Kanina pa s'ya mag-isa sa silid. Iniwan s'ya ni Giovanni mag-isa. Mag iisang oras na ring wala ang asawa sa suit nila. At kung anu-ano na ang pumapasok sa isip n'ya. Bakit pa kasi sya pinuntahan ng asawa at nais ibalik sa San Rafael? Wala na sa bayan na 'yon ang buhay n'ya. Masaya na s'yang namumuhay ng tahimik at mag-isa. Nasasanay na nga s'ya mag-isa e, dahil napatunayan n'yang kaya n'ya. Kaya n'yang buhayin ang sarili sa New york. Kahit paminsan-minsan humihingi s'ya ng tulong pinasyal sa kuya Lance n'ya. Hindi naman madalas 'yon pag talagang nasasagad lang s'ya sa pera hangga't maaari ay iniiwasan n'ya. Dahil sa tuwing kakausapin n'ya ang kapatid walang ibang bukang bibig ito kundi ang umuwi na s'ya ng San Rafael. Bagay na ni minsan hindi na sumagi sa isip n'ya ang muling bumalik ng San Rafael.
Pero eto s'ya, nasa isang suit at naka empake ang mga gamit n'ya, dahil hindi n'ya kayang sawayin ang asawa. Hindi s'ya nanalo sa mga pangangatwiran n'ya kay Giovanni. Susunod s'ya ngayon pero aalis din s'yang muli. Hindi na s'ya kailanman makikisama pa kay Giovanni. Hinding-hindi na n'ya hahayaang masaktan muli ng asawa.
"Asaan na ba 'yon, bakit n'ya ko iniwan mag-isa?" Tanong n'ya sa sarili. At nagpabalik-balik s'ya sa malawak na silid, kagat kagat n'ya ang daliri ng biglang tumunog ang cellphone. Napapitlag pa s'ya at mabilis na kinuha ang cellphone sa kama, sa pag-aakalang si Giovanni ang tumatawag. Pangalan ng kaibigan ang nasa screen si Lauren.
"Anong nangyari?" bungad ng kaibigan sa kabilang linya.
"Nasaan ka? umuwi ka ba talaga ng pilipinas kasama ang asawa mo?" Tanong ng kaibigan. Alam ni Lauren ang totoong sitwasyon n'ya, na kasal na s'ya at walang damdamin ni katiting sa kanya ang asawa n'ya, kaya nasa New York s'ya at mag-isa. At kanina bago s'ya umalis ng apartment nakapag text s'ya sa kaibigan na uuwi na muna s'ya ng pinas dahil sinusundo na s'ya ng asawa n'ya.
"Nasa hotel pa kame malapit sa airport, bukas ng umaga ang alis namin," sagot n'ya sa kaibigan.
"NY Hotel ba 'yan?" Tanong ng kaibigan.
"Oo yata," sagot n'ya.
"That's great andito din ako, we can meet sa may bar sa ibaba. I'm with Tim," sabi ng kaibigan. Tim is her friend new boyfriend.
"Ah.. sige pupuntahan kita dyan. Para naman makapag paalam ako sa iyo," sagot n'ya sa kaibigan bago nagpaalam rito.
Agad s'yang nagbihis para makipagkita sa kaibigan sa may bar. Casual lang ang sinuot n'ya, white croptop, denim jacket and black shorts, short showing off her perfect legs. Wala na s'yang nilagay ng kung anu-ano mukha, liptint lang sapat na at nilugay ang mahabang buhok.
"Bahala na s'ya kung hanapin n'ya ko mamaya," bulong n'ya at mabilis na lumabas ng suit.
Pagdating sa ibaba ng hotel agad s'yang nagtanong kung nasaan ang bar ng hotel. Tinuro s'ya sa may groundfloor, kaya naman agad na s'yang bumaba ng groundfloor. Panay lingon nga n'ya sa paligid nagbabakasakaling makita ang asawa sa may lobby ng hotel, pero hindi n'ya ito nakita.
Pagdating sa bar agad na s'yang pumasok sa loob, so classy and solem ng silid. May mga tao sa loob na nag-iinuman. Hinanap n'ya ang kaibigan sa paligid. Nagulat s'ya ng hindi si Lauren ang nakita n'ya sa bar. Kundi si Giovanni with a woman.
"I see, kaya pala wala s-ya sa suit, nandito at may kasamang babae," bulong n'ya at bumuntong hininga. Sinulyapan n'ya ang babae, at agad ba nakilala si Abby Alegre. Naisip tuloy n'yang baka naman magkasama ang dalawa sa pagpunta dito.
Nakita n'yang napansin s'ya ni Giovanni at hakmang tatayo ito ng makita s'ya, pero pinigilan ito ni Abby. Napakunot ang noo n'ya ng makitang hawak ni Abby ang kamay ng asawa n'ya. Ewan n'ya pero nakaramdam s'ya ng inis na hindi n'ya maipaliwanag. Nalipat ang mga mata nya sa mukha ng babae. Kahit nasa di kalayuan ay kilalang-kilala n'ya si Abby.
Nakita n'yang inalis ng asawa ang kamay ni Abby na pumipigil rito. Naglakad ito palapit sa kinatatayuan n'ya. Hindi s'ya makakilos kahit nais n'yang iwasan ang asawa.
"What are you doing here?" Kunot noong tanong ni Giovanni sa kanya, nang huminto ito sa tapat n'ya. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang pagsuri nito sa suot n'ya at bumuntong hininga. Tila may pagkadisgusto sa suot n'ya.
"I'm here to have fun," taas kilay na sagot n'ya ay sinulyapan si Abby na nanatiling nakaupo at nakatingin sa kanila ng asawa.
"And you think you have the right to have fun dito sa bar, with that short?" May himig galit na sita sa kanya ni Giovanni. Niyuko n'ya ang sarili. Wala s'yang nakikitang masama sa suot n'ya. Kung ikukumpara ang suot n'ya sa suot ni Abby eh mas malala naman ang outfit ni Abby, na halos lumuwa na ang mga dibdib sa sobrang hapit ng suot nitong maiksing bestida.
"Ano naman ang mali sa suot ko?" Inis na tanong n'ya at nalipat sa asawa ang mga mata. Gwapo nga talaga si Giovanni kahit sa may pagka dimlight na ilaw eh lutang na lutang pa rin ang kagwapuhan nito.
"Let's go!" Anyaya nito sa kanya, at hinawakan s'ya sa braso, giniya na s'ya palabas ng bar. Mahigpit ang hawak nito sa kanya at halos kaladkarin na s'ya ng asawa palabas ng bar.
"Giovanni teka lang!" Protesta n'ya. Habang palabas sila ng bar at umaagaw ng atensyon ang halos pagkaladkad sa kanya ni Giovanni palabas ng bar.
"Bitiwan mo ko!"
Para namang walang naririnig si Giovanni na tuloy lang sa paghila sa kanya sa braso hanggang sa makalabas na sila ng bar.
"Ano ba!" Asik n'ya at winasiwas ang braso para mabawi 'yon sa asawa. Nagawa naman n'yang mabawi ang braso n'ya sa asawa.
"Pwede ba! huwag mo kong kaladkarin na para bang may karapatan ka!" Inis na sabi n'ya rito at hakmang papasok muli sa bar nang hinarangan s'ya ng asawa.
"Don't you dare Iya," may pagbabanta sa tono nito. At tinignan s'ya ng masama.
"Bakit ba?" Inis na sabi n'ya at sinubukang itulak ito. Pero hindi man ito natinag.
"Kapag ikaw pwede! Ako hindi?" Tuya n'ya rito.
"Unfair naman yata yan Giovanni! ikaw pwede kang makipagkita sa ex girlfriend mo at makipag inuman! Samantalang ako hindi pwede!" Galit na litanya n'ya rito.
