Giovanni-6

1528 Words
Flashback "Yaya dumating na po ba si Kuya?" Masiglang tanong n'ya habang pababa ng hagdan. "Oo nasa Gazebo na sila, kasama si Giovanni," sagot nito, at agad napatingin tray na bitbit nito. "Para sa kanila po ba 'yan?" "Oo meryenda, request ng Kuya mo," sagot nito. Napangiti s'ya at biglang naisip na s'ya na lang ang magdadala sa meryenda ng kapatid at ni Giovanni. Bibit ang tray nakangiti s'yang naglakad palabas ng bahay, para puntahan ang Kuya Lance n'ya at si Giovanni. Si Giovanni ang matalik na kaibigan ng kapatid n'ya. Kinse anyos s'ya ng makilala si Giovanni, madalas kasi ito magpunta sa bahay nila para makipaglaro ng basketball sa kuya n'ya, kung di naman para makipag kwentuhan lang. Taga San Rafael din si Giovanni ang pamilya nito ang nagmamay-ari sa katabi nilang Asyenda, at bukod sa asyenda may iba't ibang pang negosyo ang pamilya ni Giovanni. Gwapo si Giovanni, matangkad at may pagka tan ang kulay ng balat. Maraming mga kababaihan ang nagpapapansin kay Giovanni sa bayan nila, mula pa naman noon hanggang ngayon ay marami pa ring naghahabol kay Giovanni. At aaminin n'yang isa s'ya sa mga naghahabol kay Giovanni. Mula ng makilala n'ya si Giovanni ay humanga na s'ya rito, kinse anyos palang s'ya noon ng magsimula ang pagka crush n'ya kay Giovanni. Unang beses s'yang niligtas nito sa pusa sa may kalsada noon, at sumunod ng hindi dumating ang Kuya Lance n'ya para sunduin s'ya sa school. Si Giovanni ang dumating para sunduin s'ya. At sa bawat maliliit na bagay na ginagawa ni Giovanni para sa kanya ay lalong lumalim ang paghanga n'ya rito, napaka gentleman kasi nito at parang ang sarap sa pakiramdam na laging may isang Giovanni ang nariyan para i save s'ya. Hindi naman ganoon kalayo ang agwat nilang dalawa, limang taon ang agwat nila magkasing edad ang Kuya Lance n'ya at si Giovanni. Ngayong desiotso na s'ya pakiramdam n'ya hindi na crush ang nararamdaman n'ya para kay Giovanni. Sa edad n'yang desiotso marami na rin ang nagpaparamdam sa kanya, lalo na sa eskwelaan nila, pero lahat ng mga 'yon ay hindi n'ya pinapansin. Dahil si Giovanni lang ang gusto n'ya sanang maging first boyfriend. Kaya lang hindi n'ya alam kung paano malalaman ni Giovanni ang nararamdaman n'ya para rito. Nahihiya naman s'yang magtapat rito, baka kasi mapahiya lang s'ya, baka pagtawanan din s'ya nito. Mula sa may kalayuan pinagmasdan n'ya si Giovanni habang nakikipag kwentuhan sa kuya Lance n'ya. Napaka natural at gwapo nitong tignan. Napangiti s'ya habang hindi maalis-alis ang mga mata kay Giovanni. Alam n'yang pupunta si Giovanni sa bahay nila ngayon, nasabi ng Kuya Lance n'ya, kaya naman pinaghandaan n'ya ang pagdating ni Giovanni. Nag-ayos s'ya at sinuot at bagong bestida, baka sakaling mapansin s'ya ni Giovanni. Humugot muna s'ya ng malalim na paghinga at ngumiti, saka naglakad patungo sa gazebo kung saan nagkukwentuhan ang kuya n'ya at si Giovanni. "Hi," magiliw na bati n'ya para makuha ang atensyon ng mga ito. Agad naman napalingon si Giovanni sa kanyan. "Oh, hi Iya," bati ni Giovanni