Kinasal sila ni Giovanni kinabukasan sa munisipyo, kaibigan ng Daddy n'ya si Mayor kaya naisaayos ang lahat. Isa na nga s'yang ganap na Mrs. Giovanni Saavedra hindi man sa ganitong paraan n'ya pinangarap na ikasal kay Giovanni ay masaya pa rin s'ya dahil si Giovanni ang groom n'ya. Walang flowers o engrandeng ayos, ok lang sa kanya, dahil mahal nama n'ya ang lalaking pinakasalan. 'Yun nga lang magpahanggang ngayon hindi pa n'ya alam kung ano nga ba ang nasa isip ni Giovanni, kung bakit s'ya nito pinakasalan. Matapos ang kasal kumain sila sa kilalang restaurant. Pinasakay na s'ya ng mga magulang sa kotse ni Giovanni. Hindi namaj n'ya first time na sumakay sa kotse nito, ilang beses na rin s'yang naihatid at nasundo nito sa eskwelaan noon, pero iba ang pakiramdam n'ya ngayon sa loob ng kot