in ito sa kanyang madilim na asul na slacks. Pulido ring tignan ng pares ng kanyang sapatos. Idagdag pa ang aviator sunglasses na kanyang suot kaya mas lalong lumutang ang kanyang magandang itsura. "May klase pa ba kayo?" tanong nito sa amin "Opo Sir! Dito po kami tumatambay bago pumasok sa susunod naming klase," pagbibida ni Scarlet "This place is nice. Ang ganda ng view," sambit nito habang nakatingin sa akin. Bigla namang lumakas ang kabog ng aking puso sa kanyang sinambit. Gusto kong kurutin ang sarili dahil binibigyan ko ng ibang kahulugan ang kanyang sinabi. Tulad nga ng sinabi nya noon, isa lang akong parausang babae sa kanyang tingin. "Oo nga Sir! Ang ganda talaga ng view lalo na't nandyan ka," sagot ni Scarlet kaya nagtawanan ang grupo pati na rin si Sir Matt. "Nako bakla, tama na yang panglalandi mo kay Sir Matt, kailangan na nating bumalik sa classroom. Sir, una na po kami," ani Petra "Sino ba ang susunod ninyong prof, si Morgan?" "Opo," sagot ni Zach "Wag nyo nang pasukan yun. Ako nang bahala," "Talaga Sir! Ang sweet at considerate nyo po, ikaw na talaga!" sambit ni Scarlet. Mukhang payag din itong sina Berna at Zach dahil mga tinatamad ding pumasok. Nagkatinginan kami ni Petra. "Uh, guys, di ba may graded recitation pa tayo? Kailangan na nating bumalik," sambit ko "Ano ka ba girl?! KJ! Si Sir na raw ang bahala!" sabi ni Scarlet "Hindi rin kasi ako nakapagreview kaya mas gusto ko na lang yatang umuwi," nahihiyang sabi ni Berna Nahuli kong nakatingin na naman sa akin si Sir Matt. Hindi ko sya pinansin at kinausap ang aking mga kaibigan, "Pasensya na, pero hindi ko pwedeng takasan ang graded recitation natin. Hindi ko pwedeng biguin ang nagpapaaral sa akin," "Okay lang Bes, sige hindi na rin ako tatakas," sabi ni Berna. Nakasunod na rin sa amin si Petra. Napabuntung hininga naman si Scarlet, "Sorry din girls, tara balik na tayo. Hoy ikaw Zach, sumunod ka sa amin." Tumango na lang si Zach. Nagpaalam na rin kami kay Sir Matt nang bigla itong nagsalita, "Hindi ka ba sanay gumawa ng kalokohan, Ms Santos?" Napahinto ako. Hindi ko alam kung ano ang ibig nyang ipahiwatig, pero ngayon pa lang ay ipapaalam ko na sa kanya na wala na akong balak na balikan kung anuman ang nangyari ng gabing iyon. Lumingon ako at tinignan sya, "Hindi po ako perpekto, Sir. Marami po akong mga nagawang pagkakamali sa buhay. Pero sa kabila po ng mga iyon, natututo po ako at hinding hindi ko sasayangin ang muling pagkakataon na ibinibigay ng taong nagtitiwala sa akin." Tahimik lamang syang nakikinig ngunit hindi binibitawan ang tingin sa akin. Umiwas na ako ng tingin at tumingin sa aking mga kamay, "Mauna na po kami Sir." Tumalikod na ako at sumama sa aking mga kaibigan para bumalik sa klase. Matapos ang mga leksyon ay naghanda na kami ng mga gamit para umuwi. Pagkalabas ng classroom ay napansin ko si Eros na naghihintay sa may koridor. "Eros," bati ko Nakangiti itong lumapit sa akin at laking gulat ko nang iabot sa akin ang isang bouquet of roses na hawak hawak nya pala mula sa kanyang likod. "Awww, sana all!" sambit naman ni Scarlet, "How romantic!" dagdag pa nito Naguguluhan pa ako sa nangyayari at napapatingin din sa amin ang ibang mga estudyanteng dumadaan. Ang ilan sa mga babaeng estudyante pati na sina Karen ay ang sama ng tingin sa akin. "P-para saan ito, Eros?" tanong ko "Para sa 'yo Elle. I hope you like it," "S-salamat," "Oh pano, kay Berna na kami sasabay, Eros, ikaw na bahala kay Elle. Bye!" paalam ni Petra. Aapela pa sana ako pero naawa naman ako kay Eros. "Tara, hatid na kita pauwi," ani Eros "S-Sige." Bigla kong naalala na may nakalimutan pala ako sa loob, "Uh, Eros, sunod na lang ako sa parking, may nakalimutan kasi ako sa loob," "Okay. Antayin kita sa parking," Bumalik na ako sa loob at kinuha ang nakalimutang mga libro. Pagkalabas ko ng pinto ay laking gulat ko na naman nang makita si Sir Matt na nakasandal sa pader at seryosong nakatingin sa akin, "So tell me Ms Santos, nagstay ka ba talaga sa klase dahil sa graded recitation, o dahil hinihintay mo ang manliligaw mo?" "Hindi ko po kayo maintindihan Sir," He slightly chuckled in a sarcastic tone, "Is this how you play games? Playing innocent, and then manipulating guys? Huh, Elle?" panunuya nito "Mawalang galang na po, Sir. Una sa lahat, ang pakay ko po dito ay mag aral, wala nang iba. Pangalawa, hindi po totoo ang lahat ng ibinibintang ninyo sa akin," Umalis na ako at sumabay na kay Eros pauwi. Pagkauwi sa bahay ay naghapunan kami nina Mama at Ading. Matapos tumulong sa gawaing bahay, gumawa ng assignment at maglinis ng katawan ay nagpahinga na ako. Nakatanaw ako mula sa bintana at pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Hindi ko maiwasang mapaluha sa masasakit na salitang binitawan ng lalaking iyon. Hindi ko maiwasang manliit sa sarili. Ngunit kailangan kong magpakatatag para sa aking pamilya at para sa aming kinabukasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD