CHAPTER 7

2720 Words
Tulad ng nakasanayan ay maingay muli ang buong klase habang hinihintay ang aming propesor. Kanya kanya ang mga grupo na nakikipagkwentuhan o kaya naman ay nakikipagbiruan. Isa na sa mga iyon ay ang aming grupo. Tulad ng dati ay sina Scarlet at Petra na naman ang namamangka sa aming usapan. Masaya ang buong klase nang pumasok ang napakaseryosong si Sir Matt. Dirediretso itong naglakad patungo sa mesa sa harap. Inilapag nya ang dala nyang bag at seryosong humarap sa amin. Natahimik ang buong klase at agad kaming umayos ng upo. "Today you're going to answer a couple of essay questions. Bring out a piece of paper," Binuksan nya ang kanyang laptop at finlash ang mga tanong sa whiteboard. Iilang tanong ngunit talagang napakahirap at kailangang pag isipang mabuti. "You have 60 minutes to finish this," Dinig sa buong klase ang pagrereklamo ng ilan ngunit binalewala lamang ito ni Sir Matt. Habang nakaupo at habang nakahalukipkip ang kanyang mga braso ay seryoso nya kaming pinagmasdan na mangamote sa pagsagot ng mga tanong. Araw araw akong nagbabasa ng aming libro ngunit tunay na mahihirap ang mga tanong. Kailangang pag isipang mabuti dahil susukatin nito kung gaano namin kalalim na naunawaan ang mga konsepto at paano ito iaapply sa mga tunay na sitwasyon. Pinilit kong magpokus at pag isipang mabuti ang aking isasagot. Nang iangat ko ang tingin para basahin ang susunod na tanong ay nagtagpo naman ang aming mga mata. Seryosong nakatingin sa akin si Sir Matt. Hindi ko mabasa kung anong emosyon ang nakapaloob sa kanyang mga mata. Unti unting nawawala ang pokus ko sa ginagawa at tila ba nahuhumaling akong tignan ang pamilyar nyang mga mata. Nang biglang matauhan ay umiwas na ako ng tingin at bumalik sa aking ginagawa. Gusto kong kurutin ang sarili. Habang nagsasagot ako ay naramdaman ko syang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at naglakad patungo sa aming mga estudyante. Habang papalapit sya sa akin ay palakas nang palakas ang kabog ng aking puso. Ano bang nangyayari sa akin? Nang lumagpas na sya sa aking kinauupuan ay nakaramdam ako ng ginhawa sa wakas. Nagconcentrate ako sa aking sinasagutan ngunit tila nananadya itong si Sir Matt nang maamoy kong muli ang pamilyar nyang pabango. Nakatayo na sya malapit sa aking tabi! Nagkabuhul buhol na ang aking isip at lalo nang lumakas ang kabog ng aking puso. Pinilit kong magsulat gamit ang hawak na ballpen ngunit tila nanlambot ang aking kamay kaya nabitawan ko ang panulat. Yumuko na ako upang kunin ang aking ballpen ngunit laking gulat ko nang may isang kamay ang kumuha nito. Inangat ko ang aking tingin at napadpad sa kanyang mukha na ngayon ay kapantay ko na. "Here's your pen, Ms Santos. You're distracted, aren't you?" mahina nitong sabi at pilyo itong ngumiti sa akin. Bilang pag iwas na gumawa ng eksena ay nakuntento na lamang ako na tignan sya nang masama at padarag kong kinuha mula sa kanyang kamay ang aking ballpen. Agad na rin akong bumalik sa pag kakaupo sa aking silya. Narining ko pa syang mahinang tumawa bago umalis pabalik sa kanyang upuan na lalong nakapagpakulo ng aking dugo! Pumikit ako at huminga nang malalim. Hindi pwede ito. Parte sya ng nakaraan ko pero hindi sya dapat makaapekto sa akin lalo na sa aking pag-aaral. Pagkamulat ko ay itinuon ko na muli ang aking atensyon sa pagsagot. Marami na rin akong mga kaklase na naunang nagsubmit ng kanilang mga sinagutan. Samantalang tatlo na lang kaming natitira sa loob ng silid. Ilang beses ko nang binasa ang aking mga sagot at sinusubukang isipin kung may kailangan ba akong idagdag o baguhin sa aking sagot. Nang makuntento na sa aking sagot ay tumayo na rin ako at inilapag ang aking papel sa iba pang mga nakasalansang sinagutang papel sa mesa ni Sir Matt. Pagkasumite ko ay napadpad muli ang aking tingin sa kanyang mukha na seryoso pa rin akong pinagmamasdan. Agad naman ulit akong umiwas ng tingin, "Mauna na po ako Sir," at umalis na. Pagkalabas ng silid ay nakita ko na ang aking mga kaibigan, "Pinerfect mo na yata ang essay, Elle!" bungad ni Scarlet "Malabong maperfect ko 'yun. Sana nga ay pumasa. Sa totoo lang, nahirapan ako sa sinagutan natin," sagot ko "Totoo yan Elle, ang hirap ng essay ni Sir Matt!" ani Petra Dumiretso na kami sa canteen upang mananghalian. "Ano kayang nangyari kay Papa Matt? Sobrang sungit kanina!" ani Scarlet "Oo nga, seryoso sya kahit noong una natin syang nakita pero sobrang sungit nya kanina," ani Berna "Sana lang talaga pumasa tayo," sambit ni Petra Nang matapos kaming kumain ay nagyaya si Berna na pumunta kami sa malapit na sikat na coffee shop. Nagpresenta sila ni Zach na ililibre kaming tatlo. Dahil na rin sa stress na inabot namin kanina ay pumayag na rin akong sumama sa kanila. Sumakay kami sa sasakyan ni Zach papunta sa coffee shop. Nang makarating na kami ay bumaba na kami ng sasakyan at pumasok sa loob. Nauna na sa pila ang tatlo habang kasama ko naman si Berna, "Bes, ngayon lang kasi ako nakapasok dito. Hindi ko alam ang oorderin sa mga nakapaskil, ikaw na ang bahala sa akin," nahihiya kong turing Napangiti naman si Berna, "Don't worry Bes! Ano ba ang gusto mo, coffee, chocolate, fruity or tea?" "Fruity na lang," "Gusto mo strawberry?" "Oo, mukhang masarap," "Okay. May tatlo silang sizes, yung pinakamaliit is Tall, tapos yung pinakamalaki is Venti," "Yung Tall na lang," "Okay Bes! Strawberry frappe ang ioorder ko para sa 'yo," "Salamat Bes," Nang makaorder na kami ni Berna ay sumunod kami sa mga kasama na nakaupo na sa isang mesa sa coffee shop. Habang hinihintay ang aming mga order ay abala naman akong nagmamasid sa loob ng lugar na ito. Sa mabangong amoy pa lang ng kape isama pa ang sopistikadong kulay at disenyo ng coffee shop na ito ay hindi nga nakapagtatakang sikat at sosyal ito, katulad ng mga naririnig ko dati sa mga mayayamang kaklase noong high school. Tunay ngang mamahalin dahil kumpara sa 3 in 1 na kapeng nabibili, mahal ang presyo ng mga inumin dito. Tinawag na ang mga pangalan namin kaya naman ay kinuha na namin ang aming mga inorder. Habang sumisimsim ng inumin ay panay pa rin ang aming kwentuhan tungkol sa pinasagutan sa amin kanina. Nanlaki nga lang ang mata ni Petra at kinalabit si Scarlet kaya lumingon kaming lahat sa kanyang tinitignan Nakita namin si Sir Matt na naglalakad patungo sa isa sa mga mesa. Nakasunod sa kanya ang isang babae at pareho silang naupo. Tulad ni Sir Matt ay mukha ring modelo ang kasama nitong babae. Maganda, matangkad at sopistikada. Mahaba at maalon ang buhok nito na may kulay. Bukod sa magandang itsura ay maganda rin ang hubog ng katawan nito na kitang kita sa hapit nitong dress. Masayang nagsasalita ang babae samantalang tahimik lang si Sir Matt na nakikinig. "Sino yun? Girlfriend nya?" pang uusisa ni Petra "Pero ang balita sa university single si Papa Matt" protesta ni Scarlet "Eh sino yung babaeng yan?" tanong ni Berna Girlfriend kaya sya ni Sir Matt? O di kaya naman asawa nya? Kung sabagay, base sa itsura ng babae ay mataas din ang estado nito sa buhay kaya bagay silang dalawa. Hindi ko namalayang abala na pala ako sa pagmamasid kina Sir Matt at sa kasama nito nang mahagip nya ang aking paningin. Sa pagkapahiya ay agad akong umiwas. Nang sumulyap akong muli sa kanilang direksyon ay nakita kong inabot nito ang nakalaylay na mga hibla ng buhok ng babae at inipit sa tainga nito. Mukhang kinilig naman ang babae sa ginawa ni Sir Matt. Hindi ko maintindihan pero para akong nakaramdam ng pagkairita. Kaya ibinalik ko na lang ang atensyon sa aming grupo. "Ugh! Nanggigigil ako sa selos! Gusto ko silang sugurin Petra!" reklamo ni Scarlet. Mukhang nakita rin nya ang ginawa ni Sir Matt. "Hoy bakla, girlfriend ka?" natatawang tanong ni Petra na sya ring nagpatawa sa amin nina Berna at Zach. Kung tutuusin tama si Petra, wala namang masama kung gawin iyon ni Sir Matt sa babae lalo na kung nobya naman nya ito. Kaya bakit nga ba ako