CHAPTER 6

2012 Words
Ihahakbang ko pa lang yung paa ko para makababa ng jeep ng tumunog yung cellphone ko. Ano na naman ba? inis ko naibulalas ng tumunog ang cellphone ko sa aking pagbaba. Istorbo malalate na nga ako! Napairap pa ako at napasinghap ng kinapa ko agad sa maliit kong bag at sinagot iyon ng makita kung sino. Ang kulit! Ang kulit rin ng isang ito! Kaya't sa pagsagot ko nasigawan ko agad siya. “Hindi nga ako pupunta. Ang tigas rin ng ulo mo at sinabi ko ng hindi ako interested sa alok mong trabaho. At lalong ayaw na rin kita makita pa. Siraulo." sinabi ko sabay baba ng pindutin ko agad ang ended call. Nakakainis na pinipilit akong magreport ngayon sa kanilang opisina ng ilang ulit ko na sinabi na hindi ako interested sa alok niya. Gigil ako! Nakakainis at nakakainit ng ulo ang aga pa. Tumunog na naman yung phone ko at sinagot ko iyon ulit ng makita na siya pa rin ang tumatawag ng ayaw tumigil at ring ng ring cellphone ko mga tao mga nakatingin at ilan nagbubulungan na mga nakakasalubong ko. Kaaasar kaya sa pagsagot ko napahiyaw ulit ako. “Napakalinaw na nga diba! Hindi ako pupunta. Ilang beses ko pa ba dapat ulitin sayo?" Umiinit na talaga dugo ko sa kanya. “Nasa trabaho na ako, huwag kang istorbo at tigilan mo na pagtawag sa akin at wala akong oras para pag aksayahan ka pa ng oras habang busy ako." Inis ko pang sinabi sa kanya bago ko pinindot ulit ang ended call. Bwisit na iyon! Nang p*****n ko siya ulit ng aking hawak na Cellphone. Sarap tuloy ibato ng tumunog na naman ito. Asar! Naiinis na naibulalas ko ng di ko mapansin na may katabi na pala ako. “Sino kausap mo, Milca? Tila ba galit na galit ka riyan?" tanong ng isang kasamahan ko na aking nakasalubong sa paglalakad papasok ng Office. Hindi ko agad siya napansin na nasa likod ko pala siya at ngayon ay katabi ko na sinasabayan ako sa aking paglakad. “Wala, wrong number!" Aniya ko at sabi sa kanya na para bang di pa naniwala. Tumawa kasi ito ng malakas. “Wrong number o baka naman stalker?" Nanlaki mata ko na napalingon sa kanya. Napaharap ako rito at sinabi habang naituro ko pa sarili ko. “Palagay mo ba? Sa itsura ko hahabulin pa ako ng mga stalker na yan? Parang nakakalimutan mo ata kung si Milca ang kaharap mo at hindi si Liza." sabay ko tinawanan siya. Si Liza ang pilingera naming kasamahan. Piling maganda! Piling habulin ng maligno ng dahil raw sa angking ganda niya. Ang kapal ng mukha at sobrang mahangin na utak sa kapal rin ng polbos na kanyang sinasaboy sa kanyang mukha. Stalker? papatawa ba siya. Si Allan kelan pa naging stalker? Maligno yun at nababagay sila ni Liza. Talagang si May di na nag-isip sa lagay ko may hahabol pa bang stalker? Mukhang rapist nga siguro baka magdalawang isip pa at hindi pa ako pag kakainteresan. Stalker pa ba? patawa. Sa pagtawa ko sabay na nagsalita ito. “Ikaw naman, Milca. Bakit hindi? Hindi mo lang kasi napapansin, may kakaiba sayo na wala sa iba. Makita mo, mayroon ding hahabol habulin ka ng dahil sa bagay na mayroon ka ng wala sa iba. Hindi nga lang lahat makakakita nun. Pero, may iilan na makaka appreciate sa bagay na mayroon ka ng wala sa kanila. Kasi nga di tayo pare-pareho. Lahat ng tao may kakaiba sa kanila na siyang nagdadala sa kanila sa mga bagay na natatangi at magpapaangat sa kung anong kakaibang meron ka at siyang magdadala sayo sa taong alam mo na." Aniya nito nginitian pa ako matapos na bolahin nito. “Makikita mo may isang tao na hahabol-habol sayo at hahabulin ka makuha ka lang at mapasakanya." Aniya ulit sabay lakad. “Hoy anong pinagsasabi mo." Aniya ko rin hinabol siya. Pinagtatawanan lang ako ni May na mabilis na lumakad at nang maabutan ko siya sabi pa niya. “Milca, magtiwala ka lang sa ganda na meron ka. Huwag mong ikumpara sa iba ang sarili mo dahil mas nakalalamang ka pa sa kanila. Hindi mo nga lang napapansin kasi nga bulag ka." Sabay tawa na naman. Ayos na ayos talaga araw ko ngayon at para bang lahat pinaglalaruan ako. Nasinghap nalang ulit habang lumalakad kami. “Salamat!" sambit kong tugon sa kanyang papuri at ilan pang sinabi habang naglalakad kami papasok sa building. “Your welcome, Milca! Basta always smile at huwag mong hayaan na tapakan ka ng insecurities ng dahil sa kagagawan ng ilang mga mas walang halaga ng dahil sa pangit na pag-uugali nila." sabay ngiti pa nito. “Halika ka na! Umakyat na tayo sa taas at baka malate pa tayo." ayang sabi pa nito. Habang ako napapaisip ng alam ko na ang siyang tinutukoy nito. Si May na napakahirap makasundo sa ugali nito. Napakahaba ng oras! Pakiramdam ko hindi man lang umuusad at bagot na bagot na ako sa maghapon ko na nakaupo lang ako. Nakakangalay umupo ng walang ginagawang trabaho. Napapahikab ako na makailang ulit ng nangyari. Kasi naman yung boss ko ayaw magpatanggap ng trabaho ngayong araw. Restday niya raw! kahit nasa sa Opisina lang naman magrerest day raw siya. Ang sabi may paparating na bisita raw kasi, Sino naman kaya? Ganoon bang kaimportante ang kanyang bisita para lumiban siya ng isang buong araw para lang antayin ang bisita na siyang tinutukoy niya. “Wow ang pogi! Inday ang gwapo talaga!" Mukhang nagkakagulo mula sa ilang bulungan ng marami kong mga katrabaho sa opisina na maging dito sa pwesto ko umaabot. “Grabe ang pogi niya talaga! Ayan papalapit." sambit pa ng isa na kilig na kilig ng malapitan ng gwapong tinutukoy nito. “Oh my Gosh! Papalapit." kinikilig kilig pa yung isa rin habang kahit di ko sila tingnan at lingunin alam ko na mga itsura nila. “OMG! Ngumiti siya! Nginitian niya ako." sambit pang kala mo naman hihimatayin ng dahil sa tiningnan lang ito ng lalakeng kanilang tinutukoy. “Gaga! Sa akin kaya tumingin. Hindi sayo! Kaya huwag kang asyumera." sagot ng isa. Mag aaway pa ata sila ng dahil sa lalakeng kangina pa nila pinagpipiyestahan. “Ewan ko sayo! Makapagsalita ito." inis na naisagot nung isa. Magkakairinga pa ata at baka magsabunutan pa ng dahil sa lalakeng kinakikiligan nila! Haist! talaga itong mga ito, basta gwapo walang uubra kahit mag-away pa sila. sambit ko habang nakayuko at nakikinig lang sa kanila. Inaantok na kasi ako at naistorbo ng ingay nila ang pagpikit na sana ng mata ko. “Good Morning!" Teka! Kilala ko boses na yon. “Nandiyan ba si Miss Santos?" Familiar talaga yung boses! Habang nakayuko at pilit kong iniisip yung boses na narinig ko. “Miss! Are you okay? Tinatanong ko yung boss mo si Miss Santos nandiyan ba siya?" Muli na sinabi ng patanong ng boses na pamilyar talaga sa pandinig ko. Nang angatin ko ang mukha ko. Hindi na nga ako nagulat pa! WOW Sabi ko na nga ba at kilala at saka familiar ang boses na naririnig ko kangina pa. Siya pala ang kangina pa pinagkakaguluhan ng mga kasamahan ko rito sa opisina. Gwapo raw! Maligno nga ito sa paningin ko at mukhang may plano na naman guluhin ang araw ko. Pero anong ginagawa niya rito? “Hi Milca!" Ngiting wagi at abot taenga ang kanyang pagkakangiti. “Anong ginagawa mo rito?" inis kong sabi sa kanya ng balingan ko siya. Pero nakangiti lang siya at pagkaluwang. “Hoy! Sumagot ka! Anong ginagawa mo rito? At bakit naririto ka sa opisina kung saan ako nagtatrabaho?" may halong galit na nang magawa kong sabihin sa kanya. Pero nakatingin lang siya at tinatawanan lang naman ako. Ayos 'toh! Baliw na ata at ayaw sumagot. Sabi ko na bulong ko habang nag aantay sa sagot nito pero wala pang sagot hanggang umabot na ng sampong minuto na nakatitig lang siya sa mukha ko habang ako nag-aantay sa sagot nito. “By the way! Si Miss Santos hinahanap ko. Andiyan ba siya?" Nang kumibo na rin sa wakas at hindi sinagot yung tanong ko. Maliban sa hinahanap ang boss kong balyena. “Wala! Umalis. Kaya't umalis ka na rin. Dahil wala yung hinahanap at ipinunta mo rito." Sagot ko na yumuko na sa table at nag sulat. Bakit Milca expect mo ba na ikaw yung ipinunta niya? Sira na ata yung utak ko para kuwestunin maging sarili ko. Bakit ako mag expect na ako ang ipinunta niya? Talaga naman. Nagbasa nalang ako kunwari. Huwag lang mapansin o masilip ang mukha ng impakto na Cabreras na nasa harap ko ngayon. Pakiramdam ko pa ay nakayuko ito at pilit na tinitingnan ang seryoso at naiinis kong mukha. Gwapo raw ito? Mga sira toktok ng mga kasama ko dapat sa kanila magpagawa na ng salamin sa mga mata ng di sila parang mga nakawala ng makakita ng maligno at mapagkamalan na gwapo. Ewan ko sa kanila para na silang mga baliw at mga naririnig ko pa rin ang bulong bulungan ng ilan. Anong kinagwapo nito? Isa itong maligno kung bakit maging rito nakikita ko. Bwisit na buhay ito at sirang-sira na talaga araw ko. Napasinghap ako at nang magsalita na naman maging utak ko na mapang asar. Tanga Milca! Ikaw lang di makakita. Gwapo naman talaga! Bakit di mo tingnan o sadyang bulag ka lang ng hindi mo makita. Haist! Talaga naman maging utak dinidiktahan ako sa nakikita ko sa lalakeng ito. “Milca ano bang problema? Bakit mo sasabihin na wala si Miss Santos kakasabi pa lang niya na naririto siya. Kahit kakakausap ko lang sa kanya? Paano na umalis siya?" may ngiti sa pangungutya nito na pilit na itinatama ang sinabi ko sa kanya. “Pagkatapos niyo mag usap, umalis rin siya agad! May biglang lakad si Boss kaya umalis. Kaya makakaalis ka na rin ng dahil wala naman siya rito at masasayang lang oras mo kung aantayin mo pa. Hindi ko rin alam kung babalik ba siya agad o baka diretso na siya sa pag-uwi. Wala kasi siyang ibinilin sa akin ng umalis siya na may inaasahan pala siyang bisita. Kaya pwede umalis ka na at kita ko naman kung gaano nagkakagulo at nagiging maingay yung mga kasama ko ng dahil sa pagdating mo." pagtataboy at pagsisinungaling na rin. Sabi ko pa sa kanya at nakiusap na umalis na rin at hindi ako matatahimik habang naririnig ko ang ingay ng marami kong kaopisina. Pero bigla itong natawa ng sabihin ko yon. “Milca nahuhuli ka na. Ikaw lang naman ang ayaw akong makita." Sabay yuko at tinapatan ang mukha ko. “Hindi ba?" nang may ngiti na sinabi nito. Yung kaba ko umabot na sa limitations na siyang pilit na hinaharangan ko. Ayoko makita niya o kahit makahalata siya na naaapektuhan ako habang naririto siya. “Nagkakamali ka. Wala talaga rito si boss ko. Kaya makakaalis ka na." Sinabi ko pa sa kanya ulit pero mas inilapit pa yung mukha niya. “Talaga? Milca wala siya riyan sa loob?" anito niya at nakangisi. Muli akong napasinghap sa sobrang lakas na ng kaba ko. “Wala! Umalis ka na." Sabay iniiwas ko ang aking mukha na sinundan naman nito ng kanyang mukha. Nakikipaglaro pa ang sira! naisambit ko ng pabulong ng mapahugot ako ng malalim na hininga. Sunod-sunod ang pagbuntong hininga ko kasabay ng sunod-sunod na pagkabog ng dibdib ko. “Ano ba!" Aniya ko ng singhalan ko siya. “Hindi ako nakikipaglaro sayo." Sabi ko pa sa kanya ng ayaw niyang tigilan ang panunubok at pagtitig sa mata ko. “Okay! Tingnan natin." Nakangisi na iniangat ang mukha at tumayo ng tuwid. Dumukot siya sa bulsa at nakita ko ang cellphone na hawak nito. “Tingnan natin kung tama nga ang sinabi mo." May pagbabanta na rin at pagbibiro na alam kong mas iniinis lang ako. Paano na? Milca? pagtatanong ng isip ko habang ako kabang kaba na iniisip na sana huwag sagutin ni Ma'am Santos. Ano ba itong napasok ko? naibulalas na nakatingin sa seryoso na mukha ni Allan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD