ALLAN'S POV'S
Pagod na pagod ako kahahabol kay Milca. Bakit ko nga ba siya hinabol? Siraulo rin ako. natatawa na naisambit ko habang napahinto ng makasakay na si Milca sa taxi na pumara sa harap niya.
Ngayon lang ako naghabol sa isang babae. At kay Milca pa!
Napapahigit ako ng malalalim na hininga, hindi makapaniwalang gaya ni Milca, hahabulin ko at kukulitin na magtrabaho sa aming kumpanya. Ano bang meron sa kanya at nagawa ko yun? Anlabo mo Allan, para sa babaeng gaya niya humabol ka ng sobra. Nakatatawa ka at napailing nalang habang nakatanaw at kinakausap maging sarili ko.
Hindi ako makapaniwalang magagawa ko ito. Mula ng makita ko si Milca sa loob ng bar. Ewan parang hindi ko rin maunawaan. Bigla nalang akong nagkainteres na makilala pa siya at alukin siya magtrabaho sa kumpanya. Nababaliw nga siguro ako at may pahabol-habol pa ako. Pero, kasalanan ko rin naman ng nabastos ko ito ng dahil sa ginawa kong biro. Bakit kasi naroroon siya? Sa paglingon ko unang napansin at nahagip ng mapagmasid kong mata ay ang nanonood na si Milca.
Hindi ko naman madalas gawin yon.
Hindi ko lang napigilan ng dahil sa babaeng bigla nalang lumapit at sinubukan ang lakas ng pagiging lalake ko. Lalake lang ako at mahina pagdating sa bagay na ganon lalo kung babae na ang siyang lumalapit hindi ko na talaga nagagawang pigilan ang kapusukan at tawag ng nag-iinit kong katawan.
Nagkataon pang makita ni Milca. Nakakaasar!
Maging ngayon ay nahihiya ako sa ginawa ko sa kanya. Palagay ko ay nabastos ko talaga siya ng sobra. Galit na galit! Hindi nga maipinta ang mukha sa galit ng magawang takbuhan ako at magpahabol.
**********
Good Morning myself! bukang bibig ko na naisambit ng ako'y magising. Anluwang pa ng pagkakabuka ng bibig ko ng naghikab ako.
Gosh! Milca ano bang itsura yan? nasambit na naitanong ko sa sarili ng makita ang itsura ko sa salamin. Pakiramdam ko pa ay pagod na pagod ako at sobrang bigat ng pangangatawan ko.
Ahhh! naibulalas habang ako'y nag-inat at pilit na pinagkainat ang magkabila kong kamay.
Ansakit! Yung likod ko sobrang sakit maging mga binti ko nangangalay pa rin.
Naipikit ko pa ang mga mata ko saka ko naaalala lahat ng mga nangyari sa akin kagabi ng magawa kkng tumakbo at magpahabol.
Hudas na lalakeng yon! Naibulalas ng bibig ko alinsunod sa sinabi ng isip ko.
Naalala ko na naman ang gabi kung saan sobra ang pagkapahiya ko ng dahil sa kagagawan ng walang hiya na yon. Hayy! Huwag ko na sana makita pa pagmumukha ng hudas na lalakeng yon. Allan Cabreras.
Bwisit ang sarap pa sana matulog at mahiga habang nakahilata at nag-aantay na tuluyan na pagsikat ng araw. Subalit hindi maaari at may pasok pa ako. Kailangan kong pumasok at tiyak na malilintikan ako sa boss kong walang rin kahihiyan na tulad ni Allan.
Mayayaman nga naman ang hirap minsan pakisamahan subalit dahil sa pera kailangan mong tiyagain para lang kumita.
Dahil sa pera kailangan mong magpakumbaba at habaan ang pasensya kahit upod na at wala ng natitira kailangan mo pa rin tiisin ng dahil may iniisip kang higit na maaapektuhan oras na mawalan ako ng trabaho. Kaya't hindi pwede! Hanggang makakaya, dapat makisama at pakisamahan ang walang pakiramdam at walang puso kong boss.
Makapag kape na nga at makaligo baka malate pa ako kakaisip one by one ng walang kwentang pag-uugali na mayroon si Boss ang may-ari ng kumpanya kung saan ako pumapasok.
“Good Morning!" Bati na sabi ko ng batiin ko ang aking kapit-bahay ng madaanan ko siya sa nakabukas na pintuan.
Nagkakape at inalok pa nga ako.
“Ang aga, Milca! Papasok ka na? Halika at magkape ka muna at may pandesal rin ako nabili." Sabi nito ng nginitian ako.
“Opo! Kailangan baka malate, kaltas pa sa sahod ko." Sagot ko rin at nginitian ko rin siya ng sagutin ko saka sinabi ko ulit. “Salamat po at nagkape na rin ako kangina sa bahay bago maligo. Ito nalang pong pandesal baka pwede makahingi ng isa." Biro na sinabi ko pero seryoso.
Nagugutom ako at kumakalam yung sikmura ko ng dahil sa kape lang ang naumagahan ko nalimutan ko pala bumili ng tinapay kagabi sa bakery.
Hindi na kasi ako nakaraan duon at nagmamadali na rin ako at umaga na at sobra na akong inaantok.
“Sige! Halika at kumuha ka nalang dagdagan mo na at ako lang naman ang siyang kakain niyan. Maaga umalis yung anak ko at asawa para magsipasok rin sa kani-kanilang trabaho." Aniya na iniabot sa akin ang plastic ng kanyang pandesal.
“Salamat po!" aniya ko rin pasasalamat sa pandesal na kanyang ibinigay.
“Walang anuman! Mag iingat ka." Sambit na bilin pa sa akin bago ako lumakad papaalis.
“Salamat po! At dito rin po sa pandesal." Sabay nag bye-bye at kumaway ako sa kanya.
Very Friendly lang talaga ako sa lahat ng mga taong nakakasalubong ko. Specially sa mga kapitbahay ko. Palabati, palangiti subalit kung minsan tahimik. Ito kasi ako! Siguro ay dahil ganito talaga ang ipinagkaloob sa akin ng Diyos.
Pero malas nga lang din kung minsan. Hindi kasi ako swerte sa ilang bagay. Lalo sa trabaho at sa lovelife. Bigla ko na naman naalala si Chris.
Milca ano ba! Huwag mo na nga siyang isipin ngayon. Wala na kayo at break na.
Bakit ba bigla akong nakaramdam ng lungkot.
I'm Milca, 22 years old. Isang sekretarya sa isang maliit, malaki na ring kumpanya pala. Kuripot lang talaga iyong may ari at maliit magpasahod. Wala pang awa at walang respect sa kanyang empleyado.
Maliit na nga magpasahod.
Napakarami pa kaltas, nakakaasar.
Teka nga! Tingnan mo itong lalake na ito! Kung makatingin, gwapong gwapo sa kanyang sarili. Napangsi ako! Kagaya ko rin naman. Pinagkaiba desente lang ng bahagya tingnan yung suot niya na may kulay kape na pagkahabang kurbata.
Aba't nginitian pa ako.
I smirked, Pangit. pabulong na sigaw ko.
Gusto ko sanang ipagsigawan na pangit rin siya at huwag siyang makatingin na para bang inaalisan ako ng damit.
Langyang pangit na ito makatingin at makangiti sa tulad rin naman niyang pangit.
Pangit ka nga kasi! Kaya't titingnan ka rin ng kasing pangit mo. Loko-loko tong isip ko nang iinsulto. Ikaw pa talaga yung nagbaba sa sarili ko? Aniya ko sabay tawa ng habang naglalakad kinakausap ko sarili ko.
Hindi naman ako totally pangit! Aniya ko na walang tigil na kinokontra yung sinasabi ng isip ko.
Masyado mo naman ibinababa ang aking sarili. Aniya ko ulit habang napalayo na rin sa lalakeng pangit na yon.
Nakahinga rin! Weird lang talaga siguro ako tingnan. Nang dahil sa pananamit at aking itsura. Pero oyyyy Matalino ata ito. Natatawa na nakikipagtagisan sa isip ko.
Pangit raw kasi ako. Talagang ako yung pinagsabihan niya na pangit ako.
Pangit! Pangit ka! Pangit ka talaga!
Kita mong! Tumigil ka na.
Hindi ako pangit maganda pa rin. Maganda yung puso. Sabay napasinghap ako.
May nga ipinagkaiba kami ni Joyce kaibigan ko. Una ang malaking kaibahan namin dalawa ni Joyce? Nang napatigil ako sa pag-iisip.
“Neng pahingi piso, limang piso na. Gawin mo na sampung piso. Please!" hirit pa ng matandang ito na nakikiusap pa.
Kaloka, pukawin ba ako sa lalim ng iniisip ko at patigilin sa pakikipagtagisan ko sa aking sarili para sa hinihinging limos ng matandang tambay dito madalas sa over pass!
Madalas ko kasi siyang makita rito.
“Heto po, bente pesos. Huwag niyo na ko suklian! Keep the change!" tumawa pa ako sa aking biro ng mabigyan at maabutan ko siya ng bente pesos.
Napatawa at napatingin kasi ito. Habang abot ang limos na bigay ng isang dumaan na Ale na at sabay na iniabot ko ang limos na hinihingi niya
“Salamat!" Sabi ng biglang laki ang mata na nakatingin sa akin.
“Bukas baka pwede isang daan naman. Lagi kasing sampo yung bigay mo. Ngayon bente baka pwede bukas isang daang papel pambili ko maintenance na gamot ko."
Duon napalakas ang aking tawa ng may pakiusap pa talaga siya at kabisado na talaga sa tuwing binibigyan ko siya.
“Manong talaga, humirit ka pa. Sa susunod hindi na kita bibigyan. Maging pang maintenance mo ako pa ba magbigay? Hindi naman po ganon kalaki sahod ko. Pero yaan niyo oras na matanggap ako sa isang malaking kumpanya at may malaking sahod. Gagawin kong isang daan yan." Sambit na aking sabi sa kanya sa paraan na pagbibiro.
Tumawa rin ito at sinabi. “Biro lang! Baka makalusot lang kasi ng iyong lakihan. Pero kung tototohanin mo yan. Sige at sa susunod na mangyari yang wish mo. Baka pwede mas lakihan mo na." Anito na biniro na naman ako.
“Sige na po! Kalakihang ko na basta magkatrabaho lang ako sa isang malaking kumpanya." Aniya ko sinabi rin pero may biro at nagpaalam na ako sa kanya.
“Sige pangako yan!" Anito na tuwang-tuwa na bakas sa mukha. “Ingat! Salamat ulit rito." Ipinang kaway pa ang benteng papel na aking iniabot sa kanya.
“Wala pong anuman! Sige po mag-ingat rin po kayo rito." Nang lingunin ko pa siya saka ko sinabi bago ako makalulan sa isang jeep na siyang pinara.
“Ma' teka po!" sambit ko ng bigla na itong umandar pasulong. Nasigaw pa tuloy ako.
Buti nalang at huminto! Narinig ako.
Kundi yari, sa susunod pa ako masasakay. “Salamat po!" sabi ko sa driver ng makasakay ako.
Ang hirap kasing mag abang kapag rush hour! Ang hirap talaga makasakay. Lalo at ganitong araw.
Tahimik lang ako nang nasa buong biyahe ako papasok sa office. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at tinatanaw ang kahabaan ng edsa.
“Ma' para na po!" Sabi ko ng parahin ko at sinabi na pababa na ako.
Muntikan pa akong lumagpas at buti nalang napansin ko agad. Bakit kasi ang lalim na naman ng isip ko.