Matapos ni Allan na sundan ang sinasakyan, na taxi ni Milca, at malaman ang tinitirhan nito. Agad rin siyang sumakay sa kotse at sumunod sa kanyang mga kaibigan. Nagmaneho siya ng kanyang sasakyan nang halos inabot rin ng isang oras ang kanyang naging biyahe. Halos wala naman gaano sasakyan sa daan ay natagalan pa rin siya na makarating sa bahay ni Alex. Kasi nga ay kung saan pa nadadala ng isip niya ang kanyang pagmamaneho. Kaya naman, pahinto-hinto siya sa tuwing natatawa na iniisip niya ang pagtataray ni Millca sa kanya. Siya naman kasi ang siyang may kasalanan kung bakit natarayan siya ni Milca, aminado naman rin itong si Allan. Makalipas nga ang isang oras ay nakarating na rin siya sa bahay ni Alex ang kaibigan niya na may-ari ng bahay na madalas nilang tambayan. Mabilis niyang