Samantala sa Manila "Wow thank you po dito Kuya Khalil. Grabe hindi ko po akalain na bibigyan niyo po ako ng cellphone. Okay lang naman po kahit wala pero sobrang natutuwa pa rin po ako kasi hindi ko po talaga akalain na bibigyan ninyo ako ng ganito. Hindi po ba mahal mahalang mahal po nito Paano po yun baka maubusan tayo ng pera." tuwang-tuwa si Janine habang sinisipat ang cellphone na ibinigay sa kanya ng kanyang kuya Khalil. Napakaganda ng kulay itim na cellphone na binili nito sa kanya. Sa totoo lang kahit sa panaginip hindi niya akalain na magkakaroon siya ng gano'n kagandang cellphone. Sobrang napakaswerte talaga niya ng makilala niya ang kaniyang Kuya Khalil. Una pinagtanggol siya nito doon sa Ale na nagagalit sa kanya sa Baclaran. Pangalawa inampon siya nito kahit hindi naman