Giovanni-3

1122 Words
Pumasok sila ni Giovanni sa isang sikat na hotel sa New York. Sumama na s'ya para wala na lang gulo, alam n'yang pag sinabi ni Giovanni ay gagawin nito. Isa pa minsan na n'yang naranasan ang kalupitan nito, at ayaw na n'ya sanang maulit pa. "Get in," utos nito ng buksan ang suit nila. Tumambad sa kanya ang luxury suit na alam n'yang nakakalula sa presyo, kahit isang gabi lang silang mag i-istay. But, knowing Giovanni, money is never been a problem. "Nasabihan mo na ba si Lauren na hindi ka na babalik pa?" Tanong nito ng makapasok na sa malaking silid. "Babalik ako rito Giovanni, alam kong matapos mong makuha ang gusto mo ay paaalisin mo rin ako," sagot n'ya rito. "Hindi ka na makakaalis pa ng San Rafael Iya, itatak mo 'yan sa kokote mo. Kaya kung ako sa iyo tapusin mo na kung ano mang meron kayo ng Lauren na 'yon" "Kaibigan ko si Lauren," nakuha n'yang isagot at naupo sa nag-iisang kama roon. "Kaibigan?" Tuya nito. "Kung salubungin mo s'ya kanina sa pinto ay halos wala ka ng saplot," dugtong nito na may himig galit. Galit na ewan n'ya kung bakit. "Kung alam ko lang na ganito ang gagawin mo matapos mong makasal sa akin. Tatakasan mo lang ako, di sana hindi na lang kita pinakasalan pa!" May galit sa tono nito. "Kung alam ko lang din na ganoon ang gagawin mo sa akin sa unang gabi natin bilang mag asawa ay di na lang din sana kita pinakasalan!" Mabalasik na sagot n'ya. Hinding-hindi n'ya makakalimutan ang gabing 'yon. 'Yon ang gabing pinagsisisihan n'yang minahal n'ya si Giovanni. Nagsisisi s'yang nagpakasal s'ya rito dahil nabulag s'ya ng pagmamahal ng batang puso n'ya rito. Pero dalawang taon na ang nakalipas, at hinding-hindi na s'ya papalinlang pa kay Giovanni, hindi na s'ya mahuhulog muli rito. Dalawang taon na n'yang sinara ang puso n'ya kay Giovanni at mananatili 'yong nakasara. "Baka nakakalimutan mo ikaw ang gumawa ng paraan kung bakit tayo narito ngayon sa ganitong sitwasyon!" "Hindi ko makakalimutan 'yon Giovanni! dahil ang mahalin ka noon ang pinaka malaking pagkakamaling nagawa ko sa buong buhay ko! at pinangangako kong hinding-hindi na kita mamahalin muli!" Galit na litanya n'ya at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at mabilis na naglakad sa may pintuan kung para saan ang pintuan na 'yon ay hindi n'ya alam. Basta nais n'yang makaiwas kay Giovanni, nais n'ya itong iwasan kahit sandali lang. Pagbukas n'ya sa pinto tumambad sa kanya ang malawak na bathroom. Nagbuga s'ya ng hangin at sumandal sa likuran ng pintuan. Bakit ganito ang nararamdaman n'ya? Bakit s'ya nasasaktan? Bakit sa tuwing titingin s'ya kay Giovanni ay lumulukso ang puso n'ya? Bakit naroon pa rin ang dating excitement na nararamdaman n'ya kay Giovanni sa tuwing nakikita n'ya ito. Bakit naroon pa rin ang kaba sa dibdib n'ya sa tuwing titigan s'ya ng magagandang mga mata ni Giovanni? "Stop it Iya! Stop it!" Bulong n'ya sa sarili at hindi maiwasan ang maiyak. Dalawang taon na ang nakakalipas mula ng umalis s'ya ng San Rafael para takasan ang buhay n'ya bilang Mrs. Saavedra. Dahil ,yon sa gabing hindi n'ya malilimutan. Ang gabing sinaktan s'ya ni Giovanni, ang gabing ginamitan s'ya ng dahas ng lalaking mula pagkabata ay tagapaglistas na n'ya. Pero ito rin pala ang mananakit sa kanya. Umalis sya ng San Rafael para iwan na si Giovanni na asawa n'ya, dahil hindi na n'ya kaya ang sakit. Oo s'ya ang may kasalanan kung bakit sila pinakasal ng mga magulang nila, pero kung ano man ang nagawa n'ya ay dahil lahat 'yon sa pagmamahal n'ya kay Giovanni. At ngayon makalipas ang dalawang taon nag krus muli ang landas nila ng asawa sa hindi inaasahang pagkakataon. Anong gagawin n'ya para makaiwas muli sa asawa? Hindi pa s'ya handang makisama muli sa asawa. Wala pa s'yang lakas ng loob para pakisamahan muli ito. Pero anong gagawin n'ya, kung hindi n'ya ito magawang labanan? "Iya! Iya!" Tawag ng asawa sa may pintuan, kasabay ng pagkatok nito. "Lumabas ka d'yan! huwag kang parang batang magkukulong d'yan!" Mariing sabi nito, nasa tono ang galit at lumakas ang pagkatok nito sa pintuan. "Go away!" Hiyaw n'ya. "I'm gonna break this damn door Iya kapag hindi ka pa lumabas d'yan!" Banta nito sa kanya. At alam n'yang gagawin ni Giovanni ang bagay na sinasabi nito. Bumuntong hininga s'ya at marahas na pinunasan ang mga luha sa pisngi. Bago binuksan ang pintuan. "What?!" Hiyaw n'ya ng pagbuksan ito. "Did you just cry?" Kunot noong tanong nito. At sinusuri ang mga mata nya. akmang hahawakan s'ya nito sa pisngi ng mabilis n'yang tinabig ang kamay nito. "Ano naman sa iyo kung umiiyak ako!" Taas noong tanong n'ya at mabilis na linagpasan ito. "At ano naman ang dahilan ng pag-iyak mo?" "Bakit gusto mo pang malaman?" "Nagpapaawa ka nanaman like the old days? Like those days na ni hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo sa pusa?" Litanya nito. Alam nya ang tinutukoy nito. Noong nasa highschool s'ya hindi s'ya makadaan dahil may nakaharang na pusa sa kalsada. Nanginginig s'ya sa takot noon at umiiyak sa napaka helpless n'yang sitwasyon. Saktong napadaan naman si Giovanni noon sakay ng kotse nito at nakita s'yang nanginginig sa takot at umiiyak. Tinulungan s'ya nito, ito ang nagtabi sa pusa para makadaan s'ya. Isa sa mga bagay na nais na din n'yang kalimutang ginawa ni Giovanni sa kanyan noong kabataan n'ya. "Hindi ako nagpapaawa sa iyo! Kahit kailan hindi ako nagpaawa!" pagtatama n'ya sa akusa nito. "Really? Hindi bat you can't even protect yourself noon. Then I was always there to saved and protect you" Panunuya nito. Iniisip ba nitong gawa-gawa lang n'ya lahat ng mga 'yon noon? Iniisip ba nitong nagpapanggap lang s'yang mahina at clumsy para protektahan nito? Bumuntong hininga s'ya at nagkibit balikat. "Isipin mo ang gusto mong isipin Giovanni! Wala na kong pakialam sa iisipin mo, dahil hindi na ko magsasayang ng oras para ipaliwanag sa iyo ang side ko" Yamot na litanya n'ya. "Hindi mo naman kailangan magpaliwanag pa Iya, I know and I saw who you really are. You pretend to be weak para protektahan ka. But deep inside you are brave, dahil nagawa mo kong pikutin sa mura mong edad. Na kung titignan kita noon ay tila birhen na hindi kayang manakit ng insekto. But I was wrong. Dahil nakita ko kung gaano ka kalakas at ka tuso pagdating sa pagmamanipula ng mga tao sa paligid mo!" Mahabang litanya nito. "I don't care anymore Giovanni. Dahil ikaw man ay nagpanggap sa akin! Pinaniwala mo kong hindi mo ko sasaktan at poprotektahan mo ko. But that night. That night Giovanni was a nightmare!" Hindi n'ya mapigilang maiyak habang inaalala ang mga nangyari ng gabing 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD