Bago pa man ako makalabas sa loob ng bar agad ko natanawan si Joyce kasama ang groupo ng lalake na kangina ay nag-aantay at sumalubong sa kanya ng dumating kami ng bar. Nagpaalam na ako sa kanya na mauuna ng umuwi kung wala pa siyang balak na umuwi ng dahil sa rinig ko na may tutunguhan pa silang bar sa karatig eskinita malapit sa bar na kinalalagyan nila.
“Milca, makakaya mo bang umuwi mag isa?" Tumango ako. “All right, I'll go with them first. Mauna ka muna umuwi, maiwan muna ako rito."
Sinabi ni Joyce ng may ngiti sa mukha. May maloko na ngiti na kinabig pa ako ng bahagya at inilapit sa kanya sabay bulong. “Gusto mo sumama?" Pabiro na bulong na patanong na nginitian ako nito.
Siniko ko nga siya at bahagyang kinurot. Dahil ayaw masira ang posture. Nakangiwi ng bahagya na kinindatan ako. “Biro lang." Joyce said sweetly.
I knew where they were going and they would drink all night without stopping until they staggered to their home and some could hardly stand and walk. “I don't want to!" I firmly refused, glaring at her.
Tapos ay sinabi ko pang muli rito habang nakatingin sa itsura nito. “Uuwi nalang ako kesa sumama pa sayo." Sinabi ko na para ba kasing hindi man lang siya nakararamdam ng pagod at antok.
Sa awra pa lang nito parang punong-puno pa siya ng energy para makipagtapatan ng puyatan sa kanyang mga kasama. “Anong oras na? Tapos umaga na! May pasok pa ako mamaya. Wala ka bang trabaho mamaya?" tanong ko na aniya ko sa kanya.
Pero sumagot si Joyce na wala siyang pasok dahil naka-off siya sa kanyang trabaho. Kaya naman pala! Naka-off sa work! Tapos ako hindi naka-off at may pasok pa mamaya. Bulong ko nalang pagkatapos ay saka nag-lakad palayo sa kanila.
Iniwanan ko na sila at baka ano-ano pa ang ipilit ni Joyce at hindi pa ako makatanggi sa kanya.
Habang nakalayo na ako napalingon pa ulit ako sa kanila at napabuga ng aking hininga. I'm just annoyed with Joyce that she took a day-off from her job today. She even took me with her, and then eventually she went with the others and left me as well. Joyce is really, really annoying. She has not changed.
Tapos ako ngayon itong mahihirapan kasi kailangan ko pang gumising ng maaga at pumasok sa opisina. Habang siya uumagahin kasama ang mga lalakeng yon at uuwi ng bahay para lang matulog. Pero ako kailangan ko pang pumasok at magtrabaho.
Naglalakad ako na bubulong-bulong at may inis rin dahil sa sinabing day-off niya ngayon. Habang lumalakad ako at gumagapang yung utak ko. Hindi ko napansin nang may biglang tumigil na sasakyan mula sa gilid ko at napalingon ako sa inis ng bumusina ito ng sunod-sunod. Ano ba naman! inis na nasabi ko at napalingon sa sasakyan na huminto.
“Milca!" Isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin.
Kilala ko ang boses na yun! usal ko pa ng paglingon ko, nakilala ko agad.
Bwisit! ikaw nanaman. naisambit ko ng makita ang mukhang ngiting-ngiti mula sa harap ko.
Biglang taas ng dugo ko at naiinis ako nang mapagtanto kung sino ang boses lalake na tumawag sa akin. Si Allan Cabreras, napairap ako sa tao yon ng makita ko ang pagkaluwang niyang pagkakangiti.
Napabuntong hininga pa ako. “Anong problema mo?" aniya ko inis na sinabi rito.
Hindi niya ba talaga ako titigilan? Hanggang dito ba naman at nakalabas na ako ng bar nagawa pa niya akong sundan.
Mahirap bang intindihin na sinabi ko sa kanya na huwag siyang susunod at nakaiirita siyang makita.
Ang baliw na 'toh! nasa harap ko na naman. Hindi ba pwede na maglaho nalang?
“Wala!" Sagot ng ngumiti na naman.
“Bakit ba sinusundan mo ako?" Aniya ko ng pasigaw. “Di ba at sinabi ko na sayo na huwag na huwag kang magtangkang masundan-sundan ako sa paglabas ko. At bakit ngayon naririto ka?" Inis na naisul ko ulit at tumawa pa siya.
Siraulo ka!
“May sinabi ka ba?" Biro nito anito at tumawa na naman.
Inaasar niya pa rin ba ako?
“Kangina sinabi ko pa sayo ng malinaw. Sinabi ko pa na huwag na huwag kang susunod! Anong may sinabi ba ako? Siraulo ka talaga. Baliw ka na ba at ayaw mo akong tigilan?" Galit na inusal ko na naman.
Pero nakangiti pa rin si Allan. Siraulo na ata siya. naibulong ko. At inirapan muli ito.
Lalakad na sana ako ng magsalita ito at biglang nagtanong. “Taga saan ka ba? Hatid na kita sa bahay mo." Paanyaya aniyang sinabi nito.
Si Allan, tinatanong saan ang bahay ko. inis na naibulalas at naibulong.
Ihahatid raw ako. Nagpapatawa ba siya? nasambit ko muli at tinalikuran siya.
“Wait! Milca." Rinig ko na tawag niya.
Nakababa na pala siya agad sa kanyang sasakyan at lumakad saka ako sinabayan.
“Teka lang! Galit ka ba? Hatid na kita." Makulit pa niyang pamimilit at pilit na pinapantayan at nais akong unahan sa paglalakad.
“Bakit mo ako ihahatid sa bahay ko? May paa ako, may pera ako, may pamasahe ako pauwi ng bahay ko. Hindi muna kailangan ihatid ako. Saka hindi tayo close para magpahatid ako sayo. Sino ka ba? Ngayon lang din tayo nagkakilala. Baka mamaya ano pang binabalak mo. Kaya lumayo ka na sa harap ko at tantanan mo ng pagsunod-sunod." Aniya ko rito at pagtataray.
Pero bahagya natawa ito. “Ano ka ba! iniisip mo bang may gagawin ako sayo?"
“Anong malay ko." Sagot ko.
Pero seryoso na sumagot si Allan sa lahat ng mga sinabi ko. Para bang baliwala rito. “Mahirap na umuwi at bumiyahe ng mag-isa, Milca. Lalo at babae ka pa! Halika na at ihahatid nalang kita." Pamimilit na naman niya.
Wow ahh! Ginulat niya ako ruon. Marunong rin pala siyang mag-alala. Pero hindi ako naniniwala sa kanya. Sa itsura pa lang nito. Mukha ng gagawa ng hindi maganda. Gwapo nga! Pangit naman ako. So, anong hinahabol-habol nito? Wala naman siyang makukuha maliban sa isa!
Aba't ngumiti na naman. At huminto sa harap ko at napahinto ako.
Loko na 'to, matapos bastusin ako. Ang kulit-kulit bakit pa pinagpipilitan na maihatid ako?
“Ano ba? Lumayo ka nga. Tigilan mo na rin ako. Maging pagsunod-sunod mo. Pwede ba! Nakakainis ka na!" Sabi ko.
“Galit ka nga!" sabay at tumawa na naman.
“Ano ba't kangina mo pa ako pinagtatawanan? Katawa-tawa ba ako?" inis ko.
“Hindi naman! Ang cute mo lang."
Tarandato na nga! Nasisiraan na nga ata ito.
“Alam mo umalis ka nalang sa harapan ko. Wala akong oras para makipaglaro sayo. Duon ka na sa babaeng kasama mo kangina at bakit ba ako ang sinusundan-sundan mo rito."
“Wala lang! Hayaan mo yun. Ikaw naman yung nasa harap ko." Biniro na naman ako.
Siraulo na nga!
“Hatid na kasi kita." Muli ay anito na pinipilit na naman ako.
“Ayoko nga!" Sabay inismiran ko siya. “Tumabi ka nga." Sabi ko pa at itinulak siya.
Siraulo! Nek, nek mong lalake ka. Anong akala mo? Porke gwapo papatulan kita. Nagpapatawa ata itong isa na ito. Ako pang pagtripan. Cute raw ako. Nakakatawa siya. Ang bastos-bastos niya kangina, tiyak na may plano siya at akala niya ay kakagat ako. Pero sorry nalang dahil di ako gaya ng babaeng kanyang kasama kangina. Pangit lang ako! Pero hindi ako bobo ng tulad ng mga babaeng nabobola niya.
“Milca naman, binibiro lang kita kangina." Sabi pa niya na nakamot sa ulo. “Masyado ka naman nagpaapekto ruon sa sinabi ko sayo kangina. Sa tingin mo ba ganuon talaga ako?Hindi mo pa naman ako ganuon kakilala at gaya ng sinabi mo. Ngayon lang tayo nagkita at nagkakilala. Biro lang naman yon at huwag mong seryosohin."
Pero bakit natawa? May biro bang panay ang kanyang tawa at pagngisi-ngisi?
“Siraulo ka talaga! Syempre ngayon nga lang talaga. Kung hindi mo pa nga napulot at nakita ang salamin kong nalaglag kangina. Hindi sana tayo nagkausap at nagkita."
“That's true! If you didn’t collide with that girl, I couldn't meet you and saw your eyeglasses drop in your eyes. Hindi sana kita nakilala di ba?" Ngumiti na naman.
“Saka yung nangyari kangina..."
“Tarantado ka pala eh!" Sigaw ko sa kanya.
“Anong nangyari kangina ang pinagsasabi mo?"
“Alam mo na yung..."
“Gago!" Sigaw ko ulit. Tapos tumawa siya. “Ang bastos mo talaga!"
“Anong bastos? Ikaw yung nag-iisip, habang wala pa naman akong sinasabi sayo."
“Alam mo sa nababasa ko sayo. You are a crazy person. Sino bang mag-aakala na isang tulad mo ay gagawin iyon. Sabagay sa gaya mong mayayaman. Easy nalang ang mga ganuong bagay lalo at may pera ka at madali mo nalang makuha ang gusto mo. Pero ang hindi ko maunawaan. Sinong matinong tao ang magagawang gawin iyon sa harap ng maraming taong nanunuod. Hindi ba kayo nahihiya sa mga pinaggagawa niyo ng babaeng kasama mo? Mayaman ka! Kapatid mo ang nagmamay-ari ng isa sa mga kilala at malaking kumpanya. Pero sa ugali na nakikita ko sayo. Mukhang hindi ka nalalayo sa ugaling meron siya. Yun nga lang! Mas masahol pa ang ugali mo sa kakambal mong walang modo at masama ang ugali. Ikaw naman bastos."
Tumawa na naman siya at sinabi. “Milca, mas cute naman ako ruon."
“Gago! Gwapo? pero walang kahihiyan? “Anong silbi ng kagwapuhan mo kung wala ka naman hiya. Sa kalagitnaan ng mainit niyong eksena ng babaeng kasama mo. Lahat halos sa inyo nanunuod. f**k! Talagang nakita mo ba yung mga itsura niyo nung babae habang gigil na gigil ka at siya naman hindi rin makapagpigil sa dala ng paglabas at pasok mo sa kanya habang itinuwad mo pa?"
Tumawa siya ng malakas “Ibigsabihin?" Napalunok pa siya habang nakatawa. “Napanuod mo ng buo? Lahat-lahat?" Sabay humagalpak ng tawa at napasapo sa kanyang nuo. “Wow! Milca. I can't imagine na nakaya mong tapusin lahat iyon? Ang sabi mo nga nakakahiya yung ginawa namin ng kasama ko. Pero yung manuod..." Tapos tumawa na naman. “Oh my! Hindi talaga ako makapaniwala. Hanggang ngayon ayaw pumasok sa utak ko na tulad mo ay nagawang manuod ng Live." Dire-diretso na ang tawa nito.
“Tarantado." Sabay sampal ko rito.
“Ang bastos mo talaga."
“Sorry! But Milca, you seem to like it too. Dahil hindi mo maexplain ng mabuti sa akin ang lahat ng nakita mo ng hindi mo nagustuhan at pinanuod ng buo. Based on the length of your explanations. Don't deny Milca that you didn't enjoy watching it. Kitang-kita sa mga mata mo na nasiyahan ka pa talaga sa panunuod." "What?"
“Tingin ko nga basa rin ang panty na suot mo ngayon." Biro pa muli nito.
Sobrang nagulat ako sa mga accusations ng bibig nito at lalo sa sinabing basa ang panty ko. “Ang kapal ng mukha mo talaga!" Dinuro ko siya ng isang daliri ko. “Hoy, Mr. Allan Cabreras. Para sabihin ko sayo. Masyado na yata matabil at matabas ang bibig mo para tingnan ako ng pangit at uriin ako. Sinabi ko sayo na napadaan lang ako roon ng makita at masaksihan ko ang live show na ginagawa mo at nang babae na kasama mo. Maliban roon ay wala na akong pakialam o yung sinasabi mong..."
“Tama ako di ba? Nabasa nga panty mo." Inulit pa niyang pagpapaalaala.
“Nasisiraan ka na nga! Wala ka talagang kahihiyan. Bwisit ka! Ang bastos-bastos mo." Anito ko ng tadyakan ko ang binti niya matapos kong masampal habang hawak ang namumula niyang pisngi.
This guy really annoys me. Napasinghap ako dahil sa sobrang inis at baka hindi lang sampal at tadyakan ang magawa ko sa kanya. Maihagis ko pa siya at palipad sa kabilang kalsadang. O, kaya naman ay sa gilid nitong daan na kinatatayuan naming dalawa.
Sobrang iniinis talaga ako nito at napipikon na rin ako.
Gigil ako na naglakad at nagpatuloy sa paglalakad ng hindi na siya nilingon kahit ang tingnan siya hindi ko na ginawa. Pula na pisngi niya at tiyak sa lakas ng pagkakatadyak ko. Manhid na yung binti sa sakit ng pagkakatadyak ko sa kanya.
Belat nga sa kanya!
“Teka lang! Milca." Sigaw-sigaw pa nito. Humahabol pa pala? Buong akala ko namimilipit na sa sakit ng binti ng dahil sa tinadyakan ko ito.
Kumaripas ako sa aking palakad na patakbo ng baka maabutan pa ako ng bastos na yon. “Para! Ma' ma Para po." Kumpas ko ng aking kamay na pinagkahaba mapansin lang ng pinapara kong taxi o kaya naman ay jeep na dumadaan na maari kong sakyan.
Makatakas lang dito sa lalakeng walang tigil sa pagsunod at pakiramdam ko ay malapit na ito. Lalo ng mapalingon ako at makita na bahagya nalang ay maabutan na rin ako.
Haist! Grabe, imbis na ito ang mapipikon tila ako pa pala ang mapipikon sa patuloy na pangungulit sa pagsunod nito maihatid lang ako.
Pero hindi ko siya pinansin, kahit lingunin. Lumakad lang ako, nagpatuloy hanggang pakiramdam ko ay wala na ito sa likuran ko. Pero nagulat ako ng marinig ko muli ang boses nito na ramdam ko, patakbo itong lumalapit sa aking tabi. “Teka lang, Milca." Gaya ng inaasahan ko na nga, humahabol pa rin ang makulit na si Allan.
Kumaripas pa ako, binilisan ko pa ang aking pagtakbo ng baka maabutan na ako ng kinakapos sa paghinga, si Allan. “Milca, antay."
Napansin ko na kangina ng malingon ko ito na tila ba hinihingal na ito. Naririnig ko pang muli ang mga malalakas niyang tawag sa pangalan ko. “Milca!" Sabi pa niya na kinakapos sa pagbigkas. Para na siya nauubusan ng hangin sa kakahabol.
Natatawa nalang ako. Bahala na siya at ako uuwi na. Wala akong balak na makipagbiruan pa sa kanya o kaya ang maihatid niya. Malalaman pa niya kung saan ako nakatira. Mabuti ng hindi niya alam.
Pumara na ulit ako ng taxi ng hindi siya pinapansin. “Milca!"
Pero ang malas at walang humihinto sa lahay ng pinara ko. Asar! kailangan ko ng makasakay. “Manong para po!" Sigaw ko bawat dumadaan.
Pero walang humihinto kahit isa. “Manong!" Sigaw ko sa mga jeep na punuan ang sakay. Anong oras na pero punuan pa rin parang rush hour lahat ng dumadaan ay may sakay.
“Manong! Para po." Sigaw ko pang muli at sa wakas ay mayroon ng huminto na isa.
“Manong sa Q. Ave lang po." Sabi ko at sumakay.
Pero bago pa man ako makasakay nakita ko na ang pagod at hinihingal na itsura ni Allan.
Tama lang sa kanya yun. Siraulo at bastos kasi niya.
Dinilaan ko pa bago isara ang pinto. Nakita ko na siyang napahinto mula sa may kalayuan ay nadaan siya ng taxi na sinasakyan ko. Kumabig na kasi at lumiko yung taxi sa may intersection at natanawan ko pa siyang hingal na hingal.
Hahaha! Mabuti nga sa kanya. Ang kulit kasi, sinabi ng huwag sumunod. Antigas ng ulo niya. Yan tuloy napapala. Belat nga! Sabay dila ko at binuksan yung bintana ng makita niya ako.