"Ang tanga mo naman Fidel! Bakit binuhay mo pa 'yung isa 'di ba sinabi mo na dalawa iyong nais na isiwalat ang sekreto natin?! Kaya bakit isa lang ang nabiktima mo? Bakit isa lang ang napatay mo? Sinabi ko rin sayo na kuhanin mo ang mga laman loob dahil gutom na gutom na ako bakit iyan lang ang dala-dala mo! Napaka inutil mo talaga! Iyan kasi ang ayaw ko sayo eh, hindi mo ako pinapakinggan kaya sa tuwing ikaw ang sasalakay lagi na lang may bulilyasong nangyayari, lagi na lang palpak!" halos dumagundong sa galit ang boses ni Corazon habang pinagsasabihan ng asawa nito. Gutom na gutom siya maghapon ba naman na hindi siya nakainom ng dugo. Ang nais niya ay dalhin nito ang katawan o kaya naman ay kuhain nito ang dugo ng biktima dahil nais niyang uminom ng sariwang dugo. Kagabi kasi wala rin