"Yes, hindi pwede!" Sagot nito at muli syang hinila sa kamay.
"Aakyat na tayo sa suit natin at magpapahinga na!" Sabi nito habang hila-hila s'ya nito sa kamay.
"Giovanni sandali, hinihintay ako ni Lauren," sabi n'ya. Napatigil si Giovanni sa pag hakbang at liningon s'ya. Masamang tingin ang pinukol nito sa kanya. Napalunok s'ya at nakaramdam ng takot. Inaakala nga pala ng asawa na lalaki si Lauren.
"So, may balak ka pang makipagkita sa lover mo, bago mo ko samahan! Ganoon ba Iya?" Mabalasik na tanong nito. Pinagpapasalamat n'yang walang tao sa pasilyo dahil kung hindi ay nakakahiya ang ginagawa nila ng asawa.
"Bitiwan mo nga ako!" Tanging sabi n'ya. Hindi n'ya itatama ang asawa sa ano mang iniisip nito kay Lauren. Hahayaan n'ya itong mag-isip ng gusto nito.
"Hindi na kita hahayaan pang makipagkita sa lalaking yon Iya!"
"At ikaw pwede kang makipagkita sa ex mo?" Sumbat n'ya rito. Tinapunan lang s'ya nito ng masamang tingin, kaya hindi na s'ya nakakibo pa.
"Let's go!" Sabi nito at hinila s'ya sa kamay, naglakad sila papunta sa may elevator, habang hawak-hawak ng asawa ang kamay n'ya. At aaminin n'yang may kakaiba nanaman s'yang naradamdaman sa paghawak ng asawa sa kamay n'ya.
Pagpasok sa elevator hindi pa rin binibitawan ng asawa ang kamay n'ya. Hawak-hawak pa rin nito 'yon. At nararamdaman n'ya ang mabibigat na paghinga ng asawa, kung para saan ay hindi n'ya alam. Kung naiinis ito sa kanya, naiinis din s'ya rito dahil iniwan s'ya nito at nakipagkita kay Abby. Pasimple n'yang tinapunan ng masamang tingin ang asawa.
Sumama s'ya sa asawa dahil alam nyang hindi nya kayang labanan ang asawa. At kung magmamatigas s'ya at baka gamitan sya ng pwersa ng asawa maibalik lang sa suit nila. Tatawagan na lang nya si Lauren mamaya.
Pagdating sa suit nila, mahigpit pa rin ang hawak sa kanya ni Giovanni hanggang sa makapasok sila sa loob. Pagpasok sa loob marahas n'yang binawi ang brasong hawak nito.
"Hanggang ngayon ba ang pagiging bayolente mo sa akin ay hindi mo p rin inaalis?!" Mabalasik na tanong n'ya sa asawa.
Napatitig sa kanya si Giovanni. Ramdam n'yang may nasi sabihin ito pero hindi nito tinuloy. Bagkus nagpakawala lang ito ng malalim na buntong hininga.
"Magpahinga ka na, maaga pa ang alis natin, sabihin mo na rin sa Lauren na 'yon na hindi na kayo magkikit pa kailanman!" Mariing sabi nito at naglakad sa loob. Binagsak nito ang katawan sa malaking sofa. Nakasunod lang s'ya ng tingin rito.
"I hate you!" Mariing sabi n'ya rito. Pero wala s'yang narinig na sagot mula sa asawa.
Padabog s'yang naglakad sa may malaking kama. Buti naman ang hindi tumabi sa kanya ang asawa at sa sofa ito pumuwesto.
Inis s'yang nahiga sa kama at hindi mapigilan ang sarili na mapasulyap kay Giovanni. Hindi n'ya alam kung nakapikit na ito o ano. Nakikita lang n'ya ang ulo nito.
"Giovanni," bulong n'ya at naramdaman ang pagtulo ng mga luha.