Napatingin sa orasan si Janine, malapit na palang mag alas diyes ng umaga. Ibig sabihin kung aalis sila pagkapananghalian, dapat magluto ng ulam para sa pananghalian habang naliligo pa ang kanyang kuya. Kaya naman tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sahig, nanonood kasi siya ng tv. Minabuti niyang tingnan ang mga gulay na nasa ref kung may natitira pa para lutuin niya. Pero isang taling pechay na lamang pala at dalawang patatas ang nandoon. Kaya naisipan niya na lumabas na lang muna saglit at bumili ng kanyang lulutuin sa palengke. Lumapit naman siya ng bahagya sa may pinto ng banyo na tanging kurtina lamang ang tabing. "Kuya lalabas lang muna ako bibili ako ng ulam natin para sa pananghalian wala na pala tayong stock dito eh." paalam niya sa kanyang kuya. Pasigaw na nga iyon dahil ka