nakaramdam ng pagkairita? Marahil ay dala lamang ito ng naipon kong inis kay Sir Matt. Ilang sandali ay umalis na rin kami at bumalik na sa eskwela para sa susunod naming klase. Nang dumating ang break time sa hapon ay nagtungo muna kami ng mga kaibigan sa canteen para magmerienda. Habang kumakain ay panay pa rin ang himutok ni Scarlet dahil sa kasama ni Sir Matt kanina sa coffee shop. "Oh, Papa Eros, you're here!" maarte nitong bati nang makita si Eros pati ang mga kaklase nito. Napangiti naman ang huli at sinabihan ang mga kasama na sa aming mesa muna sya makikiupo. "Hi, Kamusta?" bati nito sa amin "Eto kasing si Scarlet masama pa rin ang loob, may iba na kasi yung pinagpapantasyahan nya," natatawang ani ni Petra Pabebe namang umasta si Scarlet, "Papa Eros, ang lungkot ko today. Beke nemen," sambit nito habang nakapangalumbaba "Wag ka nang malungkot Scarlet, ice cream lang katapat nyan. My treat," "Naku Eros, wag na. Nakakahiya na," kontra ko. "Si Elle talaga KJ!" angal ni Scarlet Natawa naman ang mga kasama namin pati na si Eros, "Okay lang Elle. Actually gusto ko rin namang mag ice cream dahil ang init ng panahon," Hindi na ako umapela pa at pumayag na rin. Habang masaya kaming nagkukuwentuhan ay napansin ko naman sina Sir Matt at kasama nitong propesor din na kararating. Bago pa nya ako mahuling nakatingin ay umiwas na ako at ibinalik ang atensyon sa mga kaibigan. Natapos na ang klase at agad na rin akong umuwi. Kaninang break ay nagpaalam si Eros na hindi sya makakasabay sa amin pag uwi dahil may group study pa sila ng mga kasama. Tiniyak ko sa kanya na walang problema at hindi nya kailangang magpaalam dahil kung tutuusin ay hindi naman nya obligasyon ang ihatid ako. Panibagong araw muli sa eskwela at makulimlim ang panahon. Napakaseryoso pa rin ni Sir Matt sa aming klase. Kung kahapon ay pinasagutan nya sa amin ang napakahirap na essay questions, ngayon naman ay pinagawa nya kami ng isang case study kung saan pipili kami ng isang sikat na building at kailangan naming ilahad ang analysis sa disenyo nito pati na ang aming rekomendasyon kung kami ang guguhit nito. At kailangan naming tapusin ito ngayon sa klase! Sa iba naming mga subject ay karaniwang binibigyan kami ng palugit na isang linggo para sa ganitong mga paper pero sya naman ay isang klase lamang ang binigay sa aming palugit. Binalewala nya rin ang aming reklamo. Bagkus ay diretso itong nagbigay ng ilang paalala tungkol sa pinapagawa. Pinayagan nya kaming pumunta sa library o kaya naman ay gamitin ang mga laptop o cellphone para makapag research sa napili naming building Napabuntong hininga na lamang ako at sinimulan na ang gawain. Sinikap kong tapusin ang requirement at ipinasa ito sa loob ng dalawang oras. Pati yata ang panahon ay nakiramay sa stress na inabot namin sa mga pinapagawa ni Sir Matt. Sobrang lakas na ng ulan sa labas. Nang matapos na ang lahat sa pagsumite ng kani kanilang mga papel ay dinismis na ni Sir Matt ang klase. Tumayo na kami upang maglunch break sa canteen. "Ms Santos, please follow me on my office. I have to discuss about your paper," Napatingin naman ako sa aking mga kasama at tumango sa kanila para mauna na silang pumunta sa canteen. "Bes, sunod ka," ani Berna Tumango ulit ako. Nang makalabas na ang lahat ng mag aaral ay lumabas na rin si Sir Matt bitbit ang kanyang laptop bag at ang salansan ng mga papel. Nakasunod naman ako rito. Habang naglalakad sa koridor ay sinikap kong dumistansya sa kanyang likod na sapat lang para hindi makahalata ang mga estudyante lalo na ang mga babaeng humahanga sa kanya na papunta rin ako sa kanyang opisina. Sumakay kami sa isang elevator at dinala kami nito sa isang palapag na tila iisa lang din ang opisina. Nang pumasok kami sa pinto ay ang malaking opisina nya ang bumati sa amin. Hindi naman sya dean kaya nakakapagtaka na magkaroon sya ng isang solong palapag sa kanyang opisina. "Have a seat," pinaupo nya ako sa upuan malapit sa kanyang