Minabuti niya na hindi na lamang ito pansinin at nagsimula na siyang hugasan ang bigas para makapagsaing na siya. Ayaw na niyang makipagtalo sa kanyang kuya dahil siya lamang din naman ang masasaktan. Ilang minuto lamang itong nakatayo sa may bandang likuran niya, pinagmamasdan siya pero hindi na siya nagsalita pa ng kahit na ano ayaw na niya munang makausap ito dahil alam niyang wala rin namang patutunguhan ang lahat. Kahit pa magsalita siya ng magsalita, sabihin dito ang mga nais niya. Syempre nakakahiya din na sa kanya pa magmula ang bagay na iyon baka pagtawanan pa siya nito. Si Khalil naman ay gulong-gulo ng mga sandali iyon, hindi niya malaman kung papaano niya ipapaliwanag kay Janine ang mga nangyari. Kung papaano ipapaliwanag dito na hindi niya iyon nagawa dahil sa naniningil si