sa kanya at tumayo ito mula sa pagkakaupo, sinalubong s'ya nito at agad na kinuha nito ang bitbit n'yang tray. "Salamat," pa cute na pasalamat n'ya. "Bakit ikaw ang nagdala nito?" Tanong ng kuya Lance. "May iniutos kasi ako kay Yaya, kaya ako na ang naghatid," sagot n'ya at sumunod kay Giovanni sa gazebo. "Anong pinag-uusapan n'yo?" Tanong n'ya at sinulyapan si Giovanni na saktong umiinom ng juice sa baso. Napalunok s'ya habang nakatingin kay Giovanni. Sa simpleng pag inom lang ni Giovanni sa baso ay kakaiba na ang narararmdaman n'ya. Bakit naman kasi ang gwapo nito? Kung bakit naman kasi ang lakas ng appeal nito? Ang hirap tuloy na hindi ma attract. "Business as usual," sagot ng Kuya Lance n'ya. "Talaga business? Hindi babae?" Paninigurado n'ya at naupo sa bakanteng upuan. Muling sinulyapan si Giovanni na napatingin sa kanyan. Ngumiti ito sa kanya, pakiramdam tuloy n'ya lumuksok ang dibdib n'ya. Ang simple lang tignan ni Giovanni plain white shirt, and maong pants lang but still he manage to be handsome like hell. "Sino bang babaero sa amin?" Tanong ng Kuya Lance n'ya. Sa tagal na rin n'yang kilala si Giovanni isa pa lang ang natunugan n'yang naging girlfriend nito. Si Abby, Abby Alegre. Taga dito din sa baya nila si Abby, at magkaka eskwela ang tatlo noong nag-aaral pa ang mga ito. Pero sa pagkakaalam n'ya tapos na ang relasyon ni Giovanni kay Abby. Isa pa nakikita na n'ya sa mall si Abby na may kasamang ibang lalake, kaya posible ngang hiwalay na ang dalawa. "I know na hindi kayo babaero pareho ni Giovanni," sagot n'ya na may kaunting pa cute at sinulyapan si Giovanni na busy sa paghiwa ng sandwich. Napangiti lang s'ya at napalingon sa kapatid na na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya. Mabilis s'yang nag-ayos ng sarili at nagpaalam na muna sa dalawa, sapat na rin 'yung nakita na n'ya ng malapitan si Giovanni. Alam n'yang hindi lang simpleng crush ang nararamdaman n'ya para kay Giovanni, alam n'ya sa sarili n'yang malalim na ang damdamin n'ya para kay Giovanni. Iniisip tuloy n'ya ngayon kung paano kaya n'ya mapapa-ibig si Giovanni sa kanya. Kung paano s'ya mapapansin ng isang Giovanni Saavedra. Isang gabi nadatnan n'ya sa bahay nila si Giovanni nasa may bar ito kasama ang Kuya Lance n'ya. Mukhang umiinom ang mga ito. Agad n'yang inayos ang damig at buhok bago naglakad palapit sa dalawa. "Good evening," masiglang bati n'ya sa dalawa at agad na napalingon si Giovanni sa kanya. "Good evening, Iya," bati nito sa kanya. Lumukso nanaman ang puso n'ya sa tuwa. Habang nakatingin sa gwapong mukha ni Giovanni. "Ginabi ka yata?" Tanong ng kuya n'ya. Nalipat ang atensyon n'ya sa kapatid. "Kasama ko sina Claire kuya nag mall lang kami after class," sagot n'ya sa kapatid at muling sinulyapan si Giovanni na may hawak na basong may laman ng alak. "Baka nag bo-boyfriend ka na Iya ah, baka hindi ka makapagtapos ng pag-aaral mo n'yan," litanya ng kapatid sa kanya. "Kuya naman," ismid n'ya at napatingin si Giovanni sa kanya. Ngumiti ito sa kanya. Napangiti din tuloy s'ya. "Umakyat ka na Iya, magpahinga ka na," utos ng kapatid. Agad na s'yang nagpaalam kay Giovanni at mabilis na umakyat sa taas. Nagtuloy s'ya sa silid at nagtatalon dahil nginitiian s'ya ni Giovanni. Sinulyapan n'ya ang sarili sa salamin para makita kung maganda pa ba s'ya baka mukha na s'yang haggard. Ngumiti, ngiti s'ya sa harap ng salamin para makita kung maganda ba s'ya. "Perfect!" Bulalas n'ya. "Ang ganda mo talaga Iya," sabi n'ya sa sarili. Bago matulog nagbabad muna s'ya sa bathub para ma relax ang katawan. Isa sa hilig n'ya ay ang paglilinis ng katawan at pagpapaganda. Nais n'yang perfect s'ya from inside and out. Matapos ang bente minutos na pagbababad sa bathtub lumabas na s'ya ng banyo. Roba lang ang tanging tumatakip sa katawan n'ya at nakabalot sa ulo n' ya ang towel para sa tumutulo n'yang buhok. Napasimangot s'ya ng mapansing wala sa drawer ang blower n'ya para patuyuin ang basang buhok. Kaya naman nagmadali s'yang lumabas ng silid. Sa guest room n'ya naiwan 'yon kanina sa pagmamadali n'ya. Agad s'yang pumasok sa guest room. Nagulat pa s'ya ng bukas ang ilaw sa loob pero wala namang tao. Naisip n'yang baka naiwan n'ya 'yon kanina. Lumapit s'ya sa tokador kung saan nakalagay ang hair dryer, lumapit s'ya roon para damputin. Napatigil s'ya ng biglang may narinig na bumukas na pinto. Napalingon s'ya at napatigil ng makita si Giovanni na kalalabas lang ng banyo, nagpupunas pa ito basang buhok, mukhang bagong ligo nito. Napalunok s'ya habang pinaglalandas ang mga mata sa hubad na katawan ni Giovanni. Wala itong damit na pang itaas at tanging boxer short lang ang suot nito. Sunud-sunod na lunok ang ginawa n'ya habang hindi maalis-alis ang mga mata aa magandang katawan ni Giovanni. Hindi pa s'ya nito napapansin dahil busy sa pagpunas ng basang buhok nito. Napahinto ito sa paghakbang ng mapansin s'ya na nakatayo sa may tokador. "Iya?" Kunot noong sabi nito sa pangalan n'ya. Napalunok s'ya at di magawang alisin ang mga mata sa magandang katawan ni Giovanni. "What are you doing here?" Tanong nito. Hindi n'ya alam na narito sa guest room si Giovanni. Alam n'yang madalas ito sa bahay nila, pero ito yata ang unang beses na nakita makikitulong ito sa bahay nila. "Giovanni," sambit n'ya sa pangalan nito. "Sorry, Iya magbibihis lang ako," paumanhin nito, marahil dahil nahalata nito ang pagtitig n'ya sa magandang katawan nito. "Giovanni," pigil n'ya rito ng akmang babalik ito sa banyo. Hindi n'ya alam kung bakit, pero may sariling isip ang mga paa n'yang humakbang palapit sa kinatatayuan nito. "Iya?" Kunot noong sabi nito. Hindi nakaligtas sa kanya ang pasimpleng pagsuri nito sa kabuuan n'ya. Wala s'yang ano mang suot kundi roba lang ang dahil may kalakian ang mga dibdib n'ya ay halos nakalabas na rin ang mga 'yon at hindi ilang beses n'yang doon nakitang nakatingin si Giovanni. At napansin din n'ya ang pag galaw ng adams apple nito. Napaisip tuloy s'ya, may chance kayang naakit din n'ya ito? Posible kayang hindi immune sa kanya si Giovanni?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD