CHAPTER 7

1719 Words
Natataranta na ako mula sa nakangisi na si Allan na tinutudyo ako at nakikipaglaro habang iniinis na naman ako hawak ang kanyang cellphone. Dahil sa pagsasabi ko na wala ang aking Boss sa opisina kanyang inilabas at dinukot ang mamahalin na cellphone. Yabang talaga! sambit na nausal ng makita ang Iphone na latest version na nailabas mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Mayayaman talaga porke mapera ang yayabang na. Ano kung nakaiphone siya? Samsung sakin lumang version pero original at di sirain pwede pang ipangbato at oras nga na mainis ako baka maipalo ko pa sa ulo niya. Kahit luma itong cellphone ko okay lang importante nagagamit ko pa at di naman kinakalawang. Pero utak ng taong ito malamang puno ng kalawang. Kainis at nginusuhan pa ako habang kanyang nagdial sa cellphone. Sumenyas pa siya na nagring na raw habang ako yung kaba mas bumalong. Huwag sana sagutin! Pero nagkamali ako ng isang segundo lang nasagot agad ang tawag nito ng malabalyena kong boss. Asar! At natatawa pa siya habang nakikipag sweet usap at kala mo naman jowa ang kausap. Nakakaloko rin itong tingnan ng biglang kinindatan ako. Yung kaba ko sobra at nang tangkain kong agawin ang cellphone mabilis siyang umiwas at muntikan na akong tumama sa mesa pero nasalo niya ako. “Bitiwan mo ako." utos ko ng sa beywang ako kanyang mahawakan. Prank lang pala at di pa niya kausap. Siraulo nga! Pero ngayon sure na ata ng tumalikod pa ito habang palinga-linga habang nakatawa. “Hello, Ms. Santos, si Allan Cabreras ito, nasa loob ka ba ng office mo?" nakangisi nito na itinanong habang nakatingin sa akin. Habang ako kumakabog ang dibdib sa inis at init ng ulo na makita siyang masayang nakikipag-usap. “Yeah, narito ako sa labas sa tabi ng sekretarya mo. Oo, sabi nga. Pero don't worry papasok na ako. May kailangan akong i-discuss sayo. Very important. So, maaari na ba akong pumasok?" sinabi nito malambing na pagkakasabi na tiyak na kinikilig yung boss ko pero yung patanong sa huli ay para sa akin na pinaririnig lang at nang aasar. Haist! Sa mga oras na ito tiyak na kilig na kilig yon. Gwapo naman kasi yung bisita niya kung mga katrabaho ko kinikilig nakindatan at nangitian. Yung boss ko pang balyena baka himatayin pa yon sa oras na makaface to face na itong hayop niyang bisita. “Sorry!" aniya at kinindatan ako. “Siraulo ka talaga ano? Wala kang magawa maging ba rito guguluhin mo ako? Bakit di ron sa kumpanya niyo magkalat di rito sa opisina ni Ms. Santos." gigil na sinabi ko ng agawin ko yung Cellphone pero mabilis na naiiwas. Hindi ako mapalagay ng panay sulyap niya habang naupo ulit ako. Kaya tumayo ako at pilit na inaabot ang hawak nitong cellphone. “Ikaw, ang sabi mo kasi wala. Teka maririnig niya yung pagtataray mo baka mas kagalitan ka pa ng boss mo." nang iinis na tuwang-tuwa na napipikon ako habang napalunok ako ng tama yung mga mata naming dalawa. Umiwas agad ako pero hinabol niya. “Ano ba?" “Nasa loob siya di ba?" tumatawa pa rin na sambit at tinatanong ako. “Hindi mo naman sasabihing wala kung sa reaksyon mo pa lang panigurado na naririyan siya sa loob." natigilan ako habang natatawa ito. “Sorry" kanyang sabi ulit habang turo ako at tumatawa. “Mabilis ka palang lokohin Milca. Mabilis kang