mesa. Habang sya naman ay naupo sa kanyang swivel chair "I've read your case study Ms Santos. To be very frank, it was very ambitious to have the Empire tower as a case study. Your paper lacks conceptual references to substantiate your thoughts," "The Empire tower is more than an armchair thinking, Ms Santos. You have to bring justice in your case study," dagdag pa nito "I need you to redo your work. Be more curious to find more facts to buttress your thoughts, be more aggressive lalo na sa mga recommendations mo, be more creative," "I understand Sir," sagot ko, "I will revise my paper," "Be sure to focus on your work. H'wag yung palaging pag entertain mo ng manliligaw," Kaya kong tiisin at tignan ang puntos sa mga komento nya tungkol sa aking gawa. Pero ang pagbintangan ng tungkol sa hindi naman totoo at lalo na ang panghihimasok sa aking buhay ay hindi ko mapapalagpas Tumayo ako, "Mawalang galang na po Sir. Hindi ko po maintindihan bakit palagi nyong ibinibintang sa akin ang bagay na yan. Ano po ba ang gusto nyong iparating?" He chuckled sarcastically and walked towards me, "Wala akong dapat iparating, Ms Santos. You and I both know what happened that night." "So don't act like you're innocent. Hindi ka ba makatiis nang walang katabing lalaki?" Isang malakas na sampal ang pinalipad ko sa kanyang mukha. Napahawak sya sa kanyang pisngi at halatang nasaktan, ngunit nang bumaling sya sa akin ay nakita ko ang galit nyang mga mata. "Ito naman ang gusto mo diba?" dagdag nya. Laking gulat ko nang hinila nya ang aking batok para halikan. Pilit akong nagpupumiglas ngunit hindi ako makawala sa lakas ng kanyang braso na nakayakap sa akin. Marahas ang galaw ng kanyang mga labi at pinipilit na pasukin ang nakatikom kong bibig. Kinagat nya ang ibabang labi ko na nagpaawang sa aking bibig kaya sinamantala nya iyon upang ipasok ang kanyang dila sa akin. Walang paalam nyang inangkin ang aking mga labi. Humugot ako ng lakas mula sa aking tuhod at itinama iyon sa kanyang gitna na nakapagpamilipit sa kanya at nakapagpawala sa akin mula sa kanyang bisig. Bumaling sya sa akin na nakangiwi pa dahil sa sakit sa pagitan ng kanyang mga hita. Hindi pa sapat iyon dahil pinalipad ko ulit ang isang sampal sa kabila nyang pisngi. Unti unting umagos ang kanina ko pang kinikimkim na luha, "Hanggang kailan mo isusumbat sa akin ang nangyari noon? Oo, binenta ko ang sarili ko sa iyo, pero wala kang karapatan na bastusin ako ng ganito! Hindi mo ako kilala, lalong lalo na ang mga pinagdaanan ko, kaya wala kang karapatan na bastusin ako!" Umiiyak akong tumakbo paalis at agad na nagtungo sa elevator. Pinunasan ko pa ang aking luha gamit ang aking kamay at tumakbo papunta sa aming silid para kunin ang aking bag. Walang tao sa classroom dahil lunch break pa ngayon. Wala rin akong balak pa na manatili dito ngayong araw dahil sa sobrang sama ng loob. Tinignan ko pa kung may dala akong payong ngunit wala. Pero hindi ko alintana ang lakas ng ulan. Tumakbo ako nang tumakbo paalis sa university. Kung gaano kalakas ang ulan na bumabasa sa akin ay ang lakas din ng patuloy na pag agos ng aking luha at ang walang humpay kong paghikbi. Nanlalabo na ang aking paningin ngunit patuloy pa rin ako sa pagtakbo hanggang sa makalabas na ako ng bakuran ng university. Siguro ay nagtataka ang mga guwardya kung anong nangyari at bakit ako tumatakbo sa ulan habang umiiyak. Patuloy lang ako kahit hindi ko alam kung saan ako papunta. May mga ilan akong nakakasalubong sa daan na napapatingin ngunit binalewala ko na lang. Hindi ko na alam kung saan na ako nakarating ngunit natigil na lamang ako nang bigla akong madapa. Patuloy pa rin akong humihikbi dahil sa parehong sakit ng loob at sakit ng aking sugat. Ilang sandali pa ay tumigil ang pag agos ng ulan. Nang iangat ko ang aking nanlalabong paningin ay nakita ko ang isang lalaking nasa aking tabi at sinisilungan ako ng kanyang payong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD