"Buti na lang nandiyan si Manang Helen kaya medyo tumiklop yung may-ari ng bahay. Kuya, kinabahan ako don ah salamat na lang talaga akala ko talaga mapapaalis na tayong dalawa." Medyo nakahinga na siya ng maluwag ng mawala na ang tensyon sa paligid. "Ano ka ba 'di tayo kayang paalisin ng matandang yan, nagastos na niya iyong pera at saka hindi ako papayag na hindi niya ibalik 'yung mga in-advance natin, 'tsaka deposit natin 'no. Nag-advance na naman nga siya ng isang buwan para sa bayad natin yung next month, hindi pa nga natatapos 'tong buwan na 'to bayad na yung next month. Kaya huwag kang mag-alala hindi tayo mapapaalis ng babae na iyon dito." mababakas ang pagkainis sa boses ng kanyang kuya. Minabuti niyang lapitan ito at bahagya itong tinapik sa balikat. Ramdam na ramdam kasi niya