mapaniwala. Mabilis rin kitang makukuha. Panoorin mo lang." sabi at ngumiti. “Watch!" anito na kinawayan pa ako bago tumalikod. Pero bumalik at yumuko sa table ko. “Akin ka! Ngayon na! Makikita mo. Sakin ka na Milca." Humaba pa nguso at nagpacute ng papungayin yung mata. Sundutin ko ng matigil siya sa kakakutya pero naiiwas niya. Sundutin ko ulit sana pero huwag na naisip ko lang at baka hahaha... Gahasain ka sana ng balyena sa loob. usal na bulong ng sa mga sandali na yon habang papalapit na siya sa pinto natatawa ako. Adik pa naman yung boss ko lalo kung gwapo. Tingnan ko lang kung di siya masuka kung mahawakan na ang kanyang... Hahaha huwag na nga lang. Hayaan ko siyang masupresa oras na nasa loob na siya. Makita niya ang butas na pinapasok niya. Kumaway pa ang Gago ulit! “Milca, papasok na ako. Later nalang!" Sabay nagflying kiss. Binato ko siya ng folder at tumawa ito. “Ikaw naman sadista ka. Di pa nga kita nakukuha. Kukunin pa lang. Pero tandaan mo akin ka na paglabas ko rito, akin ka!" Tarandato! pero bago pa ako babato uli nakapasok na ito mula sa loob. Asar! bastos na lalake. Hindi mawala ang inis at pagmamaktol na makaganti ako sa siraulo na yon. Nakakainis talaga biruin mong naprank ako. Di naman pala kausap si Miss Santos at niloloko lang ako. Gago talaga siya. Siraulo talaga siya! napapaismid pa ako sa matinding inis sa lalakeng pumasok sa office ng balyena. Sa tuwing makikita ko talaga siya para akong sasabog. Bakit ba siya naririto at anong kailangan niya sa balyena kong boss? Anong pinagsasabi niya na kanya na ako? Gago! Bwisit! Nakakainis... Napabuntong hininga ako habang nakatingin na pala sa akin ang ilan. Natawa ako at hindi napigilan na para na pala akong baliw sa kakasalita. Kaya naman pala ang balyena nagpacancel ng lahat ng appointment ng dahil sa lalakeng yon. Hindi ko maisip pero bakit di rin pumasok sa isip ko na maaari pa rin kaming magkita ng Gago. Pero papaano niya nga pala nalaman na dito ako nagtatrabaho? Wala akong nabanggit na dito ako sa kumpanya ako nagwork. Hindi matahimik ang isip ko sa kakaisip ng mapagtanto na nakatayo na pala ako mula sa nakauwang na bukas na pinto. Kita mo na.. Sabi na at kinikilig na nga ang balyena na sinalubong siya. Tuwang-tuwa na nakipagkamay habang siya malambing na pinagkangitian yung balyena na kinikilig. Babaero! Gago at siraulo. ++++++++++++ After kong mameet si Milca mula kagabi sa bar para na akong naobsessed na makuha siya para mapagtrabaho sa kumpanya. I can't explain pero parang may naiiba sa kanya at feel kong perfect siyang duon at di rito sa... Mukha pa lang parang balyena na siya. Habang sinasalubong ako ng boss ni Milca. “Hi, Mr. Cabreras, buti at napadaan ka rito sa kumpanya ko." aniya ng malapitan na ako. Hindi maalis ang ngiti pero di maalis ang inis ko ng maalala na pinahirapan ako ni Milca kaya naman naririto ako. Para sunduin at sapilitang mapagtrabaho sa aming company. Hindi ako papayag na di ko siya madadala at mabibitbit papuntang Cabreras. Dahil di ako makakapayag na di siya makuha. FLASH BACK Yung puso ko panay ang kabog. Hinihingal ako at halos kinakapos mula sa malayong pagkakatakbo. Napakalayo na ng tinakbo ko simula ng magawa kong sundan si Milca. Nakatanaw nalang ako mula sa papalayong taxi habang nakahinto ng mahinto ako sa paghabol sa kanya. Bakit ko ba kasi ginawa ito? punas ng panyo ang pawis na tumutulo sa aking nuo. Kasalanan mo rin kung bakit kailangan mo pang habulin? Para akong tanga na nakikipag away sa sarili ko na gayon na tapos na at nakalayo na si Milca mula sa pagsakay nito sa taxi maiwasan lang ako. “Bro, anong nangyari sayo?" I can't imagine na maabutan nila ako at makikita sa kabila ng malayo na rin ito mula sa lugar ng bar na pinanggalingan ko. “Wala! Nag-jog lang ako. Medyo may amat's na kasi nais kong mawala. Alam niyo na si Anthony baka maamoy 'yari na naman. Sermon pag-uwi." sagot ko sa kanila habang pinagtatawanan ako. Napasinghap ako habang nakisabay na rin sa kanilang pagtawa. “Hanggang ngayon ba?" Tanong ng isa sa tropa. “May magbabago ba?" sabay biro pa ng isa at tumawa rin sa sinabi niya. Sa totoo ay tama naman. Para akong bata na bantay sarado pa rin sa kapatid kong daig pang magulang kung makabantay at sermunan ako. Ganito na oras dapat na nasa bahay na ako. Pero ng dahil sa Milca na yon inabot na ako ng curfew na ibinigay ng aking kambal. “Bro, di ka pa naman uuwi?" tanong ulit ng isa mula sa kanila. “Why?" so, nakita ko na kung bakit ng masulyapan ko agad ang dalawang babaw na kasama nila. Nakuha ko na agad ang nais na iparating nila ng tanungin nila ako. “Sama ka muna. Late na rin naman lubusin mo na!" nakangisi na para bang tinutukso akong sumama at huwag ng sundin ang curfew na siyang dapat na masunod. Pero naiisip kong sangkatutak na sermon ito oras na di ako umuwi sa oras na ibinigay ni Anthony. Napatingala ako habang nag-iisip. Sasama ba ako? Batrip ako at nais kong marelax. Makasama na nga. “Ano? Bro, sama ka na." may pamimilit na sabi nila. Nagtatawanan pa sila na makita ko na ang ginagawa nila mula sa dalawang babaeng kanilang kasama. Shit! napalunok agad ako at nabuhayan ng makita kung papaano naluruin ang pang loob ni.... “Ano, Bro nakita mo na? Exciting di ba? So, sumama ka na ng malasap mo at maenjoy." pakiramdam ko nang gigigil ako mula sa dalawang babae na yon. “Okay! Susunod ako. Saan ba?" tanong ko parang excited mula sa mangyayari mamaya. “Kila Alex, sunod ka ahh! Yummy." anito na binasa pa ang pang ibabang labi niya. “Okay sige!" tumango nalang din ako habang sa mga babae ang tingin. “Sumunod ka ahh" sigaw pa nila at tumango ulit ako. Mabilis kong tinungo yung kotse ko at mabilis ring pinaandar yon. Pero di para sumunod sa kanila. Kundi para sundan yung taxi na sinasakyan ni Milca. Sakto natanaw kong nag red light yung stop light mula sa kabilang kanto kung saan duon nakalinya ang sinasakyan ni Milca. Dali-dali kong pinaandar ang kotse ko at pinatakbo. Halos walang traffic pero sunod-sunod kasi ang stop light kaya naman nahabol ko rin ang taxi na kinakalulanan ni Milca. Bravo! Yari ka.. Nang matanaw ko ng bumaba si Milca at ako naman nakaparada mula sa di kalayuan. Kita ko rin saan kita mapupuntahan. Napangiti ako habang tanaw lang siya na naglalakad mula sa isang maliit na eskinita. Naglalakad ako sinusundan siya habang nang makita ko na pumasok na siya sa isang pintuan na maari na kanyang tirahan. Muli napangiti ako at nang makapasok na siya ng tuluyan. Tuluyan na rin akong umalis sa lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD