KABANATA 1

1884 Words
"Pareng Tonyo heek! Uwi na ako ha. Alam mo naman si Mareng Bebang mo hindi makatulog hanggat dipa ako umuuwi. Tsaka medyo timaan na rin ako nitong iniinom nating lambanog," sabi ni Celso sa kumpareng kainuman. Taga kabilang ibayo pa si Celso na dumayo lang sa San Miguel upang dalawin ang kumpareng si Tonyo. Nagkayayaang uminom kaya medyo ginabi na. "Pare naman dipa nga ako nalalasing iiwan mo na ako agad. Tsaka pare, delikado nang ikaw ay umuwi pa lalo pa at gabi na hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo ang kinatatakutan naming mga taga rito. Mas mabuti pa pare, bukas ka na lang umuwi," pigil ni Tonyo sa kumpareng si Celso. "Naku pare, salamat nalang pero alam mo naman si Mareng Bebang mo mag-aalala yon. Tsaka, kalokohan yang kinatatakutan na yan. Sa panahon ba naman natin ngayon, di na uso ang ganyan. At iyong mga natatagpuang patay na karumaldumal ang paraan ng pagpatay, kagagawan lang ng mababangis na hayop yon na naninirahan sa ating kagubatan," natatawang sabi nito sa kumpare. "Ikaw ang bahala pareng Celso, ang sa akin ay nagpapaalala lang." "Salamat pare sa pag-aalala. Hayaan mo papasyal nalang ulit ako sayo. Pano pare, mauna na ako," paalam nito. "Sige pare, mag-iingat ka. Dalhin mo na itong flashlight at itak para kung sakaling may mangyari man may magamit ka kahit papano." Natawa lang si Celso sa sinabi ng kumpare niya ngunit di nalang ito pinansin. "Okey pare, sige alis na ako. Salamat ulit." pagkuway tumalikod na ito ar binagtas ang daan pauwi. Inihatid nalang ng tingin ni Tonyo ang kumpare habang papalayo. "Sana naman hindi mapahamak si Pareng Celso," usal sa sarili ni Tonyo. Pagkuway pumasok na rin ng kabahayan ng tuluyang mawala sa kanyang paningin ang kumpare. Samantala, habang naglalakad si Celso, nakakaramdam sya ng di maipaliwanag na kaba. Pakiramdam niya ay may sumusunod sa kanya ngunit sa tuwing lumilingon siya wala naman siyang nakikita sa likuran. "Ahhh, baka naman dahil lang ito sa sinabi ni Pareng Tonyo. Hmmp! kalokohan lang naman ang lahat ng iyon," tatawa-tawang sabi nya sa sarili. Pero dipa rin nawala ang kanyang kaba. Lalo na at malayo na siya sa mga kabahayan at malapit na sa may kakahuyan na nagsisilbing pagitan ng kanilang baryo at Bayan na San Miguel. Ngunit lalo siyang kinabahan at pinanindigan ng balahibo ng sa pagdating niya sa bungad ng kakahuyan, biglang lumakas ang hangin nagliparan ang mga sukal at nagsasayawan ang mga sanga ng punong kahoy na animo ikinagagalak na doon siya dumaan. Pero medyo lumakas na ang kanyang loob na dahil malapit na siya sa kanilang Baryo. Ngunit isang napakalakas na pagaspas na tila isang napakalaking ibon ang nagpagulat sa kanya. Lalo niyang binilisan ang kanyang paglakad, dahil laksa-laksang takot ang nag-hahari sa kanyang pagkatao. Alam niyang hindi pangkaraniwan ang kanyang nakita. "Parang totoo ang sinabi ng kanyang kumpadre," sa isip-isip ni Celso. "Kakak! Kakak! Kakak!" huni ng nilalang na nagbigay kay Celso ng ibayong takot at mas lalo pa nyang ikinasindak ay ng makita nyang lumapag sa unahan ng kanyang daraanan ang tila isang napakalaking ibon. Naglakas loob si Celso na tutukan ng flashlight ang nilalang, gimbal na gimbal siya sa nakita. Isang kakilakilabot na nilalang ang kanyang nakita. Meron itong matutulis at mahahabang pangil sa bunganga at nakakadiring tumutulo na animo napakalagkit na laway na nagmumula sa bunganga nito. Nagtataglay din ito ng mapupula, malalaki at nanlilisik na mga mata. Ilong na hindi mo mawari ang itsura, balahibuhing balat at mga pakpak na animo sa isang paniki. Napagtanto niya na isang aswang ang nasa kanyang harapan. Naamoy na niya ang panganib! Nanganganib ang kanyang buhay, alam niya na hindi siya bubuhayin ng impaktong ito. Hindi malaman ni Celso kung saan siya tatakbo! Basta kumaripas nalang siya ng takbo ng makitang susugurin siya ng aswang. "Kakak! Kakak! Kakak! Tumakbo ka hanggat gusto mo!" sabi ng Aswang sa makapanindig balahibong boses. Walang humpay na takbo ang ginawa ni Celso, ngunit hindi siya mananaig sa nilalang na ito na uhaw sa dugo at sabik sa laman ng tao. Naramdaman nalang niya ang pagbaon ng matutulis na kuko nito sa kanyang likod at pagbaon ng mga pangil sa kanyang leeg! "Ahhhh!!!!!! Arrrrrgh......!" isang kalunos-lunos at kakila-kilabot na sigaw ang namayani sa katahimikan ng gabi. Kinabukasan isang kalunos na balita ang pumutok sa Bayan ng San Miguel pati na sa mga karatig na lugar. Isang lalaki ang natagpuang patay sa loob ng kakahuyan, karumal-dumal ang paraan ng pagpatay dito. Wak-wak ang tiyan, labas ang mga bituka, wala ang puso nito, nakalawit ang dila at dilat na dilat ang mga mata na animo sindak na sindak. Ibayong takot nanaman ang bumalot sa mamamayan ng San Miguel. Marami ang usyosero, nakilala na rin ang biktima at dumating na ang pamilya nito. Mga panaghoy ng mga kamag anak ng namatay ang namayani sa sandaling iyon. "May nabiktima na naman ang aswang. Nakakatakot talaga,dapat mapatay na ang halimaw na yan!" sabi ng isang residenteng babae na nakikiusyoso rin sa nangyari. Pagkuway dumating na ang mga pulis, unti-unti namang nahawi ang mga taong nakikiusyoso. Habang nagkakagulo sa buong San Miguel ang mansyon ng mga Del Frio ay tahimik na tahimik, tila isa itong bahay na walang nakatira. Ganito na ang mansyon ng mga Del Frio ngayon. Dating masigla at puno ng buhay ang masyon na ito. Ngunit ng umalis ang unico hijo ng mag-asawang ito, nawala ang sigla at buhay nito. Pati ang mag asawa nawalan na ng ganang mabuhay. Patunay ang mahabang panahong pagkakasakit ng Donya na hanggang ngayon ay dipa rin gumagaling. May bali-balitang halos buto't balat na ito at nakakadiri na ang itsura dahil nagsusugat-sugat na ang buong katawan na nito. Dati labas pasok lang sa mansyon ang mga tao, ngunit ng mawala ang anak ng mga ito. Dina rin sila nakihalubilo sa mga tao, ngunit hindi pa rin naputol ang pagtulong nila sa mga ito. Likas na matulungin ang mag-asawang ito, kaya ikinalungkot ng karamihan na ganito ang sinapit ng mag-asawa. Ngunit hindi alam ng lahat ang dahilan kung bakit naglayas ang anak ng mga ito. Basta isang araw, nabalitaan nalang nilang naglayas ang anak ng mga itong si Khalil. Napakabait na bata nito kaya nagtataka ang lahat kung bakit naisipan nitong maglayas. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, na ang ipinapakita ng mag-asawa ay isa lamang pagbabalat-kayo, isa lamang panlilinlang. Dahil ang mag- asawang ito ay kampon ng kadiliman. Mga kampon ng demonyong nagtatago sa likod ng mapanlinlang nitong kabutihan. Si Corazon Flores Del Frio, siya talaga ang kampon ng dilim dahil ang pamilya nila ay isinumpa. Nakilala niya si Fidel minahal siya nito kahit na, natuklasan nito ang tunay na pagkatao ni Corazon mas pinili nito na mapabilang sa kanilang lahi kesa malayo sa babaeng kanyang pinakamamahal. Nagbunga ang pagmamahalan nila, isang batang lalaki, pinangalanan nila itong Khalil. Mahal na mahal ng mag-asawa ang kanilang anak. Namuhay sila ng masaya at payapa kahit patuloy pa rin ang kanilang paghahasik ng lagim. Ang nagbibigay buhay kasi sa kanila ay ang kanilang anak. Umabot ng kinseng taon gulang ang kanilang anak ay itinago nila ang tunay nilang katauhan dito. Ngunit batid nila na darating ang panahon na malalaman din nito ang kanilang lihim dahil ito ay magiging ganap ding aswang sa pagdating ng takdang panahon. Pero dipa dumadating ang takdang panahon, hindi sinasadyang natuklasan nito ang kanilang lihim. May dinaraos na kasiyahan sa mansyon, kaarawan ng unico hijo ng mag-asawa. Ika-labing limang taong kaarawan nito. Marami ang dumalo, mga mayayaman at mahihirap. Habang nagkakasiyahan ang lahat, hindi naman mapakali ang isang nilalang dahil sa matinding pagkagutom. Lumalalim ang gabi mas lalong tumitindi ang pagkagutom ng nilalang na ito. Napakabango sa kanyang pang amoy ang mga kabataang nasa paligid. Halos maglaway na sya sa mabangong amoy, amoy ng sariwang pagkain, amoy ng sariwang laman ng tao. "Hah! Hindi ko na kaya pang magpigil!Ikamamatay ko kung hindi ko manlang matitikman ang isa sa kanila," luminga-linga ito sa paligid, naghahanap ng pwedeng mabiktima. Hanggang sa isang matabang bata ang napansin niyang nag-iisa, pagkuway lumakad ito patungong hardin. Napangisi ang nilalang, hindi na niya problema ngayon kung papano siya makakakain. Pagkuway tumayo na ito at sinundan ang bata. Mabibilis ang mga hakbang tila sabik na sabik. Pagdating niya sa madilim na bahagi ng mansyon, bigla ng nagpalit ito ng anyo. Isa na itong nakakatakot na nilalang na animo anumang oras handa na itong manlapa. Sinunggaban agad nito ang bata, ni hindi nakapiyok ang bata dahil sinakmal agad nito ang leeg at sinipsip ang dugo nito. Nang wala ng masipsip na dugo ang nilalang, walang awang winakwak nito ang dibdib na bata at dinukot ang puso nito kasunod ang atay. Tila sarap na sarap ang halimaw sa pagkain dahil kita sa paraan kung papano siya ngumuya. Walang kaalam-alam ang nilalang na may isang pares ng mata ang kanina pa nakamasid sa kanya, hindik na hindik ito sa nasaksihan. Ito ay walang iba kundi si Khalil, sinundan nya kasi ang mommy Corazon niya dahil nakita nya itong umalis sa bulwagan. Tatawagin nya sana ito para tanungin kung saan pupunta, ngunit napakabilis naman nitong maglakad kaya sinundan nalang niya ito. Ngunit hindi nya akalain na may matutuklasan siyang lihim ng magulang na kasumpa-sumpa. Ang kanyang ina na walang iba kundi si Donya Corazon ay isang aswang! "Ano ako? Isa din ba akong halimaw?!" bigla niyang naitanong sa sarili. "Hindi, hindi maaari ito. Kasuklam-suklam ang ginawa ng aking ina. Kailangan naming magtuos ni mommy. Kailangang kausapin ko siya," muli niyang sabi sa sarili. Kaya naman kahit medyo natatakot, nilakasan nya ang kanyang loob, lumabas sya sa pinagtataguan sapat para mapansin sya ng kanyang inang halimaw. "A-anak?!" gulat na sambit ng ina ni Khalil. Bigla itong bumalik sa dating anyo, ngunit agad itong tumakbo palayo dahil ito ay hubo't hubad. Sinundan ni Khalil ang ina, at nakita nya itong pumasok sa isang pinto na hindi nya alam kung para saan dahil ngayon lang niya ito napansin. Pumasok din sya sa pintokung saan pumasok ang kanyang ina. Natuklasan nya na patungo pala ito sa kwarto ng kanyang mga magulang. Naabutan nyang nakabihis na ang kanyang ina. Nakatingin lang ito sa kanya na animo naghihintay ng kanyang sasabihin. "Mommy ano ang ibigsabihin nito? Bakit ganon ang itsura mo? Bakit?! Ahhh!" tanong ni Khalil sa ina, hindi na niya alam ang ibang sasabihin kaya napasigaw nalang siya. "Anak, patawarin mo ako pero ito ang totoo kong pagkatao. Isa akong aswang at darating ang panahon na ikaw ay magiging katulad ko rin." "Hindi! Ayoko Mom! Hindi ko kailanman matatanggap ang kalokohang ito. Ayokong maging halimaw na katulad nyo!" "Sa ayaw at sa gusto mo kailangan mong tanggapin na isa ka ring halimaw!Darating ang takdang panahon, na magiging isa ka ng ganap na aswang!" "Hindi! Hindi maaari! Ayoko!" mariing tanggi ni Khalil sa ina, naiyak na rin siya sa sobrang galit at takot. "Pagsapit ng ika-dalawampu't isang kaarawan mo, iyan ang araw kung saan magiging isa ka na rin sa amin. Kaya kahit ano pang gawin mo wala ka ng magagawa. Mararanasan mo na kung papano manabik at mauhaw sa dugo at laman ng tao. Matitikman mo na ang napakasarap na putaheng kailanman ay di mo pa natitikman!" tila nababaliw na pahayag ng kanyang ina. Sinundan pa nito ng paghalakhak. "Hindi! Hindi! Hindi!" pasigaw na sabi ni Khalil at patakbong nilisan nito ang silid ng mga magulang. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD