Giovanni-4

1500 Words
Iniwan n'ya sa suit ang asawa, matapos makita itong umiiyak. Hindi n'ya kayang makitang umiiyak ang asawa. Kahit noon pa man may pagkaiyakin na su Iya, at aaminin n'yang kahinaan n'ya ang pag-iyak ni Iya mula noon magpa hanggang ngayon. "Damn!" Mura n'ya sa sarili habang umiinom sa bar ng hotel. Nang makita n'ya kanina ang asawa sa apartment nito na ang suot ay tanging manipis na pantulog lang ay matinding pag pipigil ang ginawa n'ya na huwag hawakan ang malambot na katawan ng asawa. Pero hindi n'ya nagawang pigilan ang sarili na halikan ang mga labi ng asawang tila laging nakabukas at naghihintay ng halik mula sa kanya. Dalawang taon na mula ng umalis ang asawa at iwan s'ya. Sya ang may kasalanan kung bakit umalis si Iya at iniwan s'ya. Kaya naman hindi na s'ya naglakas ng loob para habulin ito at ibalik ng San Rafael. Hinayaan na muna n'ya ito, dahil s'ya naman ang may kasalanan. Pinagsisihan naman n'ya ang nagawa sa asawa ng gabing 'yon. Hindi n'ya sinasadya 'yon. Nadala lang s'ya ng galit n'ya sa asawa. Pero hindi n'ya gustong saktan ang asawa ng ganoon. Hindi s'ya bayolenteng tao, lalo na pagdating sa babae. Mataas ang paggalang n'ya sa mga babae, dahil tanging Mama lang n'ya ang nakasama n'ya sa paglaki, at naturuan s'ya ng maayos na paggalang ng Mama n'ya sa mga babae. At alam n'yang ang ginawa n-ya kay Iya noon ay dala lang ng galit at nasisisi na s'ya, kung alam lang ni Iya ang pagsisisi n'ya ng gabing 'yon. Pinuntahan n'ya ang asawa dito sa New york para personal na sunduin at pauwiin ng San Rafael. Nais kase ng amang si Gabriel Saavedra na maiharap na n'ya ang asawa rito. Alam n'yang napakabata pa n'ya para magkaroon ng asawa. Bente singko pa lang s'ya. Kaya naman nang sabihin sa ama na may asawa na s'ya ay nagduda ang ama sa kanya. Anak s'ya sa labas ni Gabriel Saavedra, at sabi ng ama nakahanda na daw itong iharap s'ya sa lipunan at ipakilala bilang huling Saavedra. May tatlo s'yang kapatid sa tunay na asawa ng ama. At ang balita n'ya may asawa na ang panganay na kapatid sa ama na si Gavin. Ang sumunod naman ay si Gab na balita nyang naipagkasundo na daw ng ama sa anak ng kasosyo nito. At ang pangatlo ay si Gael na matagal na rin daw pinagkakasundo ng ama sa kasosyo, ngunit sumusuway ito at sa huling balita n'ya ay engaged na daw ito at malapit na ring magpakasal sa babaing si Gael mismo ang pumili at hindi ang ama. Sa galaw ng ama sa mga kapatid ay tila nais nitong ito ang mamili ng mapapangasawa ng mga anak nito. Kaya naman kinakailangan na n'yang iharap si Iya bilang asawa n'ya sa ama para hindi na s'ya nito pakialaman pa sa buhay pag-aasawa n'ya. Sa tutuusin hindi naman n'ya kailangan pang makilala ang ama. Dahil gumagawa na rin s'ya ng sariling pangalan pagdating sa negosyo. Marahil nasa dugo nga n'ya ang pagiging isang Saavedra. Dahil katulad n'yang tuso ang ama pagdating sa negosyo. At si Iya? Ano bang balak n'ya matapos ipakilala ang asawa sa ama? Sa nakita n'ya kanina sa asawa at tila ayaw na n'yang iwan pa rito ang asawa. Lalo na dahil may Lauren na dumalaw sa asawa. Napatiim bagang s'ya at humigpit ang pagkakahawak sa kopita. Mula kaninang makita n'ya ang asawa ay hindi ito nawala sa isip n'ya. Kanina pa gumugulo sa isip n'ya ang magandang asawa. Oo meron s'yang maganda at kaakit-akit na asawa. Dalawang taon man ang lumipas ay walang nagbago sa asawa, naroon pa rin ang ganda nito at mga kiming pagkilos. Sa paglipas ng mga taon ay masasabi n'yang lalo lang gumanda ang asawa, at mas lalong naging kaakit-akit ito, na nakadagdag sa isipin n'ya kung ano ang gagawin sa asawa matapos ipakilala sa ama at mga kapatid n'ya. "Iya" he whispered at inubos ang laman ng kopita. Sumenyas na sa waiter na ibigay na ang bill n'ya. Aakyat na s'ya sa suit nila ng asawa. Nais n'yang muling masilayan ang magandang asawa na hindi na nawala sa isip n'ya. Matapos makapagbayad agad na s'yang lumabas ng Bar nang hindi sinasadyang may makabunggo s'ya sa may pintuan. " I'm sorry," Paumanhin n'ya sa babaing nakabunggo. Humarap sa kanya ang babae at ngumiti. Agad n'ya itong nakilala si Abby. His ex girlfriend. "Abby?" Paninigurado n'ya sa babae. "Giovanni?" Tanong ng babae sa kanya. Ngumiti s'ya at tumango. "Oh my god Giovanni," excited na