Sa isang mamahaling restaurant sila nagtungo ni Giovanni para makipag dinner sa Papa nito. Ito ang unang beses na makikilala n'ya si Mr. Gabriel Saavedra. Marami na s'yang naririnig tungkol kay Mr. Saavedra, na isa itong magaling at tusong businessman. May tatlong anak na lalaki sa tunay na asawa at bunga si Giovanni Saavedra ng minsang pagtataksil ni Mr. Saavedra sa tunay nitong asawa. Isang eleganteng evening dress ang suot n'ya. Si Giovanni ang pumili ng isusuot n'ya, basta na lang nito pinahatid sa kasambahay ang kulay asul na evening dress. Hindi na s'ya nagmatigas pa ng makita kung gaano kaganda at ka elegante ang dress. Sa tagal na rin n'ya sa New York wala tanging mga jeans and short lang ang nasusuot n'ya wala naman kasi s'yang pupuntahang pormal na event. Bar at fast food lang n