Kanina pa s'ya nakatingin sa labas ng bintana ng eroplano. Malapit na silang lumapag sa pilipinas. Nasa tabi n'yang upuan si Giovanni na busy naman sa telepono. Kanina pa ito may kausap at sa pagkakaintindi n'ya sa pinag-uusapan ng mga ito ay tungkol sa negosyo. Alam n'yang isa ng matagumpay na negosyante ang asawa n'ya. Sinulyapan n'ya ang asawa na hawak pa rin ang telepono habang nakatuon ang mga mata sa laptop nito. Masyado itong busy para mapansin pa s'ya ng asawa. Hindi n'ya alam kung bakit s'ya sumama pabalik ng pilipinas sa asawa, ngayong alam naman n'yang sasaktan lang n'ya muli ang sarili. Kung bakit hindi s'ya nakatanggi rito. Maayos na ang buhay n'ya sa New York, masaya at kontento na s'ya. Naipagpapatuloy n'ya ang pag-aaral n'ya malapit na nga rin s'yang maka graduate, saka