sabi ng babae at agad s'yang hinila nito at niyakap. "I can't believe it, na dito pa pala tayo magkikita sa New york," sabi nito at kumalas ng pagkakayakap sa kanya. Nailang s'ya biglang sa ginawa ni Abby na pagyakap sa kanya. Well knowing Abby, hindi naman bago rito ang mga ganoong bagay. Sanay na sanay na ito sa pagyakap-yakap kung kani-kanino kahit noon pa man. "What are you doing here?" Tanong nito sa kanya. "Well, nothing gusto ko lang mag relax," sagot n'ya. "Really? come on, samahan mo ko. I'm alone and I need a drink buddy," anyaya nito sa kanya at hinila s'ya sa kamay. Hindi naman s'ya nakatanggi pa, kaya naman sumama na s'ya rito papasok muli ng Bar. Hindi naman siguro masamang uminom s'ya with his ex girlfriend habang mag-isa ang asawa sa suit nila hindi ba? Tanong n'ya sa sarili at napailing. Hindi problema kung wala s'yang pakialam sa asawa n'ya. Pero bakit n'ya biglang naisip ang asawa kung wala s'yang pakialam? Tanong n'ya muli sa sarili. Naguguluhan tuloy s'ya. Salita ng salita si Abby at wala naman s'yang naiintindihan sa mga sinasabi nito, dahil nasa asawa n'ya ang isip n'ya. "Ano na bang balita sa isang Giovanni Saavedra ngayon ah?" Narinig n'yang tanong ni Abby matapos mailapag ang order nilang alak. "Nothing," tipid na sagot n'ya. Abby is his ex girlfriend. Kasama naman sa kabataan n'ya ang makipaglaro sa mga babae noong wala pa s-yang asawa. Hindi naman nagtagal ang relasyon nila ni Abby. dahil bata pa naman s'ya noon at wala pang balak mag seryoso. Nag enjoy lang s'ya kasama si Abby sa mga bagay na nais n'yang i enjoy ng mga katulad nya. Well, Abby Alegre is beautiful woman, and game sa lahat ng bagay, kaya naman naging girlfriend n'ya ito, though hindi naman n'ya niligawan si Abby, basta na lang nangyari na may relasyon na sila at komportable sila sa mga ginagawa nilang kakaibang bagay. "What are you doing here in New york?" Abby asked him. "May binisita lang," tipid na sagot n'ya. "Yung batang kapatid ba ni Lance?" Tanong nito. Alam n"yang alam ni Abby na may asawa na s'ya at si Iya 'yon. Tumango s'ya rito at inubos ang laman ng kopita. "I see. Nabigla ako ng malamang ikinasal ka sa batang 'yon" turing nito kay Iya. "Hindi naman s'ya ganoong kabata noon. She's eighteen mature enough," sagot n'ya at liningon ang paligid. Nadako ang mga mata n'ya sa may pintuan. Iniisip n'yang kung hindi n'ya nakasalubong si Abby sa pintuan ng bar ay baka nasa suit na s'ya kasama ang asawa. "Kayo pa rin ba?" Tanong ni Abby at naramdaman ang kamay nito sa ibabaw ng kamay n'ya. Sinulyapan n'ya si Abby at nakita ang mapangakit nitong mga mata. Alam n'ya ang ganoong titig ni Abby, kabisado na n'ya ito. But hindi na pwede. Kasal na s'ya at may asawa s'ya. Hindi na n'ya pwedeng gawin ang mga dating ginagawa. Inalis n'ya ang kamay para makaiwas sa pang-aakit ni Abby sa kanya. "I'm married Abby," sabi n'ya at tinaas ang kamay kung saan suot-suot n'ya ang singsing, tanda ng kasal na s'ya. Ngumiti si Abby at pailing-iling ng ulong nilagok ang alak sa baso nito. "I can't believe na nagpatali ka kaagad sa spoiled na batang 'yon" sabi ni Abby, nais sana n'yang ipagtanggol ang asawa sa pagtawag na spoiled ni Abby pero hindi na n'ya nagawa. Nang mapansin ang babaing papasok sa bar. Nakasuot ito ng denim jacket and shorts, short. Nakalugay ang mahabang buhok, habang palingon-lingon sa loob ng bar. "Iya," bulong n'ya habang nakamata sa asawang, tila walang kamalay-malay kung gaano ito kaganda. Napansin din n'ya ang mga ilang kalalakihang naroon na tumitingin sa asawa. Umaagaw ng pansin ang asawa n'ya sa mga lalaking ibang lahi. At hindi n"ya nagugustuhan ang pagtingin ng mga ito sa asawa n'ya. Lalo na kung suriin ang asawa ng mga ito ay tila walang saplot at nais kainin ng buhay. "Damn it," mura n'ya. At hakmang tatayo ng pigilan s'ya ni Abby sa kamay. "Aalis ka na?" Tanong nito sa kanya. Liningon n'ya si Abby at muling bumalik ang mga mata sa asawa na nakatayo sa di kalayuan. Nakatingin ito sa kanya at nagbaba ng tingin sa kamay n'yang hawak ni Abby at nakita ang gulat sa mga mata ng asawa ng mapatingin kay Abby. Kilala ng asawa n'ya si Abby, dahil minsan ng nagpunta ito sa bahay nila Lance. "s**t," mura n'ya muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD